MGA Hakbang SA Pagbasa - Lecture notes 1 PDF

Title MGA Hakbang SA Pagbasa - Lecture notes 1
Author Joevyva Mae Torre
Course Secondary Education
Institution University of Antique
Pages 8
File Size 462 KB
File Type PDF
Total Downloads 1
Total Views 45

Summary

ARALIN 2 AT DIMENSYON NG PAGBASAIsang mental na aktibidad ang pagbasa. Hindi ito basta pagtingin lamang sa nakalarawang sulat-kamay o nakaimprentang simbolo kungdi isang pagtuklas sa mga nakapaloob nitong kahulugan. Upang magawa ang pagtuklas ng kahulugan, karaniwang sinusunod ang mga hakbang sa pag...


Description

ARALIN 2.HAKBANG AT DIMENSYON NG PAGBASA Isang mental na aktibidad ang pagbasa. Hindi ito basta pagtingin lamang sa nakalarawang sulat-kamay o nakaimprentang simbolo kungdi isang pagtuklas sa mga nakapaloob nitong kahulugan. Upang magawa ang pagtuklas ng kahulugan, karaniwang sinusunod ang mga hakbang sa pagbasa. Kung kaya tatalakayin sa araling ito ang hakbang at dimensiyon sa pagbasa. PAGGANYAK: PANUTO: Tingnan ang larawan. Ito ay nagpapakita ng isang tambak na huhugasang mga pinggan. Kung ikaw ang uutusang maghugas, ano ang uunahin mo? Gumawa ng hakbang sa paghuhugas ng pinggan.

PAGTATALAKAY A. MGA HAKBANG SA PAGBASA Ayon kay William S. Gray, “Ama ng Pagbasa”, ang pagbasa ay isang proseso na may apat na hakbang na dapat sundin. Ito ay isang proseso ng pag-iisip, pag-eevalweyt, paghuhusga at paglutas ng suliranin.  Persepsyon = ito ay estado ng pagkilala o pagtukoy sa kamalayan sa isang bagay sa mga nakalimbag na simbolo at kakayahan sa pagbigkas ng mga tunog.

 Komprehensyon = ang kakayahang maunawaan ang nilalaman ng teksto sa pamamagitan ng pagbuo ng isang konsepto  Reaksyon = nangangailangan ito ng paghuhusga at pagwawari tungkol sa kung ano ang sinabi ng awtor. Ayon kina Aban at Cruz, may dalawang paraan ang pagsasagawa ng reaksiyon. Ang intelektwal at emosyonal. Ang intelektwal ay tuwirang nasaling ang kaniyang pag-iisip na humahantong sa pagpapasya sa kawastuan at lohika ng binasa samantala ang emosyonal naman ay higit ang paghanga sa istilo at nilalaman ng teksto.  Integrasyon/Asimilasyon= ang kakayahang maiangkop sa buhay ng mambabasa ang anomang konseptong nauunawaan upang maging mahalagang bahagi ng kanyang karanasan para sa kinabukasan. Ayon pa kay Gray, ang pagtuklas ng kahulugan ang dapat na magiging sentro ng pagbasa. Ang kaalaman naman sa mga salita, balarila, at kagalingang pansemantika ay makatutulong sa pagbibigay ng mabilis na fidbak o reaksiyon sa akdang binasa at sa paghihinuha ng nilalaman ng iba pang babasahin. B. DIMENSYON SA PAGBASA Ang pagbasa ng magasin, aklat, pahayagan at iba’t ibang akdang pampanitikan ay may layuning hindi lamang malinang ang kakayahan ng mga mag-aaral sa pagbasa kungdi magkaroon sila ng mga kaalamang kaugnay ng pagmamahal ng diyos, bayan, kapwa, tao at kalikasan at mga karanasang maiuugnay sa sariling buhay. Dahil dito, may limang dimensyon ang pagbasa o panukatan na makatutulong sa nabanggit na layunin. 1. Pag-unawang Literal (Unang Dimensyon) = Ito ay tumutukoy sa pinakamababaw na kahulugan ng salita o alinmang pahayag. Lantad ang kahulugan na tinutukoy ng ganitong pang-unawa. Ito ang mga sumusunod na gabay upang malaman na sa pagunawang literal ang mambabasa. a. Pagpuna sa mga detalyeng nakalahad b. Pagpuna sa wastong pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa teksto. c. Pagsunod sa panutong nabanggit d. Pagbubuod o paglalagom sa binasang teksto e. Paggawa ng balangkas f. Pagkuha ng pangunahing diwa o kaisipan g. Paghanap ng tugon sa mga tiyan na katanungang inilahad h. Pagbibigay ng katotohanan i. Paghahanap ng katibayan para sa o laban sa isang pansamantalang kongklusyong inilahad.

