Gee 2 chapter 4 - notes for learning PDF

Title Gee 2 chapter 4 - notes for learning
Author zihjllian V
Course Business Studies
Institution University of Saint Anthony
Pages 22
File Size 1.1 MB
File Type PDF
Total Downloads 71
Total Views 264

Summary

Sa mga pananaw ng mga manunulat, masasabing ang kalayaan ay tulad ng tubig na inilagay mo sa iyong palad at kuyumin mo at ito ay tutulo at pilit na hahanap ng butas. Ang pang-aalipin ng mga dayuhang Kastila sa mga Pilipino ay tumagal nang mahigit sa tatlong daang taon. Nabigyang tuldok ang mga pang-...


Description

50

KABANATA 4

PANAHON NG PROPAGANDA AT HIMAGSIKAN: Katang Katangian ian ng Paniti Panitikan kan at Mga Manunulat Sa mga pananaw ng mga manunulat, masasabing ang kalayaan ay tulad ng tubig na inilagay mo sa iyong palad at kuyumin mo at ito ay tutulo at pilit na hahanap ng butas. Ang pang-aalipin ng mga dayuhang Kastila sa mga Pilipino ay tumagal nang mahigit sa tatlong daang taon. Nabigyang tuldok ang mga pangaalipin na ito nang magising ang mga natutulog na damdamin ng mga Pilipino. Lumitaw ang mga henerasyon ng mga kabataang namulat ang mga kaisipan sa di pagkakapantay-pantay ng mga mananakop sa sinasakupan. Ito ang Panahon ng Pagkakamalay. Ang panahong ito ay binubuo ng mga henerasyong may damdaming makabayan na nagnanais ng pagbabago sa pamamahala ng mga dayuhan. Nahati ito sa dalawang panahon. Ang una ay ang Panahon ng Propaganda at ang ikalawa ay Panahon ng Himagsikan. Sa kabanatang ito ay tatalakayin ang naging kalagayan ng panitikan at ang mga manunulat ng mga akda sa panahong ito.

PANIMULANG HIMPILAN: Inaasahan sa kabanatang ito ang mga sumusunod:  Naipapaliwanag at nabibigyang interpretasyon ang mga katangi-tanging mga akdang sinulat sa panahong ito na nakaimpluwensya sa asal, isip at damdamin ng mga mamamayang Pilipino.  Nakikilala ang mga tanyag na makata at ang kanilang mga akda.  Napapahalagahan ang pagiging isang Pilipino

ARALIN 1:KATANGIAN NG PANITIKAN Mabilis ang paglaganap ng mga akdang pampanitikan sa pananakop ng mga Kastila. Ang mga katutubong panitikan ng mga Pilipino ay nabihisan ng Kulturang Kastila.Mahigpit na gumapos ito sa puso at diwa ng mga Pilipino hanggang tuluyang sakupin at umabuso sa kapangyarihan na naging dahilan upang mamulat ang isip at diwa ng mga Pilipino upang magsulat ng mga akdang bumabatikos sa pamamalakad ng mga kastila.

MO MODYUL DYUL SA P PANIT ANIT ANITIKANG IKANG FILI FILIPINO PINO (G (GEE EE 2 2))

51

Teka, teka bago natin talakayin ay gawin muna ang gawain ibaba. Panuto: Basahin ang sumusunod na tula.

LUNSARANG GAWAIN

Aling pag-ibig pa ang hihigit kaya Sa pagkadalisay at pagkadakila Gaya ng pag-ibig sa sariling lupa? Aling pag-ibig pa? Wala na nga, wala. Pagpupuring lubos ang palaging hangad Sa bayan ng taong may dangal na ingat. Umawit, tumula, kumatha’t sumulat, Kalakhan din niya’y isinisiwalat.

Walang mahalagang hindi inihandog Ng may pusong mahal sa bayang nagkupkop Dugo, yaman dunong, katiisa’t pagod, Buhay may abuting maglagut-lagot.

