MGA LEKTURA SA PANITIKANG POPULAR PDF

Title MGA LEKTURA SA PANITIKANG POPULAR
Author Cristine Mae Pernito
Pages 226
File Size 1.6 MB
File Type PDF
Total Downloads 430
Total Views 644

Summary

MGA LEKTURA SA PANITIKANG POPULAR MGA LEKTURA SA PANITIKANG POPULAR VIRGILIO S. ALMARIO Editor NCCA Pambansang Komisyon KWF para sa Kultura at mga Sining Komisyon sa Wikang Filipino AKLAT NG BAYAN METRO MANILA 2013 Mga Lektura sa Panitikang Popular Karapatang-sipi © 2013 Komisyon sa Wikang Filipino ...


Description

MGA LEKTURA SA PANITIKANG POPULAR

MGA LEKTURA SA PANITIKANG POPULAR

VIRGILIO S. ALMARIO Editor

NCCA Pambansang Komisyon para sa Kultura at mga Sining

KWF Komisyon sa Wikang Filipino

AKLAT NG BAYAN METRO MANILA 2013

Mga Lektura sa Panitikang Popular Karapatang-sipi © 2013 Komisyon sa Wikang Filipino RESERBADO ANG LAHAT NG KARAPATAN. Walang bahagi ng librong ito ang maaaring sipiin o gamitin nang walang nakasulat na pahintulot mula sa may-akda at tagapaglathala. Editor/ Validator: Disenyo ng Aklat: Disenyo ng Pabalat:

Virgilio S. Almario Ma. Teresa S. Cultura Marne L. Kilates

The National Library of the Philippines CIP Data Recommended entry: Mga lektura sa panitikang popular / Virgilio S. Almario, editor .- Manila : Komisyon sa Wikang Filipino, c2013. p. ; cm.

ISBN 978-971-0197-21-7

1. Filipino literature -- History and criticism. 3. Popular literature -- Criticism, interpretation, etc. 4. Popular literature. I. Almario, Virgilio S.



PL6051

899.211009

2014

P320130763

Inilathala ng KOMISYON SA WIKANG FILIPINO 2F Watson Bldg., 1610 J.P. Laurel St., San Miguel, Maynila Tel. 02-733-7260 • 02-736-2525 Email: [email protected] • Website: www. kwf. gov.ph sa tulong ng grant mula sa PAMBANSANG KOMISYON PARA SA KULTURA AT MGA SINING 633 General Luna Street, Intramuros, 1002 Manila Tel. 527-2192 to 97 • Fax 527-2191 to 94 Email: [email protected] • Website: www.ncca.gov.ph The National Commission for Culture and the Arts (NCCA) is the overall coordination and policymaking government body that systematizes and streamlines national efforts in promoting culture and the arts. The NCCA promotes cultural and artistic development: conserves and promotes the nation’s historical and cultural heritages; ensures the widest dissemination of artistic and cultural products among the greatest number across the country; preserves and integrates traditional culture and its various expressions as a dynamic part of the national cultural mainstream; and ensures that standards of excellence are pursued in programs and activities. The NCCA administers the National Endowment Fund for Culture and the Arts (NEFCA).

NILALAMAN

Introduksiyon Sa Panitikang Popular 7 Virgilio S. Almario Ang Folklore o Kaalamang-Bayan Sa Filipinas 10 E. Arsenio Manuel Ang Panunudyo’t Pagpapatawa sa Panulatang Tagalog Leonardo A. Dianzon Ang Lakan ng mga Makatang Filipino na si Balagtas at ang kaniyang “Florante” Hermenegildo Cruz

18

64

Ang Diwang Maginoo sa mga Awit at Koridong Tagalog Dolores V. De Buenaventura

100

Mga Kasaysayan sa Iba’t Ibang Lupa Na Tulad Sa Ibong Adarna Pura Santillan-Castrense

117

Duplo’t Balagtasan 132 Teodoro E. Genero Ang Kundiman Ng Himagsikan 182 Antonio J. Molina Mga Silanganin Ng Panitikan 199 Francisco Sugui Mga Tala sa Paglilimbag 225

