SS5 Aralin 10 (module) - Matapos maibigay ang mga babasahing tula ni Dr. Jose P. Rizal, ngayon naman PDF

Title SS5 Aralin 10 (module) - Matapos maibigay ang mga babasahing tula ni Dr. Jose P. Rizal, ngayon naman
Course Life and Works of Rizal
Institution Tarlac State University
Pages 25
File Size 443.4 KB
File Type PDF
Total Downloads 402
Total Views 914

Summary

KABANATA XMGA PANITIKAN NI DR. JOSE P. RIZALMatapos maibigay ang mga babasahing tula ni Dr. Jose P. Rizal, ngayon naman ay ating paglalalimin ang ating kaunawaan sa kanyang panitikan. Sa kabanatang ito ay ating tatalakayin panitik ni Jose P. Rizal na Noli Me Tangere at El Filibusterismo at pagsusuri...


Description

KABANATA X MGA PANITIKAN NI DR. JOSE P. RIZAL

Matapos maibigay ang mga babasahing tula ni Dr. Jose P. Rizal, ngayon naman ay ating paglalalimin ang ating kaunawaan sa kanyang panitikan. Sa kabanatang ito ay ating tatalakayin panitik ni Jose P. Rizal na Noli Me Tangere at El Filibusterismo at pagsusuri ng panitik sa pamamagitan ng paggamit ng iba’t- ibang teorya.

MGA LAYUNIN: 1. Maipakilala ang mga bantog na panitik ni dr. Jose rizal lalo na ang mga nobelang noli me tangere at el filibusterismo 2. Mailahad ang mga kritikal na pananaw tungkol sa mga nilalaman ng mga panitik ni dr. Jose rizal 3. Masuri ang kaangkupan ang mga nilalaman ng mga panitik ni dr. Jose rizal sa kasalukuyang panahon

PANUTO SA MAG-AARAL: Bago magtungo sa aralin ay hintayin muna ang instraksyon ng propesor/instraktor/lecturer tungkol sa magiging daloy ng modyul. May mga paunang gawain na kailangan gawin bago magtungo sa sa lektura. Pagkatapos ng lektura sa aralin ay mag kakaroon ng mga gawain at maikling pagsusulit. Sa pinakahuling bahagi ay mababasa ang mga dapat tandaan o pinakabuod ng aralin. At ang pang huli ay ang asignatura. Sagutan muna ang pahina bilang 97 bago magtungo sa aralin.

ALAMIN AT PAG-ARALAN

Mga Nobela ni Dr. Jose Rizal Noli Me Tangere Ang Pamagat ng Nobela Ang salitang Noli Me Tangere ay pariralang Latin na hinango ni Rizal sa Bibliya, ayon sa kanyang Francisco ang pangalaanak ni kay Resureccion Hidalgo. Ang kahulugan nito ay “Huwag mo akong salingin”. Ito ay nagpapakita ng isang tagpo sa banal na kasulatan sa Linggo ng Pagkabuhay, nang dumalaw si Maria Magdalena at Birheng Maria sa libingan ni Hesus, na noon ay nabuhay na muli, at nang sasalatin ng babae ay nagwika ang Panginoon. Ayon sa aklat ni San Juan, hindi sa aklat ni San Lukas na pinagkamalan ni Rizal na pinagbuhatan ng pamagat na ganito: “Huwag mo akong salingin; pagkat ako’y hindi pa nakakaakyat sa aking ama; ngunit humayo ka sa aking kapatid at sabihin sa kanila na ako’y umakyat sa aking ama, at sa aking Diyos at iyong Diyos.”

