Rizal Final Term Module PDF

Title Rizal Final Term Module
Course Elementary Education
Institution Tarlac State University
Pages 107
File Size 926 KB
File Type PDF
Total Downloads 129
Total Views 268

Summary

KABANATA VIIIKALAWANG PAGBABALIK, BUHAY SA DAPITAN, AT KAMATAYAN NI DR.JOSE RIZALMatapos na matalakay ang pangingibang-bansa ni Rizal, ating ipagpapatuloy ang pagtalakay sa Kanyang pangalawang pagbabalik sa Pilipinas. Tatalakayin din dito ang mga lekturang gaya nang: Ang bitag sa ikalawang pagbabali...


Description

KABANATA VII IKALAWANG PAGBABALIK, BUHAY SA DAPITAN, AT KAMATAYAN NI DR. JOSE RIZAL

PANIMULA Matapos na matalakay ang pangingibang-bansa ni Rizal, ating ipagpapatuloy ang pagtalakay sa Kanyang pangalawang pagbabalik sa Pilipinas. Tatalakayin din dito ang mga lekturang gaya nang: Ang bitag sa ikalawang pagbabalik ni Rizal sa Pilipinas, Ang pagkakatatag ng La Liga Filipina, Layunin ng La Liga Filipina, Pagdakip kay Rizal, Kasaysayan ng Dapitan, Pagpapatapon sa Dapitan, Buhay sa Dapitan, Ang Katipunan, Pagdalaw ni Dr. Pio Valenzuela, Muling Paglalakbay, Ang paglilitis kay Rizal, Ang huling araw ni Rizal MGA LAYUNIN: 1. Maisa-isa ang mga mahahalagang nagawa ni Rizal sa kanyang muling pagbabalik at ang mga implikasyon nito. 2. Maihambing ang uri ng kabayanihan ni Rizal sa kahulugan ng kabayanihan sa kasalukuyang panahon. PANUTO SA MAG-AARAL: Bago magtungo sa aralin ay hintayin muna ang instraksyon ng propesor/instraktor/lecturer tungkol sa magiging daloy ng modyul. May mga paunang gawain na kailangan gawin bago magtungo sa sa lektura. Pagkatapos ng lektura sa aralin ay mag kakaroon ng mga gawain at maikling pagsusulit. Sa pinakahuling bahagi ay mababasa ang mga dapat tandaan o pinakabuod ng aralin. At ang pang huli ay ang asignatura. Sagutan muna ang pahina bilang 90 bago magtungo sa aralin.

ALAMIN AT PAG-ARALAN

Ang Bitag sa Ikalawang Pagbabalik ni Rizal sa Pilipinas Noong tanghali ng araw ng Linggo, ika-26 ng Hunyo, 1892 bumalik sa Pilipinas si Rizal kasama ang kaniyang kapatid na si Lucia. Ito ang ikalawa niyang pag-uwi mula noong 1887. Isinalaysay ni Rizal ang mga pangyayari sa kaniyang talaarawan, ang kanyang mga ginawa buhat ng siya ay dumating sa Pilipinas hanggang sa maipatapon siya sa Dapitan. Sa kabila ng mga paalalang ginawa ng mga kaibigan at kamag-anak ay walang nakapigil kay Rizal na muling maglalakbay pabalik sa Pilipinas. Inihanda na niya ang kaniyang sarili sa anumang mangyayari sa kanyang pagbabalik. Sa talumpating binitiwan niya sa mga kababayan sa Europa, sinabi niya na “ang labanan ay nasa Pilipinas at wala sa Madrid. Doon tayo dapat magtagpo-tagpo, magtulungan, sama-samang makibaka at magdusa alang-alang sa kapakanan ng ating bayan.” Ang layunin ni Rizal sa pag-uwi sa Pilipinas ay upang: (1) malaman kung maari pang magbago ang pasya ni Gobernador Heneral Despujol

