Sistematikong Multilingguwalismo: Lunsaran ng Mas Matatag na Wikang Pambansa PDF

Title Sistematikong Multilingguwalismo: Lunsaran ng Mas Matatag na Wikang Pambansa
Author F.P.A. Demeterio III
Pages 17
File Size 1.7 MB
File Type PDF
Total Downloads 40
Total Views 182

Summary

MALAY 24.2 (2012): 23-38 Sistemaikong Mulilingguwalismo: Lunsaran ng Mas Matatag na Wikang Pambansa / Systemaic Mulilingualism: Foundaion for a more Efecive Naional Language Feorillo Petronillo A. Demeterio III Pamantasang De La Salle, Filipinas [email protected] Ang papel na ito ay isang ...


Description

Accelerat ing t he world's research.

Sistematikong Multilingguwalismo: Lunsaran ng Mas Matatag na Wikang Pambansa F.P.A. Demeterio III

Related papers

Download a PDF Pack of t he best relat ed papers 

MALAY 24.2 (2012): 23-38

Sistemaikong Mulilingguwalismo: Lunsaran ng Mas Matatag na Wikang Pambansa / Systemaic Mulilingualism: Foundaion for a more Efecive Naional Language Feorillo Petronillo A. Demeterio III Pamantasang De La Salle, Filipinas [email protected]

Ang papel na ito ay isang pagsusuri sa mga kontradiksyong nakapaloob sa nasyonalista at pedagohikal na diskurso na ngunguna sa paghugis sa ating pambansang patakarang pangwika. Matapos mailahad ang mga nakatagong kontradiksyong ito ipinakita ng papel na ito kung paano magiging isang mabisang tugon ang mga probisyon at detalye ng sistematikong multilingguwalismo, na ipinatupad noong taong 2009, sa mga nasabi nang kontradiksyon. Ipinaliwanag ng papel na ito kung paano maging mas matatag ang ating pambansang patakarang pangwika sa tulong ng isinusulong nating multilingguwalismo. Mga Susing Salita: Pambansang Patakarang Pangwika, Pambansang Pagpaplano sa Wika, Bilingguwalismo, Multilinggualismo This paper is an analysis on the contradictions that undergrid the nationalist and pedagogical discourses that primarily shaped our national language policy. After foregrounding these hidden contradictions, this paper demonstrated how the multilingualism, that was implemented in 2009, can address such contradictions. This paper explained how our national language policy can be strengthened by the contributions of the current multilingualism. Keywords: National Language Policy, National Language Planning, Bilingualism, Multilingualism

PANIMULA: SEMIOTIKONG PAGSUSURI SA POLITICAL CARTOON NA “SCHOOL BEGINS” Layunin ng sanaysay na ito na ilahad ang malalalim na kontradiksyon na nakapaloob sa nasyonalista at pedagohikal na diskurso na nangunguna sa paghugis sa ating pambansang patakarang pangwika, at kung paano magiging isang mabisang tugon ang sistematikong multilingguwalismo na inilunsad noong 2009

para sa mga kontradiksyong ito. Hangarin ng sanaysay na ito na makapag-ambag ng isang panibagong perspektibo para sa isang mas lubusang pagpapaunlad ng ating wikang pambansa. Pinili ng sanaysay na ito na tawaging “sistematikong multilingguwalismo” ang multingguwal na programang kasalukuyang ipinatupad ng Departamento ng Edukasyon para mabigyang-diin ang pagkakaiba nito sa mga multilingguwal din na programang inilunsad noong 1973 at noong panahon ni Pangulong

Copyright © 2012 Pamantasang De La Salle, Filipinas

24

MALAY

TOMO XXIV BLG. 2

Corazon Aquino. Isasakonteksto ng sanaysay na ito ang usapin tungkol sa pagbubuo ng patakarang pangwika sa pamamagitan ng isang maikling semiotikong pagsusuri sa isang kilala nang political cartoon, ang “School Begins,” na iginuhit ni Louis Dalrymple (1865-1905) at inilathala sa Puck Magazine noong Enero 1899.