INTRODUKSIYON SA PANITIKANG POPULAR Virgilio S. Almario MISTULANG ISANG GAWAIN ng artsibista ang aklat na ito dahil isang koleksiyon ng mga lekturang hinango sa sinupan ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF). Surian ng Wikang Pambansa o Institute of National Language pa noon ang tawag sa orihinal na ahensiyang itinatag ng pamahalaan upang mangasiwa sa pagpapalaganap ng Wikang Pambansa at isa sa magandang proyekto ng Surian ang pagdaraos ng mga panayam hinggil sa ia’t ibang paksaing pangwika, pampanitikan, at pangkultura na binigkas ng mga kilaláng iskolar at eksperto. Marami sa naturang panayam ang ginagamit na sanggunian ngayon ng mga mananaliksik. Ang malungkot, kahit ipinalimbag ng Surian ang mga ito ay mahirap nang hanapin sa mga aklatan. Isang mahalagang tungkulin, sa gayon, ng KWF na muling ilathala ang maituturing na “klasika” sa mga naturang panayam ng Surian. Ang aklat na ito ay isa sa mga antolohiya upang ibalik sa madla ang mga pinilìng panayam ng Surian. Gaya ng nakasaad sa pangkalahatang pamagat, nilalaman ng antolohiyang ito ang ilang natatanging panayam hinggil sa panitikang popular. Walo ang aming napilîng panayam at maaaring ituring na introduksiyon sa panitikang-bayan at sa mga anyong pampanitikang kinagiliwan ng sambayanan sa panahon ng kolonyalismong Espanyol at hanggang panahon ng Amerikano. Kapaki-pakinabang ang mga panayam upang balikan ang mga katangiang pampanitikan na umakit sa madla noon bukod sa maaaring gamiting simula ang mga ito sa pagsuri ng panitikang popular sa kasalukuyan. Maipagmamalaki namin ang nilalamang mga lektura ng aklat bilang mga mohong saliksik (landmark research) dahil ito ang mga unang pahayag hinggil sa kanilang mga paksa. Maganda namang isailalim ang mga ito sa balidasyon sa tulong ng mga kasalukuyang saliksik upang matukoy din ang isinulong ng pag-aaral sa panitikan at kulturang popular mulang 1956—ang petsa ng pagbigkas sa pinakahulíng panayam. May sigla ngayon ang araling kultural, lalo na sa larang ng kulturang popular. Ngunit nakapaghihinala

Mga Lektura sa Panitikang Popular

7

kung nasulyapan man lamang ng ating mga kabataang iskolar ang naritong mga panayam. Nása unahan ng koleksiyon ang lektura ni E. Arsenio Manuel, kinikilálang “Ama ng Antropolohiyang Filipino,” dahil nagdudulot ng isang magandang overview sa naging kasaysayan ng saliksik sa kultura ng Filipinas. Bagaman “kaalamang-bayan” (ang salin niya noon sa folklore) ang kaniyang paksa, maituturing na aplikable sa kultura sa kalahatan ang kaniyang obserbasyong pangkasaysayan. Mahalaga para sa kaniya ang panimulang impormasyong tinipon ng mga misyonero sa panahon ng kolonyalismong Espanyol sa kabila ng taglay na mga prehuwisyo at naiibang interes sa pinag-aaralan. Kahit paano, ginamit din ito ng mga unang mananaliksik na Filipino, gaya nina Isabelo de los Reyes, Jose Rizal, Mariano Ponce, at Pedro Serrano Laktaw. Mahalaga din para sa kaniya ang saliksik ng mga Amerikano nitóng ika-20 siglo, gaya nina H. Otley Beyer, Laura W. Benedict, at Dean S. Fansler, dahil naging patnubay ng mga bagong Filipinong mananaliksik na gaya nina Gabriel A.Bernardo, Amador T. Daguio, at Leopoldo Yabes. Ang paksa ni Leonardo A.Dianzon ay pambihirang talakayin hanggang ngayon. Ngunit siyá rin ang nagdidiin sa pamamagitan ng kaniyang paninging historikal na isang katutubo’t matandang sining ang panunudyo at pagpapatawa. Inihanay muna niya sa gayon ang mga tugma, awiting-bayan, at kuwentong-bayan na nagtataglay ng sinaunang diwang masayáhin upang talakayin pagkaraan ang “matalinong panunudyo” nina Balagtas, Plaridel, at Rizal. Mangyari pa, ang ibang lektura ay higit na nakaukol sa pinakapopular na limbag na panitikan sa siglo 19—ang awit at korido. Muling binalikan ni Hermenigildo Cruz ang kadakilaan ni Balagtas. Tinukoy naman ni Dolores V. de Buenaventura ang “diwang maginoo” sa mga awit at korido at sinaliksik ni Pura Santillan-Castrence ang mga posibleng pinagbuhatang bukal na banyaga ng koridong Ibong Adarna upang isalungat sa naghahakang katutubo ito. Isang makabuluhang dokumentasyon ang lektura ni Teodoro E. Gener sa naging metamorposis ng duplo upang maging balagtasan nitóng siglo 20. Gayundin ang pananaw na ginamit ni Antonio J. Molina upang gunitain ang transpormasyon ng kundiman mula sa isang awiting-bayan

