Pagsusuri sa mga Alamat at mga Kwentong-Bayan tungkol sa Lawa ng Sampalok at ang Kaugnayan nito sa Araw-araw na Pamumuhay ng mga Mangingisda ng San Pablo, Laguna PDF

Title Pagsusuri sa mga Alamat at mga Kwentong-Bayan tungkol sa Lawa ng Sampalok at ang Kaugnayan nito sa Araw-araw na Pamumuhay ng mga Mangingisda ng San Pablo, Laguna
Author Hanna Melissa Sorbito
Pages 15
File Size 265.2 KB
File Type PDF
Total Downloads 509
Total Views 920

Summary

Pagsusuri sa mga Alamat at mga Kwentong-Bayan tungkol sa Lawa ng Sampalok at ang Kaugnayan nito sa Araw-araw na Pamumuhay ng mga Mangingisda ng San Pablo, Laguna Kristen Gayle G. Catapang Cristine Diane B. Dimayuga Rochelle Ann T. Molina Hanna Melissa N. Sorbito University of the Philippines Los Bañ...


Description

Pagsusuri sa mga Alamat at mga Kwentong-Bayan tungkol sa Lawa ng Sampalok at ang Kaugnayan nito sa Araw-araw na Pamumuhay ng mga Mangingisda ng San Pablo, Laguna Kristen Gayle G. Catapang Cristine Diane B. Dimayuga Rochelle Ann T. Molina Hanna Melissa N. Sorbito University of the Philippines Los Baños

Bahagi ng buhay ng mga Pilipino ang paniniwala sa mga alamat at kwentong-bayan. Ang mga alamat na ito ang sinasabing nagpapaliwanag ng pinagmulan ng Lawa ng Sampalok. Samantala, ang mga nahalaw na kwentong-bayan ay sumusubok na bigyang-paliwanag ang mga kababalaghang naranasan ng mga mamamayan ukol sa lawa. Nilalayon ng papel na ito na suriin ang mga alamat at kwentong bayan tungkol sa Lawa ng Sampalok sa San Pablo, Laguna at ang kaugnayan ng mga ito sa pang- araw-araw na pamumuhay ng mga mangingisda doon. Gumamit ang mga mananaliksik ng pakikipagkwentuhan bilang pangunahing metodo ng pakikipag-ugnayan sa mga naninirahan sa paligid ng lawa partikular na sa mga mga mangingisda. Nagkaroon din ng ginabayang-talakayan. Sa pagsusuri, napag-alaman na ang mga alamat at kwentong-bayan ay mayroong iba’t ibang bersyon. Gayunpaman, masasabing sinasalamin ng kaugnayan ng mga pokloriko sa pang-araw-araw na pamumuhay ng mga naninirahan malapit sa Lawa ng Sampalok lalo na ng mga mangingisda na hindi mahihiwalay ang tao sa kanyang lipunan. Inilahad din ang mga resulta at implikasyon ng pananaliksik na ito bilang ambag sa batis ng kaalaman ng Sikolohiyang Pilipino. Part of the lives of Filipinos is their belief system on folklore composed of legends and folk tales. These legends are the ones believed to explain the nature of the Sampalok Lake. On the other hand, the known folktales attempt to describe the supernatural phenomena experienced by the residents in the community. This paper aims to analyze the legends and folktales about the Sampalok Lake in San Pablo, Laguna and its correlation to the everyday lives of the local fisherfolks. The researchers used pakikipagkwentuhan as the primary method in interacting with the inhabitants around the lake, particularly the fishermen. A focused group discussion was also conducted. Based on the analysis, it was found out that the legends and folktales have different versions. Nevertheless, one can conclude that the correlation of the folklore to the daily lives of the residents, especially the fishermen mirrors the reality that an individual cannot be separated from the society. The results and the implications of the research were shown to add to the body of knowledge of Sikolohiyang Pilipino.

