EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO AT PANGKABUHAYAN Lesson PLan ( Bunawan) PDF

Title EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO AT PANGKABUHAYAN Lesson PLan ( Bunawan)
Author Ruby Jane Durado
Course Accountancy
Institution Philippine Normal University
Pages 8
File Size 318.4 KB
File Type PDF
Total Downloads 120
Total Views 515

Summary

Detalyadong Banghay Aralin sa EPP IVI. Layunin a. Nasasabi ang mga kagamitan at wastong paraan sa paglilinis at pag-aayos ng sarili; b. Naipakikita ang wastong pamamaraan sa paglilinis at pag-aayos; at, c. Nasusunod ang iskedyul ng paglilinis at pag-aayos ng sarili.II. Paksang Aralin Paksa: Mga Kaga...


Description

Detalyadong Banghay Aralin sa EPP IV I.

Layunin a. Nasasabi ang mga kagamitan at wastong paraan sa paglilinis at pag-aayos ng sarili; b. Naipakikita ang wastong pamamaraan sa paglilinis at pag-aayos; at, c. Nasusunod ang iskedyul ng paglilinis at pag-aayos ng sarili.

II.

Paksang Aralin Paksa: Mga Kagamitan sa Paglilinis at Pag-aayos ng Sarili Sanggunian: Curriculum Guide in EPP4HE, Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan 4 Kagamitan: larawan ng iba’t ibang pansarili at pampamilyang kagamitan tulad ng suklay, nail cutter, sepilyo, bimpo, tuwalya at iba pa.

III.

Pamamaraan

Gawain ng Guro A. Panimulang Gawain 1. Panalangin Magsitayo ang lahat para sa isang panalangin. Ruby, mangyaring pangunahan ang panalangin.

Gawain ng Mag-aaral

Panginoon, maraming salamat po sa ibinigay ninyong panibagong pagkakataon upang kami ay matuto. Gawaran mo kami ng isang bukas na isip upang maipasok naming ang mga aralin na makatutulong sa amin sa pagtatagumpay sa buhay na ito. Amen. Magandang umaga po, Bb. Edeza Magandang umaga. Magsi-upo ang lahat. 2. Pagbabalik-aral May mga larawan akong ididikit sa pisara na nagpapakita ng mga sitwasyon patungkil sa tungkulin sa sarili. Itaas and “smiley face” kung TAMA ang mga Gawain, art “sad face” naman kung ito ay MALI. Naintindihan nyo ba mga bata? Opo, titser!

Tama ban a maligo araw-araw? (itinaas ang smiley face) Magaling!

Tama ba ang pagkain ng Junkfood? (itinaas ang sad face) Magaling!

Pagsisipilyo pagkatapos kumain, tama ba? (itinaas ang smiley face) Ang pagsisispilyo ng ngipin pagkatapos kumain ay tama. Susunod naman na larawan.

Hindi pagpalit ng malinis na damit. (itinaas ang sad face) Magaling! At ang panghuli,

Pagkain ng masustanyang

pagkain. Magaling! Lahat ay nakakuha ng limang puntos.

(itinaas ang smiley face)

B. Paglinang ng Gawain 1. Pagganyak Ngayon mga bata, may ipapakita akong larawan sa inyo.

Ano ang nakikita nyo sa larawan?

Magaling! Alin sa mga nasa larawan ang ginagamit nyo araw-araw?

Tama! Alin naman ang ginagamit nyo isang beses sa isang lingo?

Magaling mga bata.

2. Paglalahad

Suklay Nail cutter Sepilyo, Bimpo Tuwalya

Suklay Sepilyo Bimpo Tuwalya

Nailcutter po titser dahil matagal po tumutubo ang kuko.

Ngayong araw na ito ay tatalakayin natin ang mga kagamitan sa paglilinis at pagaayos sa sarili. 3. Pagtatalakay Sa ating pagpapatuloy nais kong hatiin ang klase sa apat na pangkat. Ang gagawin nyo ay idikit sa manila paper ang mga larawang ginagamit sa paglilinis at pag-aayos ng buhok, kuko, katawan, bibig at ngipin. Sa katapat ng bawat larawan ay idikit ang strip na nakasaad kung saan ito ginagamit. Naintindihan ba mga bata? Unang Pangkat: Kagamitan Para sa Buhok

Ikalawang Pangkat: Kagamitan Para sa Kuko

Ikatlong Pangkat : Kagamitan Para sa Bibig at Ngipin

Ika-apat na Pangkat: Kagamitan Para sa Katawan.

Magaling at nagawa ng maayos ng bawat pangkat ang inyong gawain.

Opo, titser!

