Villanueva- Adriane NOEL-BSN 2D- Gawain 2-`102 PDF

Title Villanueva- Adriane NOEL-BSN 2D- Gawain 2-`102
Author adrianenoel villanueva
Course Nursing
Institution Western Mindanao State University
Pages 21
File Size 906.2 KB
File Type PDF
Total Downloads 297
Total Views 615

Summary

EKOKRITISISMO BILANG INTERDISIPLINARYO( CMO 2 s. 2019)____Aralin 3PanimulaSinasabing, angNabanggit na sa nakaraang aralin ang kahalagahan ng ekokritisismo sa kalikasan.Ang ekokritisismo bilang disiplina ay maaari ring maiuugnay sa iba’t ibang larang upang masmauunawaan pa nang lubos kung ano ang pap...


Description

EKOKRITISISMO BILANG INTERDISIPLINARYO ( CMO 2 s. 2019) ____________________________________________________________________________

Aralin 3

Panimula Nabanggit na sa nakaraang aralin ang kahalagahan ng ekokritisismo sa kalikasan. Ang ekokritisismo bilang disiplina ay maaari ring maiuugnay sa iba’t ibang larang upang mas mauunawaan pa nang lubos kung ano ang papel na gagampanin nito sa iba pang disiplina gaya ng sikolohiya, agham, antropolohiya, panitikan at iba pa.

Sinasabing, ang panitikan ay maituturing na repleksyon ng isang lipunan. Ito ay karaniwan nang tumatalakay sa mga bagay na nagaganap at maaari pang magaganap sa isang pamayanan. Inilalarawan dito ang tungkol sa pinagmulan o nakaraan ng isang partikular na bagay, kung paano namumuhay ang mga tao noong unang panahon at kung anong mga bagay ang nakapagpapaligaya sa mga tao na ayon sa kanilang mga pinapangarap sa hinaharap (Hufana e al. 2018).

Sa araling ito, matatalakay ang kaugnayan ng ekokritisismo sa iba’t ibang larang gaya ng kultural-antropolohiya, sosyolohiya, araling pampanitikan at iba pang disiplina. Samakatuwid, ang mga akdang nag-ugat sa kanunu-nunuan at manatiling buhay sa bagong salinlahi ay nagtataglay ng mga kaalamang patungkol sa lipunang pinag-ugatan nito at gayondin naman ng kariktan at may dalang kaalaman na kailangan sa lipunan sa patuloy nitong pakikipamuhay sa mundo.

Mga Layunin Pagkatapos ng pagtatalakay, ang mga mag-aaral ay inaasahang ;

Naipaliliwanag ang kaugnayan ng ekokritisismo sa iba’t ibang larangan ; Kultural-antropolohiya Sosyolohiya Araling Pampanitikan Iba pang larang Naibibigay ang sariling pananaw tungkol sa ; interkoneksyon ng kalikasan at kultura. Kalikasan bilang protagonist sa mga akdang panitikan Ang ekokritisismo sa pagdalumat ng panitikan.

Balangkas ng Paksa

Aralin 2 – Ugnayan ng Ekokritisismo sa Iba’t ibang Larangan Ekokritisismo at Kultural-Antropolohiya Interkoneksiyon ng Kalikasan at Kultura Ekokritisismo at Sosyolohiya Ekokritisismo at Araling Pampanitikan ___

Kalikasan bilang Protagonista sa mga Akdang Pampanitikan Ang Ekokritisismo sa Pagdalumat ng Panitikan

SUBUKIN NATIN ! A.

PANUTO : Ayusin ang mga letra upang matukoy ang iba’t ibang disiplina na

maiuugnay sa ekokritisismo.

Ekokritisismo MKOSRIOIKISET Antropolohiya

OHTAOYALOINPR Sosyolohiya

AYOIOLSHYOS Panitikan

-

NINATIKAP

Kultura

RLUTLKAU

-

PAG-ISIPAN MO !

PANUTO : Ayon sa iyong napag-aralan hinggil sa ekokrirtisismo, gumawa ng sariling PosterSlogan na may kinalaman sa ugnayan ng ekokritisismo sa iba’t ibang larang. At ipaliwanag ito ayon sa sariling pananaw.