1

Catapang et al. PANIMULA Ang Lawa ng Sampalok ay ang pinakamalaki sa “Pitong Lawa ng San Pablo”. Isang alamat ang kilalang naratibo na nagpapaliwanag ng pinagmulan ng lawa. Ayon dito, noong unang panahon, may mayamang mag-asawa na naninirahan sa bayang ito at nagmamay-ari ng malawak na taniman ng sampalok. Dahil hitik sa bunga ang mga puno, napagpasiyahan nilang bakuran ang sampalukan. Ninais ng Diyos na subukin ang pagiging magiliw ng mag-asawa. Isang araw, may engkantandang nag-anyong pulubi upang humingi ng bunga ng sampalok sa mag-asawa. Sa kasamaang palad ay pinagdamutan siya ng mga ito. Pinahabol ang pulubi sa isang aso at kinagat ng aso ang pulubi. Sa pag alis ng matanda, nagdilim ang kalangitan at bumuhos ang isang napakalakas na ulan. Kinabukasan, ang buong paligid ng tirahan ng mag-asawa ay naging isang malaking lawa. Tulad ng mga mito, ang alamat ay sumusubok na ipaliwanag ang “mga kababalaghan ng kalikasan na hindi pa noon naipapaliwanag nang lubusan ng siyensiya” (Evasco, 2000, p. 70). Sa pag-uuring ginawa ni Eugenio (2007) sa mga alamat, masasabing nakahanay ang kilalang alamat ng Lawa ng Sampalok sa pangkat ng mga alamat na etiolohikal at nagpapaliwanag ng pinagmulan ng mga bagay-bagay tulad ng mga heograpikal na katangian. Sa paglipas ng panahon, may mga umusbong na kwentong-bayan tungkol sa mga kababalaghan ng lawa. May ibang mga kwento ang sumubok na ipaliwanag sa mas kritikal na pamamaraan ang pinagmulan ng lawa dala na rin ng modernisasyon. Gayunpaman, hindi maitatanggi na kaakibat ng pag-usbong ng teknolohiya ang untiunting paglaho ng interes ng bagong henerasyon sa palipat-dila na tradisyon na inaasahang magpapatuloy sa poklorikong kababakasan ng kultura ng mga naninirahan sa palibot ng Lawa ng Sampalok. Ang mga nakatatanda naman ay nagiging abala sa pagpapayabong ng pang-ekonomikal na aspeto ng kanilang pamumuhay na halos nakadepende sa lawa.

Bukod pa rito, madalas na ang mga pananaliksik tungkol sa

lawa ay nakaangkla sa siyensiya ng pangingisda at kwantitabong datos ng mga katangian ng lawa at hindi nabibigyang-pansin ang kakulangan sa mga nailathalang pag-aaral tungkol sa pokloriko ng lawa.

2

Catapang et al. Hindi dapat isantabi ang kahalagahan ng poklorikong mayroon sa isang pamayanan bilang isang maimpluwensiyang kasangkapan na sumasaklaw sa mga paniniwala, kaugalian at iba pang aspeto ng kultura ng isang komunidad. Ang pag-aaral ng pokloriko ng isang lugar ay masasabing parang pag-aaral na rin ng pamumuhay ng mga tao sa lugar na iyon. Bukod pa rito, ang pokloriko, bilang isang panitikang pasulat man o pasalita, ay nagpapakilala rin sa mga taong kabilang sa nasabing pangkat (Du, 2014). Dahil sa mga nabanggit na suliranin, ang pananaliksik na ito ay tumutugon sa pagsusuri ng kaugnayan ng mga alamat at mga kwentong-bayan tungkol sa Lawa ng Sampalok sa pang-araw-araw na pamumuhay ng mga mangingisda na naninirahan malapit dito. Nais nitong mabatid kung paano nga ba sinasalamin ng kaugnayan ng mga alamat at kwento sa pamumuhay ng mga naninirahan malapit sa lawa, partikular na ang mga mangingisda, ang tuwirang kaugnayan ng tao sa kanyang kapaligiran. Bukod pa rito, nais maidokumento ng mga mananaliksik ang mga mahahalaw na alamat at mga kwentong bayan upang mapanatiling buhay ang mga ito. Ang pag-aaral na ito ay mahalaga para sa pagpapayabong ng batis ng kaalaman ukol sa kasalukuyang poklor ng San Pablo, Laguna at ang ginagampanan ng tradisyunal na palipat-dila sa pagpapaunlad ng kaalaman. Makatutulong ang pananaliksik na ito sa mga mag-aaral at mananaliksik ng Sikolohiyang Pilipino upang magsilbing karagdagang kaalaman ang mga matutuklasan sa pag-aaral na ito at mahikayat silang magsimula pa ng mga pag-aaral na nakaugat sa mga pokloriko at ang kaugnayan nito sa pamumuhay ng mga taong nakakaalam nito; at sa mga mambabasa upang maunawaan nila na sa konteksto ng poklor tulad ng mga alamat at kwentong-bayan ay naipapakita na ang indibidwal ay hindi maihihiwalay sa ginagalawan niyang lipunan. Nilalayon ng pag-aaral na (1) matuklasan ang mga alamat ng Lawa ng Sampalok at mga umusbong na bagong kwentong-bayan mula sa mga naninirahan sa paligid ng lawa; (2) malaman ang mga pang-araw-araw na nakaugaliang gawain ng mga mangingisda ng Lawa ng Sampalok; at (3) mapagtanto ang kaugnayan ng mga alamat 3

