ANG DAHILAN SAPAGLIBAN SA KLASE NG MGA IKA 11 NA BAITANG20200121 106014 86nv7x PDF

Title ANG DAHILAN SAPAGLIBAN SA KLASE NG MGA IKA 11 NA BAITANG20200121 106014 86nv7x
Author Kristel Gail S Basilio
Pages 33
File Size 250.7 KB
File Type PDF
Total Downloads 127
Total Views 323

Summary

ANG DAHILAN SAPAGLIBAN SA KLASE NG MGA IKA-11 NA BAITANG NG MAG-AARAL NG MAIMPIS INTEGRATED SCHOOL TAONG PANURUAN 2018-2019 Isang Sulatin sa Pananaliksik sa Klase ng Filipino Senior High School Maimpis Integrated School Bilang Kahingian sa Filipino 11 Pagbasa at Pagsusuri sa Iba’t-ibang Teksto Tungo...


Description

ANG DAHILAN SAPAGLIBAN SA KLASE NG MGA IKA-11 NA BAITANG NG MAG-AARAL NG MAIMPIS INTEGRATED SCHOOL TAONG PANURUAN 2018-2019

Isang Sulatin sa Pananaliksik sa Klase ng Filipino Senior High School Maimpis Integrated School

Bilang Kahingian sa Filipino 11 Pagbasa at Pagsusuri sa Iba’t-ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik

Nila Aireen L. Pamintuan Alan jr C. Icat Ashley Rain A. Solis Shane Calingacion Sophia Rose J. Atillo Willie L. Rulloda

Marso 2019

ii ANG DAHILAN SAPAGLIBAN SA KLASE NG MGA IKA-11 NA BAITANG NG MAG-AARAL NG MAIMPIS INTEGRATED SCHOOL

MAIMPIS INTEGRATED SCHOOL DAHON NG PAGPAPATIBAY Bilang pagpapatupad sa isa sa mga pangangailangan ng asignaturang Filipino, Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t-Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik, ang pananaliksik na ito na pinamagatang “Ang Dahilan sa pagliban sa klase ng mga ika-11 na Baitang ng Maimpis Integrated School Taong panuruan 2018-2019” ay buong pusong inihanda ng mananaliksik mula sa isang grupong binubuo nina:

Ashley Rain A. Solis Alan jr C. Icat Willie L. Rulloda Aireen N. Pamintuan Shane Calingacion

Tinanggap sa ngalan ng departamento ng Senior High School, Maimpis Integrated School, bilang isa sa mga pangangailangan sa asignaturang Filipino 11, Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t-Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik.

Kristel Gail S. Basilio Guro sa Filipino 11

iii ANG DAHILAN SAPAGLIBAN SA KLASE NG MGA IKA-11 NA BAITANG NG MAG-AARAL NG MAIMPIS INTEGRATED SCHOOL

MAIMPIS INTEGRATED SCHOOL PAGHAHANDOG AT PASASALAMAT Taus-pusong pasasalamat ang ipinabatid ng mga mananaliksik sa aming minamahal na guro na si Bb. Kristel Gail S. Basilio na siyang gumabay, sumuporta at tumulong para sa ikakatagumpay ng pananaliksik na ito. Kami ay nagbibigay ng taus pusong pasasalamat sa pagbibigay ng panuto at pagbabahagi ng kanyang ideya sa aming pag-aaral. Sa aming minamahal na mga guro ng Senior High School na sina Bb.Jelor D. Esguerra, Gng. Bernadeth J. Arciga, at G. Cesar G. Lumanug II sa pagbibigay agapay at pagbibigay suporta sa aming pananaliksik. Sa pagtulong upang maging mas maayos ang isinagawang pananaliksik na ito. Sa aming minamahal na magulang na walang sawang sumuporta at gumabay, pagbibigay suporta sa pinansyal na pangangailangan. Sa pagiging inspirasyon sa mga mananaliksik upang matapos ang pag-aaral na ito. Sa aming mga minamahal na magulang, guro at kamag-aral na nagsilbing taga-tugon ng pag-aaral na ito na nagbigay pahintulot sa amin upang makakuha ng kanikanilang sagot na siyang magsisilbing sagot sa pananaliksik na ito. Taus-pusong pasasalamat sa ating poong Maykapal na siyang nagbigay lakas at kaalaman. Sa Diyos ang lahat ng papuri!

