Si Biboy, si Ging-Ging at ang Juvenile Justice Welfare Act: Primer para sa mga Opisyal ng Barangay PDF

Title Si Biboy, si Ging-Ging at ang Juvenile Justice Welfare Act: Primer para sa mga Opisyal ng Barangay
Author Jay Yacat
Pages 15
File Size 863.6 KB
File Type PDF
Total Downloads 39
Total Views 305

Summary

Si B ib Bib iboo y, si Ging-Ging Ging-Ging,, at ang JJu u v e nile JJust ust ic icee ustic and We lfar lfaree Ac t ay isang serye ng limang praymer na nagkukuwento ng karanasan ng dalawang batang nahuling nagnakaw. Tinatalakay din nito ang ilang mahahalagang bahagi ng Republic Act No. 9344, isang ba...


Description

Si B ib o y, si Ging-Ging u v e nile JJust ust ic Bib ibo Ging-Ging,, at ang JJu ustic icee and We lfar lfaree Ac t ay isang serye ng limang praymer na nagkukuwento ng karanasan ng dalawang batang nahuling nagnakaw. Tinatalakay din nito ang ilang mahahalagang bahagi ng Republic Act No. 9344, isang batas na naglalayong pangalagaan ang karapatan ng mga bata, lalo na ang mga batang may suliranin sa batas.

Isinulat ang mga praymer na ito para sa mga pulis, social worker, magulang, opisyal ng barangay, at mga bata. Ang praymer na ito ay para sa mga opisyal ng ang barang angaay. bar

Si Biboy, si Ging-Ging, at ang Juvenile Justice and Welfare Act

Praymer para sa mga Opisyal ng Barangay

Karapatan ko bilang Batang may Suliranin sa Batas na...

© 2007 Plan Philippines Ang praymer na ito ay di maaring kopyahin o ilimbag para ibenta o pagkakitaan. Maaring makakuha ng libreng kopya ng akdang ito sa anumang opisina ng Plan Philippines. Ang mga bahagi nito ay maaring sipiin para sa mga pananaliksik o pagtuturo kung kikilalanin ang mga nagsulat at naglimbag nito. Inilimbag ng Plan Philippines 7th Floor Salustiana Dy Tower, 104 Paseo de Roxas, Legaspi Village, Makati City Philippines TEL NO (632) 8173871 FAX NO (632) 8403940 www.plan-international.org Ang Plan ay isang international at humanitarian organization na nagsusulong ng kapakanan ng mga bata sa pamamagitan ng child sponsorship. Itinatag noong 1937 sa Espanya, ito ay lumago at naging isa sa mga pinakamalalaking international NGO sa buong mundo. Ito ay matatagpuan sa 48 na mga bansa sa Africa, Asia, South and Central America, at Carribean. Naisasagawa ng Plan ang kaniyang mga programa sa tulong at suporta mula sa mga indibidwal, grupo at mga institusyon mula sa 16 na mauunlad na bansa. Ang praymer na ito ay nabuo sa tulong ng mga mula sa mananaliksik ng Psychosocial Support and Children’s Rights Resource Center (PST CRRC). Para sa karagdagang kaalaman ukol sa PST CRRC, bumisita sa www.pstcrrc.org. ISINULAT PARA SA PLAN NINA COORDINATOR GUHIT LAYOUT

Arnie C. Trinidad at Jay A. Yacat Arnie C. Trinidad Aldy C. Aguirre Ariel G. Manuel