Ang pariralang Noli Me Tangere, ayon kay Resureccion Hidalgo ay hinango ni Rizal sa Latin na bersyon ng Bibliya na nangangahulugang “Huwag mo akong salingin.” Sa sulat ni Rizal kay Hidalgo, ang parirala ay mula sa aklat ni San Lukas subalit, walang ganitong parirala ang matatagpuan roon, sa halip ito ay makikita sa aklat ni San Juan na naglalahad ng isang tagpo sa Linggo ng Pagkabuhay, nang dumalaw si Maria Magdalena at Birheng Maria sa libingan ni Hesus, na noon ay nabuhay na muli, at nang sasalatin ng babae ang Panginoon, Siya ay nagwika na: “Huwag mo akong salingin; pagkat ako’y hindi pa nakakaakyat sa aking ama; ngunit humayo ka sa aking kapatid at sabihin sa kanila na ako’y umakyat sa aking ama, at sa aking Diyos at iyong Diyos.” Sa isang pananaliksik ay napatunayan na may salitang Kastilang nolimetangere na sa diksyunaryong Ingles-Kastila ni Velasquez de ka Cadena na nangangahulugang malubhang sugat sa mukha at ilong. Sa “Dicionario Español-Ingles” naman ni Arturo Cuyas, ang salitang ito iyon ay gayon din ang kahulugan at may paliwanag pa, ang salitang ito ay natanyag sa matandang Italya, Malaya at Espanya dahil sa pagkakabit nila ng mga nakakuwintas na kalmen sa mga may sakit na leproso na pinahihintulutang magpalimos sa kalunsaran kung magaling na, at doon ay nakatitik ang salitang nolimetangere na tatak upang ang mga taong bayan ay makapangilag sa kanila.

Kasaysayan ng Pagkakasulat ng “Noli Me Tangere” Sa tahanan ng mga Paterno, sa Madrid, noong ika-2 ng Enero 1884, iminungkahi ni Dr. Jose Rizal sa mga kababayang natitipon doon ang pagsulat ng isang nobela hinggil sa Pilipinas. Ang ideyang tungkol sa pagsulat ng isang nobela ay binalak ni Rizal sapagkat sa kanyang pagbabasa ng aklat na Uncle Tom’s Cabin ni Harriet Beecher Stowe, na kinapapalooban ng kalupitan at pagmamalabis ng mga panginoong puting Amerikano sa mga Negrong alipin ay

nadama niya ang katayuang panlipunang Pilipino ng mga Kastila na kahawig ng buhay ng mga aliping Negro sa aklat. Ang aklat na iyon na nag-udyok sa kanya ng mithiing ipakita ang larawang lipunang Pilipino sa isang nobela ay nabasa niya habang siya’y nag-aaral sa Unibersidad ng Central de Madrid aat makalipas ang dalawang taon, ang balak na pagsulat ng nobela ay kanya ngang iminungkahi sa mga kababayang Lopez Jaena, Eraviste Aguerre, Eduardo de Lete, Julio Llorente at Valentin Ventura. Sa panukala ang bawat isa’y kaalam sa proyekto ay may susulating bahagi o mukha ng lipunan ng Pilipinas. Ngunit ang balak ay nauwi sa wala. Ang mga naroroong Pilipino’y gusto lamang sumulat tungkol sa mga babae, at dahil sa pagkabigo nagpatuloy si Rizal na isagawang lahat ang pagsulat nang wala nang katulong ng mga kababayan. Noong taong 1884, pinasimulan ni Rizal ang pagsulat ng nobela sa Madrid at doon ay natapos niyang sulatin ang kalahati ng unang bahagi ng aklat. Magtatapos na ang 1884 nang makatapos siya sa pag-aaral sa Madrid at siya’y tumungo sa Paris, ipinagpatuloy niya ang pagsulat hanggang sa matapos niya ang kalahati ng ikalawang bahagi ng aklat. Sa Alemanya na niya tinapos ang huling ikaapat na bahagi ng nobela.

Kakaunti ang nakakaalam na may isang kabanata sa Noli Me Tangere ang nawawala. Ang kabanatang ito ay kasama sa orihinal na manuskrito ni Rizal. Ito ay ang ELIAS AT SALOME. Dahil sa kakulangan ng pera, napilitan si Rizal na tanggalin ang kabanatang ito sa nobela. Isang kaibigang taga-Bulakan si Dr. Maximo Viola ang nagpadala sa kanya ng telegrama na nagsasabing siya ay darating sa Berlin. Maglilibot iyon sa buong Europa at pupunta sa Berlin upang isama si Rizal. Nabatid ni Viola ang suliranin ni Rizal. Noong Marso 29, 1887 sa Berlin ang unang 2000 sipi ng aklat ay nalimbag sa tulong ni Viola, ang mga ito ang siyang naging simula ng paggising sa damdamin ng lipunan ng sambayanang Pilipino.

Pagsusuri gamit ang iba’t ibang teoryang pampanitikan Pormalismo Ang teoryang pormalismo ay malimit gamitin upang mabasag ang mga komplikadong detalye ng isang nobela at maisalarawan ito gamit ang mga sumusunod na aspeto: Banghay, Tauhan, Genre, at Lugar at Panahon(Setting). Magagamit ang teoryang Pormalismo upang mailarawan ang naging takbo ng mga yugto ng nobela at para maitangi ang daloy ng nobela sa mas madali at malinaw na paraan. Para sa nobelang Noli Me Tangere, magagamit ang pormalistikong pamamaraan ng pag-aanalisa sa pagbabaklas ng mga teknikal na aspeto ng nobela katulad ng sumusunod. 

