Teoryang Pangwika DOCX

Title Teoryang Pangwika
Author Grezel Caspe
Pages 5
File Size 24.9 KB
File Type DOCX
Total Downloads 170
Total Views 292

Summary

Teoryang Pangwika A. Sosyolingwistikong teorya: Ayon sa teoryang ito ay ang wika ay panlipunan at ang speech ay pang-indibidwal. Ayon kay Sapir, ang wika ay isang instrumento o kasangkapan ng sosyalisasyon. Ibig sabihn nito ay ang mga relasyong sosyal ay hindi iiral kung wala nito. Ayon naman kay Sa...


Description

Teoryang Pangwika A. Sosyolingwistikong teorya: Ayon sa teoryang ito ay ang wika ay panlipunan at ang speech ay pang-indibidwal. Ayon kay Sapir, ang wika ay isang instrumento o kasangkapan ng sosyalisasyon. Ibig sabihn nito ay ang mga relasyong sosyal ay hindi iiral kung wala nito. Ayon naman kay Saussure, ang wika ay binubuo ng dalawang parallel at magkaugnay na serye, ang signifier(language) na isang kabuuang set ng mga gawaing pangwika na nagbibigay ng daan sa indibidwal na umintindi at maintindihan, at ang signified (parole). Kaugnay sa teoryang ito ay ang ideya ng pagiging heterogenous ng wika dahil sa mga magkakaibang indibidwal at grupo. Pinaniniwalaan dito na ang wika ay hindi isang simpleng instrumento ng komunikasyon kundi isang pagsasama-sama ng mga anyo sa isang magkakaibang kultura. Dito ngayon lalabas ang tatlong anyo ng wika, ang idyolek, dayalek, at sosyolek. B. Teorya ng akomodasyon: Tinatalakay sa teoryang ito ni Howard Giles, ang linguistic convergence at linguistic divergence, Ang mga ito'y mga teorya mula sa SLA (second language acquisition). Tinatalakay ang teoryang ito Sa linguistic convergence sinasabin na nagkakaroon ng tendesiya na gumaya o bumagay sa pagsasalita ng kausap para bigyang-halaga ang pakikiisa, pakikilahok, pakikipag- palagayang-loob, pakikisama o kaya'y pagmamalaki sa pagiging kabilang sa grupo. Samantalang sa linguistic divergence sinasabing pilit nating iniiba o pilit tayong di-nakikiisa, o kaya'y lalong pagigiit sa sariling kakayahan at identidad. Tinatalakay rin dito ang interference phenomenon at interlanguage. Ang interference phenomenon ay ang tumatalakay sa impluwensya ng unang wika sa pangalawang wika. Dito nabubuo, halimbaw, ang Taglish, Singlish, o kaya Malay English at marami pang iba dahil sa di- maiwasang pagpasok ng mga katutubong wika ng mga bansang nagging kolonya ng mga bansa na ang katutubong wika ay Ingles. Ang interlanguage naman ang tinatawag na mental grammar na nabubuo ng tao pagdating ng panahon sa proseso ng pagkatuto nya ng pangalawang wika. Halimbawa nito ang mga salitang madalas nating ginagamit, na dahil sa sobrang dalas ay nadadagdagan natin ito ng gamit (nominalisasyon). Dito ay binabago ng tagapagsalita ang grammar sa pamamagitan ng pagdaragdag, pagbabawas at pagbabago ng mga alituntunin. Mga teorya ng pinagmulan ng wika Maraming haka-haka tungkol sa pinagmulan ng wika. Bukod sa dami-daming teorya ng iba't ibang tao hindi padin maipaliwanag kung saan, paano at kailan talaga nagsimula ang wika. Tinatanggap ng mga dalubwika na hanggang sa ngayon ay wala pa ring katiyakan ang iba't ibang teorya tungkol sa pinagmulan nito. Isa itong palaisipang hanggang sa kasalukuyan ay hinahanapan ng patunay subalit nananatili pa ring hiwaga o misteryo. Teorya ang tawag sa siyentipikong pag-aaral sa iba't ibang paniniwala ng mga bagay-bagay na may mga batayin subalit hindi pa lubusang napapatunayan. Iba't ibang pagsipat o lente ang pinanghahawakan ng iba't ibang eksperto. Ang iba ay siyentipiko ang paraan ng pagdulog samantalang relihiyoso naman sa iba. May ilang nagkakaugnay at may ilan namang ang layo ng koneksiyong sa isa't isa. Narito ang iba't ibang teorya ng wika sa tulong ng talahanayan. 1...


Similar Free PDFs