Catapang et al. at mga umusbong pang kwentong-bayan tungkol sa Lawa ng Samapaloc sa pang-arawaraw na pamumuhay ng mga mangingisda ng San Pablo. Sinasaklaw ng pag-aaral na ito ang tuwirang kaugnayan ng mga alamat at kwentongbayan sa pang-araw-araw na pamumuhay ng mga naninirahan sa paligid ng Lawa ng Sampalok. Bagaman naghain ang pag-aaral ng mga datos at konsepto ukol sa nabanggit na usapin, ang mga ito ay angkop lamang sa konteksto ng iilang indibidwal na naninirahan sa paligid ng Lawa ng Sampalok na naging kalahok sa pag-aaral na ito, at maaaring hindi lapat sa konteksto ng ibang indibidwal sa nabanggit na pamayanan, maging sa ibang mga komunidad.

Rebyu ng mga Kaugnay na Pag-aaral

Kabilang sa poklorikong Pilipino ang mga alamat at kwentong-bayan tungkol sa Lawa ng Sampalok. Binigyang-kahulugan ni Damiana Eugenio (2007) ang poklor bilang isang lipon na “kinabibilangan ng lahat ng uri ng tradisyunal na kaalaman ng mga pangkat ng tao na pinagbuklod ng wika, relihiyon at paraan ng paggawa.” Gamit ang tradisyong palipat-dila, ang poklor ay ang “anumang bahagi ng kaalaman na ipinamana mula sa isang henerasyon patungo sa isa pang henerasyon na naglalarawan o nagpapakita ng isang piling pangkat-etniko na masasabing natatangi sa nasabing grupo” na siyang sumasalamin sa “mga kaugalian, kinagawian, mga napapansin, awitin at pamahiin at iba pang gawi ng sinaunang panahon (Eugenio, 2007, p. xxiii).”

Masasabing mga

naratibo ng poklor ang alamat at kwentong-bayan dahil nasa anyong tuluyan ang mga ito. Ilan sa mga madalas na tema ng alamat ay ang pagtatayo ng pamayanan, at mga diwata at santo. Pinaniniwalaang ang mga alamat ay totoo ayon sa tagapagsalaysay at tagapakinig bagamat walang malinaw na pundasyong teolohiya ang alamat (Eugenio, 2007, p. xxv). Bukod pa rito, ayon kay Gerald Yason (2012), ang alamat ay: “karaniwang nagsasalaysay …ng mga pangayari hinggil sa tunay na mga tao at pook, at mayroong pinagbatayan sa kasaysayan. Ang alamat ay karaniwang tumatalakay sa mga katutubong kultura, kaugalian o kapaligiran. Ito ay tumatalakay din sa mga katangiang

4

Catapang et al. maganda tulad ng pagiging matapat, matapang, matulungin at sa mga katangiang hindi maganda tulad ng pagiging mapaghiganti, masakim, o mapanumpa. Ngunit sa bandang huli ang kwento ay kapupulutan ng aral para sa ikabubuti ng iba. Ito ay sumasalamin sa kultura ng bayang pinagmulan nito.”

