AP 6 Week 5 - Araling Panlipunan 6 PDF

Title AP 6 Week 5 - Araling Panlipunan 6
Course Design 6 : Site Development Planning
Institution Far Eastern University
Pages 9
File Size 504.6 KB
File Type PDF
Total Downloads 22
Total Views 184

Summary

Araling Panlipunan 6...


Description

1

ARALING PANLIPUNAN 6 Pangalan: ______________________________Pangkat: ______Guro: ______________________ A. Most Essential Learning Competencies: Napahahalagahan ang deklarasyon ng kasarinlan ng Pilipinas at ang pagkakatatag ng unang Republika. Code: AP6PMK-le-9

Hi! Magandang araw sa iyo! Kumusta ang iyong pamamalagi sa loob ng bahay? Anuman ang ating nararanasan sa ngayyon ipakita pa rin natin ang pagiging masayahin na bata. Handa ka na ba sa ating pag-aaralan ngayon? Halina na at sasamahan kitang matuto sa araling ito.

Bago tayo magsimula nais ko munang malaman kung ano ang nadarama mo sa araw na ito?

INAASAHAN

Ang modyul na ito ay ginawa upang ikaw ay magkaroon ng lubos na pagunawa sa paksang Deklarasyon ng Kasarinlan ng Pilipinas at ang Pagkakatatag ng Unang Republika. Pagkatapos basahin ang modyul na ito inaasahang: 1. Nabibigyang halaga ang deklarasyon ng kasarinlan ng Pilipinas. 2. Natutukoy ang pagkakatatag ng Unang Republika.

Ihanda ang iyong sarili para sa paunang pagsusulit upang malaman natin ang mga nalalaman mo.

May-akda:

Lanie Valenzuela

AP6-Qrt.1-Week 5

2

ARALING PANLIPUNAN 6

Paunang Pagsusulit

Panuto: Bilugan ang titik ng tamang sagot 1. Kailan idineklara ang kasarinlan ng Pilipinas? A. Hunyo 12, 1898

B. Hulyo 4, 1898

C. Agosto 12, 1898

2. Saan naganap ang deklarasyon ng kasarinlan? A. Imus, Cavite

B. Malolos, Bulacan

C. kawit, Cavite

3. Bakit nagdeklara ng kasarinlan si Emilio Aguinaldo? A. Dahil malaya na ang Pilipinas. B. Dahil umalis na ang mga kastila sa ating bansa. C. Dahil sinakop na tayo ng mga Espanyol

4. Kinilala siya bilang unang Pangulo ng Republika ng Pilipinas. A. Emilio Aguinaldo

B. Antonio Luna

C. Apolinario Mabini

5. Kailan itinatag ang unang Republika ng Pilipinas? A. Hunyo 12, 1898

B. Enero 23, 1899

C. Hulyo 23, 1898

Kumusta ang iyong paunang pagsusulit nahirapan ka ba? Kung ang nakuha mo ay 3 hanggang 5…Magaling Binabati Kita! Kung 1 hanggang 2……Maaari mo panggalingan sa susunod na

Bago tayo mag-umpisa sa ating aralin, balikan muna natin ang napag-aralan noong nakaraan. Natatandaan mo pa ba ito?

May-akda: AP6-Qrt.1-Week 5

Lanie Valenzuela

3

ARALING PANLIPUNAN 6

BALIK-TANAW

Panuto: Pagtambalin ang Hanay A sa Hanay B. Nasa Hanay A ang pangalan ng mga kababaihan ng rebolusyong Pilipino at sa Hanay B naman ang naging partisipasyon nila sa rebolusyong Pilipino. Hanay A 1. Melchora Aquino

Hanay B A. Laging may dalang sako na puno ng tinapay para sa mga sundalong Pilipino.

2. Marina Dizon

B. Nangunguna sa pag-awit at pagsayaw

upang

iligaw ng pansin ang paikot-ikot na mga patrol ng Espany sa mga lihim na Pulong ng Katipunan.

3. Bernarda Tagalog

C. Siya ang kumalinga sa mga matatanda. Pinatuloy at pinakain niya ang Katipunero sa kanilang tahanan at ginamot ang mga may sakit o sugatan.

4. Andrian Sangalang

D. Isa siyang heneral ng samahan at namuno sa paglalakbay ng mga Katipunero sa kuta ng mga Espanyol sa Biak-na-Bato.

5. Teresa Magbanua

E. Siya ang nag-aasikaso sa mga pangangailangan ng mga Rebolusyonaryong pampangga. Naging paliparan ng gabi ang bahay nila.

