Module 1 - Masining na Pagpapahayag PDF

Title Module 1 - Masining na Pagpapahayag
Author Daisy Jane Aynaga
Course Masining na Pagpapahayag
Institution Ateneo de Davao University
Pages 8
File Size 206.6 KB
File Type PDF
Total Downloads 94
Total Views 126

Summary

Download Module 1 - Masining na Pagpapahayag PDF


Description

DEL SUR GOOD SHEPHERD COLLEGE, INC.

MODYUL 1

Extension Poblacion, Wao, Lanao del Sur

Kolehiyo/Departmento ng Filipino

FIL 3A: Masining na Pagpapahayag Semester of A.Y. 2020-2021

INTRODUKSYON Ang modyul na ito ay magpapakita ng masining na pagpapahayag na nakaugnay sa retorika. Hindi mailalayo ang retorika sa pasulat at pasalita mang diskurso. Nasasalat sa masining na pagpapahayag ang tungkulin ng retorika – bilang isang agham at bilang isang sining. Isa itong agham sapagkat may sinusunod na mga tiyak na tuntuning itinakda ng balarila; at isang sining, sapagkat bukod sa mga aspektong pambalarila, isinasaalang-alang nito ang estilo, himig o tono, at mga piling salita, para sa maganda at epektibong pagpapahayag upang maging ganap na retorikal ang iyong sasabihin o susulatin. MGA TIYAK NA LAYUNIN Inaasahang pagkatapos ng modyul 1, magagawa mo nang: 1. Matukoy ang mga katangian ng epektibo at masining na pagpapahayag; 2. Mapaghambing ang pagkakaiba ng pormal at di-pormal na pagsulat 3. Masabi ang kaugnayan ng wika sa isipan at damdamin; 4. Matukoy ang mga pagkakataong nangangailangan ng pasalita at pasulat na diskurso; at 5. Makapagbigay ng reaksyon sa mga tinalakay na paksa. NILALAMAN Ang Epektibo at Masining na Pagpapahayag Sining ng epektibo at masining na pagpapahayag ang retorika. Nakaugnay ito sa maraming sangkap ng pagsulat, pananalita, himig, estruktura, at kalinawan ng pagpapahayag. Isinasaalang-alang nito ang tamang gamit ng wika, kaya saklaw rin ang mga tuntunin ng balarila. Hindi kinaliligtaan ng retorika ang balarila sa mga aspektong may kinalaman sa wastong gamit, kabuuan, kaanyuan, at leksikograpiya. Magkalangkap ang dalawa sa paglinang ng iba’t ibang kasanayan – sa pasalita at pasulat, kailangang may kontrol sa wastong paggamit ng wika ng epektibong salita. Masusukat kung mabisa o epektibo ang pagpapahayag kung nakapaghatid ito ng maliwanag na impormasyon, nakapagpahayag ng makabuluhang ideya, at nakapagkintal ng mga kaalaman sa isipan ng mambabasa o tagapakinig. Masusukat kung masining ang pagpapahayag kung ang mga salitang ginamit ay nagsaalang-alang sa himig o tono, sa ritmo, at sa talinghaga. Tandaang masining at mabisa ang pahayag kung nakapupukaw at nakapagpapasidhi ng isipan, kung nakaaantig ng damdamin, at kung nakatutulong ang iba’t ibang estruktura sa masining, maganda, at malinaw na pagpapahayag (Bisa 1992) May mga batayang simulain o prinsipyong kailangan para sa mahusay na pagsulat. Ito ay ang mga sumusunod: 1. Katapatan – maging matapat; huwag tangkaing baguhin ang iyong mga ideya. 2. Kalinawan – huwag lituhin ang iyong mambabasa.