Mga Mananaliksik

iv ANG DAHILAN SAPAGLIBAN SA KLASE NG MGA IKA-11 NA BAITANG NG MAG-AARAL NG MAIMPIS INTEGRATED SCHOOL

MAIMPIS INTEGRATED SCHOOL Talaan ng nilalaman Pamagat……………………………………………………………………………i Dahon ng Pagpapatibay…………………………………………………………...ii Paghahandog at Pagpapasalamat………………………..…………………….…..iii Talaan ng Nilalaman………………………………………………….……....…...iv Talaan ng mga Talahanayan……………………………….……………….....…..vi Talaan ng mga Pigura…………………………………………...…………...…...vii Talaan ng mga Apendiks………………………………………..………... ….....viii Abstrak……………………………………………………………..……………..ix Panimula……………………………………………………………..........….…...1 Kaugnay na Pag-aaral…………………………………………………........…….2 Konseptuwal na Balangkas…………………………………………………..…....2 Paglalahad ng mga Suliranin………………………………………………..….....3 Kahalagahan ng Pag-aaral……………………………………………………...…4 Saklaw at Limitasyon……………………………………………………..……....4 Metodo ng Pananaliksik………………………………………………………......5 Uri ng Pananaliksik…………………………………………………….……...….5 Mga Tagatugon……………………………………………………….………..…5 Instrumento ng Pananaliksik…………………………………………………...…5 Pamamaraan ng Pagkuha ng mga Datos at Konsiderasyong Etikal………...…….6 Resulta at Diskusyon………………………………………………………….......7 Konklusyon……………………………………………………………..…..……..13

v ANG DAHILAN SAPAGLIBAN SA KLASE NG MGA IKA-11 NA BAITANG NG MAG-AARAL NG MAIMPIS INTEGRATED SCHOOL

MAIMPIS INTEGRATED SCHOOL Rekomendasyon……………………………………………………...……......…..13 Mga Sanggunian……………………………….…………………………...……...15

vi ANG DAHILAN SAPAGLIBAN SA KLASE NG MGA IKA-11 NA BAITANG NG MAG-AARAL NG MAIMPIS INTEGRATED SCHOOL

MAIMPIS INTEGRATED SCHOOL Talaan ng mga talahanayan Talahanayan 1 ……………………………………………….……..................7 Talahanayan 2……………………………………………….………...............8 Talahanayan 3……………………………………………….……..................9 Talahanayan 4……………………………………………….……..................10 Talahanayan 5……………………………………………….……..................11 Talahanayan 6……………………………………………….……..................12

vii ANG DAHILAN SAPAGLIBAN SA KLASE NG MGA IKA-11 NA BAITANG NG MAG-AARAL NG MAIMPIS INTEGRATED SCHOOL

MAIMPIS INTEGRATED SCHOOL Talaan ng mga pigura 1. Konseptuwal na Balangkas ……….............…………..……………..2

viii ANG DAHILAN SAPAGLIBAN SA KLASE NG MGA IKA-11 NA BAITANG NG MAG-AARAL NG MAIMPIS INTEGRATED SCHOOL

MAIMPIS INTEGRATED SCHOOL Talaan ng mga apendiks A. Liham ng Pahintulot………………………………………………………16 B. Talatanungan para sa mag-aaral………………………….…………….…17 C. Curriculum Vitae…………………………………………………………20 D. Curriculum Vitae…………………………………………………………22 E. Curriculum Vitae…………………………………………………………24 F. Curriculum Vitae…………………………………………………………26 G. Curriculum Vitae…………………………………………………………27 H. Curriculum Vitae…………………………………………………………28

1 ANG DAHILAN SAPAGLIBAN SA KLASE NG MGA IKA-11 NA BAITANG NG MAG-AARAL NG MAIMPIS INTEGRATED SCHOOL

MAIMPIS INTEGRATED SCHOOL ABSTRAK Ang layunin ng pananaliksik na ito ay upang malaman ang pangunahing dahilan ng pagliban sa klase ng mga mag-aaral at ang mga tagatugon ay ika-11 na baitang ng Maimpis Integrated School taong panuruan 2018-2019 na kung saan ang sumagot sa aming ginawang pananaliksik ay 24 na mag aaral. Ang ginamit na metodo sa pananaliksik na ito ay pananaliksik na metodo. Gumamit din ang mga mananaliksik ng “Fish Bowl Method” upang piliin ang ang dalawampu’t apat (24) na tagatugon sa limampu (50) mag-aaral sa buong ika-11 baitang. Mula sa resulta ng pag-aaral narito ang mga konklusyon: dalawa punto tatkumpu’t tatlo (2.33) ang minsan limiliban sa klase ng dahil sa kalusugan at ang pumapangalawa ay isa punto animnapu’t tatlo (1.63) ang minsan lumiliban sa klase ng dahil sa ugali at ang pumapangatlo ay isa punto animnapu’t tatlo (1.63) ang hindi kalianman lumiban sa klase ng dahil sa lokasyon at ang pumapangapat ay isa punto animnapu’t dalawa (1.62) ang hindi kailanman lumiban sa klase ng dahil sa silid-aralan at ang panghuli ay isa punto limampu’t apat (1.54) na hindi kailanman lumiban sa klase ng dahil sa problema sa bahay sa pag-aaral ng Ika-11 baitang ng Maimpis Integrated School. Base sa resulta, ang pangunahing dahilan ng pagliban sa klase ng mga mag aaral ng Ika-11 baitang ng Maimpis Integrated School ay ang kalusugan na nakakuha ng pinaka mataas na mean na may dalawa punto tatlumpu’t tatlo (2.33).