Page | 1

tungkol sa kaniyang proyekto sa Borneo (Borneo Colonization Project); (2) maitatag ang samahang La Liga Filipina: (3) Harapin ang mga paratang sa kaniya upang matigil na ang pagpaparusa sa kaniyang pamilya at kababayan. Sa pagdating ni Rizal sa Maynila, isang pangkat ng mga kawal kasama ang ilang pinuno ng guwardiya sibil ang sumalubong sa kaniya sa piyer. Sa Hotel de Oriente siya nagtuloy, ang pinakamagandang otel sa Maynila ng panahong yaon. Kinahapunan ng araw din iyon, siya ay nagtungo sa Malacañang upang makipanayam kay Gobernador Heneral Eulogio Despujol tungkol sa kaso ng kaniyang pamilya at tungkol sa balak na pagtatatag ng kolonya sa Borneo. Matapos ang ilang ulit na pakikipanayam sa Gobernador Heneral ay pumayag din ito na bawiin ang parusang pagpapatapon sa kaniyang ama at mga kapatid na babae, subalit hindi sa kaniyang kapatid na lalaki na si Paciano at si Ubaldo na kaniyang bayaw. Ngunit sa kaniyang susunod na pakikipanayam noong ika-6 ng Hulyo, 1892 ay naiba ang desisyon ng Gobernador Heneral. Nang tanungin siya kung may plano pa siyang bumalik sa Hongkong at tinugunan niya ito ng pagsang-ayon, ipinaalam ng Gobernador Heneral na may natagpuang mga polyeto sa kanyang mga dalahin. Ang tinutukoy na polyeto ay ang limang babasahing papel na may pamagat na “Pobres Frailes” na gawa ni Fr. Jacinto at nalimbag sa Imprenta de las Amigos del Pais Manila. Ayon sa batikang mananalaysay na si Craig, maaring ang mga ito ay napasama sa ibang mga walang kabuluhang papel na nadampot ni Lucia sa tahanan ni Jose Maria Basa at samasamang nilamukot at siniksik sa punda ng kaniyang unan na ginamit niya sa bapor. Ngunit may kutob si Rizal na sa Maynila na inilagay ng kaniyang mga kaaway ang mga babasahing ito. Ito ang nakapagwakas ng kaniyang kalayaan. Dahil sa pangyayaring ito, iniutos ni Despujol na ikulong si Rizal sa Fuerza de Santiago nang walang paglilitis hanggang siya ay ipatapon sa Dapitan. Ngunit bago naipatapon ay naitatag ni Rizal ang La Liga Filipina.

Pagkakatatag ng La Liga Filipina Makalipas ng isang linggo mula ng siya ay dumating sa Maynila itinatag ni Rizal ang La Liga Filipina noong ika-3 ng Hulyo, 1892, kinagabihan ng pakikipanayam ni Rizal kay Gobernador Heneral Despujol. Itinatag ang samahan sa bahay ni Doroteo Ongjungco, sa Ilaya Street, Tondo, Manila. Ayon kay Craig, ang samahan ay iminungkahi ng isang kasapi ng masong Kastila at ang nagpanukala naman ay si Jose Maria Basa. Ang La Liga Filipina ay isang pansibikong samahan ng mga Pilipino na naglalayon ng pagbabago sa ilalim ng pamamahala ng mga Kastila. Ang saligang batas nito ay isinulat ni Rizal sa Hongkong. Ang ilan sa mga naroron ay sina: Kasapi Pedro Serrano Laktaw Domingo Franco Jose A. Ramos Ambrosio Salvador Bonifasio Salvador Bonifacio Arevalo Ambrosio Flores

Sagisag Pangalan

-

Panday Pira Felipe Leal Socorro Gobernadorcillo Gobernadorcillo Hurem Musa Page | 2

Moises Salvador Faustino Villaruel Numeriano Adriaano Andres Bonifacio Apolinario Mabini Deodato Arellano Agustin de la Rosa Mariano Crisostomo Estanislao Legaspi Teodoro Plata Juan Zulueta Luis Villareal

-

Araw Ilaw Ipil May Pag-asa Katibay

Ang mga nahalal na opisyales ng La Liga Filipina ay sina: Ambrosio Salvador, pangulo-isang mason at Gobernadorcillo ng Quiapo; Deodato Arellano, kalihim: Bonifacio Arevalo, Ingat-yaman; at Agustin dela Rosa, Fiscal. Layunin ng La Liga Filipina 1. Pagbuklurin ang buong kapuluan sa isang solidong bansa. 2. Pagtutulungan sa bawa’t pangangailangan at kagipitan 3. Pagdadamayan sa lahat ng uri ng pagmamalabis at kawalang katarungan. 4. Pagpapasigla ng edukasyon, agrikultura at pangangalakal. 5. Pag-aaral at pagpupunyaging makamtan ang kahilingang pagbabago. Ang paniniwala ng La Liga Filipina ay ang “Isa’y katulad ng lahat” (Unus Instar Ominium).