8

Mga Lektura sa Panitikang Popular

tungo sa isang awit ng mga manghihimagsik. Samantala, ang lektura ni Francisco Sugui ay higit na nagsisiyasat sa mga ipinalalagay niyang huwarang pandaigdig para sa ating panitikan. Nais kong wakasan ang introduksiyon kong ito sa pahayag ni Bienvenido M. Gonzalez, Pangulo ng Unibersidad ng Pilipinas, pagkaraang makinig sa lektura ni A.J. Molina. Wika niya: “Ang gawaing paglilinang ng ating mga katutubong wika ay nakaakit sa akin nang gayon na lamang, sapagkat ito’y nagbibigay ng pag-asang mapapag-isa ang damdamin ng ating bayan. Ang mga kaugaliang hinubog natin sa kabataan ay sadyang mahirap mabago, kayâ ba’t sa aki’y taimtim na nagbibigay-isip ang kung alin ang mabuting kaparaanang maisagawa natin sa paglinang ng isang halo-halong wikang Pilipino, sa pagkakilálang ang lahat at bawat isa sa atin ay inaruga at pinalaki sa ayam ng ating di mabilang na mga wikain. Dapat nating mataho na ang unang hakbang sa ikalulutas ng isang suliranin ay ang pagkilála sa mga sagabal na kailangang maligtasan, kayâ nararapat na ang mga salin ng taong magsisisunod ay magkaroon ng katapangan at pagpapakasakit na sapat makabago sa kinamihasnang ugali at makalikha ng isang salitang Pilipino na buhat sa inang wika.” At para sa kaniya, isang magandang simula ang serye ng panayam na nagsasaliksik sa kultura ng bansa upang maging bigkis ang wika ng matibay na pagkakaisa. Ferndale Homes 21 Oktubre 2013



Mga Lektura sa Panitikang Popular

9

ANG FOLKLORE O KAALAMANG-BAYAN SA FILIPINAS1 E. Arsenio Manuel Saklaw

M

agmula nang ipasok ni William John Thoms, na isang Ingles, ang katagang “folklore” sa salitalaang Ingles noong 1846 hanggang sa kasalukuyan, pinagtatalunan pa ang saklaw nito, gayon din ang sangay ng kaalaman na dapat kabilangan. Malawak ang pakahulugan ni Thoms—mga gawi, kaugalian, pangingilin, pamahiin, awit, kawikaan, alamat, kuwentongbayan, atbp. Dinagdagan pa ito ng maraming dalubhasa ng dula, sining, mga laro at laruan, bugtong at iba pa—hanggang sa ang pakahulugan sa “folklore” ay lumaktaw sa bakuran ng ibang sangay ng palatauhan. Ang Commission Internationale des Arts et Traditions Populaires sa Paris ay nagsusumikap na isaayos ang mga di-nagkakaisang kaisipan hinggil sa pag-uuri, pamamaraan, at pangangalap. Maikli ang ating panahon upang talakayin ang bagay na ito, kaya’t hindi na natin pag-uukulan ng pansin. Gayon man, may dalawang katukuyan ang kaalamang-bayan o folklore (a) ang katipunan ng kaalamang-bayan na katatagpuan sa kathang-bayan, kaugalian at paniwala, anito at igba: at (b) ang sining hinggil sa pag-aaral sa mga sangkap na nabanggit. Kasaysayan Kahiman hindi nakapag-ukol nang mabuti ang mga Kastila sa pangangalap at pag-aaral ng matatandang alamat at kuwentong-bayan, ang kanilang mga aklat at kasulatan ang katatagpuan ng mga ulat ukol sa matatandang kaugalian at kapaniwalaan ng mga Filipino bago sila dumating. Dahil sa kakapusan nila ng kaalaman sa wikang katutubo o kakulangan sa pagkakabatid sa kahalagahan ng ganap na pagtatala ng kabihasnang taal, hindi nila pinagtiyagaang isulat ang mga kathang-bayan sa wika ng Ang papel na ito'y binasa ng may-akda sa isang komperensiya ng mga mag-aaral na major at minor sa Wikang Pilipino sa pagtitipong ginanap sa auditoryum ng Philippine Normal College sa Maynila, noong 19 Agosto 1956.. 1