Hugis 1: Black and White na Bersyon ng “School Begins” ni Louis Dalrymple

Mayaman sa kahulugan ang imaheng nasa Hugis 1 dahil maaari itong basahin sa hindi bababa sa apat na semiotikong antas: (1) ang antas hayagang diskurso, (2) ang antas ng talinghagang politikal, (3) ang antas ng makalumang talinghagang pedagohikal, at (4) ang antas ng makabagong talinghagang pedagohikal. Ang kasunod na diagram (Hugis 2) ay biswal na nagpapakita sa pagkakahanay ng mga semiotikong antas na ito na bawat isa naman nating tatalakayin sa kasunod na mga talata: (2) Antas ng Talinghagang Politikal

Political Cartoon na “School Begins”

(1) Antas ng Hayagang Diskurso

(3) Antas ng Makalumang Talinghagang Pedagohikal

(4) Antas ng Makabagong Talinghagang Pedagohikal

Hugis 2: Apat na Semiotikong Antas ng “School Begins”

Antas ng Hayagang Diskurso: Ang pinakauna at pundamental na semiotikong pagbabasa sa imahen ni Dalrymple ay dapat lamang na tumuon sa hayagan, o literal, na diskurso nito. Sa antas na ito, ang “School Begins” ay nagsasalaysay ng isang sitwasyon sa loob ng silid aralan kung saan may isang pangkat ng makulit at bagong saltang kabataan na binibigyan ng guro ng espesyal na aralin, habang ang mga regular na mag-aaral ay disiplinadong gumaganap sa ang kanilang takdang gawain, at habang may iilang kabataang nasa background na tila hindi kasama sa edukasyonal na eksena. Ang imaheng ito ay may kasamang caption sa ibaba na: “Now, children, you've got to learn these lessons whether you want to or not! But just take a look at the class ahead of you, and remember that, in a little while, you will feel as glad to be here as they are!" (Tingnan sa Dalrymple). Sa antas ng hayagang diskurso, nagkukuwento ang imahen ni Dalrymple kung paano pinipilit at ineengganyo ng matandang guro ang kanyang mga problematikong mag-aaral na sumunod nang maayos sa edukasyonal na sistema para maging kapareho sila sa kanyang masisipag at mababait na mag-aaral. Antas ng Talinghagang Politikal: Kagaya ng ibang political cartoon, ang hayagang diskurso ng “School Begins” ay behikulo lamang para sa mas mahalagang talinghagang politikal na sa imaheng ito ay ipinababatid ni Dalrymple gamit ang ilang biswal at tekstuwal na mga sinyales. Ang mga sumusunod ay ang kanyang mga biswal na sinyales (Tingnan ang Hugis 1): • Ang kulay at desenyo ng pantalon ng guro na nagsasabing siya si Uncle Sam, ang personipikasyon ng pamahalaan ng Estados Unidos; • Ang pananamit ng mga masisipag at disiplinadong bata na nagpapahiwatig na sila ay kabilang sa dominanteng uri ng Estados Unidos, kahit pa man ang iba sa kanila ay may kulay ang balat; • Ang gusgusing hitsura ng apat na makulit at may kulay na bata na nagpapahayag sa kanilang hindi sibilisadong pinagmumulan; at