Halimbawa : Ekokritisismo at Sining. Pamantayan sa pagbibigay ng puntos sa pagsagot ng mga pagsasanay . Ang iyong sagot:

Ekokritisismo at Kalikasan

B- PANUTO : Bumuo ng komposisyon o sanaynay tungkol sa interkoneksiyon ng ekokritisismo sa kalikasan at kultura.

RUBRIKS

Pamantayan sa pagbibigay ng puntos sa pagsulat ng komposisyon, talata o sanaysay.

KULTURA, DAAN SA PANGANGALAGA

Magkabuhol ang kalikasan at kultura na ibinabandila sa mga akdang pampanitikan. Tuon ng ekokritisismo ang interkoneksiyon sapagitan ng kalikasan at kultura, partikular na sa kultural na artifacts pagitan ng kalikasan at kultura, partikular na sa kultural na artifacts na wika at panitikan. Marami na ang Nawala sa ating katutubong kultura sa loob ng mahabang panahon na tayo ay sinakop at muling sinakop, at patuloy na nasasakop ng mga dayuhang elemento na umiikot sa daigdig. Ang kapaligiran at ang tagla nitong likas na yaman ang siyang nakaranas ng pinakamatinding pagkagahasa at pag-aabuso. Dahil dito, dala ng industrialisasyon, ay nasisira din ang ating kultura dahil sa pagkasira ng kalikasan, ay nasisira na rin ang ating mga katutubong gawain. Kung kaya’t sabihin mang primitibo o backward ang katutubong kultura, nagtataglay ng pagtangi sa kalikasan at ang yaman nito. Ang kaunlaran naman ay makakamit pa rin kasabay ng maingat ba pangangalaga ng kalikasan kung ang ating mga katutubong pamamaraan ay di natin tatalikuran. Ang koneksiyon na ito ang magbibigay-daan sa pagiging interdisiplinaryo ng ekokritisismo sapagkat ito ang magpapatunay na ang interaksiyon ng tao at kalikasan ay napapalinaw ng kultura ng mga pangkat-etniko kaugnay sa pangangalaga ng kalikasan.

ARALIN 2 – UGNAYAN NG EKOKRITISISMO SA IBA’T IBANG LARANG

2.1 . EKOKRITISISMO AT KULTURAL- ANTROPOLOHIYA Ayon kay Horace (c.13 B.C., Arts Poetica ad Pisones), ang Panitikan ay may layuning mag-aliw at magturo. Nagsisilbing daan ang kasiyahang dulot ng panitikan sa lipunan sa pakikipag-ugnayan ng tao sa Maykapal samantalang ang kaalamang dulot ng akda ay maging ng tao sa kanyang pakikipag-ugnayan sa kapwa at kanyang kapaligiran sa kalahatan. Masasalamin sa maraming panitikang lumaganap sa tradisyong pasulat maging sa tradisyong oral kung paano nakikipag-ugnayan ang mga tao sa lipunan o kapaligiran. Sinusuri ang ugnayan ng tao at kalikasan na naging bahagi ng panitikan sa lente ng ekokritisismo. Ang mga tema ng pagbubunyi ng kalikasan at pagbibigay-babala ng mga panganib sa kalikasan na mababanaag sa panitikang-bayan ay maisasanib din dito. Ito ay sa kadahilanang, ang pagsusuring gamit ang ekokritisismo, pag-aaral ng kultura at antropolohiya at iba pang teoryang pampanitikan ay interdisiplinaryo at higit na mas malalim ang pagpapakahulugan sa mga akdang pampanitikan na pumapaksa sa kalikasan. 2.2 . INTERKONEKSIYON NG KALIKASAN AT KULTURA Sinasabing, masasalamin ang kultura ng lipunan kung paano sila nakikipag-ugnayan sa kapwa-tao at sa mga di tao o kalikasan sa mga panitikan. Dito, masusuri mula sa panitikan gamit ang metapora ng wika kung ano ang ugnayang namamayani sa tao at ng kalikasan, kung ito ba’y kanyang ipagbubunyi o kaya’y mailalagay sa panganib . Totoong ang panitikan at kultura ay sadyang may ugnayan. Ang ganitong konsepto ay ipinaliwanag nina Gesdorf at Mayer (2006). Ayon sa kanila, hindi maaaring maipaghiwalay ang pag-aaral ng kultura at panitikan. Ang pagpapaliwanag tungkol sa ugnayang kalikasan at kultura ay magbibigay-daan sa pagiging interdisiplinaryo ng ekokritisismo.

