John lloyd bautista - 4th Quarter Weekly Home Learning Plan Wk.#4 Outputs PDF

Title John lloyd bautista - 4th Quarter Weekly Home Learning Plan Wk.#4 Outputs
Author pay tinapay
Course Research Writing
Institution Our Lady of Fatima University
Pages 4
File Size 121.1 KB
File Type PDF
Total Downloads 93
Total Views 263

Summary

John Lloyd A. Bautista Gr. 10 STEM-B QURRAFilipino 4th Quarter – Week 4Subject Teacher: Ma’am Teresita B. Manzano Adviser: Sir Aldrin Manuel OrtizGawain I A: Suriin Mo!Panuto: Suriin ang mga kaisipang lumutang sa akda na tungkol sa Diyos, bayan, kapwa-tao, at magulang. Isulat ang mga sagot sa kasuno...


Description

John Lloyd A. Bautista

Gr. 10 STEM-B QURRA

Filipino

4 th Quarter – Week 4

Subject Teacher: Ma’am Teresita B. Manzano

Adviser: Sir Aldrin Manuel Ortiz

Gawain I A: Suriin Mo! Panuto: Suriin ang mga kaisipang lumutang sa akda na tungkol sa Diyos, bayan, kapwa-tao, at magulang. Isulat ang mga sagot sa kasunod na mga kahon. Kopyahin ang pormat sa sagutang papel. (5 puntos sa bawat isa).

DIYOS - Ang mga Pilipino ay madalas na umaasa na lamang sa Diyos at hindi kumikilos ng may gawa upang maresolba ang problema o suliranin.

BAYAN

- Naglalagay ng mga Pilipino ng mga alay sa harap ng santo na pinagsasambahan.

- Kayang tanggapin ang kapahamakan na maaaring mangyari para lamang maipaglaban ang inang bayan minamahal.

- Ang mga Pilipino ay madalas sa himala ng Diyos.

KAPWA-TAO MAGULANG - Mabait sa kapwa ang mga Pilipino. - Mahilig sa pakikitsismis ang mga Pilipino. - Matulungin sa kapwa.

- Ginagawa ang lahat ng isang magulang para lamang sa ikabubuti at para mabigyan ng magandang kinabukasan ang anak. - Sila ay masisipag at matitiyaga.

Gawain II: Talakayin Mo! Panuto: Kaugnay ng mga sinuring kaisipan, basahin at unawain ang kasunod na mga detalye. Isulat sa patlang ang tsek (/) kung ipinakita sa mga kabanatang binasa ang mga ito at magkaroon ng talakay, iisulat naman ang ekis (x) kung hindi ipinakita. TALAKAYIN _/_1. Kabuluhan ng edukasyon

Ipinakita ang kabuluhan ng edukasyon sa kabanata 6: Si Basilio, na ang pagsisikap at pagtitiyaga sa pag-aaral ay magreresulta ng isang magandang kinabukasan at magbibigay ng ginhawa sa buhay tulad sa pagsisikap ni Basilio sa pag-aaral hanggang siya’y nakatapos at naging isang magaling na manggagamot.

_x_2. Pamamalakad sa pamahalaan _/_3. Pagmamahal sa Diyos, bayan, Pamilya, kapwa-tao

Ipinakita ito ang pagmamahal sa Diyos at pamilya sa senaryo na kung saan si Huli ay taimtim na nananalangin sa Diyos para humingi ng tulong upang mapalaya ang ama at sa senaryo na kung saan ginagamot ni Basilio si Kapitan Tiago ay nagpapakita ng pagmamahal sa kapwa-tao. Makikita ang pagmamahal sa bayan sa parte na pakikisama sa tulisan ni Kabesang Tales upang maipaglaban ang kaniyang paninindigan para sa bayan.

_x_4. Kabayanihan _/_5. Karuwagan

_/_6. Paggamit ng kapangyarihan

Ipinakita ito sa senaryo na kung saan takot si Huli na pumunta kay Padre Camorra upang humingi ng tulong para mapalaya si Basilio sa bilangguan dahil sa pagkakaalam nito na makulit ito sa mga babae. Ang paggamit ng mga prayle sa kanilang kapangyarihan upang angkinin ang lupa ni Tales.

_/_7. Kapangyarihan ng salapi

Ang paraan ng pagpapalaya sa mga nadakip o nakulong ay nadadaan sa pera tulad ng paghingi ng kabayaran na 500 piso para mapalaya si Kabesang Tales.

_/_8. Kalupitan at pagsasamantala sa kapwa

Ang pagsasamantala ni Padre Camorra kay Huli sa kaniyang problema upang siya ay makipagtalik ito sa kaniya.