SISTEMATIKONG MULTILINGGUWALISMO

• Ang mga esteryotipikong hitsura ng AfroAmerikano, katutubong Amerikano at Tsino na nagpapakita na sila ay kasapi sa mga marhinalisadong pangkat etniko ng Estados Unidos. Ang mga sumusunod naman ay ang mga tekstuwal na sinyales na ginamit ni Dalrymple (Tingnan sa Hugis 1): • Ang pangalang “Philippines,” “Hawaii,” “Porto (Puerto) Rico,” at “Cuba” na nakaimprenta sa mga sinturon ng apat na makulit at may kulay na bata na tumutukoy sa apat na bagong teritoryo na naangkin ng Estados Unidos mula sa Espanya sa pamamagitan ng Treaty of Paris noong Disyembre 1898 (ang Pilipinas, Puerto Rico at Cuba), at sa isa pang bagong teritoryo na napasakanila sa pamamagitan ng isang aneksasyon noong Hunyo 1898 (ang Hawaii); • Ang pangalang “Alaska,” “Texas,” “Arizona,” “California,” at “New Mexico” na nakaimprenta sa mga libro ng masipag at disiplinadong bata na tumutukoy sa dalawang bagong kaanib na estado (ang Texas, noong 1845; at ang California, noong 1850), at sa tatlo pang teritoryong noon ay hindi pa nagiging kaanib na estado (ang Arizona, New Mexico at Alaska), na sa palagay ni Dalrymple ay matagumpay nang dumaan sa proseso ng kultural, lingguwistikal at politikal na integrasyon sa Estados Unidos; • Ang nakasulat sa blackboard na: “The consent of the governed is a good thing in theory, but very rare in fact. — England has governed her colonies whether they consented or not. By not waiting for their consent she has greatly advanced the world's civilization. — The U.S. must govern its new territories with or without their consent until they can govern themselves” (Dalrymple, 9); • Ang nakasulat sa dingding sa itaas ng katutubong Amerikano na: “The Confederated States refused their consent

F. P. A. DEMETERIO III

25

to be governed, but the Union was preserved without their consent” (Dalrymple, 9); at • Ang pamagat ng librong nakalatag sa mesa ng guro na: “US: First Lessons in Self Government.” Sa antas ng talinghagang politikal nagkukuwento ang “School Begins” na sa ayayw o sa gusto ng mga bagong teritoryo, sasakupin sila ng Estados Unidos at lilinangin sa ilalim ng modelo ng isang modernong sibilisasyon, kapitalistang kaayusan at demokratikong sistema ng pamamahala, para magiging handa silang pamunuan ang kanikanilang estado pagdating ng araw ng kasarinlan. At para hindi aalma ang mga bagong teritoryong ito ipinapakita ng Estados Unidos sa kanila ang epekto ng kaparehong proyekto na isinagawa sa Alaska, Texas, Arizona, California at New Mexico kung saan ang mga mamamayan doon ay matiwasay nang sumasailalim sa pagsasanay at sa puntong iyon ay maginhawa at mapayapa nang namumuhay. Antas ng Makalumang Talinghagang Pedagohikal: Bukod sa pangunahin nitong talinghagang politikal na siyang tunay na intensyon ni Dalrymple, taglay rin ng “School Begins” ang isa pang antas ng talinghaga tungkol sa pedagohiya. Ito ay hindi lamang dahil sa paggamit ni Dalrymple sa larawan ng silid aralan bilang lunsaran ng kanyang talinghagang politikal, kung hindi dahil na rin sa katotohanang ang kanyang talinghagang politikal mismo ay may malawak na aspektong pedagohikal. Kung tutuusin, ang binabalak ng Estados Unidos na linangin ang kanyang mga bagong teritoryo sa ilalim ng modelo ng isang modernong sibilisasyon, kapitalistang kaayusan at demokratikong sistema ng pamamahala ay isang dambuhalang pedagohikal na proyekto. Noong mga huling taon ng ika-19 na siglo at mga unang dekada ng ika-20 na siglo maaaring may iisang pedagohikal na mensahe lamang ang mababasa natin mula “School Begins,” at ito ay tiyak na hindi lalayo sa kanyang politikal na mensahe na: sa gusto o sa ayaw ng bagong saltang kabataan, sasailalim sila sa sistema ng modernong edukasyon gamit ang wika at