2.3. EKOKRITISISMO AT SOSYOLOHIYA Ang panahong tag-init na nararanasan ng bansa na dulot ng pagkasira ng kalikasan ay paksang nakababahala sa larang ng agham, ekonomiya, politika, antropolohiya, at iba pang ahensiya ng pamahalaan na may tungkulin sa pangangalaga ng kalikasan gaya ng Department of Environment and Natural Resources (DENR). Gayunpaman, ang mga manunulat ay may malaking maitutulong sa paglutas ng usaping tungkol sa kalikasan sa tulong ng mga akdang pampanitikan para maipabatid at maipaunawa ang etikal na pangangalaga sa kalikasan sa mga tao para na rin sa kanilang kapakanan.

Ayon kay Santos (2011), napuna nina Glotfelty at Fromm na ang pandaigdigang krisis ng ekolohiya ay di gaanong binibigyang-tuon ng literatura. Bagamat, may iilang mga malilikhaing akda tulad ng tula at awit hinggil sa kalikasan, dahil sa kakaunti sa uri, ito ay di na pinapansin kahit pa man sa sosyal midya. 2.4. EKOKRITISISMO AT ARALING PAMPANITIKAN Nag-uugat sa pagiging malawak ang saklaw ng ekokritisismo sa pag-aaral ng panitikan ang pagiging interdisiplinaryo nito. Sang-ayon kay Barry (2009), maaaring unibersal na modelo ang dulog na ito. Mula sa pagsilang ng ekokritisismo noong 1990 bilang disiplinang pang-akademiko, ito ay patuloy na umuunlad. Sa katunayan, sa papel ni Mishra na pinamagatang Literature Adapted into Film : an Ecocritical Analysis of Chander Pahar (The Mountain of the Moon), tinuran niyang : “Although ecocriticism emerged as a separate academic discipline of literary study during 1990’s ,it is by its very nature interdisciplinary. It is not a unitary discipline. All sciences come together to contribute to this theory. Ecocriticism seeks to explore the interconnectedness of the human and the non-human; finds the relationship between the literature and the physical environment since antiquity. Therefore, both History and Geography contribute to the field. It discovers ecological implication in literature, therefore, it is science likewise, it is related to politics, spiritualism, moral science philosophy etc. (2016 pp.70-71. ).” 2.5. KALIKASAN BILANG PROTAGONISTA SA MGA AKDANG PANITIKAN Ang panitikang nagtatanghal ng tao bilang pokus ng mga akdang pampanitikan ang karaniwan nang binabasa. Halimbawa nito ay kung babasahin ang akdang si “Si Matsing at si Pagong”, palagi nang ikinakabit ng mambabasa ang representasyon ng dalawang tauhan bilang mga tunay na tao. Si Matsing ay maituturing na mga tusong tao, mapanlinlang at hindi mapagkakatiwalaang kaibigan, samantalang si Pagong naman ay ang taong mahina subalit, matalino para maipaglaban ang sariling karapatan. Tinatawag na Anthropocentric ang pagbasang ito ng akda.

Binibigyang-halaga sa dulog ekokritisismo ang kalikasan na makikita sa akda nang sagayon, ang konsepto ng kahalagahan ng kalikasan ay mabigyang-pokus ng mga magaaral at guro na nagtuturo ng panitikan. Ayon sa nakasaad sa artikulo ni Larson (2012) na pinamagatang, “The Cosmopolitanization of Childhood: Eco-Knowledge in Children’s EcoEdutainment,” ang pagpapabatid ng mga kaalamang manghimok sa mga kabataan para makisangkot sa pagligtas ng mundo mula sa mga sakuna sa pamamagitan ng pag-analisa ng mga aklat-pambata na pangkalikasan.

2.6. ANG EKOKRITISISMO SA PAGDALUMAT NG PANITIKAN

Sa papel ni John Iremil E. Teodoro (2012), kanyang ginamit ang salitang “Bagong luma” upang mabigyang kahulugan ang ekokritisismo bilang dulog sa pagdalumat ng mga akdang pampanitikan na magtatanghal ng kalikasan bilang bida sa isang akda.Ito ay nangangahulugan na ang pangkalikasang isyu ay maaaring luma subalit, bago pa lamang lumilitaw ang pagpupunyagi na mabigyang-pokus ang mga nasabing isyu sa mga panitikan. Nangangahulugan din itong mga lumang akda na nilapatan ng bagong perspektiba sa nakapaloob na isyu dito. Hindi na lingid sa ating kaalaman na ang mga panitikang-bayan ng bawat lugar sa larawan tungkol sa kung paano ang pakikipag-ugnayan ng tao sa kalikasan. Lumang isyu, subalit hindi nabigyang-halaga ang seguridad na pangangailangan ng inang kalikasan laban sa mga taong mapangwasak.