Ang mga alamat na nagpapaliwanag ng pinagmulan ng lahat ng uri ng bagay tulad ng mga heograpikal na katangian gaya ng bulkan, lawa at ilog ay tinatawag na mga alamat na etiolohikal o mapagpaliwanag (Eugenio, 2007, p. xxvi). Sa kabilang banda, ang kwentong-bayan ay itinuturing na gawa-gawa lamang at dahil ibinabahagi lamang bilang pang-aliw at pagtuturo ng kagandang-asal, ang kwentong-bayan ay maaaring naganap o hindi kung kaya’t maaaring hindi seryosohin (Eugenio, 2007, p. xxvi). Gayunpaman, sinasabing “tunay na lutang na lutang na may sikolohiya ang wika nating mga Filipino sa mga tradisyong palipat-dila at panitikan. Sa mga ito makikita ang katangian ng pagiging malikhain ng mga Filipino kung saan ang isang bagay na nakikita niya sa kanyang paligid ay nagagawan niya ng talinghaga at simboliko upang maipakita ang katangian ng bagay tinutukoy nito sa realidad na may layon na mangaral sa buhay, magpasaya, o malibang sa kanyang kapwa (Vivas, 2009).” Bukod pa rito, "may taglay na kahalagahang panlipunan at pangkultura ang halos lahat ng mga alamat hinggil sa pinagmulan ng isang pook o halaman (Presidential Museum & Library [PML], 2015).” Kaya’t dapat “upang makilala ang ibang pangkat na bumubuo sa bansa, nararapat laang alamin, pag-aralan at pahalagahan ang kanilang oral na panitikan (Du, 2014, p.159).” Hindi rin maitatanggi na maaring mapagkunan ng impormasyon ang mga poklor sa pagkalap ng kasaysayang palipat-dila. Sa isang artikulo ni

Gray (2015),

nabanggit na ang poklor ng Australian Aborigines ang maaring mapagkunan ng pinakamatanda at pinakatiyak na kasaysayang palipat-dila. Kung kaya’t “kinikilala ng mga batayang teksto ang kaangkupan ng kasaysayang oral sa pag-aaral ng buhaypamilya, istrukturang panlipunan, mga gawaing pang-ekonomiya, pananaw sa mga pangunahing pampublikong kaganapan (National Historical Commission of the Philippines [NHCP], 2011, p. 57).” Samantala, “ang kaibahan ng katotohanan sa memorya ay tunay na nagpapaunlad ng mga pinagkunang palipat-dila bilang 5

Catapang et al. dokumentong pangkasaysayan. Hindi ito bunga ng maling pag-alala…kundi aktibo at malikhaing nagagawa ng memorya at imahinasyon sa pagsisikap na bigyang-halaga ang mga importanteng pangyayari at ng kasaysayan sa pangkalahatan (Portelli, 1991, p.26).”

METODO Kalahok Gumamit ang mga mananaliksik ng snowball sampling sa pagpili ng mga kalahok. Mayroong 28 kalahok para sa pananaliksik na ito kung saan 12 sa mga ito ay babae at 15 ang lalaki. Karamihan sa kanila ay mga magingisda at ang ilan ay mga residente sa paligid ng lawa na mayroong mga sariling negosyo tulad ng pagtitindahan, pagkacarinderia at pagtitinda ng mga kakanin. Sila ang mga napiling kalahok para sa pagaaral na ito dahil sila ang mga may tuwirang kaugnayan sa lawa bunga ng tagal ng kanilang paninirahan sa paligid nito at pagturing nila dito bilang pangunahing pinagkukunan ng kanilang hanapbuhay. Instrumento

Ang mga kwentong nakalap mula sa mga kalahok ang naging pangunahing pinagkunan ng mga datos. Walang itinakdang istruktura sa mga tanong upang maisakatuparan ang layunin ng pananaliksik na makapangalap ng mga alamat at mga kwentong-bayan mula sa mga kalahok. Ang mga mahahalagang detalye ukol sa mga kwentong ibinahagi ng mga kalahok ay isinulat sa isang journal. Sa ilang bahagi ng pangangalap ng datos, gumamit ang mga mananaliksik ng voice recorder upang maidokumento ang aktwal na panayam sa mga kalahok.

6

Catapang et al. Pagkalap ng Datos

Nilibot ng mga mananaliksik ang paligid ng Lawa ng Sampalok upang makipagkilala sa mga

posibleng

kalahok.