GAWIN DITO: 1. Anong damdamin ang ipinapahiwatig ng tula? Sagot: ________________________________________________________________________ ________________________________________________________________________ ________________________________________________________________________ ________________________________________________________________________ 2. Ano ang mensahi na nais ipaabot ng tula sa mga mambabasa? Sagot: ________________________________________________________________________ ________________________________________________________________________ ________________________________________________________________________ ________________________________________________________________________ ________________________________________________________________________ ________________________________________________________________________ ________________________________________________________________________ ________________________________________________________________________ ________________________________________________________________________ ________________________________________________________________________ ________________________________________________________________________ MO MODYUL DYUL SA P PANIT ANIT ANITIKANG IKANG FILI FILIPINO PINO (G (GEE EE 2 2))

52

TALAKAYIN NATIN Batay sa aklat nina Marquez at Garcia (2013), nanatili ang mga anyo ng Panitikan mula sa patula hanggang sa tuluyan sa panahon ng propaganda at himagsikan. Ang tanging nagbago sa panitikan sa panahong ito ay ang layunin ng mga manunulat sa pagbubuo ng bawat akdang pampanitikan at mga paksaing ginamit nila. Nasusulat ang mga akda noong panahong ito sa Wikang Kastila at Tagalog. Ang bawat akda sa panahon ng propaganda at himagsikan ay naglalayon na pukawin at lubusang mamulat ang mga Pilipino sa katotohanan; ang makilala ng balana ang kaabusuhang ginagawa ng mga dayuhang mananakop sa sariling bayang Pilipinas at ang maling paniniwala sa relihiyon at mga namumuno nito. Nais nilang ihasik sa bawat Pilipino ang damdamin at pagmamalasakit ng isang tunay na Pilipinong makabayan, makatao at tunay na maka-Diyos sa anumang larangan ng buhay. Ang bawat akdang pampanitikan at pagtatanghal noon ay kababakasan ng pagkamakabayan at pagmamahal sa Inang Bayan. Ang mga akdang pampanitikan gaya ng berso, dalit at iba pang taludtod ay nag-iba ng hugis. Malaki ang naging papel ng panitikan sa panahong ito. Ang mga makata ay nagpahayag ng pagnanais na magkaroon ng pagbabago. Sa mga taludtod ng kanilang tula ay sumisigaw ang damdaming nasyonalismo. Nabanggit sa aklat nina Santiago, et.al (2009) na ang paniniil at pagsasamantala ng mga may kapangyarihang Kastila, paghamak sa mga Pilipino, suliranin sa sekularisasyon at maling pamamalakad ng pamahalaan at simbahan ang naging sanhi ng pagkabuo at paglaganap ng damdaming makabayan sa panahon ng propaganda at himagsikan. Mapapansin sa mga akdang nasusulat ang pagkakaroon ng matinding damdaming makabayan sa lahat ng akda, mapang-uyam at kung minsan ay garapal ang mga akda sa panunuligsa, matapat na matapat ang paglalarawan sa mga akda ng reyalidad na pangyayari sa kapaligiran, kahit propaganda ang karaniwang intensyon ng mga akda, gumagamit din ng masining na pagpapahayag ng marangal na mga damdamin at matatayog na kaisipan at kapansin pansin ang walang atubiling pagpapahayag ng kaisipan at damdamin na pigil nang mga nakaraang dekada. NGAYONG ALAM MO NA ANG KATANGIAN NG MGA AKDANG PAMPANITIKAN SA PANAHON NG PAGKAKAMALAY AT ANG DAHILAN NG PAGKAKASILANG NG PANAHONG ITO, GAWIN

MO ANG GAWAIN SA KASUNOD NA PAHINA.

MO MODYUL DYUL SA P PANIT ANIT ANITIKANG IKANG FILI FILIPINO PINO (G (GEE EE 2 2))

53

GAWIN NATIN NATIN:: A. Panuto: Sagutin ang tanong “Bakit nagkaroon ng panahon ng pagkakamalay?” Ilagay ang sagot sa loob ng tatlong bilog.

Panahon ng Pagkakamalay

B. Bakit Wikang Kastila at Tagalog ang wikang ginamit sa pagsulat ng mga akda sa panahon ng propaganda at himagsikan? SAGOT: ______________________________________________________________________ ______________________________________________________________________ ______________________________________________________________________ ______________________________________________________________________ ______________________________________________________________________ ________________________________________________________________ ______________________________________________________________________ ____________________________________________________________________

SUBUKAN NATIN: Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na katanungan: 1. May pagkakaiba ba ang mga pinapaksa ng mga akda sa panahon ng propaganda at himagsikan sa panahon ng kastila? Ipaliwanag SAGOT: ________________________________________________________________ ________________________________________________________________________ ________________________________________________________________________ ________________________________________________________________________ ________________________________________________________________________ ________________________________________________________________________ MO MODYUL DYUL SA P PANIT ANIT ANITIKANG IKANG FILI FILIPINO PINO (G (GEE EE 2 2))

54

2. Ano ang layunin ng mga manunulat sa panahon ng propaganda at himagsikan? SAGOT:______________________________________________________________ _____________________________________________________________________ _____________________________________________________________________ _____________________________________________________________________ _____________________________________________________________________ ____________________________________________________________________ _____________________________________________________________________ _____________________________________________________________________ _____________________________________________________________________

PUKAWIN NATIN: Ang pagpapakita nang tunay na makabayan ng isang Pilipino noong panahon ng kastila ay tila isang pagpapakamatay. Kung ikaw ay isa sa mga Pilipino na buhay sa panahong iyon, makikiisa ka rin ba sa ipinaglalaban ng mga kabataang humihingi ng pagbabago? Kung Oo, ano ang gagawin mo?