GAWIN NATIN ! GAWAIN 1 PANUTO : Ipaliwanag ang ugnayan ng mga sumusunod na disiplina sa konsepto ng ekokritisismo.

Ekokritisismo at Antropolohiya

Ekokritisismo at Sosyolohiya

Ekokritisismo at Panitikan

Masasalamin sa maraming panitikang lumaganap sa tradisyong pasulat maging sa tradisyong oral kung paano nakikipag-ugnayan ang mga tao sa lipunan o kapaligiran. Ang pag aaral ng literatura sa pamamgitan ng ekokritisismo ay nagbibigay-daan sa pagtuklas sa iba’t ibang pamamaraan ng relasyon sa pagitan ng tao at kalikasan. Dahil dito, naipapaahiwatig ng ekokritisismo kung ang mga tao ba ay nakapagbibigay ng oras upang pangalagaan o sirain ang kapaligiran.

Sa gabay ng ekokritisismo, ang mga isyung panlipunan na may kinalaman sa kalikasan ay nabibigyan ng kalinawan ang mga tao dahil ito ay tumutulong upang lubos na maunawaan ang kapaligiran at upang mabatid at mas lalong maintindihan ang mga usapin na may kinalaman sa kalikasan. Kung kaya’t nakatutulong ito sa mga sangay ng pamahalaan gaya ng Department of Natural Resources o DENR na mapagbigay-alam sa mga tao sa lipunan ang mga usaping pangkalikasan.

Sa pamamagitan ng panitikan, ay lalo nitong napapaunlad at napapalawak ang ekokritisismo. Bukod pa rito, ay malalaman natin na dahil sa panitikan, sinasabi nito na ang ekokritisismo ay interdisiplinaryo. Samakatuwid, ipinapahayag nito na ang larangan ng panitikan ay nagbibigay-daan sa lubos na pag-unawa at pagbatid sa ugnayan ng literatura sa iba’t ibang sangay gaya ng agham at siyensya.

GAWAIN 2 PANUTO : Magbigay ng iba pang mga disiplina na maaaring maiugnay sa ekokritisismo at ipaliwanag ito.

DISIPLINA

SPIRITUALISMO

PALIWANAG Dahil ang ekokritisismo ay interdisiplinaryo, ito di lamang hango mula sa sangay ng agham at siyensya, ngunit ito ay maaari rin magmula sa sangay ng spiritualismo. Ito ay dahil ang ekokritisismo ay maaring magbigay ng mas malalim na pagkakaunawaan at pagbatid sa kalikasan mula sa pisikal na aspeto.

PILOSOPIYA

Ang ekoritisismo ay nagtataglay ng mga kaisipan at iba’t ibang mga pananaw pagdating sa kaugnayan ng mga tao at ng kalikasan. Dahil dito, ito ay nakapagbibigay ng mga ideya o paraan upang maipaliwanag ang mga suliranin sa pagitan ng tao at kalikasan.

HEOGRAPIYA

And disiplinaryong heograpiya ay ang nagpapakita na ang mundo ay may samu’t saring mga sitwasyon sa kalikasan dahil sa iba’t ibang mga anyo, klima, at mga namumuhay na tao. Kung kaya’t ang kalikasan sa iba’t iabng lugar ay may mga sarili nitong mga problema ngunit mga indibidwal din na pananaw at pagkakaintindi sa kalikasan.

KASAYSAYAN

Ang kasaysayan ay isa sa mga natatanging disiplina ng ekokritisismo sapagkat ito ay nagpapakita sa mga pananaw at mga impormasyon ng mga suliranin o sitwasyon na hinarap ng mga sinaunang tao hanggang ngayon na nakapagbibigay ng kaalaman sa paraan kung paano ito haharapin.