10

Mga Lektura sa Panitikang Popular

taong-bayan o taong-bukid. Dahil din sa kawalan nila ng pagkakabatid sa kahalagahan ng kabihasnang di-binyagan, nayurakan ito at napabayaang mawala nang unti-unti. Kaya sa kaalamang-bayan ng mga Tagalog wala tayong halimbawa ni isa man lamang ng pamatbat? (narrative song), lungbos (divination song), ayag o dayaw (victory song), ni dalít (religious poem, hymn, couplet) na matatawag na walang halong Kastila. Gayon din ang nangyari sa ibang dako ng kapuluan na nasakop agad ng mga Kastila. Ang kabihasnang bulubundukin lamang ang nakaligtas sa marahas at mapanirang pangyayari. Gayon man nakapagsalaysay at nakapagtala rin ng mahahalagang ulat sina Antonio Pigafetta,2 Antonio de Morga,3 Miguel de Loarca,4 Fr. Juan Plasencia,5 Fr. Francisco Colin,6 Francisco Combes,7 Fr. Jose Ma. Pavon,8 Jose Montero y Vidal,9 W. E. Retana,10 Fr. Gregorio Martinez at Fr. Mariano

Tingnan ang kaniyang Prime Viaggio Intorno al Mundo (salin sa Ingles ni James A. Robertson) sa Blair & Robertson, IThe Philippine Islands, tomo 33-34. May salin din sa Ingles si Lord Stanley na ipinalimbag ng Hakluyt Society, 1874. 3 Tingnan ang kanyang “Succesos de las Islas Filipinas,” panganay na limbag sa Mexico, 1609; salin sa Ingles ni Lord Stanley at ipinalimbag ng Hakluyt Society, 1868; palimbag ni Jose Rizal, 1890; isa pa ring salin sa Ingles na matatagpuan sa Blair & Robertson, The Philippine Islands, tomo 16; palimbag ni W. E. Retana, 1909. 4 Tingnan ang kaniyang “Relacion de las Islas Filipinas,” Blair and Robertson, op. cit, tomo 5. 5 Mababasa ang kanyang “Las Costumbres de los Tagalos,” sa Blair and Robertson, op. cit. tomo 7. 6 Basahin ang bahagi ng kanyang Labor evangelica na may kinaalaman sa ating paksa sa Blair & Robertson, op.cit., tomo 40. 7 Ang mahahalagang bahagi ng kaniyang Historia de las Islas de Mindanao, Jolo y sus Adjacentes ay mababasa sa Blair & Robertson, op. cit, tomo 40. 8 Ang kaniyang Las Antigua Leyendas de la Isla de Negros (1837-1839) ay hindi pa nalilimbag; may sipi sa aklatan nina H. Otley Beyer, E. A. Manuel, at Jorge Vargas. 9 Tingnan ang kaniyang Historia General de Filipinas (Madrid, 1887) at Cuentos Filipinos (Madrid, 1876). 10 Ilang sa kaniyang mga aklat na dapat tunghayan ay Archivo del Bibliofilo (5 tomo, 18951905); Supersticiones de los Indios (1894); El Indio Batangueño (ika-3 palimbag, 1888); at Diccionario de Filipinismos 1921). 2