GAWIN DITO: ________________________________________________________________________ ________________________________________________________________________ ________________________________________________________________________ ________________________________________________________________________ ________________________________________________________________________ ________________________________________________________________________ ________________________________________________________________________ ________________________________________________________________________ ________________________________________________________________________ ________________________________________________________________________ ________________________________________________________________________ ________________________________________________________________________ ________________________________________________________________________ ________________________________________________________________________ ________________________________________________________________________ ________________________________________________________________________

MO MODYUL DYUL SA P PANIT ANIT ANITIKANG IKANG FILI FILIPINO PINO (G (GEE EE 2 2))

55

ARALI

PANAHON NG PROPAGANDA: Mga Manunulat at Akda

Sa araling ito matatalakay ang mga akda at manunulat sa Panahon ng Propaganda. Ang panahong ito ay binubuo ng mga pangkat ng mga intelektwal na Pilipino na naghahangad ng pagbabago. Sa panahong ito, panulat ang naging sandata ng mga Pilipino upang tuligsain ang maling pamamalakad ng pamahalaan at simbahan. Teka, teka bago natin talakayin ay gawin muna ang gawain sa ibaba.

LUNSARANG GAWAIN

Sino sa mga manunulat na nasa larawan ang kilala mo? isulat ang kanyang pangalan at ang kanyang dakilang naiambag sa bayan na alam mo. Isulat sa espasyo sa ibaba ang iyong paglalarawan.

________________________________________________________________ ________________________________________________________________ ________________________________________________________________ ________________________________________________________________ ________________________________________________________________ ________________________________________________________________ ________________________________________________________________ ________________________________________________________________ ________________________________________________________________ ________________________________________________________________ ________________________________________________________________ ________________________________________________________________ MO MODYUL DYUL SA P PANIT ANIT ANITIKANG IKANG FILI FILIPINO PINO (G (GEE EE 2 2))

56

TALAKAYIN NATIN ALAM MO BA na sa panahon ng propaganda nabuo ang kilusang pinamumunuan ng tatlong magigiting na manunulat na sina Jose Rizal, Marcelo H. Del Pilar at Graciano Lopez Jaena? Ito ang tinatawag na KILUSANG PROPAGANDA. Ang Kilusang Propaganda ay binubuo ng mga pangkat ng mga intelektwal na Pilipino na humihingi ng reporma o pagbabago o mga tinatawag na Ilustrador. Layunin ng kilusang ito ang magkaroon ng pantay-pantay na pagtingin sa mga Pilipino at Kastila sa ilalim ng batas, gawing lalawigan ng espanya ang Pilipinas, Panumbalikin ang pagkakaroon ng kinatawang Pilipino sa Kortes ng espanya, Gawing mga Pilipino ang mga kura paroko, at ibigay ang kalayaan ng mga Pilipino sa pamamahayag, pananalita, pagtitipon o pagpupulong at ang pagpapahayag ng kanilang sariling karaingan. Batay sa aklat nina Lalic at Matic (2004), Wikang Kastila ang malimit na gamitin ng mga manunulat sa Kilusang Propaganda. Ayon kay Panganiban at Matute (1982), karamihan sa mga propagandista ay nakapag-aral o nakapagtapos sa pamantasan at mga anak ng mga pamilyang may-kaya at makabayan. Nagtataglay sila ng matatayog na talino, masidhing damdaming makabayan, at dakilang katapangan at lakas ng loob. Ang pinakataluktok at pinakadakila at nakahihigit sa lahat ng mga propagandista ay sina Dr. Jose Rizal, Marcelo H. Del Pilar at Graciano Lopez Jaena.