PULITIKA

May parte ang disiplinang pulitika sa ekokritisismo sapagkat ang pulitika ay mahalaga sa paggalaw ng lipunan. Dahil dito, malakas ang impluwensiya ng pulitika sa kung paano haharapin ng mga tao ang mga sitwasyon o suliranin na dala ng kapaligiran at kung paano ito makakaapekto sa pamumuhay ng mga tao.

GAWAIN 3 PANUTO : Ipaliwanag ang mahalagang papel na ginagampanan ng ekokritisismo batay sa ipinakitang larawan. Ang gawaing “illegal logging” ay isa sa mga malakas at malala ang pinsala sa kalikasan. Dahil dito, unti-unting nawawalan ng tirahan ang mga hayop at maaari rin itong makadulot ng malaking pinsala at pahamak sa mga tao sa kinabukasan. Sa ekokritisismo, ito ay maaaring magbigay mensahe at makapagbigay sa mga tao ng kaalaman tungkol sa epekto nito na maaaring mapalalim ang relasyon ng tao at ng kalikasan.

Sa ekokritisismo, natutulungan nito na makapagbigay ng halaga sa kalikasan dahil sa pagbibigay ng panibagong pananawa sa kalikasan. Mula kasi rito, ay nabibigyan ng ibang pananaw ang mga tao sa relasyon nito sa kalikasan. Ang kalikasan ay di lamang isang uri ng yaman ngunit ito ay isa ring tahanan ng mga nabubuhay na nilalang kagaya natin mga tao. Mula sa pananaw na ito, ay nahihikayat tayong pangalagaaan ang kalikasan.

Dahil sa disiplina ng ekokritisismo sa pulitikal na lebel, ang ekokritisismo ay nahihikayat din ang lipunan na magbigay aksyon sa pangangalaga ng kalikasan. Bukod dito, ay nakapagtutulong ang ekokritisismo sa sosyal na aspeto, dahil nagibibgay din ito ng koneksyon sa mga kapwa tao na may parehong layunin na panatilihin ang kalikasan upang makita at mapanatili pa ng mga susunod na henerasyon.

Ang konsepto ng ekokritisismo ay nagbibigay tuon sa papel ng kultura ng tao sa mga napapanahong krisis na siya ring makikita sa kaliksan. Kung kaya’t kung wala ito, ay di na natin namamalayan na ang relasyon natin sa kalikasan ay patuloy na nagbabago sa masamang paraan na nagdudulot ng pagsira natin nito.

_

Sinasabing, malaki ang naging tungkulin ng wika sa kapaligiran. Sapagkat, wika uturing na pinakamahalagang sangkap at ugnayan sa pakikipagkapwa-tao. ang tungkulin nito sa pakikipag-unawaan at pakikisalamuha ng tao sa tahanan, paaralan, pamayanan at lipunan (Hufana et al. 2018). Sa kabilang ng nagbibigay ng pundamental na mga pangangailangan ng tao ay ang kapaligiran at mga likas na kalikasan sa palibot.

Ipinaliwanag naman ni Dobie (2012), ekokritisismo ang tawag sa pag-aaral ng panitikan at kapaligirang mula sa interdisiplinaryong pananaw na kung saan, ipinagsama-sama ang lahat ng mga agham para pag-aaralan at susuriin ang kapaligiran at magpapalitan ng kaisipan sa posibleng solusyon upang maitama ang sitwasyong pangkapaligiran sa kasalukuyan. Sa lagay na ito, ang halaga ng ekolohiya sa panitikan ay hindi lamang umiiral bilang bahagi ng interdisiplinaryong prinsipyo sapagkat umaalingawngaw rin ito sa disiplina ng pag-aaral ng wika.

Pagkatapos ng pagtatalakay, ang mga mag-aaral ay inaasahang ;

Nabibigyang depinisyon ang wika at ekolohiya. Naipaliliwanag ang interkoneksiyon ng wika at ekolohiya sa konsepto ng ekokritisismo. Naipaliliwanag nang may pag-unawa ang wika ng ekolohiya. Nabibigyang kabatiran ang Higaonon bilang wikang kakambal ng kalikasan. Napahahalagahan ang kulturang Higaonon. Naiuugnay ang sariling kultura sa kultura ng mga Higaonon. _____________________________________________________________________________ BALANGKAS NG PAKSA Aralin 3 – Wika ng Ekolohiya MGA LAYUNIN 3.1. Higa n

Lumad Wika ng Kapayapaan Kultura /Ipu MGA LAYUNIN ng Pangkat...


Similar Free PDFs