3. Katiyakan o katipiran sa pagsasabi – maging tiyak at matipid sa sasabihin: huwag sayangin ang panahon ng iyong mambabasa. 4. Pagkakaiba-iba ng paraan – magsikap na mapagiba-iba ang paraan ng pagpapahayag; pag-iba-ibahin ang haba ng mga pangungusap; subuking mapasigla ang paraan. GAWAIN 1 A. Pumili ng mga pangungusap na ayon sa mga simulating panretorika at ipaliwanag kung bakit ito ang napili. Tukuyin kung ano ang nilabag o sinusunod na simulain ng mga pangungusap. 1. a. Hindi makukuha nang sapilitan ang pagbuo ng isang wikang pambansa b. Hindi makukuha sa sapilitan ang pagbuo ng isang wikang pambansa. c. Hindi makukuha ang pagbuo ng isang wikang pambansa ng sapilitan. __________________________________________________________________________________________ __________________________________________________________________________________________ __________________________________________________________________________________________ ________________________________________________________________________________________ 2. a. Muntik nang nagging pinaghalu-halong katutubong wika ang wikang pambansa. b. Muntik nang ang naging wikang pambansa natin ay pinaghalu-halong katutubong wika. c. Muntik nang isang tsapsuy na wika ang wikang pambansa natin. __________________________________________________________________________________________ __________________________________________________________________________________________ ________________________________________________________________________________________ _______________________________________________________________________________________ 3. a. Ang kasalang Muslim ay binabasbasan bg isang imam. b. Binabasbasan ng isang imam ang kalasang Muslim. c. Ang kasalang Muslim ay may isang imam na nagbabasbas dito. __________________________________________________________________________________________ __________________________________________________________________________________________ ________________________________________________________________________________________ _______________________________________________________________________________________ 4. a. Bawat henerasyon ay lumilikha ng sariling tunog at sariling musika. b. Bawat sariling tunog at sariling musika ay may henerasyong lumikha niyan. c. Ang kanyang sariling tunog at kanyang sariling muskia at siyempre pang likha ng bawat henerasyon. __________________________________________________________________________________________ __________________________________________________________________________________________ ________________________________________________________________________________________ _______________________________________________________________________________________ 1. a. Sinasabing kung may alta presyon at marunong magrelaks, baka makatulong ito upang mabawasan o di na uminom ng mamahaling gamot para sa tensyon. b. Kung may alta presyon at marunong magrelaks, baka makatulong ito para mabawasan ang pagbili ng mamahaling gamot para sa tensyon o di na uminom nito. c. Kung may alta presyon at marunong mag relaks, baka makatipid pa sa pagbili ng mamahaling gamot o magpaalam na sa kanilang medikasyon. __________________________________________________________________________________________ __________________________________________________________________________________________ __________________________________________________________________________________________ _______________________________________________________________________________________