TUNGHAYAN natin ang kanilang dakilang mga naiambag sa Panitikang Pilipino. DR. JOSE RIZAL ( Hunyo 19, 1861 – Disyembre 30, 1896)  Buong pangalan (Jose Protacio Mercado Alonzo Y Realonda)  Ipinanganak sa Calamba, Laguna  Mga ginamit na sagisag panulat (Laong Laan, Dimasalang)  Obra Maestra (Noli Me Tangere at El Filibusterismo) Mga Akda ni Rizal: -

Noli Me Tangere (Huwag mo Akong Salingin) – Tumatalakay sa sakit ng Lipunan El Filibusterismo (Paghahari ng Kasakiman) – Tumatalakay sa lantad na kabulukan ng pamahalaan Mi Ultimo Adios (Ang Huli Kong Paalam) – Isinulat ni Rizal noong siya ay nakakulong sa Fort Santiago (Dapitan) Sobre La Indolencia delos Filipinos ( Hinggil sa Katamaran ng mga Pilipino)- Sanaysay na tumatalakay at sumusuri ng mga dahilan ng palasak na ang mga Pilipino ay tamad. MO MODYUL DYUL SA P PANIT ANIT ANITIKANG IKANG FILI FILIPINO PINO (G (GEE EE 2 2))

57

-

-

Filipinas Dentro De Cien Años ( Ang Pilipinas sa Loob ng Isang Daang Taon) – Sanaysay na nagpapahiwatig na darating ang panahon ng ang interes ang Europa sa Pilipinas ay mababawasan, samantalang ang impluwensiya ng Estados Unidos ay mararamdaman. Hula ni Rizal na kung may sasakop uli sa Pilipinas walang iba kundi ang Estados Unidos A La Juventud Filipinos ( Sa Kabataang Filipino) – Tulang inihandog ni Rizal sa Kabataang Pilipino na nag-aaral sa Pamantasan ng Santo Tomas Junto Al Pasig ( Sa Tabi ng Pasig) – Isinulat ni Rizal noong siya ay 14 taong gulang. Iba Pang mga Akda ni Rizal ( Me Piden Versos o Hinilingan nila ako ng mga Tula, A Las Flores Heidelberg o Sa mga Bulaklak ng Heidelberg, Notas a La Obra Sucesos De Las Filipinas Por El Dr. Antonio de Morga, P Jacinto: Memorias de Un Estudiante de Manila, Diario de Viaje de Norte Amerika)

MARCELO H. DEL PILAR ( Agosto 30, 1850-Hulyo 4, 1896)   

Buong pangalan (Marcelo Hilario del Pilar Y Gatmaitan) Mga Sagisag Panulat ( Plaridel, Pupdoh, Piping Dilat at Dolores Manapat) Nagtatag ng Diaryong Tagalog (1882) – ang pahayagang ito ang naglalaman ng mga daing ng mga Pilipino laban sa maling pamamalakad ng mga Kastila sa Pilipinas.

Mga Akda ni Del Pilar: -

-

Pag-ibig sa Tinubuang Lupa – Salin ng Amor Patrio ni Rizal na nailathala sa Diaryong Tagalog(Agosto 20, 1882) Kaiigat Kayo – Isang pabiro at patuyang tuligsa at tugon sa tuligsa ni P. Rodriguez sa Noli ni Rizal. Ginamit ni ang sagisag panulat na Dolores Manapat. Ang Kaiigat ay galing sa salitang igat na isang uri ng isdang ahas na nahuhuli sa pulitika Dasalan at Tocsohan – Akdang hawig sa katesismo subalit pagtuya laban sa mga prayle. Dahil dito, tinawag si del Pilar na Pilibustero

Halimbawa ng isang bahagi: ANG TANDA Ang tanda ng cara i-cruz ang ipangadya mo sa amin Panginoon naming Fraile sa mga bangkay namin, sa ngalan nang salapi at nang maputing binte, at nang espiritung bugaw, Siya Nawa.

MO MODYUL DYUL SA P PANIT ANIT ANITIKANG IKANG FILI FILIPINO PINO (G (GEE EE 2 2))

58

-

-

-

Ang Cadaquilaan ng Dios – Ito ay isang sanaysay na hawig sa katesismo subalit pagtuya o tumutuligsa laban sa mga prayale. Nagtataglay ito ng mga pilosopiya tungkol sa kapangyarihan ng Poong Lumikha, pagpapahalaga at pag-ibig sa kalikasan. Sagot ng Espanya sa Hibik ng Pilipinas – Isang tulang nagsasaad ng paghingi ng pagbabago ngunit ang espanya ay napakatanda at napakahina upang magkaloob ng anumang tulong sa Pilipinas. Dupluhan, Dalit, Mga Bugtong – Kalipunan ng maiikling tula at pangaapi ng mga pryale sa Pilipinas. La Soberana en Filipinas – Isang sanaysay tungkol sa mga katiwalian at di makatarungang ginawa ng mga pryale sa mga Pilipino. Por Telepono Ang Kalayaan – isang nobela na di natapos ni del Pilar dahil sa kanyang pagpanaw. Ito ay naglalaman ng kanyang mga huling habilin sa mga mamamayang Pilipino hinggil sa kanyang pagbibigay liwanag sa tunay na kahulugan ng kalayaan.