26

MALAY

kultura ng dominanteng uri ng Estados Unidos, para pagdating ng panahon makakamtan din nila ang antas ng karunungan at disiplinang naabot na ng kabataang matagumpay nang dumaan sa parehong edukasyon. Sa diskurso ng makalumang talinghagang pedagohikal ang kakulitan ng bagong saltang kabataan ay dulot lamang sa kanilang kakulangan sa lingguwistikal at kultural na kapital. Kaya dapat lamang na ang kabataang ito ang makikibagay sa sistema, dahil hindi maaaring makikipagkompromiso at bababa sa kanilang antas ang buong edukasyonal na sistema ng Estados Unidos. Ang makalumang talinghagang pedagohikal ay nakabatay sa mas malalim na diskurso ng etnosentrismo ng mga Amerikano at ng kanilang asimilisasyonistang estratehiya para sa kanilang mga minoryang pangkat na dramatikong inihahayag sa kanilang kilala nang metaporang “melting pot.” May dalawang taon matapos mailathala ang “School Begins,” inumpisahang ipatupad dito sa Pilipinas ng mga Thomasites ang parehong pedagohiyang tila ipinangako ng naturang imahen. Ngunit iba ang Pilipinas sa Alaska, Texas, Arizona, California at New Mexico, dahil ang mga teritoryong ito ay kaanib na estado na o ginagawa nang kaanib na estado ng Estados Unidos, habang ang Pilipinas ay isang eksperimentasyon lamang sa panlipunang pagpaplano. Para sa Alaska, Texas, Arizona, California at New Mexico, maaari nilang isantabi ang lahat nilang lingguwistikal at kultural na bagahe alang-alang sa higanteng bansang kanilang binubuo. Ngunit kahit ang Estados Unidos noon ay walang malinaw na kaalaman kung hanggang kailan nila kukupkupin ang Pilipinas, at lalong wala silang malinaw na kaalaman kung hanggang saan nila hahatakin ang mga Pilipino patungo sa proseso ng Amerikanisasyon, at kung hanggang saan nila buburahin ang wika at kulturang Pilipino. Kaya ang inakala ni Dalrymple at ng makalumang pedagohiya na isang pansamantalang problema lamang sa pagitan ng kabataang Pilipino at ng Amerikanong sistema ng edukasyon ay naging isang pangmatagalan at tila permanente nang problema sa ating sariling edukasyonal

TOMO XXIV BLG. 2

na sistema. Kapag titingnan natin ngayon ang karaniwang Pilipinong mag-aaral habang kaharap ang isang guro na nagbibigay ng panayam sa wikang Ingles, tiyak na ang makikita natin ay isang eksenang hindi nalalayo sa eksenang kinaroroonan ng Pilipinong iginuhit ni Dalrymple, na isang eksena ring malayong-malayo pa sa antas na naaabot na ng babaeng taga-California (Tingnan ang Hugis 3). “Nosebleed” ang mapapala ng karaniwang Pilipinong mag-aaral sa harap ng Ingleserong propesor, at “nosebleed” din ang mapapala niya sa harap ng makapal na librong nakalimbag sa wikang Ingles at nakabatay sa kulturang Amerikano.

Hugis 3: Mga Detalye mula sa “School Begins” ni Louis Dalrymple

Antas ng Makabagong Talinghagang Pedagohikal: Pagtawid natin sa kalagitnaang bahagi ng ika-20 na siglo, dumadami na ang mga pedagohikal na pananaliksik na bumabatikos sa edukasyong nakabatay sa banyagang wika, at pagtawid natin sa mga huling dekada ng parehong siglo, unti-unting nang kumakalat ang multikulturalismong kamalayan mula sa Canada at Estados Unidos. Kaya unti-unti ding naglaho ang makalumang pedagohiya, kasama na ang asimilisasyonistang estratehiya ng mga Amerikano, ang kanilang talinghagang “melting pot,” pati na ang kanilang tiwala sa saysay at bisa ng kanilang isinagawang panlipunang eksperimentasyon dito sa Pilipinas.