1 . Huwag saktan, tortyurin, o isailalim sa malupit o nakakapahiyang kaparusahan. 2 . Hindi bigyan ng capital punishment o ibilanggo habambuhay. 3 . Huwag ibilanggo ng walang matibay na dahilan. 4 . Protektahan at respetuhin ang aking mga karapatang pantao, ihiwalay sa mga nakatatandang bilanggo, at tumanggap ng bisita sa bilangguan. 5 . Magkaroon ng abogado. 6 . Karapatan kong mabigyan ng piyansa o recognizance. Ang recognizance ay paglalagay sa mga bata sa pangangalaga ng kanilang mga magulang o tagapangalaga habang nililitis sila kaysa sila’y ipiit sa bilangguan. 7 . Tumestigo para maipagtanggol ko ang sarili ko. 8. Panatilihin ang aking privacy sa kabuuan ng aking paglilitis. 9. Bigyan ng alternatibong kaparusahan maliban sa pagkabilanggo. 10. Bigyan ng makataong parusa ayon sa bigat ng naging pagkakasala ko. 1 1 . Huwag pagtagalin sa bilangguan. Maari akong patawan ng multa kaysa ibilanggo. 12. Bigyan ng awtomatikong pagsuspinde sa kahatulan. 13. Bigyan ng probation sa halip na ikulong. 14. Hindi hatulan dahil sa panunumpa ng walang katotohanan, pagtatago ng impormasyon, o misrepresentasyon.

Si B ib oy, si Ging-Ging Bib ibo Ging-Ging,, ust ic at ang JJu uve nile JJust ustic icee and We lfar lfaree Ac t Praymer para sa mga Opisyal ng Barangay

Plan Philippines 2007

M M Mga Pasasalamat Nais naming pasalamatan sina: ARNIE C. TRINIDAD at JAY A. YACAT na nagsulat ng primer at nagsalin ng batas mula sa Ingles patungong Filipino; ATTY. CLARE M. CLEMENTIR para sa pagbibigay ng mga mahahalagang komento at pagseseguro na tama ang pagkakasalin at interpretasyon ng batas; ALDY C. AGUIRRE para sa pagguhit ng mga larawan; ARIEL G. MANUEL para sa lay-out; MICHELLE G. ONG at WILL ORTIZ para sa editing ng mga praymer; LEONY MELENDREZ para sa pagsubaybay sa proyekto at ang Plan Philippines staff ng San Jose, Mindoro Occidental at Catbalogan, Western Samar na tumulong sa pagkalap ng mga kalahok sa pre-test ng primers;

May ingay na nagmumula sa loob ng kuwartong ginagamit sa mga pulong sa Barangay Hall. “Mukha yatang maaga pa lang ay nagtatalo na ang mga tao,” sa loob-loob ni Kapitan Lucio, ang punong barangay. Matagal na ring naninilbihan si Kap. Lucio bilang punong barangay. Ito ang kaniyang ikatlong termino bilang kapitan. Huminga muna siya nang malalim bago binuksan ang pinto. Medyo humupa ang mga nagtatalong boses sa pagpasok ng punong barangay. Binati ni Kap ang kaniyang mga kagawad. May ilan ding mga taga-barangay ang dumalo sa pulong. Patakaran kasi niyang maging bukas ang mga pulong ng barangay council. Nakita niya si Mang Gusting, ang may-ari

ANG MGA BATA, MAGULANG, BARANGAY OFFICIAL, SOCIAL WORKER, at PULIS mula sa San Jose Mindoro Occidental at Catbalogan, Western Samar na lumahok sa pre-test at nagbigay ng mahahalagang komento para maiayos ang mga primer; at Ang DUTCH GOVERNMENT sa ilalim ng Ministry of Development Cooperation at ang mga mamamayan ng Netherlands sa pakikipagtulungan ng Plan International The Netherlands para sa pagpopondo ng proyektong “Comprehensive Program on Juvenile Justice and Protection.”

M

2

Si Biboy, si Ging-Ging at ang Juvenile Justice and Welfare Act (RA 9344)

Praymer para sa mga Opisyal ng Barangay

3

ng nag-iisang mini-grocery sa barangay at ang kumpare nitong si Mando, dating siga na ngayo’y isang tanod. Bahagyang tumango siya sa dalawa tanda ng pagbati. “O, kumpleto na tayo, maaari na tayong magsimula,” nakangiting sabi niya habang umuupo sa kabisera ng malaking mesa. “Pagusapan natin ang implikasyon sa ating barangay ng bagong batas ukol sa mga batang lumalabag sa batas, ang RA 9344 o ang Juvenile Justice and Welfare Act,” pambungad ni Kap. Ipinaliwanag niya na pinulong ni Meyor ang lahat ng mga punong barangay upang mapag-usapan ang hakbang na kailangang gawin sa pagpapatupad ng batas.

