mga karaniwang kamalian sa morpolohiya DOC

Title mga karaniwang kamalian sa morpolohiya
Author Gian Karla Rodriguez
Pages 116
File Size 275.5 KB
File Type DOC
Total Downloads 328
Total Views 483

Summary

BENDALAN, NILDA B. October, 2006. Panlinggwistikang Pagsusuri sa mga Talaarawan ng mga Kadete ng Philippine Military Academy. Benguet State University, La Trinidad, Benguet. Tagapayo: Faustina O Gualdo, Ed. D. ABSTRAK Ang pag-aaral na ito ay nagtangkang suriin ang kakayahang panlinggwistika ng mga 4...


Description

BENDALAN, NILDA B. October, 2006. Panlinggwistikang Pagsusuri sa mga Talaarawan ng mga Kadete ng Philippine Military Academy. Benguet State University, La Trinidad, Benguet. Tagapayo: Faustina O Gualdo, Ed. D. ABSTRAK Ang pag-aaral na ito ay nagtangkang suriin ang kakayahang panlinggwistika ng mga 4th class kadete ng Philippine Military Academy. Layunin ng pananaliksk na ito na: 1) masuri ang mga kamalian sa gramatika at mekaniks na nagagawa ng mga kadete sa pagsulat ng talaarawan; 2) masuri ang pinagmulan ng mga kamaliang nagagawa ng mga kadete sa pagsulat ng talaarawan; 3) masuri ang epekto ng kasarian, unang wika, paaralang pinagtapusan ng hayskul at antas ng edukasyon bago pumasok sa PMA sa kamalian ng mga kadete. Sa pamamagitan ng mga ipinasulat na talaarawan ay sinuri ang nagagawang kamalian sa pagsulat at inuri ang mga ito gamit ang modelo ni Hendrickson (1980). Ang pag-uuri ay ayon sa kamalian sa morpolohiya, leksikon at sintaks. Ang pag-uuring ito ay hinati sa maling gamit at paglalaktaw. Idinagdag din sa pag-uuri ang mekaniks na tumukoy naman sa pagbabaybay at pagbabantas. Sinuri rin ang pinagmulan ng mga kamalian sa pagsulat gamit ang "intralingual" na pinagmulan ng kamalian gamit ang modelo ni Richards (1974). Ito ay ang labis na paglalahat, kasalatan sa kaalaman sa tuntunin, di lubos na paggamit ng tuntunin at kamalian sa pagpapakahulugan na saklaw ang paghihinuha ng maling konsepto. Ang mga kamaliang nagawa ay iniugnay sa kanilang kasarian, unang wika, paararalang pinagtapusan ng hayskul at antas ng edukasyon bago pumasok sa PMA. Para sa istatistikang pagsusuri sa mga kamalian at pinagmulan ng kamalian, ginamit ang frequency counts, percent, mean at ranking. Ang epekto ng salik ay ginamitan ng Chi-Square. Sa ginawang pagsusuri ng mga datos ay natuklasan ang mga sumusunod: 1. a. Sa kabuuang bilang ng kamalian na 2,615, pinakamarami ang kamalian sa leksikon (42.72%), pangalawa ay ang kamalian sa sintaks (27.64%), pangatlo ang kamalian sa morpolohiya (19.43%) at pang-apat ang kamalian sa mekaniks (10.21%). b. Sa kabuuang bilang na 1,117 kamalian sa leksikon, nanguna ang kamalian sa pandiwa (29.99%), pangalawa ang kamalian sa pang-uri (27.93%), pangatlo ang kamalian sa pang-abay (23.99%), pang-apat ang kamalian sa pangngalan (12.98%) at panghuli ang kamalian sa panghalip (5.11%)....


Similar Free PDFs