SISTEMATIKONG MULTILINGGUWALISMO

Kung sa balangkas ng makalumang talinghagang pedagohikal nadidiin bilang mga problematikong bagay ang katutubong wika at kultura ng bagong saltang kabataan, sa balangkas ng makabagong talinghagang pedagohikal ang mga ito ay naaabsuwelto na dahil ang dinidiin ngayon bilang mga problematikong bagay ay ang banyagang monolingguwal at monokultural na sistema ng edukasyon na pilit ipinataw sa pobreng minorya at marhinalisadong kabataan. Kaya ang dating makukulit na kontrabidang Pilipino, Hawayano, Puerto Ricano at Cubano ay itinuturing na ngayong mga inosenteng biktima ng maling pedagohiya (Tingnan sa Hugis 4). Kung sa makalumang talinghagang pedagohikal, at maski sa talinghagang politikal, itinatanghal bilang katawa-tawa ang Pilipino, Hawayano, Puerto Ricano at Cubano, pati na ang tagalinis ng bentana na Afro-Amerikano, ang nagbabasa ng baligtad na librong katutubong Amerikano, at ang pasilip-silip na Tsino, sa makabagong talinghagang pedagohikal, tinutuligsa na ngayon ang mga Amerikano dahil sa kanilang etnosentrikong pagkabulag at kawalan ng damdamin para sa mga minorya at marhinalisadong pangkat.

Hugis 4: Isa pang Detalye mula sa“School Begins” ni Louis Dalrymple

Ang antas ng makabagong talinghagang pedagohikal ngayon ay nagbabanta na walang

F. P. A. DEMETERIO III

27

matinong kahihinatnan ang isang edukasyonal na sistemang ipapataw sa minorya at marhinalisadong kabataan kapag ito ay nakabatay sa banyagang wika at kultura. Unang-una, dahil sa lingguwistikal at kultural na mga balakid hindi magiging epektibo ang ganitong uri ng edukasyon. Pangalawa, kapag ipipilit naman na magsanay nang lubusan ang minorya at marhinalisadong kabataan sa banyagang wika at kultura, mababawasan naman ang kanilang oras at lakas para sa mga mas mahalagang substansyal na aralin, at mapuputol ang mahalagang koneksyon sa kanilang kaalaman at mundong ginagagalawan. Pangatlo, ang ganitong uri ng edukasyonal na sistema ay magdudulot lamang ng stress, inferiority complex, at under-performance sa panig ng kabataan. Pang-apat, dahil sa magka-akibat na suliraning nabanggit na, mag-reresulta ang ganitong uri ng edukasyon sa mababang functional literacy. Panglima, kahit pa man gustong-gusto ng mga kapwa nating Pilipino na ipagyayabang ang ating mataas na simple literacy, ang ating mababang functional literacy ay nagreresulta sa ating mabagal na ekonomikal, demokratiko, at panlipunang kaunlaran. Medyo kadudaduda ang sabi-sabi ng mga tao sa kanto at barberohan na likas daw na matatalino ang mga Pilipino, dahil alam nating lahat na katulad sa ibang nasyonalidad, halo halo ang ating mental na kakayahan. Ngunit kahit tanggapin na nating likas nga na matatalino ang mga Pilipino, nakakapanghinayang isipin na hindi natin lubusang nalinang ang talentong ito, dahil sa ating kakulangan ng kasanayan sa pagbabasa at sa tekstuwal na pag-iisip na parehong dulot ng ating mababang functional literacy. May mahigit animnapung taon na tayong naging malaya sa panlipunang eksperimentasyon ng Estados Unidos, ngunit hanggang ngayon ay pasan pa rin natin ang kanilang makalumang pedagohiya. Bago natin makita ang malalalim na kontradiksyon na nakapaloob sa nasyonalista at pedagohikal na diskurso na nangunguna sa paghugis sa ating pambansang patakarang pangwika, balikan muna natin ang mahigit pitumpung taong kasaysayan ng pagtugon ng ating pamahalaan sa hegemonya ng wikang

28

MALAY

TOMO XXIV BLG. 2

MAIKLING KASAYSAYAN NG ATING PAMBANSANG PAGPAPLANO SA WIKA

at naintindihan ang problemang ito at pangalawa hindi tayo kaagad nagkaroon ng sapat na kasarinlan para makagawa ng anumang nararapat na aksyon. Ang masalimuot na kasaysayan ng ating pambansang pagpaplano sa wika ay maaari nating bigyan ng biswal na representasyon sa pamamagitan ng kasunod na timeline:

