Ma dagli lang yan (KOMFIL) PDF

Title Ma dagli lang yan (KOMFIL)
Course Panitikang Filipino
Institution Polytechnic University of the Philippines
Pages 3
File Size 87.1 KB
File Type PDF
Total Downloads 75
Total Views 125

Summary

asafsfjoasjosjfasjlk aojdapoisjpfj posjfpoajfdoiajfpo pjsafusaf aoidsaoiusoiaf osiadusaoid oiaudsoi...


Description

Mini T Task ask

Dagli li lang ‘y ‘yan an Ma- Dag

Pangalan:_____________________

Ba Baitang itang a att Seksyon:________

Sa gawaing ito ay aalamin ang kahusayan sa pagbuo ng dagli o maikling- maikling kwento. Inaasahan na magigigng makabuluhan at maysayay ang dagli ang makikitaan nang kasiningan at makikita lahat ng dapat asahan sa isang dagling Pilipino. Pamantayan sa pagmamarka

Puntos

Nakabuo ng isang orihinal na dagli mula sa mga napapanahong karanasan sa kasalukuyan.

10

Naging masining at nag- isip ng kakaibang estilo sa paglalahad ng kuwento.

10

Gumamit ng mga salitang impormal upang mailahad nang maayos ang kuwento.

5

Kabuoan

25

Hindi Petiks ang Buhay ngayong Pandemya Pamagat

“Yes! Suspended na yung klase, tara mag-moma (movie marathon).” Ang isang linggo ay naging dalawa at umabot na nga ng taon. Matagal-tagal na rin simula nung nagsaya si Mara sa pagkansela ng klase na akala nya’y panandalian lamang. Habang mahimbing na natutulog ay binulyawan na sya ng kanyang ina sa pagiging batugan. “Aba Mara, mag-aalas-dose na. Hindi ka senyorita.” Sigaw ng kanyang ina. “Awit naman. Wala namang pasok ah.” Sagot ni Mara na may pagdadabog. Nagligpit na ng higaan si Mara at naghilamos. Naupo na sya sa hapag-kainan kasama ang kanyang buong pamilya. Halata sa mukha ng ama na tila may hindi magandang balita. “Uy mamaya laro tayo kod-em (Call of Duty Mobile).” Ani ng kanyang bunsong kapatid sa isa nya pang kapatid na lalaki. “G!” Tugon naman nito. “Ehem.” Bilang sabi ng kanilang ama. “Natanggal ako sa trabaho dahil sa virus.” Dugtong nito.

Napailing na lamang ang ina ni Mara sa narinig. Gusto man nyang manermon sa asawa ay hindi magawa sapagkat ganoon ang sitwasyon, lockdown at halos laman ng balita ay tanggalan ng trabaho. “Hala paano ngayon ‘yan, hindi na matutupad yung pinangako mo Paps?” Nangangambang sambit ni Mara. Nagtinginan na lamang ang mag-asawa dahil sa hindi inaasahang pangyayari. Walang trabaho ang ina ni Mara at tanging tatay lamang nilang ang kanilang pundasyon ng pangaraw-araw na gastusin. Nangungupahan sila sa hindi kalakihang bahay. Nagbabalak sana ang mag-asawa na bumili ng laptop para sa kanilang anak para sa online class ngunit hindi nila alam kung matutuloy pa iyon. “Hayaan nyo, susubukan ko maghanap ng bagong trabaho” Ani ng kanyang ama. Natapos ang almusal na may bakas na lungkot sa mukha ni Mara. Dumiretso sya sa kanyang kwarto at nakipag-videocall sa kaibigan. “Bessywap, wala na trabaho si Paps.” Angal nito sa kanyang kaibigan. “Teka lang Mara, naka-shift pa ko.” Tugon nito. “Whaaat? Nagttrabaho ka na? Ang baduy mo naman Bessywaps.” Nag-iinarteng sabi nito. “Sige na, baduy na kung baduy. Kailangan ko ng areps para sa pamilya ko. Bye na muna.” Sabay baba sa cellphone. Napairap na lamang si Mara at nagnood na lang ng mga tiktok videos. Makalipas ng ilang araw ay nagtataka si Mara kung bakit puro sardinas ang kanilang inuulam kaya’t di nya napigilan magtanong. “Ma, bakit sardinas na naman? Amoy sardinas na ko nyan oh.” Pag-aangal nito. “Aba naman Mara, ang dami mong reklamo. Sige, magsiangal pa kayo. Hindi nyo ba alam na papaalisin na tayo dito” Naiiyak na sambit ng nanay nito. Nagulantang si Mara ngunit nagsalita pa rin sya. “So ganun ganun na lang? Hindi na talaga ako makakabili ng bagong lappy?!” Nagagalit na sagot ni Mara. Bigla na lamang syang sinampal ng kanyang ina. Nagulat sya at hindi makapagsalita. “Walanghiya ka! Mas inuna mo pa ang sarili mong luha kaysa sa pangangailangan natin? Hindi mo ba alam ang hirap para lamang mapakain kayo? Walang-wala na ko Mara. Wala pa ring trahabo ang Papa mo. Isipin mo nga iyon.” Hindi na alam ni Mara ang kanyang isasagot. Tinapos na lamang nya ang pagkain at umalis kaagad ng bahay. Dumako sya sa kanyang kaibigan. “Bessywap, pwede mo ba kong tulungan?” Nangingiyak na sambit ni Mara. “Uy anong nangyari?” Tugon nito. “Pwede mo ba akong ipasok sa trabaho mo? Kailangan ko tulungan sina Mama at Paps.” At niyakap na nya ang kanyang kaibigan. “Sige sige, akong bahala sa iyo.” Haplos nito sa likod ni Mara....


Similar Free PDFs