GRACIANO LOPEZ JAENA (Disyembre 17, 1856-Enero 20, 1896)  Isinilang sa Jaro, Iloilo  Isang mananalumpati na nakagawa ng 100 talumpati  Tinaguriang Demonthenes ng Pilipinas  Tagapatnugot ng La Solidaridad Ang Fray Botod ay ang pinakakilala na akda ni Jaena na sinulat niya pagkatapos ng himagsikan sa Kabite. Ito ay tumutuligsa sa mga prayle na masiba, ambisyoso at imoral ang pagkatao. Ang “satire” o mapagpatawang bisaya ay “malaki ang tiyan” o mapagpatawang kuwentong tuligsa sa kasamaang laganap noon sa simbahan.

Maliban sa tatlong taluktok ng propaganda ay may iba pang mga Pilipino ang naging tagapagbandila ng kilusang propaganda. Sila ay sina: ANTONIO LUNA ( Oktubre 29, 1866)  Isang parmayotikong dinakip at ipinatapos ng mga kastila sa espanya.  Ginamit niya ang sagisag panulat na Taga-ilog  Tagapatnugot ng pahayagang “ La Independencia” ang tagapamansag ng mga manghihimagsik at ng UnangRepublika ng Pilipinas. Ang mga akda ni Luna ay natutungkol sa kaugaliang Pilipino at ang iba ay tumutuligsa sa pamamalakad ng mga pamahalaan at simbahan. MO MODYUL DYUL SA P PANIT ANIT ANITIKANG IKANG FILI FILIPINO PINO (G (GEE EE 2 2))

59

Ilan sa Mga Akda ni Antonio Luna: -

-

-

-

Noche Buena – isang sanaysay na naglalarawan ng tunay na buhay ng mga Filipino Se Divierten (naglilibang Sila) – isang sanaysay na pumupuna sa sayaw ng mga kastila na halos di-maraanang sinulid ang pagitan ng mga nagsisipagsayaw. La Tertulia Filipino (Sa Piging ng mga Pilipino) Naglalahad ng isang kaugaliang Filipino na ipinalalagay ni Luna na lalong mabuti kaysa sa kaugaliang Kastila. Por Madrid – Tumutuligsa sa mga kastilang nagsasabing ang Pilipinas ay lalawigan ng Espanya ngunit pinalalagay na banyaga kapag sinisingilan ng selyo. Impresiones – Ito ay isang paglalarawan na ibayong kahirapan ang dinaranas ng isang mag-aaral na naulila sa amang kawal.

PEDRO PATERNO ( Pebrero 27, 1857- Marso 11, 1911)  Pinanganak sa Sta Cruz, Maynila  Isang iskolar, dramaturgo, mananaliksik at nobelista ng kilusang propaganda  Unang Pilipino na nakalaya sa sensura sa panitikan noong mga huling araw ng pananakop ng mga kastila. Si Paterno ay kabilang sa tatlong panahon: (1) Panahon ng Propaganda, (2) Panahon ng Himagsikan, at (3) Panahon ng Amerikano. Ang mga paksain sa pagsulat ni Paterno ay nahihinggil sa relihiyon at lipunan. Ilan sa Mga Akda ni Paterno: -

-

Ninay – Ang kauna-unahang nobelang panlipunan sa wikang Kastila na sinulat ng isang Pilipino. Tinuturing na nobelang obra-maestra ni Paterno na naghatid sa kanya ng katanyagan. A Mi Madre (Sa aking Ina) – Nagsasaad ng kahalagahan ng isang ina, na nagiging malungkot ang isang tahanan kung wala ito.

 JOSE MARIA PANGANIBAN (Pebrero 1, 1863- Agosto 19, 1890)  Pinanganak sa Mambulao, Camarines Norte  Kilala sa sagisag panulat na “JOMAPA”  Naging kilala sa pagkakaroon ng “Memoria Fotografica” ang lathalain na nasulat sa Wikang Kastila.

MO MODYUL DYUL SA P PANIT ANIT ANITIKANG IKANG FILI FILIPINO PINO (G (GEE EE 2 2))

60

MARIANO PONCE ( Marso 23, 18...


Similar Free PDFs