ISANG PAG-AARAL SA MGA KAKAYAHAN NG MAY KAPANSANAN: ANG KANILANG DOCX

Title ISANG PAG-AARAL SA MGA KAKAYAHAN NG MAY KAPANSANAN: ANG KANILANG
Author IM Jinah
Pages 1
File Size 36.2 KB
File Type DOCX
Total Downloads 239
Total Views 422

Summary

ISANG PAG-AARAL SA MGA KAKAYAHAN NG MAY KAPANSANAN: ANG KANILANG HALAGA SA LIPUNAN PANIMULA Sa mapang husgang mundo na ating ginagalawan, maraming tao ang na aapektuhan. Sa bawat taong may kapansanan na nakakasalubong natin sa daan, maraming tanong ang tumatakbo sa ating isipan. Nakalulungkot mang i...


Description

ISANG PAG-AARAL SA MGA KAKAYAHAN NG MAY KAPANSANAN: ANG KANILANG HALAGA SA LIPUNAN PANIMULA Sa mapang husgang mundo na ating ginagalawan, maraming tao ang na aapektuhan. Sa bawat taong may kapansanan na nakakasalubong natin sa daan, maraming tanong ang tumatakbo sa ating isipan. Nakalulungkot mang isipin, marami sa atin ang walang tiwala sa kakayahan ng may kapansanan. Likas na rin para sa ating mga Pilipino ang mangutya,manghusga, at pagtawanan ang mga taong may kapansanan tulad ng bulag,pipi,bingi,pilay at kung ano-ano pang depekto ang meron sila. Minsan ba ay sumagi sa ating isipan kung ano ang nararamdaman nila sa tuwing sila ay pinagtatawanan,kinukutya at hinuhusgahan? Marahil karamihan sa atin ay oo, sapagkat meron tayong mga kakilala na malapit sa atin tulad ng ating mga kamag-anak,kaibigan,kamag-aral at iba pang may kapansanan. Subalit karamihan din sa atin ay walang pakialam ,sapagkat wala sila sa sitwasyon ng mga taong may kapansanan. At maaaring hindi nila kilala ang mga taong taong biktima ng mapanghusgang mundo na ating ginagalawan. Para sa mga taong normal, likas na rin sakanila ang mahusgahan ang kanilang kakayahan at ang kanilang mga talento. Paano naman kaya ang mga taong may kapansanan? Maaring doble doble o mas higit pa ang panghuhusga na ibinabato sakanila ng mga taong hindi naniniwala sa kakayahan na mayroon sila. Ngunit marami na ring tao sa ating mundo ang may kapansanan na nakilala o naging popular ng dahil sa kanilang mga talento. Kabilang na dito ang Dakilang paralitiko na sa Apolinario Mabini, Ang pipi't bingi na manunulat na si Hellen Keller, ang walang kamay na piloto na si Jessica Cox, Ang lumpong Gobernadora na si Grace Padacca, ang sikat na bulag na mang aawit na si Stevie Wonder ay ilan lamang sa mga kahanga-hangang indibidwal sa buong mundo na nagging mataugumpay sa kabila ng kanilang mga pisikal na kapansanan kabilang na dito ang mga ordinaryong bingi, pipi, bulag at ibang kapansanan na naghahanap buhay sa mga kalye o mga establisimiento. Ilan lamang sila sa nga nag papatunay na lahat ng tao sa mundo ay may kontribusyon sa iba't-ibang larangan hinggil sa musika,litertura government service at pagiging bayani. Hindi rin nagging hadlang ang kanilang kapansanan upang marating nila ang tugatog ng kanilang mga pangarap. At katulad din nila, libo-libo ring mga may kapansan sa kasalukuyan ang nakikipag sapalaran upang maitaguyod ang kanilang mga pamilya. At nararapat din nating ikintal sa...


Similar Free PDFs