Genre – Romansa – Trahedya



Lugar at Panahon – Ika labing siyam na Siglo, Pilipinas

Mga Tauhan Ang Noli Me Tangere ay lipunang Pilipino na sumasaklaw halos ng sampung taon, ayon kay Rizal, hindi katakatakang ang mga tauhan doon ay may tunay na nilikhang nabubuhay noon sa lipunan. Sa nobelang ito, si Rizal ay nasa katauhan nina Crisostomo Ibarra at Elias. Si Maria Clara ay si Leonor Rivera. Si Pilisopo Tasyo ay si Paciano, matandang kapatid ni Rizal, ngunit ayon kay Antonio Rigidor sa kanyang sulat kay Rizal, ang matandang Pilosopo ay ang mga kababayang nabuwal sa dilim ng gabi na kinabibilangan ni Francisco Rodriguez, isang katauhan na kilala ni Rizal. Si Padre Salvi ay si Padre Antonio Piernavieja, ang kinapopootang Paring Agustino sa Cavite na napatay ng mga rebolusyonaryo. Si Kapitan Tiago ay si Kapitan Hilario Sunico ng San Nicolas, si Donya Victorina ay si Donya Agustin Medel at sina Basilio at Crispin ay ang magkakapatid na Crisistomo ng Hagonoy, Bulacan. Don Santiago delos Santos – ama-amahan ni Maria Clara; kaibigan ng maykapangyarihan. Tenyente Guevarra – tenyente ng mga guwardiya sibil na kaibigan ni Don Rafael Ibarra. Pari Sibyla – kura sa San Diego at propesor sa kolehiyo ng San Juan de Letran. Pari Damaso – isang paring totoong mapusok at may dalawampung taong kura ng San Diego. Don Tiburcio de Espadana – asawa ni Donya Victorina; pipilay-pilay at utal. Donya Victorina de Espadana – asawa ni Don Tiburcio; indiya na nagkukunwaring Europeo. Don Crisostomo Ibarra – anak ni Don Rafael Ibarra; kasintahan ni Maria Clara. Maria Clara- babaing kahali-halina na kalalabas pa lamang ng beateryo. Tiya Isabel – kapatid ni Kapitan Tiago; nag-alaga kay Maria Clara. Pia Alba – asawa ni Kapitan Tiago na taga-Santa Cruz. Don Saturnino – lolo o nuno ni Crisostomo Ibarra. Pari Salvi – ang kurang humalili kay Pari Damaso sa San Diego. Alperes – pinuno ng guwardiya sibil at kaaway ni Pari Salvi. Donya Consolacion – asawa ng alperes. Pilosopo Tasyo – dahil sa kaisipang masyadong makabago ay hindi maunawaan ng mga tao at sinasabing isang baliw. Basilio at Crispin – mga sakristan.

Sisa – ina ni Crispin at Basilio. Elias – isang bangkero na kaibigan ni Ibarra. Taong Madilaw – ang nabagsakan ng kalo na siya rin ang may gawa. Kapitan Pablo – pinuno ng mga tulisan. Salome – kasintahan ni Elias.