M Ano ang Republic Act 9344? ANG RA NO. 9344 o ang Juvenile Justice and Welfare Act ay nilagdaan noong 28 Abril 2006 at sinimulang ipatupad noong 20 Mayo 2006. Ito ang unang batas na nagbibigay ng malawakang proteksiyon sa mga karapatan ng mga Batang May Suliranin sa Batas (BSB). Layon ng batas na baguhin ang pagtingin at trato ng mga tao sa mga BSB. Sa bagong batas, hindi na maaring ibilanggo ang batang 15 taong gulang pababa at ang mga batang may edad na higit sa 15 taong gulang pero mababa sa 18 taong gulang ngunit hindi pa alam ang pagkakaiba ng tama sa mali. Sa halip na ikulong ang bata, isasailalim siya sa iba’t-ibang alternatibong paraan tulad ng intervention at prevention programs na maaring

4

Si Biboy, si Ging-Ging at ang Juvenile Justice and Welfare Act (RA 9344)

makatulong sa kaniya na magbagong buhay. Samantala, ang mga batang may edad na mataas sa 15 taong gulang pero mababa sa 18 taong gulang at alam na niya ang kaibahan ng tama o mali, ang bata ay sasailalim sa diversion programs. Ang batas ay isang pagtatangka na mapangalagaan at maprotektahan ang karapatan ng mga BSB maging ang mga batang hindi pa nakagagawa ng paglabag.

Ano ang kaibahan nito sa naunang mga batas? ANG MGA NAUNANG batas ay nakapokus sa

pagpaparusa o iyong tinatawag na retributive justice justice. Samantala, ang R.A. No. 9344 ay mas nagbibigay halaga sa rehabilitasyon ng bata at sa pagpigil sa paggawa ng krimen. Ikalawa, malawak ang saklaw ng batas. Saklaw nito lahat ng prosesong may kinalaman sa mga batang maaaring gumawa ng krimen o mga batang nagkakaproblema sa batas. May mga probisyon mula sa pag-aresto, paunang imbestigasyon hanggang sa mga programa kung sakaling nahatulan ang bata sa korte. Sa bagong batas, itinakda ang minimum age of criminal responsibility na higit sa 15 taong gulang. Ibig sabihin, ang lahat ng batang may edad 15 pababa ay hindi maaring ikulong sa mga paglabag sa batas na maaari nilang magawa.

Ano ang mangyayari sa batang may edad 15 pababa? KAPAG NAARESTO ang isang batang may edad 15 pababa, kailangang ibalik siya sa kaniyang magulang sa loob ng walong oras matapos ang pagkakaaresto. Hindi

Praymer para sa mga Opisyal ng Barangay

5

man siya kakasuhan sa korte, kailangan niyang sumailalim sa isang intervention program na itatalaga ng Local Social Welfare and Development (LSWD). Kung nakagawa ba ng isang mabigat na krimen ang isang batang may edad 15 pababa, maaari ba siyang maakusahan ng kasong kriminal?

Ay o n sa batas, ang batang ma da d 15 mayy eeda dad pababa ay hindi maaaring kasuhan ng anumang kasong kriminal kahit mabigat na krimen ang kanyang nagawa. Subalit, kailangan pa rin niyang sumailalim sa isang intervention program na makatutulong sa kaniyang pagbabago dahil nananatili ang civil liability nito at ang responsibilidad niya na kilalanin at pagsisihan ang nagawa niyang paglabag.

May iba pa bang pgakakataong hindi mananagot sa batas ang bata? HINDI RIN maaaring kasuhan ang mga bata ng mga sumusunod na kaso: bagansya, prostitusyon, pamamalimos at pagsinghot ng rugby.

Ano ang gagawin sa mga batang hindi makasuhan? ANG BATANG hindi makasuhan (dahil sa siya ay

exempted sa batas) ay kailangang palayain kaagad sa pangangalaga ng kanyang magulang o kaya ng tagapangalaga. Ipagbibigay alam ng opisyal na nakahuli sa bata ang mga pangyayari sa Local Social Welfare Development (LSWD) Office. Aalamin ng LSWD kung ano ang nararapat na programa para sa bata upang ito ay matulungan.