Ang Pormal at Di-pormal na pagsulat

Kailan pormal ang pagsulat? Kalian di-pormal? Narito ang mga kasagutan para sa iyong mga tanong. Karaniwang ginagamit ang pormal na pagsulat sag ma teksto ng aklat, sa mga ulat ng sinaliksik, sa mga tanging artikulo, sa mga taunang ulat, sa mga ulat na teknikalm at sa mga kauri nito. Sa mga ganitong pagkakataon, dapat maging maingat sa pagpili ng mga salitang gagamitin. May iba pang pagkakataon na nangangailangan din ng pormanl na pagsulat. Halimbawa ay sa pagbuo ng mga liham pangangalakal, sa pagliham sa editor at sa mga taong iginagalang, tulad ng inyong guro at mga opisyal ng unibersidad, o iba pang taong may hinahawakang mahalagang tungkulin. Sa kabilang dako, maaaring gamitin ang mga di-pormal na pagpapahayag sa maraming pagkakataong gumagamit ng diskursong pasalita. Halimbawa ay sa pagsulat sa kaibigan at malapit na kamag anak. Maaaring sap ag bui ng mga patalastas na nagtatakda ng mga gawaing pagpupulong. Sa kalahatan, gagamitin mo ang dipormal na pagpapahayag sa mga karaniwan, pamilyar, at pang-araw-araw na pagsulat at pagsasalita. Sa ganitong diskursong pasalita at pasulat, magagamit mo ang kolokyal na mga salita tulad ng tena, miting, pera, iskul, ospital, opisina, iboto, titser, boss, syempre. Kahit sa mga lalawiganin, maaaring may salita sa inyong lalawigan na karaniwang ginagamit nang di namamalayan. Magagamit mo kahit ang islang o balbal – jologs, japorms, bebot, nang-aasar, at mganing ang mga dinaglat ng mga salita – lang, buti pa, tsaka, ‘ka ko, ‘pre, utol, iba pa – at mga kauri. Maging ang tono mo ay parang nakikipag-usap. Gayunman, ang salitang ito ay iniaayon sa uri ng magiging kausap o mambabasa. Tandaan rin, na ang paggamit ng mga salitang pormal at di-pormal ay naaayon sa estilo ng manunulat. Kahit ang mga kolumnista sa mga pahayagan at mga tagapagbalita sa radyo at telebisyon ay maaaring maging pormal o di-pormal, ayon sa kanilang hangad na maging himig o tono ng kanilang pagpapahayag. Halimbawa, maririnig ang seryosong pagbabalita kung tungkol sa mga nagaganap sa bansa at sa iba pang panig ng daigdig. Maaaring may may mga sitwasyong maging bilingguwal ang tagapagbalita, at ang kinakapanayam, kung bahagi ng kanyang pagbabalita. Ngunit kung ang kakapanayamin ay isang senador, kongresman, at mga awtoridad ng iba’t ibang disiplina pormal pa rin ang pahayag. Samantala ang mga talk show, na may kahalo ring pakikipanayam sa mga artista, gayundin ang mga kolum na pampelikula sa dyaryo, ay karaniwang gumagamit ng di-pormal na pagpapahayag. Kapansin-pansin din ang paggamit ng Taglish (magkahalong Tagalog at Ingles), kung hindi man code-switching ng mga nakakapanayam sa mga ganitong uri ng programa sa telebisyon. Ang mga ganitong pagpapahayag ay mauuri mong di-pormal. Maoobserbahan din ang mga di-pormal na pahayag sa ilang tagpo sa mga akda, halimbawa’y sa diyalogo, kapag ibig ipakita ng awtor ang uri ng pagkatao ng mga nag-uusap na tauhan. GAWAIN 2 Tukuyin kung ang mga pahayag ay pormal o di-pormal. Kung pormal, lamin kung seryoso ang tono, pampanitikan, o pili ang mga salita. Kung di-pormal, alamin/sabihil kung balbal, lalawiganin, Taglish, pahayag sa diyalogo ng particular na tauhan, mga salitang daglat, code switching, at iba pa. Uriin rin kung may ginamit na mga salitang teknikal; kaugnay nito, tukuyin kung anong disiplina nabibilang ang mga salitang teknikal (teknolohiya, agham, ekonomiks, o pulitika). 1. Ang pinakamahina sa klase ay yumaman at naging makapangyarihan pagkat kapatid ng isang mataas na opisyal. __________________________________________________________________________________________ __________________________________________________________________________________________

