 Ang sining ay ekspresyon o paggamit ng malikhaing kakayahan ng imahinasyon ng tao. Naipamalas ito sa pamamagitan ng biswal na imahe tulad ng pagguhit, pag-ukit, O anumang likhang nagpapakita ng kari PDF

Title  Ang sining ay ekspresyon o paggamit ng malikhaing kakayahan ng imahinasyon ng tao. Naipamalas ito sa pamamagitan ng biswal na imahe tulad ng pagguhit, pag-ukit, O anumang likhang nagpapakita ng kari
Author Melodie Go
Course Introduction To Sociology
Institution Mindanao State University
Pages 8
File Size 83 KB
File Type PDF
Total Downloads 444
Total Views 1,025

Summary

ART APPRECIATION Ang sining ay lagi’t lagi nang nasa ating kapaligiran. May mga iilang indibidwal na hindi nakikita ang halaga o/at walang hilig sa sining ngunit hindi maipagkakailang bahagi na ng ating buhay ang iba’t ibang anyo ng sining. Ang isang tagapamahala ng isang malaking kompanya ay pinip...


Description

ART APPRECIATION

 Ang sining ay lagi’t lagi nang nasa ating kapaligiran. May mga iilang indibidwal na hindi nakikita ang halaga o/at walang hilig sa sining ngunit hindi maipagkakailang bahagi na ng ating buhay ang iba’t ibang anyo ng sining. Ang isang tagapamahala ng isang malaking kompanya ay pinipili niya ang damit na umaangkop sa kanyang pants at sapatos, ang isang politico ay namimili ng mga musika na kanyang pinapatugtog habang nakasakay sa kanyang mamahaling sasakyan, ang isang mag-aaral ay manghang-mangha sa mga disenyo ng medyibal na simbahan sa kanilang lakbay-aral, at ang isang tindera ay humihiyaw habang nanunood ng cheerdance competition sa isang programa sa noontime show – lahat ay nagpapakita ng manipestasyon sa pagpapahalaga sa sining.

 Ang salitang art o sining ay mula sa Latin na ars na nangangahulugang “craft o artistikong gawain o isang ispesyalisadong kasanayan, gaya ng pagkakarpintero” (Collingwood, 1938).

 Ang sining ay ekspresyon o paggamit ng malikhaing kakayahan ng imahinasyon ng tao. Naipamalas ito sa pamamagitan ng biswal na imahe tulad ng pagguhit, pag-ukit, O anumang likhang nagpapakita ng kariktan at kagandahan.

 Ang sining ay iba’t ibang uri ng paglikha ng biswal, nadidinig, pagtatanghalna ipinakita ang kahusayan ng isang manlilikha sa kanyang imahinasyon, malikhaing pag-iisip, o teknikal na husay na nagnanais mapahalagahan ang kagandahan at kakayahan na magpaantig na damdamin.

 Ang sining ay tumutukoy sa mga malikahing gawa ng mga tao gamit ang kanilang malikhaing isip. Ito ang nagiging instrumento ng isang tao upang maipahayag ang kanyang saloobin, damdamdamin at opinyon gamit ang kanyang puso at isip.

 Ang sining ay maituturing na isang pandaigdig na wika na makakapagbuklod at may kakayanang pag-isahin ang bansa at ang sangkatauhan.

 Ang sining ay isang paraan kung saan naihahayag ng tao ang kanyang damdamin at kaisipan. Nagiging daan ito ng mga tao para ipaabot ang nais nilang mensahe.

 Sa madaling sabi, ang sining ay isang kakayahan, kapasidad o abilidad na lumikha ng isang inaasahang resulta mula sa pagpaplano nang may mahusay at maayos na metodo o proseso. Kapag ang isang tao ay nais bumuo, lumikha at magpatayo ng isang bahay, siya ay matikulusong nagpaplano nang matamo at makamit niya ang kawangis na bahay at isinasagawa niya ang mga hakbang o proseso nang mabuo ang estruktura ng bahay na ninanais. Siya ay nauugnay ngayon sa sining.  Ang ars sa Midyebal Latin ay naiiba ang kahulugan nito. Sa panahong ito, ang ars ay “anumang natatanging anyo ng pagkakatuto mula sa aklat gaya ng gramatika o lohika, mahika o astrolohiya” (Collingwood, 1938). Nagkaroon lamang ng kahulugan ang sining mula sa lumang anyo ng artistikong gawain sa panahon ng Renasimyento. Sa ika-17 siglo ay lumitaw ang suliranin at ideya sa estetiks. Ang estetiks ay ang makaagham na pag-aaral sa kagandahan. Dahil dito, ay sumibol ang orihinal na pananaw sa sining na isang teknikal na artistikong gawain. Ika-18 siglo lamang natukoy at umusbong ay pagkakaiba ng fine arts at useful arts.  Ang fine arts ay hindi maselan o highly skilled art o isang sining na nangangailangan ng isang mataas na kasanayan sa isang obra ngunit isang beautiful arts o magandang sining (Collingwood, 1938).