6

Si Biboy, si Ging-Ging at ang Juvenile Justice and Welfare Act (RA 9344)

Paano kung hindi mahanap ang mga magulang o tagapag-alaga ng BSB? ANG BATA ay ipagkakatiwala sa isang rehistradong NGO, religious organization, opisyal ng Barangay o kaya’y kinatawan ng Barangay Council for the Protection of Children, social worker ng LSWD, o sa Department of Social Welfare and Development.

Paano naman ang mga batang lagpas ng 15 taon tulad ni Biboy? KUNG ANG bata ay lagpas ng 15 taon ngunit hindi

higit ng 18 taon, siya ay sasailalim sa diversion program kapag natiyak na mayroon na siyang discernment o kakayahang mapag-iba ang tama at mali. Kung wala pa siyang discernment, ayon sa batas, hindi pa rin siya maaaring kasuhan. Kailangang makumbinse ang Prosecutor o ang Piskal na may discernment bago maisampa ang kaso laban sa bata. Ngunit, sa rekomendasyon ng social worker, ang korte pa rin ang mayroong kapangyarihan upang ideklara kung may discernment nga ang isang bata o wala upang siya ay papanagutin sa krimeng kanyang nagawa.

Ano ang mangyayari sa inaakusahang batang lagpas ng 15 taong gulang? KAPAG ANG bata ay wala pang discernment, siya ay

sasailalim sa intervention at prevention programs. Samantala, kung ang bata ay may discernment na at ang krimeng inaakusa sa kanya ay may parusang hindi lalagpas sa anim na taong pagkakabilanggo, ang social worker, barangay, pulis, o prosecutor ang mamahala sa

Praymer para sa mga Opisyal ng Barangay

7

diversion program para sa kanya, ang korte na ang mamahala sa diversion. Kapag lumagpas naman sa anim na taong pagkakabilanggo ang parusa ng krimen ngunit di lalagpas sa 12 taon. Maari nang sampahan ng kaso ang bata ng wala nang opsyon ng diversion kung ang parusa ay higit 12 taong pagkabilanggo.

Ano ang diversion program? ANG DIVERSION ay mga programang ibinibigay sa mga batang natagpuang may pananagutan sa isang krimen sa halip na dumaan sa pormal na mga proseso ng korte. Ilan sa mga halimbawa nito ay mediation (paguusap kasama ang isang mediator o tulay), family conferencing (pagpupulong kasama ang pamilya), conciliation (pag-aayos ng relasyon), at mga indigenous modes of conflict resolution (katutubong pamamaraan ng pagresolba ng tunggalian). Ang mga ito ay iba’tibang paraan ng pagkakasundo.

Ano ang mangyayari sa isang bata na kinasuhan at mapapatunayang nagkasala ? INIREREKUMENDA ng batas ang isang awtomatikong suspensiyon ng sentensiya o pinakamaikling panahon ng pagkakakulong o kaya’y probation.

Ano ang papel ng barangay sa implementasyon ng R.A. No. 9344? MALAKI ANG papel ng barangay sa maayos na

pagpapatupad ng mga probisyon ng RA 9344 sa mga sumusunod na yugto: • • • •

Pag-aresto Pagbubuo ng diversion program Pagmo-monitor ng diversion Pagpapatupad ng mga programa upang mapigilan o maiwasan ang paglabag ng mga bata sa batas

Mga dapat tandaan sa pag-aresto ng mga BSB: 1. Hindi maaaring gumamit ng dahas o manakit ng mga batang nahuli dahil sa anumang paglabag. Hindi rin sila maaaring murahin o hiyain ng mga tanod o opisyal ng barangay na umaaaresto sa kanila. 2. Kailangang maunawaan ng mga bata ang dahilan ng pag-aresto sa kanila. Karapatan nilang malaman ang dahilan sa pagdakip sa kanila.

