John lloyd bautista - 4th Quarter Weekly Home Learning Plan Wk.#3 Outputs PDF

Title John lloyd bautista - 4th Quarter Weekly Home Learning Plan Wk.#3 Outputs
Author pay tinapay
Course Research Writing
Institution Our Lady of Fatima University
Pages 5
File Size 164.6 KB
File Type PDF
Total Downloads 538
Total Views 753

Summary

John Lloyd A. Bautista Gr. 10 STEM-B QURRAFilipino 4th Quarter – Week 3Subject Teacher: Ma’am Teresita B. Manzano Adviser: Sir Aldrin Manuel OrtizGawain I: Sarili Ipahayag Mo :Panuto: Gamit ang Double Entry Journal, isulat ang mga detalyeng hinahanap ayon sa akda namay kaugnayan sa dating kaalaman o...


Description

John Lloyd A. Bautista

Gr. 10 STEM-B QURRA

Filipino

4 th Quarter – Week 3

Subject Teacher: Ma’am Teresita B. Manzano

Adviser: Sir Aldrin Manuel Ortiz

Gawain I: Sarili Ipahayag Mo: Panuto: Gamit ang Double Entry Journal, isulat ang mga detalyeng hinahanap ayon sa akda namay kaugnayan sa dating kaalaman o karanasan. Pangyayari sa napakinggang teksto ukol sa Alam mo ba na… Regalian Doctrine

Panahon ng Kastila

Sariling Karanasan Karanasan

Pinipilit na angkinin ng mga prayle ang lupa ni Kabesang Tales at pinagbabayaran sila ng buwis kahit na sa kanila ang may-ari ng lupa. Di nagtagal at nawalan ng pasensiya si Kabesang Tales kaya naisipan niya na di magbayad at magbabayad lamang siya kung sila ay magpapakita ng dokumento na ang mga prayle ang may-ari ng kanilang lupa. Ang labanan ng dalawang panig sa usaping lupain ay dinaan sa asunto o lawsuit sa ingles upang masolusyunan ang problema.

Ang mga prayle ay mas mataas ang kanilang kapangyarihan kaysa sa may mga posisyon sa lipunan. Kahit labag na sa batas ang kanilang ginagawa ay sila pa rin ang mas nasusunod dahil may kakayahan silang patanggalin sa pwesto ang mga nasa katungkulan.

Ang gobyerno ang mas may kapangyarihan at sila na ang nasusunod. Wala na sa posisyon ang mga pari na magsuway sa batas at gawin ang gusto nilang mangyari.

Pag may problema o pinagaawayan ang dalawang panig sa isang bagay ay maaari nilang idaan ito sa asunto o lawsuit upang maresolba ito ng maaayos.

o

Sariling

Kung may problema o pinag-aawayan ang dalawang panig sa isang bagay ay dinadaan ito sa usapin ngunit kung di magkasundo ay idadaan ito sa barangay upang doon mapag-usapan at maaari rin nila ito idaan sa hukuman o maaari rin nila ipa-tulfo, si Raffy Tulfo ay isang broadcast journalist na tumutulong sa mga problema ng mga tao na hindi kadalasan na rineresolba ng gobyerno, kung ito’y gusto nilang mangyari.

Gawain II: Tulong sa Pag-unawa : Panuto: Mula sa binasang Kabanata IV – Si Kabesang Tales, piliin ang tamang letra at isulat sa patlang ang tamang sagot sa bawat katanungan 1. D 2. A 3. C 4. A 5. C

Gawain III: SURIIN AT TUKUYIN MO Panuto: Pagsusuri sa Kabanata: Suriin ang mga pahayag at tukuyin ang kaisipan na ipinapahayag nito. Piliin ang kasagutan sa loob ng kahon at isulat sa patlang. EDUKASYON PAMAMAHALA MAKA-DIYOS MAKABAYAN PAMILYA KALUPITAN PAKIKIPAGKAPWA KABAYANIHAN KARUWAGAN KAPANGYARIHAN AT SALAPI KAHIRAPAN KARAPATAN KAWANGGAWA PAGLILIBANG PANININDIGAN

