Major 15 Dulaang Filipino subkuda jdjajda PDF

Title Major 15 Dulaang Filipino subkuda jdjajda
Author arvin supan
Course Komunikasyon sa Filipino
Institution University of Makati
Pages 57
File Size 2 MB
File Type PDF
Total Downloads 193
Total Views 997

Summary

Yunit 1 – A. Dula Kahulugan at Katuturan ng Dula Ang Makulay Na Mundo Ng Dula Kasaysayan Ng Dulang Pilipino Katuturan ng Dula at ang mga Kinakailangan nito Para Maging Buhay Kahalagahan ng Dula Ang Agham ng Dula Katangian, Elemento o Sangkap Sangkap Ng Dula Elemento ng Dula Ang Aystetik Valyu ng Dul...


Description

MAJOR 15

DULAANG FILIPINO

Yunit 1 – A. Dula 1. Kahulugan at Katuturan ng Dula • Ang Makulay Na Mundo Ng Dula • Kasaysayan Ng Dulang Pilipino • Katuturan ng Dula at ang mga Kinakailangan nito Para Maging Buhay 2. Kahalagahan ng Dula • Ang Agham ng Dula 3. Katangian, Elemento o Sangkap • Sangkap Ng Dula • Elemento ng Dula 4. Ang Aystetik Valyu ng Dula • Eksena at Tagpo • Pag-Arte • Galaw Ng Katawan At Mga Alituntunin • Pagtawid at Pagbalik • Mga Kawani ng Produksyon • Aspekto Ng Kwento Ng Dula • Mga Uri Ng Dula Sa Pilipinas • Mga Kombensyon O Kasunduan Ng Dula • Mahahalagang Konsepto sa Dula 5. Mga Teorya At Bisang Dulang Pampanitikan • Teoryang Humanismo • Teoryang Formalistiko • Teoryang Imahismo • Teoryang Realismo • Teoryang Feminismo • Teoryang Sosyolohikal • Teoryang Eksistensyalismo

MAJOR 15

DULAANG FILIPINO

• Teoryang Romantisismo • Teoryang Naturalismo • Teoryang Dekonstruksyon YUNIT 1 – B. Teatro o Tanghalan 6. Katuturan ng Teatro o Tanghalan 7. Katangian ng isang Teatro 8. Ang Tanghalan o Theatre Space YUNIT 2 – A. Pahapyaw na Kasaysayan ng Dula sa Pilipinas 9. Kasaysayan Ng Dulang Pilipino • Sa paghahati ng panahon • Panahon ng kwentong-bayan a. Kuwentong-bayan b. Kantahing-bayan c. Karunungan-bayan d. Mga Bulong • Panahon ng Epiko A. Ritwal: ang pinag-ugatan ng mga dula at dula • Moriones • Dalit Alay (Flores de Mayo) • Pangangaluluwa • Panunuluyan • Tibag • Santakrusan • Papuri/Putong YUNIT 3 – A. Panahon Ng Amerikano 12. Sarsuwela – Isang dulang Musikal YUNIT 3 – B. Panahon ng Hapon 13. Legitimate at Illegitimate

MAJOR 15

DULAANG FILIPINO

14. Mula Dulang Pantanghalan hanggang Dulang Pantelebisyon YUNIT 4 – A. Samahan Ng Mga Mandudula 15. Mga Tanyag Na Samahan Ng Mga Mandudula YUNIT 5 – A. Pagtatanghal o Drama PANGULING GAWAIN Gawaing Pangkat

MAJOR 15

DULAANG FILIPINO

HANDA KA NA BA?

GABAY NA TANONG: A. May ideya ka ba kung anong larawan ang pinpahiwatig sa itaas? B. Naranasan mo na bang manuod ng isang dula? C. Maaari mo bang ibahagi sa amin ang iyong naging karanasan noong nanuod ka ng dula?