Mga Lektura sa Panitikang Popular

11

Martinez Cuadrado,11 Fr. Juan Villaverde,12 Fr. Jose Castaño,13 at marami pa. Lamang may isang malaking kakulangan ang kanilang ulat—hindi nila ginamit ang katutubong wika sa pagtatala ng mga kahang-bayan lalung-lalo na. Nang dantaong ika-19 unti-unting namulat ang mga Filipino sa kayamanan ng kanilang kabihasnan at paalamatan. Kahima’t huli na sa maraming dako, malaki at makahulugan ang nasagip ni Isabelo de los Reyes sa kaniyang El Folklore Filipino (2 tomo, 1889-1890) na kinapapalooban ng isang tulawit (epic; epiko) Ilokano, ang Lam-ang. Tumaliwas si I. de los Reyes sa gawing Kastila na sulatin o itala ang alamat sa wikang Kastila, palibhasa’y napag-alaman niya ang kahalagahan nito, marahil kay Ferdinand Blumentritt14 na naging kasulatan niya. May ilang Filipino ang nagsitulong sa kaniya sa pangangalap, kagaya nina Miguel Zaragoza, Mariano Ponce, Pedro Serrano Laktaw, at Pio Mondragon, ngunit ang wikang ginamit ng mga ito ay Kastila. Sina Pedro A. Paterno15 at Jose Rizal16 ay nagpamalas din ng pagpapahalaga sa mga kaugalian at mga alamat at ng huli ang siyang nakabanaag ng liwanag sa kahulugang makasaysayan na pag-aaral at paghahambing ng mga kathang-bayan ng mga silanganin.17 Nausiyami palibhasa ang damdaming-bayan sa pananakop ng mga Amerikano kung kaya’t napaugto ang panganalap ng mga Filipino. Akda nila ang Coleccion de Refranes, Franses y Modismos Tagalos (1890). Kasapi sa Orden de Predecadores; ang karamihan ng kanyang sinulat tungkol sa kalagayan at kabihasnan ng mga taong-bulubundukin ng Luzon ay matatagpuan sa El Correo SinoAnnamita, kagaya ng “Informe Sobre la Reduccion de los Infieles de Luzon,” loc. cit., tomo 13 (1879), dahong 9-107. Kabilang din dito ag kaniyang “The Ifugaos of Quiangan and Vicinity, “ salin sa Ingles ni Dean C. Worcester, The Philippine Journal of Science, tomo 4, A (Hulyo, 1909). 13 Tingnan ang kaniyang “Breve Noticia acerca del Origen, Religion, Creencias y Supersticiones de los Antiguos Indios de Bicol,” sa Archivo del Bibliofilo Filipino ni W. F. Retana, tomo 1. 14 Malaki ang utang na loob ng mga Filipino sa pantas na ito at kabilang na rito and kaniyang “Diccionario Mitologico de Filipinas” na matatagpuan kay W. E. Retana, tomo 1. 15 Tingnan ang kaniyang nobelang Ninay (Madrid, 1885) na nababatay sa kaugaliang Tagalog at ang La Antigua Civilizacion Tagalog (Madrid, 1887). 16 Ang kaniyang nobelang Noli me tangere at El filibusterismo ay napapalooban ng maraming kaugalian at kapaniwalaang Tagalog; bukod dito sinulat niya ang “Specimens of Tagal Folklore,” Trubner’s Record, Mayo 1889, “Two Eastern Fables,” Trubner’s Record, Hulyo 1889, “Mariang Makiling,” La Solidaridad, Dis. 31, 1890. 17 Mababasa ito sa “Two Eastern Fables,” Trubner’s Record, Hulyo 1889. 11 12

12

Mga Lektura sa Panitikang Popular

Gayon man dapat banggitin ang pagsususmikap ni Carlos Ronquillo at ilan niyang kapanahon.18 Dapat ding pahalagahan ang malaking naitulong ng mga Amerikano sa pamamaraan at pangangalap na rin ng iba’t ibang kaalamang-bayan, hindi lamang sa looban ng mga binyagan, kundi pati na rin ng sa mga tagabundok, tagabukid, at tagagubat. Kaya ang mga pag-aaral at pagtatala sa panahon ng mga Amerikano ay maunlad at makahulugan. Namumukod dito ang mga akda nina B. L. Maxfield at W. H. Millington,19 Frederick Starr, 20 Fletchner Gardner, 21 H. Otley Beyer, 22 Laura W. Benedict, 23 Fay-Cooper Cole,24 Mabel Cook Cole, 25 R. F. Barton,26 C. R. Moss27 Dean S. Fansler,28 John Garvan,29 at marami pa. Mayroong ding ilang dayuhang misyonero na mahalaga ang naiambag, kagaya nina Fr. Francis Lambrecht,30