Pagdakip Kay Rizal Sa muling pakikipanayam ni Rizal kay Gob. Hen. Despujol noong ika-7 ng Hulyo, 1892, ay nabigla na lamang siya nang siya ay ipadakip. Siya’y inilulan sa isang karwahe ng palasyo at inihatid sa isang piitan sa Fort Santiago. Nanatili siya rito hanggang hatinggabi ng Hulyo 14 at kinaumagahan ay lihim na isinakay sa bapor Cebu patungong Dapitan, isang ilang na bayan ng Zamboanga. Sa dekretong nilagdaan ni Despujol noong ika-7 ng Hulyo, 1892 ay sinasaad ang sumusunod na kadahilanan sa pagpapatapon kay Rizal. 1. Naglabas siya ng mga aklat at mga artikulo sa ibang bansa na tumutuligsa sa inang Espanya pambabatikos sa katolisismo at mga prayle. 2. May natuklasan sa kaniyang maleta nang lumunsad siyang galing sa Hongkong na mga babasahing may pamagat na Pobre Frailes (Ang kahabaghabag na mga Prayle). 3. Ang kaniyang pangalawang nobelang El Filibusterismo ay inihandog niya sa tatlong paring martir na sina Mariano Gomez, Jacinto Zamora at Jose Burgos at ipinalimbag pa sa pahina ng pamagat ang mga salitang “walang nang nalalambing dapat gawin para sa kaligtasan ng Pilipinas kundi ang humihiwalay sa inang-bayan”. 4. Layunin ng kaniyang mga gawain at sulatin ay upang mawalan ng pananampalataya ang mga Pilipino sa simbahang katoliko. Page | 3

Kasaysayan ng Dapitan Ang Dapitan ay isang bayan ng Zamboanga sa isla ng Mindanao. Sa liham ni Rizal kay Jose Maria Basa noong Disyembre 18, 1894, kaibigan niya sa Hongkong, sinasaad na: “ang bayan ng Dapitan ay mahirap. Ito’y ilang at malungkot na lugar”. Ang pangalang Dapitan, ayon kay Rizal ay nangangahulugang “Tagpuan”. Hango sa salitang Bisaya dapit, nangangahulugang “nag-aanyaya”. Ang Dapitan ay natuklasan ng isang datu ng Bohol na si Lagubayan bago pa dumating ang mga mananakop na Kastila. Ayon sa tradisyon, si Lagubayan ay isang matatag at matapang na datu ng Bohol. Kasabayan niya sina Sikatuna at Sigala, ang magkapatid na datu rin ng Bohol. Isang araw, ang mga katutubong mandirigma ay minaltrato ang magandang kapatid ni Lagubayan na si Illison. Ikinagalit ito ni Lagubayan at hinikayat ang mga ibang kasamahan na lisanin ang lugar nila at manirahan sa ibang lupain kung saan ligtas sila sa mga masasamang kasamahan. Pagkatapos ng ilang araw na paglalakbay, narrating nila ang pampang na iyon, doon sila nanirahan hanggang maging bayan ng Dapitan. Dumating ang mga kastila sa Dapitan noong 1565. At nakipagsundo si Datu Lagubayan kay Miguel Lopez de Legazpi. Maraming Filipino ang hindi natuwa sa hindi paglaban ng mga taga-Dapitan sa nabanggit na mga dayuhang mananakop, ngunit naniniwala ang pangkat ng mga taong ito na mainam ang talikuran ang pakikihimok sa mga Kastila at makipagtulungan na lamang sa mga ito. Si Lagubayan at ang kaniyang mga inapo ay nagpamalas ng hindi matawarang panglilingkod at katapatan sa Espanya at sa pananampalatayang katoliko. Ang kahanga-hangang simbahan ng St. James ang simbolo ng Kristyanismo ng Dapitan. Ito ay itinayo ng mga paring Heswita noong 1883. Si San Santiago Matanda (St. James the Greater) ang siyang patron ng Dapitan. Sa mga unang bahagi ng pananakop ng mga Kastila sa ating bansa, ang Dapitan ay paminsan-minsang sinasalakay ng mga piratang Moro. Itinayo ng mga paring Heswita ang simbahan ng St. James sa lungsod upang mapangalagaan ang mga Dapitanons mula sa mga mananakop. At paglipas ng tatlong siglo; ang St. James ay patuloy na gumaganap ng mahalagang tungkulin sa buhay ng mga Dapitanons. Kinagabihan nang dalhin sa piitan ng Fuerza Santiago ni Gobernador Despujol si Jose Rizal, ika-7 ng Hulyo, 1892, sa pamumuno ni Andres Bonifacio ay nagkaisa ang mga Pilipinong may magkakatulad na paniniwala na magtatag ng Katipunan. Ginanap ang lihim na pulong sa bahay ni Deodato Arellano sa Azcarraga Street (ngayon ay Claro M. Recto Avenue) Tondo, Maynila. Ilan sa mga dumalo ay sina Andres Bonifacio, Valentin Diaz, Teodoro Plata, at Ladislao Diwa. Bumalangkas ng isang kapisanang ang mga layunin ay (1) mapagbuklod ang mga Pilipino, at (2) lumaban upang makamit ang kalayaan. Tinawag nila ang kapisanan na Anak ng Bayan o KKK, Kataas-taasang Katipunan ng mga Anak ng Bayan. Lingid sa kaalaman ni Rizal ay ginamit ng lihim ng samahang ito ang kaniyang pangalan upang makakuha ng higit na maraming kasapi.