MAJOR 15

DULAANG FILIPINO

PAG-ARALAN NATIN! YUNIT I – A. DULA Kahulugan at Katuturan ng Dula ANG MAKULAY NA MUNDO NG DULA Ang panitikan sa patanghal na tradisyon ay dili’t iba ang kilala ng lahat ngayon sa katawagang dula. Ito, noon… bukod sa binibigkas ng patula, o kaya naman ay pahimig, ay isinasayaw pa o ipinapantomina. Napapanood ito o kaya naman karaniwang nakikita sa mga pataniman, sa mga tindahan, sa mga bahay-bahay, sa mga liawasan o di naman kayang kung saan-saan man. Ito, noon ay mga gawi-gawi lamang, mga payak na gawaing bahagi lamang ng pang-araw-araw na pamumuhay, na kung hindi kinukusa ng mga nalalasing sa inuman sa harap ng maliit na tindahan, ay pinaghahandaan ng mga kaingero sa pataniman. Wala itong iskrip na sinusundan, samakatuwid daglian o impromptu kung ito;y itanghal, o kaya nama’y utos ng tradisyon sa tawag na pamahiin at pananalig. Ngayon… gawa ng malaking kaunlaran nito, ang masining nitong kaanyuan ay sinasadya nang likhain at pagsasanayan muna nang husto bago ito itanghal sa lehitimong dulaan o teatro o tanghalan. Sa kasalukuyang panahon, maaari pa rin itong itanghal na patula sa diyalogo, subalit sa kahilingan ng panahon na kinakailangang maging makatotohanan ito sa panggagaya sa buhay, karaniwan ng patuluyan ang diyalogo para maging matapat sa pang-araw-araw na pamilyar o pormal na usapan sa loob ng sitwasyon. Ito’y maaari pa ring lagyan ng bahaging may awitan at sayawan tulad ng sarsuela, o kaya nama’y maaari pa ring ipantomina gaya ng ibinabalik muling pag-aaral nito’t pagtatanghal na isinasagawa ng PETA ( Philippine Educational Theater Association ) Sa madali’t sabi ang dula ay isang uri ng panitikang ang pinakalayunin ay itanghal sa tanghalan. Mauunawaan at matutuhan ng isang manunuri ng panitikan ang ukol sa isang dula sa pamamagitan ng panonood. Gaya ng ibang panitikan, ang karamihan sa mga dulang itinatanghal ay hango sa totoong buhay maliban na lamang sa iilang dulang likha ng malikhain at malayang kaisipan.

MAJOR 15

DULAANG FILIPINO

KASAYSAYAN NG DULANG PILIPINO

Bago natin talakayin ang kasaysayan ng dulang Pilipino, makabubuti sigurong alamin muna natin ang kahulugan ng dula o drama. Ito ay nag- ugat sa salitang Griyego na ayon sa diksyonaryo, ang ibig sabihin ay pampanitikang komposisyon na nagkukuwento sa pamamagitan ng wika at galaw ng mga aktor. Ayon sa mga mananalaysay, ang dula o drama ay maaaring ipaliwanag sa dalawang paraan. Sa isang dako, ang tunay na drama ayon kay Sebastian ay nagsimula noong mga unang taon ng pangungupkop ng mga Amerikano. Idinagdag pa ni Tiongson na ang drama ay binubuo ng tanghalan, ibat-ibang kasuotan, skripto, “characterization”, at “internal conflict.” Ito ang pangunahing sangkap ng tunay na drama ayon sa banyagang kahulugan. Sa kabilang dako, ayon sa mga aklat, ang drama ay drama kahit wala ang mga sangkap na nabanggit. Ito ang dramang Pilipino. Ayon pa rin kay Tiongson, memises ang pangunahing sangkap ng dulang Pilipino. Memises ay ang pagbibigay buhay ng aktor sa mga pang-araw-araw na pangyayari sa buhay ng mga Pilipino. Ito rin ang malaking pagkakaiba ng banyaga sa Pilipinong dula. Inilalarawan sa tunay na Pilipinong dula, ang mga pangarap ng bansa. Dito ipinapakita ang mga katutubong kultura, paniniwala, at tradisyon. Ikinukuwento rin ang paghihirap at pagpupunyagi sa buhay ng mga katutubong Pilipino. Dito rin mamamalas ang ibat-ibang anyo ng kanilang pamahalaan at uri ng lipunan. Samakatuwid, ang tunay na dulang Pilipino ay nagbibigay ng mas malawak na pang-unawa sa kulturang Pilipino at nagbibigay ng kasagutan sa mga pangangailangan ng mga Pilipino. Higit sa lahat, ito’y nagsisilbing gabay para sa kabutihan ng mga mamamayang Pilipino. Ang kasaysayan ng dulang Pilipino ay isinilang sa lipunan ng mga katututbong Pilipino bago pa dumating ang mga dayuhang mananakop. Ayon kay Casanova, ang mga katutubo’y likas na mahiligin sa mga awit, sayaw at tula na siyang pinag-ugatan ng mga unang anyo ng dula. Ang mga unang awitin ay nasa anyo ng tula. Ang mga katutubo rin ay mayaman sa epikong bayan na kalimita’y isinasalaysay sa pamammagitan ng pag-awit. Ang mga awit, sayaw, at ritwal ay karaniwang ginaganap para sa pagdiriwang ng kaarawan, binyag, pagtutuli, ligawan, kasalan, kamatayan, pakikipagdigmaan, kasawian, pananagumpay, pagtatanim, pag-aani, pangingisda, atbp. Bago dumating ang mga dayuhang mananakop, ay mayroon ng ilang anyo ng dula ang mga katutubong pilipino. Katuturan ng Dula at ang mga Kinakailangan nito Para Maging Buhay “Ang mundo ay isang teatro…” ayon na nga kay Shakespear. “Ang buhay ay drama…” ayon