___EDUKASYON______1. Binalak pag-aralin ni Kabesang Tales si Huli sa Maynila upang matulad kay Basilio na nagmula sa hirap at nakapag-aral sa isang unibersidad. __PANININDIGAN________2. Sa kabayanihan ni Kabesang Tales para sa kanyang pamilya laban sa Korporasyon ng mga prayle ang lupang kanyang sinasaka kanya itong tinanuran. ___KAWANGGAWA_______3. Si Kabesang Tales ay nagsimula sa pagiging kasama ng isang mayaman hanggang sa nakaipon at naghawan ng sarili niyang tubuhan at kaingin. ___KALUPITAN_______4. Ibinatay ni Dr. Rizal ang kabayanihan ng tauhang Kabesang Tales sa kanyang mga kamag-anakan na inagawan ng lupang pagmaymay-ari sa Laguna. __PAMAMAHALA________5. Noong panahon ng mga Kastila ay may takot ang mga opisyales ng pamahalaan sa mga prayle na lubhang nakaaapekto sa kanilang pamamahala. __MAKA-DIYOS________6. Matapos pahiramin ni Hermana Penchang ng kuwalta si Huli, inilagay niya ito sa paanan ng santong Inang Birhen dahil sa kanyang paniniwala sa milagro. __KAWANGGAWA________7. Sa pagiging makabayan ni Kabesang Tales, kung hindi makababayad ng buwis ang kanyang nasasakupan ay siya na ang nag-aabono upang wala ng mga tanong pa ang pamahalaang Kastila. __PAMILYA________8. Ilalaban ni Kabesang Tales ang lupa para sa kanyang anak na si Tano upang sa pagdating ng panahon ay siya ang magmana rito. __KARUWAGAN________9. Natatakot ang uldog kay Kabesang Tales dahil kilala ang Kabesa sa kagalingan nitong gumamit ng baril. __KAPANGYARIHAN AT SALAPI________10. Pilit na inaagaw ng korporasyon ng mga prayle ang lupa ni Kabesang Tales at tinataasan pa ang buwis nito upang mapilitan itong makuha.

PERFORMANCE TASKS: A. Gumuhit o kaya ay gumipit ng isang larawan ng pamilyang Pilipinong magsasaka, (10 Puntos) Panuto: Sumulat ng dalawa hanggang tatlong pangungusap na may kaugnayan sa binuo o dinikit na larawan.

Ito ay isang magsasakang Pilipino na masipag na nagtatanim ng kaniyang pananim. Siya ay nakasuot ng putting damit at pangtakip sa ulo upang maiwasan niya ang tindi ng init ng araw. Tinatanim niya ang kaniyang pananim sa umaga dahil iyon ang magandang oras sa pagtatanim ng mga pananim.

B..Panuto: Sumulat ng isang sanaysay upang ibigay ang iyong sariling kaisipan sa pangyayari sa Kabanata IV. 100-150 na salita. Isulat sa isang malinis na papel. (5 puntos)

Sa Kabanata lV: Kabesang Tales, maraming mga kaisipan ang mga pinapakita dito. Mula sa kuwento ni Kabesang Tales sa kaniyang kasipagan na maging guminhawa ang kaniyang buhay ng kaniyang pamilya hanggang sa pakikipaglaban ni Kabesang Tales sa kaniyang paninindigan laban sa mga prayle at siya’y nadakip at sa pagbenta ni Huli ng kaniyang mga alahas. Ang mga kaisipan na makikita dito ay ang korapsyon ng mga namamahala, ang kasipagan ng mga Pilipino, ang paninindigan sa kung ano ang tama, ang kaisipan na “bahala na”, at ang pagmamahal na makikita sa isang pamilya. Marami pang mga kaisipan dito ngunit ito lamang ang mga kaisipan sa aking isip nang ito’y aking binasa at ito’y aking inintindihang mabuti....


Similar Free PDFs