Hindi lamang estetik na aspeto ang fanksyon ng sining. Hindi lamang nito ginigising ang kariktan at pagkamalikhaing kakayahan ng isang tao. Marami ang kahalagan, gampanin o tungkulin ang sining.

 Sa sining naturuan tayong makinig, magmasid, at tumugon sa anumang pangangailangan ng tao.  Nalilinang ang pagpapahalaga sa kaibahan ng katangian ng tao.  Nakatutulong ang sining sa tao upang maipakita, maibahagi, mahubog at mapaunlad ang kanilang natatanging kakayahan at talento sa pamamagitan ng pagsayaw, pagkanta, pagpipinta, at marami pang iba.  Ang sining ay nakapagbibigay sa tao ng kalayaang maipahayag ang kanyang sarili sa kanyang sariling paraan.  Ang sining ay nakatutulong upang maging maayos at mapaganda ang pamumuhay ng tao gayundin sa pag-unlad ng ekonomiya ng bansa.

 Ang sining ay maituturing na isang pandaigdig na wika na makakapagbuklod at may kakayanang pag-isahin ang bansa at ang sangkatauhan.  Sa pamamagitan ng sining, nakakapagpahayag ang mga tao ng damdaming nakakaintindi at nakikisimpatya sa malungkot na nararamdaman ng iba sa pamamagitan ng mga karanasan sa sining, tulad ng mga awit, sayaw, pagpipinta, pagbuburda, pagbuo ng iskultura at marami pang ibang uri nito.  Nakakabawas ito ng nararanasang kalungkutan ng mga tao, ang hindi pag-iisip nang maayos, kawalan ng konsentrasyon at hindi makapagdesisyon.  Nagdudulot ng kabutihan sa pisikal, mental, emosyonal at sosyal na aspeto ng buhay ng isang tao.  Nagdudulot ito sa tao ng saya at di makakalimutang karanasan.

Sa pangkalahatan, mayroong tatlong pangkalahatang anyo ng sining: mga sining biswal (visual arts), mga sining pampanitikan (literary arts) at mga sining ng pagtatanghal (performing arts).

 Mga Sining Biswal – isang pinong sining na nagpapahayag ng damdamin, emosyon, at imahinasyon ng isang artist. Karaniwang gumagamit ng mga kagamitan tulad ng lapis, pangkulay, tinta, pintura, yeso, pastel, wax, at iba pa. Kabilang dito ang pagguhit, pag-ukit, potograpiya, karamik (ceramics) atbp.

 Mga Sining Pampanitikan- isang anyo ng sining na naglalayong magpahayag ng sariling damdamin at emosyon sa pamamagitan ng paggamit ng mga maanyo ay makukulay na salita upang magkapahatid ng impormasyon. Kabilang ditto ang fiksyon at di-piksyon na sulatin tulad ng pagsulat ng maikling kwneto, epiko, nobela, malikhaing sanaysay, tula, awit at bp.

 Mga Sining ng Pagtatanghal (Performing Arts)- isang anyo ng sining na ekspresibong naghahayag ng damdamin gamit ang tinig, tunog, at katawan upang ipadama ang indayog ng musika. Kaiba ito sa unang dalawa, sapagkat ang artist mismo ay siya namang gumaganap (performer). Maaring siya ay isang mananayaw, kumakanta, komedyante, musikero atbp. Kabilang dito ang dula, musika at sayaw.

Uri ng Sining

1. Plastikong sining – Pinong sining, isang pagpapadama sa pamamagitan ng pagpapaganda o upang maging kaakit- akit o kahali-halina ng isang bagay sa mga emosyon o damdamin sapamamagitan ng mga paraang mapagmamasdan o biswal: katulad ng pagguhit, pagpipinta, pagbabakat at pagtatatak ng disenyo, at paglililok.