__________________________________________________________________________________________ __________________________________________________________________________________________ _______________________________________________________________________________________ 2. Si Aldo ay maawain sa mga dukhang batang nakikita sa langsangan. __________________________________________________________________________________________ __________________________________________________________________________________________ __________________________________________________________________________________________ __________________________________________________________________________________________ _______________________________________________________________________________________ 3. Kundi raw isang lasenggo o babaero ay isang trapo ang maaaring ihalal (Cristobal 1998). __________________________________________________________________________________________ __________________________________________________________________________________________ __________________________________________________________________________________________ __________________________________________________________________________________________ _______________________________________________________________________________________ 4. Engganyuhin silang mag-ehersisyo para maiwasain ang pagtaba (Villanueva 1998). __________________________________________________________________________________________ __________________________________________________________________________________________ __________________________________________________________________________________________ __________________________________________________________________________________________ _______________________________________________________________________________________ 5. Naging matunog na balita ang cloning sa mundo ng agham hinggil sa pagpaparami ng lahi. __________________________________________________________________________________________ __________________________________________________________________________________________ __________________________________________________________________________________________ __________________________________________________________________________________________ _______________________________________________________________________________________ 6. Ang polusyon sa himpapawid, gaya ng sa tubig, ay nagdaudulot din ng masamang epekto sa tao at kapaligiran. Ang carbon monoxide na ibinubuga ng mga sasakyan ay nakapagdudulot ng pagkahilo, sakit ng ulo, at paghina ng baga at dugo ng tao. Samantala ang sulfur oxide naman na ibinubuga ng mga plantang gumagamit ng langis bilang panggatong ay sanhi ng pagiging asido ng hangin na nakasisira ng mga metal at marmol (Tullao 1993). __________________________________________________________________________________________ __________________________________________________________________________________________ __________________________________________________________________________________________ __________________________________________________________________________________________ _______________________________________________________________________________________ 7. Matatalastas dito ang kahalagahan ng kultura sa buhay ng tao sapagkat hindi siya maaaring mabuhay nang walang kultura (Timbreza 2001). __________________________________________________________________________________________ __________________________________________________________________________________________ __________________________________________________________________________________________ __________________________________________________________________________________________ _______________________________________________________________________________________ Kaugnayan ng Wika sa Isipan at Damdamin

Sa pagmamasid sa mga nagaganap sa paligid, sa pakikinig sa iba, sa pagbabasa, gayundin sa paggunita sa mga karanasan, naiisip ang mga bagay na natutuhan sa mga ganitong pagkakataon. Malimit na ang damdamin ay napupukaw o ginigising ng napatanghal na mga tagpo sapagkat binigyang-hugis ito ng wika at pinasigla ng paraan ng pagsasalita. Damdamin marahil ang nag-uudyok para ihayag ang nabuong kaisipan o ang kabaligtaran niyon. Maaaring may nangingibabaw kaagad na kaisipan kaugnay ng isang pangyayaring nagpalutang sa namuong damdamin sa dibdib, at ipahahayag ang kaisipang pinukaw ng damdamin. O baka ang ipahahayag ay damdaming ibinulalas mo sa udyok ng iyong kaisipan. Sa anumang kalagayan, ginagamit ang wika para mabigyang-hugis ang damdamin o ang kaisipan. Sa mga pakakataong nakasasaksi ng isang madulang tagpong tumawag ng iyong pansin, ano ba talaga ang nauuna – damdaming napukaw kaugnay ng tagpo o katotohanang pumasok agad sa iyong isipan dahil sa nasaksihang pangyayari? Maari kayang magkasabay na lumangkap sa iyong pagkatao ang damdamin at kaisipan? Kaugnay nito, may awtor na nagsabi na hindi lamang tayo nag-iisip tungkol sa mga bagay-bagay; nararamdaman din nating ang mga ito. Ang iniisip natin ay nababago, nagiging damdamin. gayundin ang damdamin na nagiging laman ng isip. Ang ibig sabihin, ang damdamin ang nag-uudyok sa isipan. Hindi hiwalay ang damdamin natin sa ating karanasan. Ang isang taong ang desisyon ay kabaligtaran ng kanyang damdamin ay siguradong mapapahamak , kaya’t kailangan ang isang pinagkaisang katauhan. Para magkaroon ng ganiton katauhan, kailangan ang tamang pagiisip at ang pag unawa sa damdamin. Sa pagsisikap na maliwanagan ang ating damdamin at maintindihan ito, lumilitaw ang isa pang pangangailangan: ang gamit ng wika. Sa pagpapahayag ng ating sariling kaisipan at damdamin, mahalagang maunawaan ang ugnayan ng dalawang aspektong ito; at dito ay nakatali ang lengguwahe, ang wika. Dito binubuksan ng retorikal ang mga posibilidad ng ekspresyon sa komunikasyon (Young 1970). GAWAIN 3 Uriin kung udyok ng isipan o udyok ng damdamin ang sumusunod na mga pahayag. Tukuyin ang mga salita o ang naging himig nito na nagbigay-pahiwatig para magawa ang pag-uuri. a. Yamang pangunang kailangan sa pag-aayos ng mga babayaran ang wasto at tiyak na dayagnosis, makabubuting isaalang-alang ng doktro sa ilang pagkakataon ang kalikasan at pananalita ng kanyang huling dayagnosis (Concepcion 2005). __________________________________________________________________________________________ __________________________________________________________________________________________ ________________________________________________________________________________________ _______________________________________________________________________________________ b. Nakanganga si Tatang at ang kanyang matulis na panga ay namitig. Ang kamay na nakahandang magsubo ng malaking piraso ng tustadong karne ay napahinto sa kawalan. Nang mapagtanto ang kanyang ginawa ay tumingdig si Tatang at inihalibas nito ang kinasusuklamang karne sa labas ng bintana habang nagmumura (Lirio 2005). __________________________________________________________________________________________ __________________________________________________________________________________________ ________________________________________________________________________________________ _______________________________________________________________________________________