Banghay Buod ng Noli Me Tangere Isang malaking pagdiriwang ang inihandog ni Kapitan Tiyago sa kaniyang tahanan sa Kalye Anloague sa karangalan ni Juan Crisostomo Ibarra na nagbalik sa Pilipinas mula sa Europa matapos aang pitong taong pagpapadalubhasa. Si Ibarra ay kaisa-isang anak ni Don Rafael Ibarra at kasintahan ni Maria Clara. Naging diwa at paksa ng usapan sa hapunang yaon ang pag-aaral at mga karanasan ni Ibarra sa ibang bansa. Ikinasaya ng mga panauhin ang mga isinasalaysay ni Ibarra, maliban kay Padre Damaso, na naghihimagsik ang kalooban dahil sa ang natapat sa kanya ay ang leeg at matigas na pakpak na manok ng tinola. Pagkatapos ng hapunan, nagpaumanhin ang binata at mahinahong nagpaalam upang di umano’y may mahalagang bagay siyang aayusin at tatapusin. Habang papauwi si Ibarra sa otel na kaniyang tutuluyan, sumabay sa kaniya si Tenyente Guevarra na di-nakatiis na di maisalaysay sa binata ang tungkol sa kamatayan ng ama sa San Diego. Ayon sa Tenyente, si Don Rafael ay isang matapang na lalaki, na ipinagtanggol ang isang bata sa kapaslangan ng isang walang pinag-aralang kolektor na Kastila. Kaniyang naitulak ito at namatay na siyang naging sanhi ng kaniyang pagkabilanggo. Dito sa bilangguan inabot siya ng kamatayan. Sa libingan ng mga Kristiyano siya inilibing subalit ang kaniyang bangkay ay ipinahukay ng kaniyang kalaban. Nagpasalamat si Ibarra sa Tenyente at ipinanata sa kaniyang sarili na paghahanapin niya ang katotohanan hinggil sa kamatayan ng kaniyang yumaong ama. Kinabukasan, matapos dalawin ang katipan, si Ibarra ay nagtuloy sa San Diego upang dalawin ang libingan ng ama pagkat noon ay araw ng mga banal. Doon niya natuklasan sa sepulturero na ang bangkay ni Don Rafael ay ipinahukay ng pari at ipinalipat sa libingan ng mga Intsik. Ngunit sa dahil doon ay maulan at lubhang mabigat ang bangkay, ipinasya niyang itapon na lamang ito sa lawa. Poot na poot na nilisan ni Ibarra ang libingan at sa kaniyang paglabas ay nasalubong niya si Padre Salvi, ang kura ng San Diego, na siya niyang pinagbuhusan ng galit. Ipinagtapat ng pari na wala siyang kinalaman doon sapagkat noon ay hindi pa siya ang nakatalagang kura ng San Diego.

Nang isang araw na nagpiknik sila Ibarra kasama ang ilan pang mga kabataan sa may ilog, nakakita sila ng buwaya na buong tapang na kinalaban ni Elias. Ngunit nang unti-unti na siyang ginagapi ng buwaya ay iniligtas siya ni Ibarra sa kamatayan. Nang matapos iyon at naglalaro na sila sa pampang ay may dumating namang mga guwardiya sibil upang dakpin si Elias ngunit nakatakas ito. Kinabukasan, sinadya ni Ibarra si Pilosopo Tasyo upang isangguni ang panukalang magpatayo ng paaralan na kaniyang ihahandog sa mga taga-San Diego. Sinabi ng pilosopo na walang kahihinatnan ang proyektong ito at pasinayaan na. Bago magsimula ang pagbabasbas ng paaralan at binalaan ni Elias na mag-ingat si Ibarra upang tumupad ng kaniyang bahagi sa seremonya ng pagbabasbas, umugong sa kapaligiran sapagkat ang kalo, ang unang batong panulukan ng bahay paaralang ito ay biglang bumagsak. Mabilis siyang naitulak ni Elias at sa halip ang taong dilaw ang siyang nabagsakan. Pagkatapos ng pagdiriwang at pagbabasbas, nagkaroon ng salu-salo sa ilalim ng kiosko. Sa pagkakataong ito ay hinamak ni Padre Damaso ang gunita ng ama ni Ibarra; hindi natagalan ni Ibarra ang ganitong paghamak kaya’t siniil ng binata ang pari, at sa pamamagitan ng isang kutsilyong nakuha sa hapag-kainan ay halos baliw nang tatarakan si Padre Damaso kung hindi namagitan si Maria Clara. Nagbunga ito sa pagkapatid ng pagmamahalan nila Ibarra at Maria Clara at ng pagkakatiwalag ni Ibarra sa simbahang Katoliko. Si Maria Clara ay nagkasakit din dahil sa pangyayaring ito. Nilakad ni Ibarra sa Maynila na mapawalang-bisa ang pagkatiwalag sa kaniya sa simbahang Katoliko at sa tulong ng Kapitan Heneral ay pinatawan na rin ng Arsobispo si Ibarra at pinabalik at tinanggap muli sa simbahan. Hindi naglubay ang mga kaaway ni Ibarra sa pagwawasak sa kaniya. Nagpakana sila ng pagsalakay sa tanggulan ng guwardiya sibil, at yaon ay ipinaalam nila sa alperes. Sa mga nagaalsa, ang ipinababatid nilang utak ay si Ibarra. Kung kaya’t iyong huli ay dinakip at binilanggo. Mapapawalang-sala na sana siya kung hindi lamang sa sulat na ipinadala niya kay Maria Clara na wala rin namang kinalaman sa pagsalakay ngunit naging dahilan pa rin ng kaniyang pagkadiin. Nakatakas si Ibarra sa tulong ni Elias. Sa huling pagkakataon ay nakipagkita siya sa katipan. Sinumbatan niya ito tungkol sa mga sulat. Sinabi naman ni Maria Clara na ibinigay lamang niya ang mga ito upang ibalik ni Padre Salvi ang mga sulat sa kaniyang ina na kung saan nakalagat na ang tunay na ama niya ay si Padre Damaso. Sinabi rin ng dalaga na pakakasal man siya kay Linares ay si Ibarra pa rin ang mahal niya. Gagawin lamang niya ito upang ipagtanggol ang dangal ng ina. Nagpatuloy na sina Elias at Ibarra sa pagtakas. Ngunit napansin nilang tinutugis sila ng humahabol sa guwardiya sibil. Inutusan ni Elias si Ibarra na magtago sa ilalim ng mga damo sa loob ng bangka. Upang mailigaw ang mga humahabol at lumundag si Elias sa tubig. Pinaputukan siya hanggang sa mawala ang hawi ng tubig na nababakasan ng kaniyang paglangoy.