Page | 4

Si Emilio Jacinto na tinaguriang “Utak ng Katipunan” at kinilala bilang si “Pingkian” ang tumayong kanang kamay ng dakilang Plebian na si Andres Bonifacio

Pagpapatapon sa Dapitan Sakay ng barkong Cebu si Jose Rizal ay nakarating ng Dapitan ng gabi ng ika-17 ng Hulyo, 1892. Ito ang simula ng maraming taon niyang pagtitiis na mamuhay nang malayo sa mga mahal sa buhay. Umalis ang bapor sa ganap na ika-isa ng umaga, Hulyo 15. Sa isang mahusay na kamarote sa kubyerta tumigil si Rizal. Ang kaniyang kamarote ay malapit sa kamarote ni Kapitan Delgras. May mga sakay din itong mga sundalong kastila, para sa mga garrison sa Mindanao. May dalawang bilanggong military na kastila, isang sarhento at isang corporal, na parehong naka-kadena, sa kaniyang tala-arawan sa paglalakbay, inilarawan ni Rizal ang mga nangyari at nakikita sa barkong sinasakyan. Sa pagdaong ng barko sa Dapitan, si Rizal ay ipinailalim sa pangangasiwa ni Kapitan Ricardo Carnicero. Tumagal nang apat na taon ang kanyang deportasyon sa Dapitan. Si Padre Pablo Pastells, paring superior ng Samahan ng mga Heswita sa Pilipinas ay lumiham kay Padre Antonio Obach, Heswitang misyonaryo sa Dapitan. Ayon sa liham ay maaring manirahan si Rizal sa Kumbento kung susunduin ang mga sumusunod sa kondisyon: a. Babawiin niya ang kaniyang mga sinabi laban sa mga pari at dapat niyang ipakita ang kaniyang pagiging maka-Kastila at hindi siya sangayon sa rebolusyon. b. Dadalo sa mga rito ng simbahan at ikukumpisal niya ang lahat ng nakaraang pangyayari sa kaniyang buhay. c. Kikilos siyang katulad ng isang Kastila at isang taong relihiyoso. Hindi pumayag si Rizal sa mga kondisyong inihain sa kanya at tinanggihan niya ang pagtira sa kumbento kasama si Padre Obach. Doon siya tumigil sa tahanan ng komandanteng tagapagbantay niya na si Kapitan Ricardo Carnicero.

Buhay sa Dapitan (1892-1896) Nanirahan si Jose Rizal sa bahay ng komandanteng Kapitan Ricardo Carnicero. Si Carnicero, na bata pa at noong panahong iyon ay binata pa, ay isang malayong-palaisip, may bukas na kaisipang tao na nagalak sa pagkakaroon ng isang bisitang katulad ni Dr. Rizal. Sa matagal tagal ding pananatili nilang magkasama sa iisang tirahan, nalinang sa kanila ang malalim na pagkakakilanlan na malaunan ay nauwi sa mabuting ugnayan bilang magkaibigan. Sa halip na antagonistang ugnayan ng komandante o tagabantay sa isang prisonero o bilanggong ipinatapon ang mamagitan sa kanila, kaya’t maganda ang ulat ng una tungkol kay Rizal. Bilang katibayan sa pagkakaibigan ng dalawa, lumikha si Rizal ng isang tulang inihandog niya para sa kaarawan ng kapitan noong ika-26 ng Agosto, 1892. Ito ay may pamagat na A DON RICARDO CARNICERO. Page | 5