c. Ang daigdig ay puno ng mga kasabihan, mga sumulain, at mga kautusan. Maraming masisigasig at mga walang malay na tao ang nabubuhay sa patnubay ng mga ito . . . . at sa huli’y nakatatanggap lamang ng kalungkutan bilang gantimpala (P. Bisa 2005). __________________________________________________________________________________________ __________________________________________________________________________________________ ________________________________________________________________________________________ _______________________________________________________________________________________ d.

Nang magsalita uli ang maysakit na nahihibang sa lagnat, ang kapatid na batang lalaki ay naupo sa kama at sa mababa at marahang tinig ay nagsalita, “Inay , mamamatay na ba ang aking kapatid?” Kinilabutan ang babae; parang may malamig na dampi ng hanging dumantay sa kanyang balat. Tumingin siya sa anak na may takot sa mga mata. “bakit mo naitanong ‘yon?” Saglit na huminto ang bata sa pagkatitig ng ina; pagkuwa’y humiling siya nang malapit na malapit sa tainga niyon at sinabing pabulong upang di marinig ng kapatid. “Dahil . . . pag nangyari, makakakain na tayo . . . padadalhan na tayo ng pagkain ng nakatira sa putting bahay.” (Bisa 2005). __________________________________________________________________________________________ __________________________________________________________________________________________ ________________________________________________________________________________________ _______________________________________________________________________________________ e. Kailangang gumawa pa ng napakarami pang mga aklat sa wikang Filipino. Kaunti pa lamang talaga ang mga aklat sa ating sariling wika, hindi tulad sa ibang bansa na mabilis magsalin sa kanilang sariling wika, halimbawa, ng mga nasa ingles; kung kaya’t hindi kailangan ng higit na nakararaming mamamayan doong mag-aaral pa ng wikang Ingles (Cruz 2005). __________________________________________________________________________________________ __________________________________________________________________________________________ ________________________________________________________________________________________ _______________________________________________________________________________________

ASSESSMENT A. Pagtalakay 1. Ipaliwanag sa dalawang pangungusap kung bakit hindi maaaring ihiwalay sa balarila ang epektibo masining na pagpapahayag.

a. 2. Bumanggit ng tigatlong sangkap na pambalarila at panretorikang isinasaaiang-alang sa mabisa at masining na pagpapahayag.

3. Paghambingin ang dalawang halimbawa ng pormal at di-pormal na pagsulat man o pagsasalita. Isaalang-alang ang himig o tono, uri ng salitang ginagamit, at mga target na mambabasa.

a. 4. 4. Umisip ng anumang sitwasyon (tagpong nasaksihan, sariling karanasan, narinig o nabasang pangyayari) at ipaliwanag kung kinakailangan ang wikang panretorika para mapaglangkap ang damdamin at isipan.


Similar Free PDFs