Dahil inakala ni Maria Clara na patay na patay na si Ibarra ay hiniling niya kay Padre Damaso na ipasok siya sa kumbento kung hindi ay magpapakamatay siya. Dahil dito ay pumayag ang pari. Si Ibarra naman at nakatakas at walang naka-alam kung saan siya napadpad. Samantalang nakasapit si Elias sa gubat ng mga Ibarra na sugatan at halos naghihingalo na. Doon niya natagpuan si Basilio na umiiyak sa tabi ng bangkay ni Sisa, ang kaniyang ina. Inihayag ni Elias sa bata na pagkalipas ng panahon maghukay siya at makikita niya ang kayamanan. Ito ang kukunin niya upang mag-aral. Ang yamang ito ay pag-aari at salapi ni Ibarra, Iniutos din ni Elias na ang bangkay ng kaniyang inang si Sisa at ang kaniyang bangkay ay sunugin. Bisperas ng Pasko noon, at sa kabilugan ng buwan, habang unti-unting tumatakas ang buhay, si Elias ay humarap sa silangan at umusal: “Mamamatay akong di man nakikita ang ningning ng bukang-liwayway sa aking bayan! Kayong mga nangabulid sa dilim ng gabi.”

Feminismo Ang Feminismo ay isang teoryang nagbibigay diin sa mga karanasang na dinadanas ng isang babae nagmumula sa kanyang paligid at kulturang pinamumunuan patriyarkal na kaisipan. Sa teoryang ito, tinitingnan ang kalagayan isang babaeng karakter; ang kanyang pagkababae, pagkatao, at gamapanin sa lipunan bilang isang babae. Ang isang feministang kritisismo ay masasabing “pamamaraan ng malalim at mahimay na diskursong nakatuon sa itinakda ng kultura na kaibhan ng kasarian pagdating sa interpretasyon ng mga akdang pampanitikan.”. Sa madaling sabi, nilalayon ng feministang kritisismo ang paghimay sa nilalaman ng isang panitikan sa pamamagitan ng paglalarawan ng kaanohan ng isang babae sa partikular na panitikang iyon. Gamit ang perspektibong feminista, maaring himayin ang nilalaman ng Noli Me Tangere base sa mga katangian at kaganapan ng mga babaeng tauhan sa nobela. Sa pamamagitan ng Feminismo maarig maisalarawan ang mga sumusunod na babaeng tauhan ng nobela.

Tauhan

Gampanin sa Nobela

Maria Clara

Kasintahan Crisostomo Ibarra

Narcisa / Sisa

ni

Ina nila Crispin at Basilio. Asawa ni Pedro

Katangian at Pagsasalarawan Pangunahing tauhang babae ng nobela. Mahinhin, magalang, relihiyosa, pinalaki ng mga madre Personipikasyon kung paano magmahal ang isang ina sa kanyang mga anak kultura ng mga Pilipino. Mapagmahal,