j. Pagkilala sa mga tauhang gumanap. 2. Interpretasyon (Ikalawang Dimensyon) = Naiibibigay sa antas na ito ang paghihinuha kaugnay sa mga ideyang natagpuan sa pagbasa maging ang paglalahad sa ilang kaisipan na hindi malinaw na binanggit sa teksto. Kailangan itong suriin ng bumabasa upang makapagbigay siya ng interpretasyon ukol sa nakatagong kahulugan. Ito ang mga sumusunod na gabay upang malaman na sa dimensyong Interpretasyon ang mambabasa. a. b. c. d. e. f. g. h. i.

Pagdama sa katangian ng tauhang gumanap Pag-unawa sa mga tayutay at patalinhagang salita Paghihinuha ng mga katuturan o kahulugan Pagbigay ng kuro-kuro at opinion sa talataan Paghula sa kalalabasan ng nobela/teksto Paghinuha sa mga sinundang pangyayari Pagbibigay ng solusyon o kalutasan Pagkuha ng pangkalahatang kahulugan ng isang binasa Pagbibigay ng pamagat

3. Mapanuring Pagbasa (Ikatlong Dimensyon) = Nakakapaloob sa antas na ito ang malalim na pagsusuri sa ideya o impormasyon ng binabasang teksto kung saan maaaring ibigay ang kapasyahan kung ang inilalahad ng teksto ay makatotohanan o kathang isip lamang at iba pa. Ito ang mga sumusunod na gabay upang malaman na sa mapanuring pagbasa ang mambabasa. a. b. c. d. e. f. g. h. i. j.

Pagbigay ng reaksiyon sa teksto Pag-iisip ng masaklaw at malawak na talasalitaan Pagbibigay ng pagkakaiba at pagkakatulad ng pahayag Pagdama o pagkaalam sa pananaw ng awtor Pag-unawa sa mga impresyon o kakintalang nadarama Pagkilala sa pagkakaroon o kawalan ng kaisahan ng diwa ng mga pangungusap na nasasaad. Pagkilala sa pagkakaugnay-ugnay ng mga pangungusap sa talata Pagtatalakayan tungkol sa mabuting katangian ng kuwentong binasa Pagpapasiya tungkol sa katumpakan ng pamagat ng binasang seleksyon sa aklat Pagpapasiya tungkol sa kabisaan ng paglalahad na isinasagawa.

4. Aplikasyon sa pagbasa (Ikaapat na Dimensyon) = Inilalapat ng mambabasa ang mga kaisipang nakuha sa pagbasa. Inuugnay niya ito sa mga kaisipang hango sa teksto sa mga tunay na karanasan sa

buhay. Sa gayon, nakabuo siya ng panibagong pananaw o perspektiba mula sa mga pangyayaring nababasa. Ito ang mga sumusunod na gabay upang malaman na sa aplikasyon sa pagbasa ang mambabasa. a. Pagbibigay opinyon at reaksyon sa binasa b. Pag-uugnay ng binasang kaisipan sa kanyang sariling karanasan at sa tunay na pangyayari sa buhay ng mag-aaral c. Pagpapayaman ng talakayan sa aralin sa pamamagitan ng paglalahad ng mga kaugnay na karanasan sa talakayan. d. Pag-alala sa mga kaugnay na impormasyon sa pag-aaral. e. Pagpapaliwanag sa nilalaman o kaisipang binasa batay sa sariling karanasan. 5. Pagpapahalaga (Ikalimang Dimensyon) = Nakapaloob sa antas na ito ang pagsasabi sa mga damdaming maaaring nakapaloob sa teksto ayon sa kasiyahan, interes at iba pa. Ang bahaging ito ay pagpapahalaga sa mga kaisipang nabasa sa teksto. Ito ang mga sumusunod na gabay upang malaman na sa pagpapahalaga na dimensyon ang mambabasa. a. b. c. d. e. f.

Pagbabago ng panimula ng kuwento o lathalain Pagbabago ng wakas ng teksto Pagbabago ng pamagat ng teksto Pagbabago ng mga katangian ng mga tauhang gumanap Pagbabago ng mga pangyayari sa teksto Paglikha ng sariling kwento batay sa binasang teksto.

PAGLALAPAT Panuto: Basahin ang kuwento. Pagkatapos tukuyin kung anong Dimensyon ng Pagbasa ang sumusunod na tanong sa ibaba.