Naging

madali

para

sa

mga

mananaliksik

ang

pakikipagpalagayang-loob dahil nakasanayan na ng mga naninirahan sa paligid ng lawa ang pagdayo ng mga mananaliksik para mangalap ng datos mula sa kanila. Ngunit ang kanilang kasanayan sa mga pananaliksik tungkol sa lawa ay naging balakid din. Bagaman nais ng mga mananaliksik na maging natural lamang ang kwentuhan at hindi ipagbigay-alam sa mga kalahok na para sa isang pag-aaral ang mga tanong, hindi na maitanggi ng nauna sa huli ang tunay na layunin. Datapwat ipinaalam na ang mga datos na makukuha mula sa mga panayam ay gagamitin lamang para sa isang pagaaral ukol sa mga alamat at mga kwentong-bayan ng Lawa ng Sampalok. Dahil dito, ang naging pangunahing metodo ng pag-aaral ay pakikipagkuwentuhan. Nagsagawa rin ng ginabayang talakayan kasama ang mga kasapi ng Sampalok Fisheries and Aquatic Resources Management Council (FARMC) para sa huling bahagi ng pangangalap ng datos. Pag-analisa ng Datos

Ginamit ang kwalitatibong pagsusuri upang mapakahulugan ang mga datos na nakalap sa pananaliksik na ito. Conventional qualitative content analysis ang naging pamamaraan ng pag-aanalisa. Matapos ang transkripsiyon ng

mga recording ng

panayam at ginabayang talakayan, nagsagawa ang mga mananaliksik ng coding ng mga datos na nakuha at saka sumunod ang thematization bilang huling hakbang. Sa thematization, hinalaw ang mga temang litaw at paulit-ulit sa mga sagot. Nakatulong ang

pamamaraang

ito

upang

makagawa

ng

mga

orihinal

na

eskima

na

magbabalangkas sa naging pagpapakahulugan sa mga datos.

7

Catapang et al. RESULTA Mga Alamat na Nakalap

I. Pag-ulan ng Bulalakaw Ang alamat na ito ay mula sa mga matatanda na nagsasabing ang pagulan ng pitong bulalakaw ang sanhi ng pagkakaroon ng pitong lawa kasama na ang Lawa ng Sampalok. II. Paghukay ng Lupa Ayon sa mga nakausap ng mga mananaliksik na binubuo ng mga kabataang may edad 6 hanggang 9, ang pagkakaroon ng lawa ay dahil sa paghuhukay ng kanilang mga magulang at paglalagay ng tubig pagkatapos nito. III. Sumpa ng Matandang Ermitanyo Maraming bersyon ang popular na alamat na ito. Bukod pa sa nailahad na alamat ng Lawa ng Sampalok, may mga umusbong na iba’t ibang bersyon ng naratibo. Kadalasan, tanging ang matandang ermitanyo saka ang may-ari ng sampalukan ang nabanggit. Ni hindi pa nabanggit ang kasarian ng mga tauhang ito. Sa isang salaysay ng dating pangulo na lubos na detalyado ang pagkakalarawan, may nabanggit pang dagdag na tauhan katulad na lamang ng dalagang anak ng mag-asawa na lumpo at ang mga alaga nitong aso. Ang detalyeng prominente sa lahat ng bersyon ay ang pagsumpa ng matanda sa mag-asawa dahil sa karamutan nito. Mga Kwentong-Bayang Nakalap

I. Pagdadamot ng Lawa Isa sa mga hindi kilalang kwentong bayan sa lugar na naibahagi lamang ng isa sa mga kalahok mula sa kanyang lolo ay ang dati raw na pagpapahiram g lawa ng mga materyal na bagay katulad na lamang ng kaldero, sandok, 8