2. Isinasagawa o itinatanghal na sining – Isinasakatuparang sining na kinabibilangan ng drama, na pagpapadamang ginagamit ang katawan: sayaw, pag-arte, pag-awit. Nadidinig na sining, na naipapadama sa pamamagitan ng paglikha ng mga tunog: musika, pagkanta

3. Praktikal na sining – Ang praktikal na sining na nagpapadama sa pamamagitan ng paggawa ng mga bagay at mga kayarian: arkitektura, pelikula, moda, potograpiya, mga larong bidyo.

Elemento ng Sining

1. Linya – Nagpapakita ng palatandaan ng direksyon, oryentasyon o emosyon ng isang likha. Ito ang pinakasimple, pinakanuno at pinakauniversal na paglikha ng sining biswal. Isa din itong omnipresenteng elemento na napakadinamiko ang pwersa sapagkat ito ang humahatak sa paningin kapag minamasdan ang obrang sining.  Dalawang klase ng Linya:  Tuwid – Patayo, Pahalang, Pahilis o Pahilig  Kurbado- Solo, Doble, Kumbinado, Mabilis, Mabagal, Mahina, Malakas  Ang mga repetisyon o multiplisidad ng mga kurbadong linya ay nagpapatindi sa kilos, sigla at lakes. Nagbibigay ito ng emosyonal na intensidad, masimbuyong personalidad at dinamikong karakter.

2. Valyu – ito ang digri ng kaliwanagan at kadiliman ng isang pinta o grafik. Tinatawag na medyo malapit o malapit-lapit ang valyu kapag hindi lumalapat sa punto ng iskala ang mga valyu.

3.

Liwanag at Dilim - Epekto ng liwanag at dilim ang tinutukoy nito sa sining biswal. Ito ay kung paano humuhunab ang liwanag sa iba’t –ibang ibabaw na bahagi ng obra kapag nasisinagan.

4. Kulay – Isang penomenon na liwanag o persepsyong biswal na nagbibigay tulong sa paningin para mapag-iba ang magkaparehong bagay. Tatlong Katangian o Katawagan ng Kulay:

  

Hyu (hue) - Pinakabatayang pangalan ng kulay gaya ng pula, berde at bughaw. Saturasyon (saturation) - Lakas o intensidad ito ng kulay na maaaring malamlam o matingkad. Katinkaran (brightness) - Kapag ang kulay ay nahaluan ng puti, nawawala ito; nakalilikha ng panibagong kulay na tinaguriang tone.

5. Tekstura – Ito ang elementong pangunahing umaapila sa pandama o panghipo sapagkat kalidad o katangian ito ng ibabaw ng anumang bagay. Maaaring makinis o magaspang, madulas o mabako, manipis o makapal, o mapino o mahibo.

6. Volyum – Volyum o solido. Ito ang kabuuan ng espasyong inuukupa ng katawan. May haba, kapal, lawak na katangian ang bagay.

7. Espasyo – Direktamenteng elemento ng arkitektura ang espasyo dahil bilang pang-espasyong sining, dito dumidipende ang gamit nito.

MGA KATANGIAN NG SINING Ni Jose D. Francisco, Jr.

Sa pinakasimpleng kahulugan, ang Sining ay tumutukoy sa ano mang kasanayan upang maipahayag ang saloobin at nararamdaman ng isang manlilikha. Sa kanyang mga kamay ang kapangyarihan na lumikha ng isang obra na maituturing niyang sining. Sa ganitong pananaw, mahalagang hindi ginagapos ang kanyang mga kamay. Gayundin, hinahayaang lumipad ang kanyang isip sa taas ng abot niyang makakaya. Maari niyang sakupin ang daigdig at ilagay sa kanyang mga kamay. Sa kanya ring mga kamay maaaring lumikha ng buhay ang mga bagay na walang buhay. Ang pinakamahirap na problema na ikinakaharap ng tao noon pa man ay ang problema sa moral na pagpapahalaga— Ang ibang problema tulad ng panlipunan, ekonomiya, politikal, relihiyon at iba pa ay mga aspeto na nagmula sa pinakamahirap na problema. Rasyonal at may moral na pagpapahalaga ang tao na laging nahaharap sa tanong na, Ano ba ang masama at mabuti, tama at mali, ang moral at Immoral?