8

Si Biboy, si Ging-Ging at ang Juvenile Justice and Welfare Act (RA 9344)

Praymer para sa mga Opisyal ng Barangay

9

3. Kailangang mai-refer agad ang mga bata sa pulis kung ang paglabag ay isang krimen na may naging biktima. Hindi maaaring iditine o ikulong ang bata sa barangay detachment.

Ano ang posibleng mangyari kung hindi ito napatupad? 1. Anumang hindi pagsunod sa mga nabanggit na probisyon ay maaaring maparusahan ng pagbabayad ng multa na hindi bababa sa P20,000 ngunit hindi lalagpas ng P50,000. Posible ring makulong nang hindi bababa sa walong taon ngunit hindi lalagpas ng 10 taon. 2. Kung ang lumabag sa mga probisyon ay isang pampublikong opisyal, tulad ng punong barangay o mga kagawad, bukod sa nabanggit sa itaas, posibleng maihabla ito sa kasong admnistratibo at posibleng madisqualify sa pagtakbo sa anumang pampublikong posisyon.

May mga kaakibat na kaparusahan kapag hindi naseguro ang proteksyon ng karapatan ng mga BSB Kailan magiging responsable ang barangay sa diversion? KAPAG ANG kaso ng bata ay ini-refer sa barangay ng

social worker o pulis, ang barangay ang may responsibilidad sa pangangasiwa nito. Magsasagawa muna

10

Si Biboy, si Ging-Ging at ang Juvenile Justice and Welfare Act (RA 9344)

ng diversion proceedings upang matiyak kung kailangang magbuo ng isang diversion program para sa bata.

Sino ang mangangasiwa sa diversion proceedings sa barangay? PANGANGASIWAAN ng Lupong Tagapamayapa, na pinamumunuan ng Punong Barangay, ang diversion proceedings sa tulong ng mga kasapi ng BCPC.

Paano isasagawa ang diversion proceedings? ANG PUNONG Barangay ang magsasagawa ng mediation, family conferencing at conciliation, o kaya’y magsasagawa ng mga katutubong paaraan ng pagresolba ng tunggalian. Kailangang kasama ang bata at kaniyang tagapangalaga o magulang sa lahat ng mga diversion proceedings. Kung may biktima ang paglabag, maaari ding lumahok ang biktima sa diversion proceedings. Hindi maaaring ipagpatuloy ang diversion proceedings kung walang pagsang-ayon ang bata at magulang. Ngunit maaaring magpatuloy ang diversion proceedings sa kabila ng pagtutol o hindi pagsipot ng biktima sa mga ito. Subalit, hangga’t maaari, sisikapin ng Punong Barangay na makuha ang paglahok at pagsang-ayon ng biktima sa pagbubuo ng diversion program. Bago isagawa ang diversion, kailangan matiyak kung may biktima o wala ang paglabag na ginawa. Kung walang biktima, ang LSWDO ang mangangasiwa sa pagbubuo ng diversion program para sa bata matapos ang pagsang-ayon ng bata at mga magulang. Tutulong ang BCPC sa pagbubuo ng mga programa para sa mga salang walang biktima.

Praymer para sa mga Opisyal ng Barangay

11

Mga dapat tandaan bago isagawa ang diversion proceedings 1. Kailangang maipaliwanag nang mabuti sa bata at kaniyang pamilya o guardian ang layunin ng diversion proceedings, ang halaga ng diversion at ang maaaring mangyari kung hindi sasailalim sa diversion ang bata. 2. Kailangang tanungin ang bata ukol sa paglabag, ang motibo sa likod ng paglabag at iba pang bagay na nagtulak sa bata sa paggawa ng paglabag. 3. Kailangang alamin ang mga personal na impormasyon ukol sa bata tulad ng pangalan ng kaniyang magulang at pamilya, mga kabarkada at antas ng edukasyon. 4. Kailangang maipaunawa sa batang may suliranin sa batas ang kahihinatnan ng kaniyang mga ginawa at ang katumbas na pananagutan nito. 5 . Kailangang masiguro na nai-

intindihan ng bata ang kaniyang pananagutan, na nagsisisi siya sa kaniyang nagawa at tatanggapin niya na siya ang pangunahing responsable sa pag-aayos ng gusot na kaniyang pinasok kapalit ng di pagsasampa ng kaso sa korte.