Tinipon niya ang “Kantahing Pulube,” “Palipas,” at iba pa na matatagpuan sa dahon ng Renacimiento Filipino (1910-1913). Si Sofronio G. Calderon ay isa ring mag-aalamat. 19 Tingnan ang kanilang “Visayan Folk-tales,” Journal of American Folklore, tomo 19 at 20. 20 Napalathala ang kaniyang Some Filipino Beliefs (London, 1908) at A Little Book of Filipino Riddles (1909). 21 Sinulat niya ang “Tagalog Folk-tales,” Journal of American Folklore, tomo 20; Philipine Folklore, (1941). 22 Ito na ang matatawag na ama? ng mga palaaral hinggil sa kabihasnang Filipino. Sinulat niya ang “Origin Myths Among the Mountain Peoples of the Philippine.” The Philippine Journal of Science, tomo 8, bilang 2 (Abril 1913) at tinipon niya at isinaayos ang pinamalaking lagom ng kaalamang-bayan ng mga Filipino na pinamagatang Philippine Folklore, Social Customs and Beliefs sa 20 tomo (tomo 1, Bisaya; tomo 2, Bisaya; tomo 3, Bisaya; tomo 4, Bisaya at Bikol; tomo 5, Tagalog; tomo 6, Tagalog; tomo 7, Tagalog; tomo 8, Tagalog at Sambal; tomo 9, Kapampangan; tomo 10, Panggasinan at Iloko; tomo 11, Iloko; tomo 12, Iloko, Ibanag, atbp.; tomo 13, Pangkalahatan at Bisaya; tomo 14, Bisaya at Bikol; tomo 15, Iloko; tomo 16, Iloko at Bisaya; tomo 17, Bisaya at Bikol; tomo 18, Tagalog; tomo 19, Tagalog; tomo 20, Tagalog). Ang kaniyang Philippine Ethnographic Series ay may mahigit na 150 tomo. 23 Tingnan ang kaniyang “Bagobo Myths,” Journal of American Folklore, tomo 26, at Bagobo Cermonial, Magic and Myth (1916). 24 Tingnan ang kaniyang Traditions of the Tinguian, a Study of Philippine Folklore (1915) at A Study of Tinguian Folklore (1915). 25 Sinulat niya ang Philippine Folk Tales (1916). 26 Kabilang ni H. Otley Beyer, isa sa mga nagtatag sa pag-aaral ng kabihasnang Filipino. Sinulat niya ang mga sumusunod: Ifugao Law (1919), Ifugao Economics (1922), The Religion of the Ifugaos (1947), The Kalingas (1949), at The Mythology of the Ifugaos (1955). 27 Tingnan ang kaniyang Nabalai Songs (1919), Nabalai Law and Ritual (1929), at Kankanay Ceremonies (1920). 28 Ang pinakamahalagang akda niya ay ang Filipino Popular Tales (1921). 29 The Manobos of Mindanao (1929) ang pinakamalaking akda niya. 30 Ang pinakamahabang akda niya ay ang The Mayawyaw Ritual (1932-1941). 18



Mga Lektura sa Panitikang Popular

13

Fr. Alphonse Claerhoudt,31 at Fr. Morice Vanoverbergh.32 Utang ng bayang Filipino sa kanilang matiyagang pagpupunyagi at kaalaman ang kapalaran at kalaliman ng ating kabatiran sa ating katutubong kabihasnan at kagalingan sa pagtitipon ng mga sangkap ng karunungang-bayan. Dapat ding banggitin natin dito ang ilan sa ating mga kalahi na tila naligaw ng landas o humiwalay sa karamihan dahil sa katutubong hilig o dili kaya’y nalahiran ng mga palaaral na mga Amerikano. Sina Eulogio B. Rodriguez,33 Gabriel A. Bernardo,34 Leopoldo Y. Yabes,35 Mariano Manawis,36 Eugenio Ealdama,37 Timoteo Oracion,38 at Amador T. Daguio,39 ay makabuluhan din ang naiambag sa pag-aaral a pagtatala ng kaugalian, laro, alamat, tulawit at kaalamang-bayan ng mga Filipino. Yugto-yugto ang pag-aaral ng kaalamang-bayan. Ang mga sumusunod ay kinikilala at nababatid ng mga dalub-aral: (a) pangangalap, (b) pagsasaliksik at pagpapatunay, (c) pagtitipon at pag-uuri, at (d) pagaaral o paghahambing. Ang bawat yugto’y may kani-kanyang tuntunin na mahirap maipaliwanag sa maikling panahon. Mapapansin na ...


Similar Free PDFs