_/_9. Kahirapan

Makikita ang kahirapan sa parte na sa una ay mahirap ang pamilya nina Tales sa Kabanata 4.

_/_10. Karapatang pantao

Makikita ang mga karapatan na maging malaya, karapatan na magmay-ari at karapatan na mabuhay ay nalabag sa nobela. Ang mga ito ay nalabag sa kabanata 4, sa parte na kung saan inaabuso ng mga prayle ang kanilang kapangyarihan upang kunin ang pagmamay-aring lupa ni Tales at sa parte na kung saan siya ay nadakip ng mga tulisan.

PERFORMANCE TASKS: ISULAT MO A. Paniniwala at Pagpapahalaga, Ipahayag Mo: Panuto: Namayani sa iba’t ibang kabanata ng araling ito ang ilang kaisipang sakit pa rin ng lipunan natin hanggang ngayon. Baon ang sarili mong paniniwala at pagpapahalaga ay umisip ng mga paraan o solusyon kung paano ka makatutulong upang mawala ang ganitong sakit ng lipunan. (5puntos) Sakit ng Lipunan Korapsyon, pasasamantala sa kapwa, kalupitan, kahirapan.

Paraan o Solusyon upang Mawala na ang Sakit ng Lipunan Kailangan natin ng isang magaling na lider upang mapamunuan ang bansa at kailangan rin natin baguhin ang kaisipan ng mga Pilipino na manghila ng kapwa-tao pababa o kilala sa tawag na crab mentality. Kahit na magaling sa pag-iisip ng solusyon ang mga namumuno, hindi ito magtatagumpay kung ang tao mismo ay ang kumakalaban sa kaniya. Hindi mareresolba ang korapsyon, pagsasamantala sa kapwa, kalupitan, at kahirapan kung hindi laging suportado ang mga mamamayan sa gobyerno at puro nalang laging reklamo ang binibigay sa kanila.

B. Pagsusuri Panuto: Balikan ang binasang mga kabanata (Kabanata 30 at 35). Suriin kung ano ang kaisipang lumutang kaugnay ng tungkol sa Diyos, Bayan, Kapwa-tao at Magulang. Maaaring iugnay rin ang mga detalye kaugnay nito. Ipaliwanag. (5 puntos bawat isa) 1. Kabanata 30

2. Kabanata 35

Kaisipan at Paliwanag Makikita ang kaisipang pagsuporta ng mga tao sa kanilang kapwa kaugnay ng tungkol sa kapwa-tao. Si Hermana Bali ang tumutulong at sumusuporta kay Huli sa kaniyang pagtugon sa problema. Makikita rin ang kaisipang pagiging matatag sa paninindigan kaugnay ng tungkol sa bayan. Ang pagiging matatag ni Huli sa paninindigan niya sa kaniyang dangal bilang isang babae ay maikukumpara sa paninindigan sa pinaglalaban ng ating mga bayani para sa bayan na kung saan ito ay parehong makikita ang katatagan nito. Makikita ang kaisipang pagiging pangalawang ina ni Hermana Bali kay Huli kaugnay ng tungkol sa magulang. Makikita dito na ang mga babae ay kakayahang magbigay ng pagmamahal ng isang ina kahit hindi nila ito kamag-anak sa pamamagitan ng pagsuporta at pagdamay nito sa kanila. Ang kaisipang naniniwala tayo sa pag-asa ay kaugnay ito tungkol sa Diyos. Makikita kay Huli ang paninitiling naniniwala sa pag-asa na makakalaya si Basilio sa kulungan ay tulad rin sa paniniwala nating mga Pilipino sa pag-asa sa Diyos pagdating sa kagipitan sa buhay.

Makikita ang kaisipang ang hindi maiwawasang magkaroon ng galit sa kapwa at gumawa ng paghihiganti kaugnay tungkol sa kapwa-tao. Ang nais ni Simoun, si Ibarra na nagpapanggap na ibang tao, na maghiganti sa kaniyang kapwa sa pamamagitan ng kaniyang plano na pasabugin ang lugar kung saan ginaganap ang pista sa dahilang galit na naipon sa kaniyang loob mula sa kaniyang mga kaaway ay isang natural na pag-iisip na iyon ng isang tao at hindi ito maiiwasan kahit gaano pa kabait ang isang tao. Makikita ang kaisipang idadasal natin sa diyos na maging ligtas ang mga taong nasa paligid natin kaugnay ng tungkol sa Diyos. Matutulad ito sa senaryo na kung saan na idinasal ni Basilio si Isagani na tulungan siya ng Diyos at maging ligtas siya sa gagawin niyang kapahamakan, ang puntahan si Paulita sa lugar kung saan magaganap ang pagsabog na plinano ni Simoun at makita siya muli sa huling pagkakataon....


Similar Free PDFs