MAJOR 15

DULAANG FILIPINO

naman sa isang popular na awiting patalastas ng Channel 13. At kung idaragdag pa ang bukambibig ng mga Pilipino na “Ang tao ay may sariling papel na ginagampanan sa buhay ayon sa kanyang guhit ng palad o kapalaran o tadhanang itinatakda sa kanya ng Diyos,” ang katuturan ng kaganapan sa pagtatanghal ng isang dula ay magiging buo, sapagkat inuungkat na rito ang mga mahahalagang kailanganin sa isang dula. Una, ang teatro o tanghalan – ang pinaglalabasan o kung saan ipinapakita sa mga tao o pinanonood ng tao ang dula. Ito ay maaaring sa bakuran lamang, maaaring sa lansangan, at pwede rin sa loob ng bahay. Ang dula kung ibabase sa pinagtatanghalan ay mauri sa panlansangan, pambakuran at pantahanan. Pangalawa, ang mga tauhan – ang mga gumaganap ng mga mahahahalagang papael sa dula, ang dinadaluyan ng mga suliranin at mga pangyayari, ang gumagawa ng aksyon at resolusyon sa buhay. Pangatlo, ang iskrip – ang mga nakasulat na magkakasunod na mga pangyayari sa buhay ng mga tauhan na may simula, gitna at wakas, Pang-apat – ang director o tagadirehe – ang nag-uutos o nagpapasunod sa mga dapat na gawin o Gawain ng mga tauhan na naaayon sa kanyang ginagampananang papel, kung ano ang dapat niyang ipakita at kung paaano niya sasabihin ang diyalogo. Ang dula, samakatuwid, sa masining at maagham nitong katuturan na sa Gresya pa pinasimulan ng mga batikang klasikong dramaturgong sina Aeschylus, Sophocles, at Euripides, ayon na rin kay Aristotle, ay isang sining ng panggagaya o pag-iimita sa kalikasan ng buhay. Ang kalikasan ditong tinuturol ay walang iba kundi ang realidad o katotohanan sa buhay ng tao sampu ng kanyang mga iniisip, iniaaksyon at iginagalaw ayon sa mga dahilan o sanhi na ang mga magiging resulta o bunga nito- tagumpay man o kabiguan, kalungkutan man o kaligayahan. Ang dula ay kinakatha at itinatanghal upang magsilbing salamin ng buhay – sa wika, sa kilos, at damdamin, sa sining – upang makaaliw, makapagturo o makapagbigay-mensahe o basta makaantig ng damdamin at makapukaw ng isip. Kahalagahan ng Dula Gaya ng ibang panitikan,karamihan sa mga dulang itinatanghal ay hango satotoong buhay. Inaangkin nito ang lahat ng katangiang umiiral sa buhay gaya ng mga tao at mga suliranin. Inilalarawan nito ang mga damdamin at pananaw ng mga tao sa partikular na bahagi ng kasaysayan