 Ang SINING ay bumubuhay sa isip, damdamin at kaluluwa ng isang tao. Naalala ko ang isang kuwento ng batang nagmulat sa akin ng tunay na sining. Isang anghel mula sa malayong nayon, simpleng buhay, simpleng pangarap at pasasalamat. Tanaw ang luntiang kapaligiran at langhap ang sariwang hangin, bumubulong ang biyaya ng kalikasan.

Inay, mahal ba tayo ng Diyos? Bakit mo naitanong yan? Ang wika ng nanay. Kung mahal tayo ng Diyos, bakit maaga niyang kinuha si Ama? Ang nagtatakang banggit ng bata. Natigilan ang ina sa kanyang ginagawa at nagwika. Hindi ba magaling ka gumuhit? Subukin mong iguhit ang nakikita mo sa iyong kapaligiran at makikita mo ang dahilan kung bakit mahal ka ng Diyos.

Hindi ko po kayo maintindihan. Ang mahinang naging tugon ng bata. Gawing mong inspirasyon ang iyong ama sa lahat ng iyong iguguhit para mas makita mo ang kagandahan na likha ng diyos. Matalino ka anak.

 Ang SINING ay naglalaman ng unibersal na kaisipan. Bagaman, ang tao ay may karapatang pumili sa masama at mabuti, sa tama at mali at sa moral at immoral na mga gawain dahil sa kanyang kalayaan, ito rin ang nagiging dahilan ng pagsilang ng mga sakit tulad ng mga nakakahawang sakit, korapsyon, paggamit ng ipinagbabawal na gamot, kawalan ng hustisya at napakarami pang iba. Ayon sa pananaw ng kontemporaryong pag-iisip ng relihiyon, etikang panrelihiyon, na likas at namana ng mga tao ay mabisang paraan upang mabawasan ang mga ganitong sakit ng lipunan. Samakatuwid, malaki ang ginagampanan ng relihiyon sa paghubog sa moral na aspeto ng tao sa araw-araw niyang katauhan. At walang relihiyon ang nagtuturo ng masama tulad ng mga kaisipang unibersal na, ang pagmamahal sa magulang ay dakila, ang buhay ay kailangan pahalagahan, ang paggawa ng masama ay magbubunga ng masama.

 Ang SINING ay naayon sa kanyang kalikasan. Isa sa mga bagay na nakakaawa o nakalulungkot sa isang tao, kahit na may naabot na mataas na pinag-aralan, o may maipagmamamalaki ring karunungan, ay ang kawalan niya ng kakayahang mapag-iba ang kahulugan ng mabuting sining o good art sa masamang sining o bad art. Kapag ginamit ang isang likha upang makasakit ng ibang tao, magdulot ng mga bagay na magtutulak sa kanya na maging masama at mabuhay nang hindi naayon sa kanyang pagiging tao, ang kanyang likha ay hindi maituturing na sining.

 Ang SINING ay nagpapakilos at nakapagpapabago. Tulad ni Plato, naniniwala si Leo Tolstoy (1828-1910) na may layuning panrelihiyon at panlipunan ang sining, kaya’t dapat ipagbawal ang anumang uri ng sining na di makapag-aambag sa mga dakilang layuning ito. At tulad rin ng pilosopiyang Griyego, pinanindigan ng Rusong nobelista, kritiko at dramatista, ang kapangyarihan ng sining na hubugin ang moral na pagpapahalaga ng tao.

 Ang SINING ay nagmula sa kapangyarihan ng Diyos na lumikha. Ang tao ay may kakayahang lumikha ng isang SINING ay pinagkalooban lamang ng kakayahan ng MANLILIKHA, ang Diyos kaya marapat na ibalik ang papuri at naaayon sa kanya.

 Ang SINING ay walang kamatayan. Kung nagmula ang sining sa Kanya, immortal ang sining. Hindi basta-basta ito nabubuhay lamang sa isang henerasyon. Kaya nitong mabuhay sa mahabang panahon. Hindi ito temporal na makikilala lamang sa isang tiyak na panahon. Ang tunay na likhang sining ay kayang makipag-ugnayan sa lahat ng henerasyon.Ang konsepto ng sining ay hindi mailalarawan lamang sa isang salita. Kailangan pag-ugnayin ang mga katangian ng sining. Magmumula ang konsepto ng sining sa mismong lumikha nito....


Similar Free PDFs