Donya Victorina

Asawa ni Don Tiburcio

Donya Consolacion

Asawa ng Alperes

Tiya Isabel

Tiyahin at naging katuwang ni Kap. Tiago sa pagpapalaki kay Maria Clara

Andeng

Katiwala sa bahay ni Kap. Tiago

Iday

Kaibigan ni Maria Clara

Sinang

Kaibigan ni Maria Clara

Victoria

Kaibigan ni Maria Clara

Neneng

Kaibigan ni Maria Clara

Salome

Kasintahan ni Elias (Bahagi ng nobela na hindi nasama sa palimbag ng orihial na libro pagkat sa kakulangan ng salapi ni Dr. Jose Rizal)

mapag aruga at hindi nakapag aral. Isang indio na nagpapanggap na mestiza. Kinatatakutan dahil sa kanyang panlabas na anyo, masamang ugali at karibal ni Donya Consolacion Dating labandera ng Alperez na naging mayaman sa pamamagitan ng pagpapakasal sa isang mayamang kastila. Karibal ni Donya Victorina Tumayong mapag arugang tiyahin ni Maria Clara. Magaling magluto at mag asikaso ng mga gawain sa bahay Maganda at marunong tumugtog ng harpa Masayahin at mabiro, pinakamatalik na kaibigan ni Maria Clara Striktang nakakatandang kapatid ni Sinang Tahimik at mahiyain na kaibigan ni Maria Clara Dalagita na nakatira malapit sa lawa na nagnais himukin si Elias na umalis upang pumunta sa Mindoro at magpakasal.

Sa pananaw feminista, makikitang ang ginagamit na kultura sa paradigma ng nobelang Noli Me Tangere ay isang konserbatibo at patriyarkal na lipunan na naayon sa ika-19 na siglong tema ng nobela. Maoobserbahan na datapwa’t may mga pangunahing tauhang babae tulad ni Maria Clara at Sisa, karamihan ng kanilang gampanin sa nobela ay pumapangalawa lamang sa galaw ng mga tauhang lalaki. Halimbawa, si Maria Clara ay nabibigyang diin lamang tuwing may

kinalaman sa lalaking tauhan ang pangyayari (Bilang kasintahan ni Crisostomo Ibarra, tinatanging anak ni Kap. Tiago, Anak sa labas ni Padre Damaso, etc.). Lalong lumilitaw ang kulay patriyarkal ng nobela, sa mga pinagdaanan ni Sisa, na kung saan ang huli ay madalas natatandaan bilang isang inang nabaliw dahilan sa pag alala sa kanyang mga anak, na imbes kondenahin ay nagagamit pang isang papuri pagka’t ito ay isang tinatanging kaugalian ng isang ina sa kulturang Pilipino-katoliko. Dito nakikita na naisasantabi pagkatao ni Sisa bilang isang babae, at nakikita lamang siya bilang isang Ina, kung saan pumapangalawa lamang ang pagiging tao niya sa kanyang gampanin bilang isang magulang, dahil iyon lang kanyang halaga sa lipunan ng akda. Gamit ang teoryang Feminismo, napapalitaw ang imahe ng kababaihan sa pamamagitan ng pagpapalutang ng pagturing sa kanila ng kanilang lipunang ginagalawan sa akda.

Marxismo Ang pananaw marxismo ay isang pagsusuring pilosopikal at pampanitakan na karaniwang nakatuon sa pagtutunggaliang nag uugat sa pagitan ng mga naghaharing uri (bourgeois) at ng mga pangkaraniwang uri (proletariat). Gamit ang pananaw na ito, maaring mas maintindihan ang layunin ng nobelang Noli Me Tangere sapagkat mabisang mailalarawan ang mga tunggaliang nangyari sa nobela. Sa pamamagitan ng pananaw na Marxismo ang mga tunggalian na naganap sa Nobelang Noli Me Tangere ay maaring ilarawan gamit ang sumusunod: Uri ng Tunggalian Tao laban sa Tao

Tao laban Lipunan/Kultura

sa

Tao laban sa kanyang sarili

Tauhan Crisostomo Ibarra vs Padre Damaso Crisostomo Ibarra vs Pader Salvi Crisostomo Ibarra vs Elias Donya Victorina vs Donya Consolacion Crisostomo Ibarra Pilosopo Tasyo Maria Clara Elias Crisostomo Ibarra Elias

Halimbawa ng pagsusuri gamit ang pananaw na Tao laban sa Tao

Makikita sa naunang larawan ang tunggalian ni Crisostomo Ibarra at Padre Damaso. Matutunghayan sa unan...


Similar Free PDFs