Catapang et al. kutsara, plato, at iba pa sa tuwing magdaraos ng piyesta sa paligid ng lawa. Palagian daw itong nangyayari noon ngunit natigil nang minsa’y may isang hindi nagsauli ng mga pinapahiram ng lawa. Ani niya, “...ika nga eh karamutang taglay.” II. Kwentong-bayan ayon sa mga Karanasan Ilan pa sa mga kwentong naibahagi ay mula mismo sa mga sariling karanasan ng mga kalahok. May iilan pa ring naniniwala na ang puno ng sampalok ay matatagpuan pa rin sa ilalim ng lawa, na sumasabit pa sa mga sanga nito kung minsan ang kanilang bangka. Ang iba pang mga kwento ay tungkol sa mg kababalaghang nangyayari sa paligid ng lawa katulad ng sinasabing “pagpula ng lawa” na may iba’t ibang interpretasyon ang ibig sabihin, ang mga tagabantay ng lawa (tulad ng naibahaging kwento tungkol sa mga taong-kahoy), at ang konsepto ng pagkuha ng lawa ng buhay (alay) na kadalasang nangyayari sa mga dayo o hindi taal sa Lawa ng Sampalok. Kung susuriin ang mga alamat at mga kwentong-bayang ito, masasabing may paniniwala ang mga matatandang naninirahan na buhat sa mga likas na pwersa (forces) ang pagkakaroon ng lawa. Samantala, sinasalamin ng alamat na alam ng mga bata ang pagkilala nila sa kanilang mga magulang bilang malalakas na mga tao na nagdadala ng pagbabago. Mayroon silang mataas na pagtingin sa mga nakatatanda sa kanila. Ang mga kwentong-bayan ay nagpapakita ng pagtanggap ng mga naninirahan malapit sa lawa sa mga makapangyarihang nilalang na hindi nakikita. Gayunpaman, ang konsepto ng “alay” ay maaaring isang pagsubok na maipaliwanag ang mga kababalaghang hindi maipaliwanag ng mga tao. Samantala, naobserbahan ng mga mananaliksik na ang pang-araw-araw na nakaugaliang gawain ng mga mangingisda ay ang pagpapaunlad ng kanilang hanapbuhay dahil ito ang pangunahing pinagkukunan ng kanilang kabuhayan. Tuwing 9

Catapang et al. Disyembre, nagsisimulang “mamula” ang lawa ayon na rin sa kwentong-bayan. Ang pamumula ng lawa ang nagsisilbing babala sa mga mangingisda na hihina ang huli ng mga isda dala ng malamig na panahon. Kapag may mga dayo o mga panauhin mula sa ibang lugar, binabalaan na nila agad na umiwas sa pagpunta sa lawa nang walang kasamang mismong naninirahan doon para hindi sila maging “alay”. Dala na rin ito ng kwentong-bayan tungkol sa mga taong nagiging “alay” ng lawa na kadalasang mga dayo.

Uri ng

Kaalaman

Karanasan

Pokloriko Alamat

Kolektibong Kamalayan

Pag-ulan ng bulalakaw

mga

Sumpa ng matandang ermitanyo

Paghukay ng lupa KwentongBayan

Pagdadamot ng lawa

Puno ng sampalok sa ilalim ng lawa Tagabantay ng lawa Taong-kahoy Alay “Pagpula” ng lawa

Figure 1. Talaan ng mga nakalap na alamat at kwento Ang mga nakalap na mga alamat at kwentong-bayan ay pinagpangkat-pangkat sa tatlong uri—kaalaman, karanasan at kolektibong kamalayan (Figure 1). Kabilang sa pangkat kaalaman ang mga alamat at kwentong-bayan na nakagisnan na ng mga mamamayan. Malaking bahagi nito ang kwento ng mga matatanda na naibahagi sa kanila. Ang iba naman dito ay naikwento lamang

ng mga kaibigan, kapitbahay o

kakilala. Ilan sa mga alamat na kabilang dito ay ang pag-ulan ng bulalakaw. Samantala, ang pangkat karanasan ay mga kwentong personal na naranasan ng mga taong pinanggalingan ng salaysay. Higit sa lahat, ang pangkat kolektibong kamalayan ay nakatuon sa mga alamat at kwentong-bayan na mayroong malawak na pagtanggap 10

Catapang et al. mula sa mga mamamayan sa tulong ng mga institusyon tulad ng paaralan at media. Kadalasan, ito ang mga naisasalaysay na mayroong isang popular na bersyon at iba pang mga dagdag-bawas na kwento na bunga ng limitasyon ng memorya ng tao at pagtatangka ng tao na magbigay ng naratibong sumasalamin sa kalakhan ng lipunan.

Figure 2. Kwento Model Sa tulong ng naturang pagpapangkat, nabuo ang Kwento Model (Figure 2) bilang eskima sa pagsasauri ng mga alamat at kwentong-bayan ayon sa kahalagahan nito bilang impormasyon. Ang...


Similar Free PDFs