Kumusta ang iyong pagsagot nahirapan ka ba? Ngayon ay tutungo na tayo sa ating aralin, alamin natin ang tungkol sa pagkakadeklara ng kasarinlan ng Pilipinas.

May-akda: AP6-Qrt.1-Week 5

Lanie Valenzuela

4

ARALING PANLIPUNAN 6

MAIKLING PAGPAPAKILALA SA ARALIN

Deklarasyon ng Kasarinlan ng Pilipinas

Source: https://www.google.com/amp/s/ppopdomination.wordpress.com/2010/06/11/maligayang-araw-ngkasarinlan/amp/

Ang makasaysayang pagpapahayag ng kasarinlan ng Pilipinas ni Heneral Emilio Aguinaldo ay nangyari noong ika-12 ng Hunyo 1898 sa Kawit, Cavite sa bahay ni Aguinaldo. Sa araw na ito ay iwinagayway ang pambansang watawat ng Pilipinas kasabay ng pagtugtog ng pambansang awit ng Pilipinas na pinamagatang “Marcha Nacional Filipina.” Ang musika ng pambansang awit ng Pilipinas ay kinatha ni Julian Felipe sa kahilingan na rin ni Aguinaldo. Ang unang pamagat nito ay “Marcha Filipina Magdalo” ngunit di nagtagal ay pinalitan ng “Marcha Nacional Filipina.” Ang banda ng San Francisco de Malabon na kilala rin sa tawag na “Banda matanda ang unang tumugtog nito. Sa loob ng isang taon ang pambansang awit ng Pilipinas ay walang liriko o titik kaya’t hindi ito maawit ng mga mamamayan at mga kawal na Pilipino. Noong1899, nakilala ang isang kawal na makata na nagngangalang Jose Palma na sumulat ng isang tulang Espanyol na may pamagat na “Filipinas.” Dahil sa ganda ng mensahe ng bawat taludtod nito ay ginawa itong liriko ng pambansang awit ng Pilipinas. Ang watawat ng Pilipinas ay dinisenyo sa Hongkong nina Marcela Agoncillo kasama sina Lorenza Agoncillo at Delfina herbosa de Natividad. Ang Deklarasyon ng Kalayaan ay binasa ni Ambrosio Rianzares-Bautista na siyang sumulat nito sa wikang Espanyol. Ang makasaysayang dokumento ay nilagdaan ng 98 katao sa pamumuno ni Aguinaldo.

May-akda: AP6-Qrt.1-Week 5

Lanie Valenzuela

5

ARALING PANLIPUNAN 6 Nakapirma rin ang isang Koronel na si L.M. Johnson ng hukbong Amerikano. Napakahalaga ng pangyayaring ito sapagkat ipinakita nito sa buong daigdig na ang Pilipinas ay isa nang ganap na malayang bansa.

Alam Mo Ba! Si Julian Felipe ay isang guro sa musika at organista sa simbahan ng Cavite. Si Heneral Mariano Trias ang nagpakilala sa kaniya kay Heneral Aguinaldo. Si Felipe ay hinilingan ni Aguinaldo na limikha ng himig na sisimbolo sa pagiging determinado ng mga Pilipino at

Ngayon na natapos na natin basahin at pag-aralan ang Deklarasyon ng kasarinlan ng Pilipinas. May natutunan ka ba sa araling ito? Nais ko na sagutan mo ang gawain 1 na nasa ibaba.

GAWAIN 1 Panuto: Punan ang patlang upang mabuo ang liriko ng” Lupang Hinirang”. I

III

Bayang magiliw, perlas ng (1) ______

Ang kislap ng watawat mo’y

Alab ng puso, sa dibdib mo’y buhay

Tagumpay na nagniningning.

Lupang hinirang. (2)__ka ng magiting

Ang bituin at (5)________ niya

Sa manlulupig, di ka pasisiil.

Kailan pa ma’y di (6) __________.

II

IV

Sa dagat at bundok,

Lupa ng araw, ng (7) ___ pagsinta,

Sa simoy at sa (3) ____mong bughaw

Buhay ay (8)_________ sa piling mo;

May dilag ang tula

Aming ligaya na pag may __9______

At awit sa paglayang (4)_____________.

Ang (10)_________ nang dahil sa iyo!

May-akda: AP6-Qrt.1-Week 5

Lanie Valenzuela...


Similar Free PDFs