MAJOR 15

DULAANG FILIPINO

ng bayan. Sa pamamagitan ng dula, ay naipapakita nito ang mga mahahalagang kaganapan ukol sa isang kultura ng isang bayan, pinaghanguan ng kuwento o di naman kaya ang paglalarawan ng katangian ng isang tao ayon sa kanyang papel na ginagampanan sa dula. Malahagang matuklasan ang pagsasagawa ng dula ay may makaagham na pamamaraan kung paano ito nabubuo bago maisagawa ng tuluyan. Mula sa konsepto ng kuwento hanggang sa dulo ng wakas ng isang dula. Ang Agham ng Dula Ang agham ng dula ayon kay Julian Cruz-Balmaceda (1947) ay “nagtuturo sa atin ng pagyari ng isang akdang pandulaan o paghahanda baga ng akdang tatanghalin, pagpili ng paksa, paghahanda ng balangkas, paglikha ng tauhan at pagbibigay ng buhay sa paksang napili na umaalinsunod sa… paglalahad, buhol o kagustuhan at kalutasan o kakalasan.” Sa pag-aanyo na lamang ng dula, ang yugto na kung baga sa nobela ay kabanata, ay nahahati pa sa tanghal o eksena at tagpo. Ang eksena ang nagbabadya sa pagbabago ng tagpuan, samantalang ang tagpo ay nagbabadya ng pagpasok at paglalabas ng sinumang tauhan. Ang pagkatha ng dula ay kinakailangang pag-isipan. Ang isip ng tao o manunulat ay may sariling tanghalan. Dito muna ito itinatanghal bago maging katha. Ang mahusay na pamamaraan sap ag-akda ng dula ay ang dapat na pagsunod nito sa kailanganing hinihiling sa sining ng dula. Kinakailangang may tagpuan, may tauhan, may suliranin at iba pa. Magiging lubos lamang ang kasiyahan hindi lamang ng mga manonood, kundi lalo’t higit ng mandudula kung maitatanghal ang kanyang akda na natitiyak ang kalalabasan at maipagmamalaki ang kagandahan Katangian, Elemento o Sangkap Ang paksa ay ang kaisipang ipinahihiwatig ng dula. Kung ating nauunawaan ang paksa, madali nating maiintindihan ang pandaigdig na tuntunin ng banghay. Ang ilang mamumunang pampanitikan ay gumagamit ng kilos bilang katumbas ng paksa sapagkat naniniwala sila kay Aristotle na nagsabing ang isang dula ay isang pagpaparis ng kilos. Ang banghay ay malimit itumbas sa “salaysay” ngunit malimit ito’y inihahambing sa tanging pagsasaayos ng dula ng mandudula. • Ang mga dula ay karaniwang nagkakaroon ng pataas at pababang aksyon sa kwento, napapaloob ito sa banghay. • Sa pamamagitan ng paglalalahad ng aksyon sa banghay, nalalaman ng mga tagasubaybay ang nakaraang kilos ng tauhan sa dula. • Sa paglalahad ng pangyayari at kilos na ginagawa ng mga tauhan, magkakaroon ng damdamin ang mga manonood sa kung ano ang nangyayari sa dula. Sangkap Ng Dula • Tagpuan – panahon at pook kung saan naganap ang mga pangyayaring isinaad sa dula. • Tauhan – ang mga kumikilos at nagbibigay-buhay sa dula; sa tauhan umiikot ang mga pangyayari; ang mga tauhan ang bumibigkas ng dayalogo at nagpapadama sa dula.

MAJOR 15

DULAANG FILIPINO

• Sulyap sa suliranin – bawat dula ay may suliranin, walang dulang walang suliranin; mawawalan ng saysay ang dula kung wala itong suliranin; maaaring mabatid ito sa simula o kalagitnaan ng dula na nagsasadya sa mga pangyayari; maaaring magkaroon ng higit na isang suliranin ang isang dula. • Saglit na kasiglahan – saglit na paglayo o pagtakas ng mga tauhan sa suliraning nararanasan. • Tunggalian – ang tunggalian ay maaaring sa pagitan ng mga tauhan, tauhan laban sa kanyang paligid, at tauhan laban sa kanyang sarili; maaaring magkaroon ng higit sa isa o patungpatong na tunggalian ang isang dula. • Kasukdulan – climax sa Ingles; dito nasusubok ang katatagan ng tauhan; sa sangkap na ito ng dula tunay na pinakamatindi o pinakamabugso ang damdamin o kaya’y sa pinakakasukdulan ang tunggalian. • Kakalasan – ang unti-unting pagtukoy sa kalutasan sa mga suliranin at pag-ayos sa mga tunggalian. • Kalutasan – sa sangkap na ito nalulutas, nawawaksi at natatapos ang mga suliranin at tunggalian sa dula; ngunit maaari ring magpakilala ng panibagong mga suliranin at tunggalian sa panig ng mga manonood Elemento ng Dula 1. Iskrip o nakasulat na dula/Banghay (Plot) – ito ang pinakakaluluwa ng isang dula; lahat ng bagay na isinasaalang-alang sa dula ay naaayon sa isang iskrip; walang dula kapag walang iskrip. Sa iskrip nakikita ang banghay ng isang dula. Ito ay ang pagkakasunud-sunod ng mga pangyayari at sitwasyon sa pamamagitan ng mga karakter (aktor) na gumagalaw sa tanghalan. 2. Gumaganap o aktor/ Karakter – ang mga aktor o gumaganap ang nagsasabuhay sa mga tauhan sa iskrip; sila ang nagbibigkas ng dayalogo; sila ang nagpapakita ng iba’t ibang damdamin; sila ang pinanonood na tauhan sa dula. Ang mga kumikilos at nagbibigay-buhay sa dula; sa tauhan umiikot ang mga pangyayari; ang mga tauhan ang bumibigkas ng dayalogo at nagpapadama sa dula. 3. Dayalogo – ang mga bitaw na linya ng mga aktor na siyang sandata upang maipakita at maipadama ang mga emosyon. Nagiging mas maganda at makapangyarihan ang dula kung may