Ang lahat ng mga larawang ito ay mga kagamitan sa pagpapanatili ng kalinisan sa katawan. Kagamitan para sa buhok; kagamitan para sa ngipin; kagamitan para sa kuko; at, kagamitan para sa katawan. Kailangan nating alagaan an gating buhok ng sa ganun ay hindi ito pamumugaran ng kuto. Kinakailangan ang arawaraw na pagliligo upang mapanatili ang presko at malinis na buhok. Ang kuko ay kailangan nating panatilihing malinis dahil ang kamay ang syang gumagawa ng pagkain. Pagmarumi ang kamay o kuko ito ang nagiging sanhi ng sakit na dulot ng mikrobyo. Bakit kailangan natin alagaan an gating ngipin?

Tama! Ang ngipin ay kailangang alagaan upang hindi ito agad mabulok sa sanhi ng pagsasakit nito. At upang mapanatili ang presko at mabangong hininga. Ang mabahong bibig ay maari ring sanhi ng mikrobyo. Ang kagamitan sa katawan ay mahalaga rin, ito ang ginagamit nating pamunas kapag tayo ay naliligo o kaya’y pangkuskos sa ating mga balat sa maigihang paglilinis ng katawan. 4. Paglalahat Ngayon mga bata sino sa inyo ang makapagbibigay kung anuano ang mga kagamitan sa paglilinis at pag-aayos ng sarili?

Para maiwasan ang pagkabulok ng ngipin titser!

Tama! Sino naman sa inyo ang makapagbibigay kung anu-ano ang kagamitan para sa buhok?

Ang mga kagamitan sa paglilinis at pagaayos ng sarili ay mga kagamitan para sa buhok, kagamitan para sa katawan, kagamitan para sa bibig at ngipin.

Ano naman ang sa kuko? Tama! Ano naman ang kagamkitan para sa bibig at ngipin?

Suklay at Shampoo Nail cutter

Tama! Ano naman ang kagamitan para sa katawan? Sepilyo, toothbrush at mouthwash Tama! Mga bata, paano natin mapanatili ang kalinisan sa katawan?

Tama! Bakit kailangan natin maglinis ng katawan?

5. Pagpapahalaga Mga bata anu-anong magagandang kaugalian ang inyong natutunan sa ating pinag-aralan?

Magaling! Paano ninyo ito isasabuhay?

Magaling mga bata! 6. Paglalapat Ngayon mga bata, may ibibigay ako na Task Card at isulat sa

Sabon, bimpo at tuwalya

Sa pamamagitan ng paggamit ng mga kagamitang panlinis.

Upang maging kaaya-ayang tingnan at malayo sa sakit, titser!

Ang aking natutunan tiser ay ang kahalagahan ng pag-aayos at paglilinis ng ating sarili, para tayo ay malayo sa mga sakit.

Palaging maglinis ng katawan araw-araw, dapat tayong maglinis at mag-ayos sa ating sarili. Dahil ang hindi pag-aayos at paglinis sa sarili ay nagdudulot ng sakit.

papel ang inyong sagot batay sa hinihingi ng task card. Maliwanag ba mga bata? TASK CARD Isulat sa isang papel ang inyong sagot sa mga sumusunod: a. Mga Pansariling Kagamitan sa Paglilinis at Pag-aayos ng Katawan b. Mga Pampamilyang Kagamitan sa Paglilinis at Pag-aayos ng Katawan

IV.

Opo, titser!

Pagtataya Panuto: Hanapin sa Hanay B ang deskripsyon ng mga kagamitan sa Hanay A. Hanay A

Hanay B -

Inaalis ang gusot ng buhok

-

Nagpapakintab at nagpapadulas ng buhok

-

Inaalis ang dumi at libag sa katawan. Pinababango ang katawan.

-

Pinipigilan ang pagdami ng mikrobyo sa bibig

-

Pinatitibay ang ngipin

-

Iniiwasang mabulok ang ngipin

-

Ginugupit ang mahahaba at maruruming kuko

-

Maaalis ang mga nakakapit na dumi, alikabok

-

Pinababango, pinalalambot at pinapadulas ang buhok

1.

2.

3.

4.

5.

V.

Takdang Aralin

Panuto: Gumupit ng larawan ng mga gamit sa panlinis ng katawan. Pumili ng isa lamang at sumulat ng isang maikling komposisyon kung bakit ito ang gamit na iyong napili. Gawin ito sa isang short bond paper.

GROUP MEMBERS: BUNAWAN BEED 3-A  AYALA, JANINE  BARRIOS, IVY MAE  CABRILLOS, ELLEN ROSE  DURADO, RUBY JANE  EDEZA, ROCELY  CORTON, SARAH GRACE (BEED 3-B)...


Similar Free PDFs