Halimbawa: 1. Kung bigyan ka ng pagkakataon na baguhin ang pamagat ng kuwento, ano ang ibibigay mong pamagat? SAGOT: PAGPAPAHALAGA (Ikalimang dimensyon) Magsimula rito: 1. Kanino ibinahagi ng ama ang kanyang ari-arian? SAGOT: _______________________________ 2. Ano ang ginawa ng bunsong kapatid sa nakuha niyang yaman o ariarian? SAGOT: _______________________________ 3. Ano ang ipinakatay ng ama sa anak na nagbalik? SAGOT: _______________________________ 4. Anong ugali mayroon ang alibughang anak? SAGOT: _______________________________ 5. Ano ang naramdaman ng ama nang makita niyang nagbalik ang bunso niyang anak? SAGOT: _______________________________ 6. Ano sa palagay mo ang maaaring mangyari sa alibughang anak kung hindi siya bumalik sa kanyang ama? SAGOT: _______________________________ 7. Ano sa palagay mo ang naramdaman ng bunsong anak nang muli siyang tinanggap ng kaniyang ama? SAGOT: _______________________________ 8. Sa iyong palagay tama ba na inilustay ng bunsong anak ang kayamanang ibinigay sa kanya? SAGOT: _______________________________ 9. Ano sa palagay mo ang naramdaman ng ama nang umalis ang kanyang bunsong anak? SAGOT: _______________________________ 10. Kung pagbibigyan ka ng pagkakataon na baguhin ang pamagat, ano sa palagay mo ang pinakamabisang ipalit na pamagat sa parabula? SAGOT: _______________________________

TAKDANG -ARALIN

Sa pagkakataong ito, inaasahan nang may ganap na pag-unawa hinggil sa hakbang at dimensyon ng pagbasa sa iyo. Dahil dito, sagutin ang tanong na nakatala sa ibaba. 1. Para sa iyo, kailangan bang sundin ng tagabasa ang tamang pagkakasunod-sunod ng Hakbang ng Pagbasa na binanggit ni William S. Gray? Bakit? SAGOT: ______________________________________________________________________________ ______________________________________________________________________________ ______________________________________________________________________________ ______________________________________________________________________________ ______________________________________________________________________________ ______________________________________________________________________________ ______________________________________________________________________________ ______________________________________________________________________________ ______________________________________________________________________________ ______________________________________________________________________________ ______________________________________________________________________________ ______________________________________________________________________________ ______________________________________________________________________________ ______________________________________________________________________________

2. Basahin ang sumusunod na kuwento at gawin ang mga gawain sa ibaba.

May bulag na babae na napopoot sa sarili dahil sa kanyang kapansanan. Kinamumuhian niya ang lahat maliban na lamang sa mapagmahal niyang kasintahan. Siya ay laging nandiyan para sa kanya, maaasahan niya sa lahat ng oras. Kaya ipinangako ng babae na kung makakakita siya ay pakakasalan niya ang nobyo at magsasama sila hanggang sa pagtanda. Isang araw, ipinaalam ng doktor sa babae na nakakuha sila ng donor para sa kanyang mata. Sinimulan ang operasyon at pagkalipas ng ilang buwang pagpapagaling ay matagumpay ang transplant ng mata sa kanya. Nakakakita na ang babae. Bumisita sa kanya ang kanyang nobyo isang araw matapos tanggalin ang bendahe niya sa mata. Nagulat siya nang malaman na bulag din ang kanyang nobyo. Tinanong siya ng lalaki, "Ngayong nakakakita ka na, gusto ko sanang makasama ka habangbuhay. Will you marry me?"

Hindi nakaimik ang babae, hindi niya matanggap na bulag din pala ang kasintahan. Hindi niya kayang makasama ito sa mahabang panahon sapagkat magiging pabigat ito sa kanya. Gusto niyang masilayan ang mundo ngayong nakakakita na siya at magiging balakid ang nobyo sa kanyang mga plano. Sinabi ng babae na hindi niya kayang magpakasal at gusto na niyang makipaghiwalay sa lalaki. Nasaktan ang lalaki at tila nawasak ang kanyang puso. Gayunpaman, gusto niyang maging masaya ang nobya kaya pinapalaya na niya ito. "Sana'y mahanap mo ang tunay na kaligayahan ngayong nakakakita ka na", sabi ng nobyo. "Isa lang ang hinihingi ko, ingatan mo ang iyong mga mata bilang alaala sa tunay kong pagmamahal sa iyo... Dahil ang mga mata mo ngayon ay dating mga mata ko." Gawin ang mga sumusunod: 1. Bigyan ng pamagat ang kuwento. Ipaliwanag kung bakit iyon ang ibinigay mo na pamagat. 2. Lumikha ng isang spoken poetry batay sa kuwentong iyong binasa upang palitawin ang aral ng buong kuwento....


Similar Free PDFs