Dito napag-isipan ni Rizal na napapanahon na upang siya ay mamuhay na nang tahimik. Naging kapaki-pakinabang ang apat na taong pagkakapatapon kay Rizal sa Dapitan. Ginugol niya ang kaniyang panahon a iba’t ibang proyektong makatutulong sa mga mamamayan mula sa Dapitan. Sa halip na mangulila at lunurin ang kanyang sarili sa matinding kalungkutan nagpasiya Jose Rizal na gamitin ang lahat ng kakayanan mayroon siya upang makagawa ng mga bagay na produktibo di lamang para sakanyang sarili kundi higit na kapaki-pakinabang sa mga taong doon ay mga naninirahan. Pagkaraan ng dalawang buwan niya sa pagdating sa Dapitan, pinalad siyang manalo sa loterya sa Maynila, ang tiket niya Blg. 9736 na nabili na kasama ni Kap. Carnicero at Francisco Equilor (isang kastilang nakatira sa Dipolog, isang bayang malapit sa Dapitan) ang nanalo ng ikalawang premyo ng P20,000. Ang P6,200 na naging parte ni Rizal sa premyo ay ibinahagi niya sa kaniyang ama (P2,000), kay Mariano Basa (P200) at ang nalabi ay ibinili niya ng lupain sa Talisay, isang kilometro mula sa Dapitan. Ipinagpatuloy pa rin ni Rizal ang kaniyang mga gawaing pansining. Nagpinta siya sa langis ng magagandang kurtina sa simbahan. Naglililok din siya ng mga istatwa. Kabilang sa kaniyang mga nililok ay ang “Ang Dilag ng Dapitan”, isang busto ni San Pablo, isang busto ni Padre Guerero, at isang nililok na busto ni Josephine Bracken. Pagkat isang manggagamot, siya ay nagbukas ng isang klinika para sa lahat ng uri ng tao, lalo na para sa mahihirap. Naging tanyag siya bilang isang siruhano sa Dapitan at sa buong Pilipinas. Malaunan sa tulong na din ng kanyang naging kaibigang punong tagabantay nasi Ricardo Carnicero kanyang ipinamintuho na siya ay mapagbigyan ng mga kastilang otoridad na makasama niya sa Dapitan ang kanyang ina at ilan sa kanyang mga kapamilya, Hindi man naging madali o agaran itong napag-bigyan ng mga kastila sa tulong na din ni Kapitan Carnicero malaunan ito din ay pinahintulutan, Ang kaniyang ina at kapatid na si Maria ay dumating sa Dapitan, noong Agosto, 1893. Sa pagkakataong ito isinagawa ni Rizal ang ikatlong pagtitistis sa mata ng kaniyang ina. Ang pagtitistis na ito ay nagtagumpay ngunit ang mga mata ay nagkaroon ng kumplikasyon nang alisin ng benda ng kaniyang ina, nang hindi nalalaman ni Rizal. Nasabi tuloy ni Rizal sa kaniyang bayaw na si Hidalgo na, “nauunawaan na niya ngayon kung bakit hindi dapat gamutin ng isang doctor ang miyembro ng kaniyang pamilya” Samantala ang kaniyang kaalaman sa pagiging surveyor o agrimensor na kanyang nakamit sa mahal na paaralan niyang Ateneo Municipal, ay kanyang napakinabangan sa kanyang binalak na makatuklas ng isang pamamaraan upang ang malinis na tubig mula sa kabundukan ay kanyang mapadaloy at makarating sa bayan ng Dapitan sa pamamagitan ng mga pinagsugpong na mga kawayan upang mapakinabangan ng mga Dapitanon. Noong March 1895, inumpisahan ni Rizal ang paggawa ng patubig. Sa panahong iyon si Padre Francisco de Paula Sanchez,ang kanyang paboritong guro sa Ateneo de Manila ay nangyaring maipadala din sa Dapitan, kanya ding nakatulong ang kanyang guro upang pagandahin ang liwasang-bayan ng Dapitan. Pinuri at pinahalagahan ang kakayahan ni Rizal sa inhenyeriya ni G.H.F. Cameron, isang inhinyerong Amerikano, bagamat hindi niya taglay ang lubos na karunungan sa larangan ng inhenyeriya, sa dahilang Medisina ang kanyang propesyon , ang kanyang mga nagawa sa Dapitan ay tunay na maipagmamalaki dahil sa malaking kapakinabangang idinulot nito sa pamumuhay ng mga naninirahan sa Dapitan.