MAJOR 15

DULAANG FILIPINO

mga malalakas at nakatatagos na mga linyang binibitiwan ng mga aktor. 4.Tanghalan – anumang pook na pinagpasyahang pagtanghalan ng isang dula ay tinatawag na tanghalan; tanghalan ang tawag sa kalsadang pinagtanghalan ng isang dula, tanghalan ang silid na pinagtanghalan ng mga mag-aaral sa kanilang klase. 5.Tagadirehe o direktor – ang direktor ang nagpapakahulugan sa isang iskrip; siya ang nag-iinterpret sa iskrip mula sa pagpasya sa itsura ng tagpuan, ng damit ng mga tauhan hanggang sa paraan ng pagganap at pagbigkas ng mga tauhan ay dumidipende sa interpretasyon ng direktor sa iskrip 6. Manonood – hindi maituturing na dula ang isang binansagang pagtanghal kung hindi ito napanood ng ibang tao; hindi ito maituturing na dula sapagkat ang layunin ng dula’y maitanghal; at kapag sinasabing maitanghal dapat mayroong makasaksi o makanood. 7. Tema – ang pinakapaksa ng isang dula. Naiintindihan ng mga manonood ang palabas base na rin sa tulong ng pagtatagpi-tagpi ng mga sitwasyon at pagkakasunud-sunod ng mga pangyayari at pag-aarte ng mga aktor sa tanghalan. Naililitaw ang tunay na emosyon ng mga aktor sa tulong ng paglinaw ng tema ng dula.

SUBUKAN MO Panuto: Magsagot sa bukod na papel. Magsaliksik ng isang tanyag na dulang Filipino na naitanghal na sa entablado. Suriing mabuti ang dulang gamit ang mga sangkap at elemento ng dula. SANGKAP NG DULA TAUHAN TAGPUAN SULYAP NA SULIRANIN SAGLIT NA KASIGLAHAN TUNGGALIAN KASUKDULAN KAKALASAN KALUTASAN

MAJOR 15

DULAANG FILIPINO

LAGUMIN MO!

1.1 Bigyan ng mas malawak na pagpapaliwanag ang mga pahayag ng bantog na manunulat na si Shakespeare na “Ang mundo ay isang teatro”. Paano nyo ito maipapaliwanag sa makumbinsing paraan upang mapaniwala nyo ang inyong mga kamag-aral kapag ito ay inyo nang ibinahagi sa kanila. (50 salita) 15 pts

1.2 Gamit ang mga sangkap ng dula, gumawa ng isang iskrip na may kinalaman sa kursong inyong kinuha. Ilagay ito sa Microsoft word (Times New Roman size 12) (50 salita) 100 pts

1.3 LAYTS KAMERA AKSYON! (100 PTS) ✓ Ang guro ay magbibigay ng video clip ng mga pelikula o palabas. ✓ Ang mga linya ng pangunahing tauhan ay iyong gagayahin. ✓ Kunan ng video ang sarili habang umaarte. ✓

MAJOR 15

DULAANG FILIPINO

PAMANTAYAN SA PAGMAMARKA SA BILANG 1.2 BATAYAN

BAHAGDAN

Kaangkupan ng Paksa

25%

Impormasyong pumapaloob

40%

Kaayusan ng Balangkas sa Pagsulat

25%

Kabuuang Dating

10%

Kabuuan

100%

PAMANTAYAN SA PAG-ARTE BATAYAN

BAHAGDAN

Ekspresyon ng mukha

30%

Damdamin/ emosyon

30%

Dating sa Madla (guro)

10%

Lakas o linaw ng Tinig/ Boses

10%

Kilos o Kumpas ng Kamay

!0%

Kasuotan

10%

Kabuuan

100%

MAJOR 15

DULAANG FILIPINO

HANDA KA NA BA?