6. Kailangang matiyak kung ang diversion nga ang pinakanararapat isagawa para sa naturang kaso.

12

Si Biboy, si Ging-Ging at ang Juvenile Justice and Welfare Act (RA 9344)

Ano ang mga prinsipyo sa likod ng diversion program? ANG DIVERSION program ay dapat gabayan ng mga sumusunod na prinsipyo:

• Paggamit ng mga positibong mekanismo • Paggamit ng lahat ng posibleng resources, kasama ang pamilya, volunteers, paaralan at iba pang mga institusyon sa komunidad • Epektibo, makatarungan at makataong pagtrato sa mga bata • Pagtataguyod sa kapakanan ng mga bata at ng best interest nito

Ano ang best interest of the child? ANG BEST INTEREST of the child ay isang prinsipyo

na pinapanindigan ng United Nations Convention on the Rights of the Child (UN CRC). Ang UN CRC ay isang internasyunal na kasunduan na naglalayong kilalanin, isulong at protektahan ang karapatan ng bawat bata.

Sinasabi ng prinsipyong ito na mahalagang sa lahat ng desisyon o aksiyon na may kinalaman sa bata ay unang isasaalang-alang ang kanyang kapakanan. Bago gumawa ng desisyon o aksyon, mahalagang alamin ang mga sumusunod: • Partikular na sitwasyon o konteksto ng bata • Pagtingin ng bata • Pagtingin ng mga magulang o tagapangalaga • Paghingi ng opinyon ng mga taong higit na nakakaalam o sa mga eksperto (social worker, guro, abogado, guidance counselor, doktor, sikolohista) kung kinakailangan

Praymer para sa mga Opisyal ng Barangay

13

Kailangang pag-aralang maigi at balansehin ang mga konsiderasyong ito sa pagtukoy kung ano ba ang pinakamabuti para sa bata.

Ano ang batayan para malaman kung diversion ang nararapat gawin? SA PAGTIYAK kung diversion nga ang nararapat na isagawa, ito ang ilan sa mga dapat pagtuunan ng pansin: • Uri ng paglabag at ang mga pangyayari na nagtulak sa bata upang isagawa ang paglabag • Ilang ulit at gaano kalala ang ginawang paglabag ng bata • Katayuan ng bata tulad ng edad, kakayahang intelektwal, at iba pa • Impluwensiya ng pamilya at komunidad sa paglaki ng bata • Ang maaring isagawang kapalit sa pinsalang tinamo ng biktima • Ang bigat ng ebidensiya laban sa bata • Kaligtasan ng komunidad • Ang best interest ng bata Maaaring isaalang-alang ang rekomendasyon ng LSWD sa pagtatakda kung diversion ang nararapat na gawin.

14

Si Biboy, si Ging-Ging at ang Juvenile Justice and Welfare Act (RA 9344)

Mga dapat gawin habang isinasagawa ang diversion proceedings 1. Kailangang siguraduhin ng Punong Barangay na ang proceedings ay childfriendly (maka-bata) at sensitibo sa mga pangangailangan, kapakanan at proteksiyon ng karapatan ng mga BSB. Kailangang gumamit ng mga salitang simple at naiintindahan ng mga bata. 2. Kailangang isagawa ang diversion proceedings sa isang lugar kung saan mapoprotektahan ang identidad ng bata at ng mga taong sangkot sa kaso. Kailangang mayroong privacy upang maiwasan ang mga di-kailangang abala, gambala at pakikilahok ng mga taong hindi kasali sa kaso na maaaring magdulot ng pagkapahiya sa bata. 3. Kailangang sundin ang mga alituntuning bubuuin ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa konsultasyon sa mga lokal na pamahalaan, partikular ang mga BCPC, upang matiyak na maprotektahan ang bata mula sa pamimilit, pananakot, pagbabanta, pananakit, pangaabuso at iba pang gawain na makakasama sa bata. Kasama sa mga alituntuning ito ang pagtiyak na naiintin...


Similar Free PDFs