Page | 6

Hindi nilimitahan ni Jose Rizal ang kanyang sarili sa kanyang mga maaring maitulong sa mga Dapitanon, dala nang malabis niyang pagpapahalaga sa edukasyon, at ayon na din sa kanyang pahayag na “ upang ang isang tao ay mabuhay ng marangal at matutong pangalagaan ang kaniyang karapatan bilang tao ay nararapat ding pahalagahan ang edukasyon” Dahil dito noong 1893 (hanggang Hulyo 1896) ay nagtayo din siya ng paaralan at kanyang ginanyak ang mga kabataang Dapitanon na mag-aral. Si Jose Rizal ay nagsilbing guro sa unang labing-anim na kaniyang naging estudyante. Binigyan diin niya bilang kanilang guro ang kabuluhan ng sipag at tiyaga, hindi man siya isang tunay na guro ngunit mahusay niyang binanghay ang balangkas ng mga aralin na binubuo ng pagbasa, pagsulat, heograpiya, matematika, gawaing industriyal, agham at mga wika tulad ng Ingles at Kastila. Kasama rin sa kurikulum ang pagpapalakas ng katawan tulad ng boksing, gimnastiks, pamamangka at iba pa tunay na kumprehensibo na luminang ng kabuuang pagkatao ng bawat magaaral niya. Di nakapagtatakang nagawa niya ang ganito sa dahilang naranasan niya ang pinakamahusay na edukasyon sa Ateneo at ganundin sa pag-aaral niya sa Europa. Kabilang pa sa mga naging pinagkaabalahan ni Rizal sa Dapitan ay ang pagmamasid, pagsusuri at masusing pag-aaral ng kapaligiran a kalikasan. Iba’t ibang hayop ang kaniyang pinangalap at pinag-aralan. Nakatuklas si Rizal ng mga pambihirang espesimen ng mga kakaibang hayop na kanyang ipinapadala sa mga siyentipiko sa Europa sa tulong ng kanyang kaibigang si Ferdinand Blumentritt, bilang pagkilala sa kanya, kinabitan ng kaniyang pangalan ang mga ilang kaka-ibang hayop na kanyang natuklasan, ang mga ito’y Draco Rizali (isang uri ng butiki na may kakayahang lumipad) Apogonia Rizali (kakaibang uri ng salagubang at Rhacophorus Rizali (pambihirang palaka). Samantala, noong Pebrero, 1895 matapos maging maayos ang paningin ni Doña Teodora, nagpasya na siyang bumalik sa Maynila. Napansin niya ang pagiging abala ni Rizal at ang paghinto nito sa pagsulat ng tula. Hiniling ni Doña Teodora na igawa siya ng isang tula. Bilang tugon sinulat niya ang “Mi Retiro” (My Retreat), isang tulang naglalarawan ng payapa at matiwasay na pamumuhay ni Jose Rizal sa Dapitan,bilang isang bilanggo. Ipinadala niya sa kanyang Ina noong Oktubre 22, 1895. Karagdagan sa mga pinagkaabalahan ni Jose Rizal sa Dapitan ay ang pagsasaka na siyang nagbigay oportinidad sa kanya upang makapag-negosyo. Kumita siya bilang isang magsasaka at bilang isang mangangalakal. Si Ramon Carreon isang negosyanteng taga Dapitan ang kaniyang naging kasosyo. Ipinakita niya ang kaniyang kasanayan bilang imbentor sa pamamagitan ng pagiimbento ng isang makinang de kahoy na nakakagawa ng 6,000 tisa sa isang araw. Samantala ang hapdi ng sugat na nilikha ng pagpanaw ni Leonor Rivera noong ika-28 ng Agosto, 1893 at pangungulila ay nakatakdang maghilom sa pagdating ni Josephine Bracken sa Dapitan, Mindanao. Ang huling pag-ibig ni Rizal ay si Josephine Bracken, isang magandang Irish na taga Hongkong. Isinilang siya noong Oktubre 3,1876. Ang mga magulang niya ay sina james Bracken, isang corporal sa British Garrison at si Elizabeth Jane Mcbride. Sa batang edad siya ay naulila at lumaki sa pangangalaga ni George Taufer, isang Amerikanong inhinyero. Noong Marso 1895, dumating si Josephine at kaniyang ama-amahan, si George Taufer para ipagamot ang mata ng huli. Sinamahan sila ng isang Pilipinang nagngangalang Manuela Orlac. Sa unang kita pa lang ni Rizal ay nabighani na siya kay Josephine. Di naglaon at nagkaibigan ang dalawa. Nang balakin nila ang
...


Similar Free PDFs