GABAY NA TANONG: A. Ayon sa larawan na nakikita ninyo sa itaas, ang tindig ba ng actor/ aktres ay akma sa kanilang ginagampanan kahit na ito ay hindi pa ninyo napapanood? B. Magbigay o magbanggit ng mga palabas o pelikula na inyong napanood at ilarawan ang mga actor at aktres. Akma ba ang kanilang pananamit, pag-arte sa kanilang karakter na ginagampanan?

MAJOR 15

DULAANG FILIPINO

PAG-ARALAN NATIN! Ang Aystetik Valyu ng Dula Eksena at tagpo Ang eksena ay ang paglabas-masok sa tanghalan ng mga tauhan samantalang ang tagpo nama’y ang pagpapalit o ang iba’t ibang tagpuan na pinangyarihan ng mga pangyayari sa dula. PAGTATANGHAL NG DULA AKROSTIK na pinakabatayan habang ika’y nasa tanghalan. S – seen before heard ( makita muna bago marinig) T – talk in projection ( magsalita na may tamang tindig) A – act realistically ( Umarte nang totoo) G – give your all ( Ibigay ang lahat) E – exaggerate ( Eksaherado) PAG-ARTE Pagpasok – dito kailangang maipakita ng aktor na siya ay mula sa tiyak na lugar na may tiyak na layunin at nasa tiyak na pag-iisip dahil ang unang impresyon na kanyang ibibigay sa mga manonood ay ang kanyang susi sa papel na kanyang gagampanan. Kailangang maisaisip at maisapuso niya ang kanyang katauhan bago pa man siya papasok. Mahalaga ring mapagplanuhang mabuti ang paraan kung paano niya gustong lumantad lalo na ang kanyang tindig. Dapat na nasisigurong ang lahat ay maayos tulad ng make-up, kasuotan at mga kagamitan upang hindi mabagabag. Habang hinihintay ang pagpasok, tiyaking hindi lumalabas ang anino sa entablado at huwag ding harangan ang labasan. Kapag dalawa o mahigit ang papasok, dapat ang isa ay nagsasalita at iyon ang ang taong huling lalabas upang hindi na niya kailangan pang lumingon sa kanyang mga kausap. Diin at Balanse sa Entablado – ang direktor ang magtuturo sa tamang posisyon sa entablado ngunit ang actor ay maaring tumulong sa pamamagitan ng pagtatanda sa kanyang dapat na posisyon. Kapag natatakpan ang ibang tauhan, ang taong nasa likod ang kikilos upang isaayos ang posisyon. Iwasan na matakpan ang iba. Bawat tauhan ay mahalaga at bahagi ng kabuuang larawan ng entablado gaano man ka liit ng linyang bibitawan o kahit na “extra” lamang. Posisyon at Paggalaw – walang kilos o galaw ang dapat na gawin na walang dahilan. Ang bawat kilos o galaw ay may kahulugan. Ang pag-upo o pagtayo ay dapat naaayon pa rin

MAJOR 15

DULAANG FILIPINO

sa papel na ginagampanan. Ang dalawang mag-uusap ay kailangang magtinginan paminsanminsan. Tingnan nang diretso ang bagay na pupulutin, ang lugar na pupuntahan o ang taong kakausapin. Huwag na huwag tumalikod sa mga manonood. Linya at Palatandaan – Dapat kabisado o saulado ang linyang bibigkasin.Kailangan ding malinaw, buo at malakas ang boses ng mga actor sa pag-uusap. Ang “pag-aadlib” ay para lamang sa kagipitan upang maiwasan ang katahimikan. Kapag nakalimutan ng isang aktor ang linya at nawawala ang ibang impormasyon, ang ibang aktor ay mag-aadlib na hindi pinahahalata ang pagkakamali sa pamamagitan ng pagpapakita pa rin ng pagkanatural ng usapan.Kailangang magkaroon n...


Similar Free PDFs