Hindi naging simple at madali ang pagaksyon ng ating pamahalaan sa pedagohikal na problemang inihayag ng ating semiotikong pagbabasa sa imahen ni Dalrymple, dahil unanguna, hindi natin kaagad lubusang naramdaman 1900

1910

1920

1930

1940

1950

1960

1970

1980

1990

2000

2010

Ingles Multilingguwalismo-a

Bilingguwalismo-b

Multilingguwalismo-b

Bilingguwalismo-c

Multilingguwalismo-c

Bilingguwalismo-a

Monolingguwalismo

Tagalog-1

Tagalog-2

Pilipino-1 Pilipino-2

Filipino-2

Filipino-1

1900

1910

1920

Hugis 5: Ang Hegemonya ng Wikang Ingles at ang Tugon ng Pamahalaang Pilipino

Ang timeline na ito ay nagpapakita ng pitong wika at yugto ng wika (makakapal na arrow) at pitong mga programang pangkwika (maninipis na arrow). Ang mga wika at yugto ng wika na inihayag nito ay ang: • Wikang Ingles: ang wikang dinala ng mga mananakop na Amerikano at ipinalaganap sa pampubliko, at kalaunan sa pampribadong, edukasyon simula noong 1901; • Unang Yugto ng Wikang Tagalog (Tagalog-1 sa Hugis 5): ang yugto ng wikang Tagalog kung kailan una itong pinangalanang batayan ng bubuuing wikang pambansa noong 1935; • Ikalawang Yugto ng Wikang Tagalog (Tagalog-2 sa Hugis 5): ang yugto ng wikang Tagalog kung kailan una

itong ginawang isang pang-akademikong asignatura noong 1940 (Tingnan sa Sibayan, 4); • Unang Yugto ng Wikang Pilipino (Pilipino-1 sa Hugis 5): ang yugto ng ating wikang pambansa kung kailan ang pangalang “Tagalog” ay pinalitan ng pangalang “Pilipino” noong 1959; • Ikalawang Yugto ng Wikang Pilipino (Pilipino-2 sa Hugis 5): ang yugto ng wikang Pilipino kung kailan pinanatili itong wikang opisyal at wikang pangakademiko ngunit tinanggalan ng katayuan bilang wikang pambansa noong 1973; • Ang Unang Wikang Filipino (Filipino1sa Hugis 5): ang artipisyal na wika na balak buuin ng 1973 na konstitusyon at papalit sa wikang Pilipino bilang wikang pambansa; at

SISTEMATIKONG MULTILINGGUWALISMO

• Ang Ikalawang Wikang Filipino (Filipino-2 sa Hugis 5): ang yugto ng ating wikang pambansa kung kailan ang wikang Pilipino ay kinilala muli bilang wikang opisyal, pang-akademiko at pambansa, at pinangalanang “Filipino” ng 1987 na konstitusyon. Makikita natin sa timeline na ito na maliban sa maikling kumplikasyon mula 1973 hanggang 1987, kung kailan umusbong ang proyekto ng pagbubuo ng artipisyal na wikang Filipino, mayroon tayong isang wikang pambansa/ opisyal na mahigit pitumpung taon na. Ang mga programang pangwika naman na inilahad ng parehong timeline ay ang: • M o n o l i n g g u w a l i s m o n g I n g l e s (Monolingguwalismo sa Hugis 5): Dahil ayaw ng mga Amerikanong ipagpatuloy ang paggamit sa wikang Espanyol, dahil wala silang makitang iisang katutubong wika na maaari nilang gamitin sa kanilang ipinalaganap na pampublikong edukasyon, at dahil ninais nilang hubugin ang kaisipan ng mga Pilipino sa wika at kultura ng Estados Unidos, ang sistema ng monolingguwalismong Ing...


Similar Free PDFs