2 ANG DAHILAN SAPAGLIBAN SA KLASE NG MGA IKA-11 NA BAITANG NG MAG-AARAL NG MAIMPIS INTEGRATED SCHOOL

MAIMPIS INTEGRATED SCHOOL Panimula Ang pag-aaral ay isa sa mga esensyal na aspeto ng isang indibidwal. Dito naka depende ang maaaring maging kahahantungan sa hinaharap. Ito ang magsisilbing kompas at pundasyon upang ang isang indibidwal ay matuto at isagawa ang mga natutunan. Sadyang maraming salik ang nakakaapekto sa bawat indibidwal dahilan upang maging hadlang o sagabal sa pagpasok ng isang estudyante at hahantong sa pagliban nito. Edukasyon ang susi para makamit ang tagumpay at edukasyon lamang ang maipamamana ng mga magulang dahil ito ay hindi makukuha ng kahit na sino man. Ang pagliban sa klase ay kadalasang nagiging problema ng bawat estudyanteng gumagawa nito. Nagsisilbing balakid ito upang hindi makamit ang inaasahang propesyon sa hinaharap. Sa patuloy na pagliban sa klase ng isang bata hindi niya namamalayang humahantong o hahantong ito sa kamalian na pagbaba ng marka, pagsasayang ng oras, at pagsasayang ng perang binibigay ng kani-kanilang mga magulang. Ang kaibigan o barkada ay isa sa mga dahilan ng pagliban sa klase ng mga mag-aaral sapagkat sila’y naiimpluwensyahan na huwag pumasok sa paaralan. Ang layunin ng pananaliksik na ito ay para ipaalam ang mas malalim na mga dahilan sa likod ng pagliban ng mga mag-aaral sa ika-11 na baiting sa Maimpis Integrated School. Ang pananaliksik na ito ay magsisilbing gabay upang maiwasan ang pagliban sa klase ng ika-11 baitang ng Maimpis Integrated School. Ang pagliban sa klase ay isa sa mga nakakaapekto sa pagtatamasa ng edukasyon ng isang bata. Ayon sa pananaliksik, upang malaman ang kaugnayan ng school attendance at

3 ANG DAHILAN SAPAGLIBAN SA KLASE NG MGA IKA-11 NA BAITANG NG MAG-AARAL NG MAIMPIS INTEGRATED SCHOOL

MAIMPIS INTEGRATED SCHOOL performance. Pacatan, A. (2011), Isa sa mga mananaliksik na ang pagpaliban sa klase ay nakakabawas sa kakayahan, partisipasyon at kaalaman ng bata. Ang pagliban sa klase ng mga mag-aaral ay maaring maging malaking kawalan sa pag-aaral ng isang estudyante. Ito ay maaaring maka apekto sa pagganap ng mag aaral sa dapat nitong ganapin. Maaari din itong maging sanhi ng pagbaba ng grado at kawalan ng maraming maaring maging kaalaman. Ayon kay Punzalan (2015), ang chronic absenteesm o ang kagustuhang lumiban sa klase ay nagiging resulta ng pagbaba ng tingin sa sarili, hindi pakikisalamuha sa iba at kawalan ng gana sa pag-aaral. Hindi lamang ang pagbaba ng grado ang magiging resulta sa isang estudyante na lumiliban sa klase maging ang kanilang pag-iisip o interpretasyon sa niya sa kaniyang sarili at sa kapwa. Ayon kay Estrella (2017), ang pagliban sa ay isang malaking suliraning kinahaharap ng mga kabaataang mag-aaral sa kasalukuyan ito ay maaaring dahil sa kahirapan, problema sa pamilya at impluwensya ng masasamang barkada. Isa din sa mga dahilan sa pagliban ng mga mag-aaral ang poblema sa kahirapan, pamilya at impluwensya ng mga masasamang barkada na maaaring mag resulta sa pagbagsak ng grado sa paaralan.

4 ANG DAHILAN SAPAGLIBAN SA KLASE NG MGA IKA-11 NA BAITANG NG MAG-AARAL NG MAIMPIS INTEGRATED SCHOOL

MAIMPIS INTEGRATED SCHOOL Konseptuwal na Balangkas

SANHI

PAMAMARAAN

Alamin kung ano ang mga pangunahing dahilan ng pagliban sa klase ng mga mag-aaral ng ika-11 baitang ng MIS

Talatanungan at Statistical Tool

BUNGA

Ang dahilan sa pagliban sa klase ng mga ika-11 na baiting na mag-aaral ng Maimpis Integrated School.

Pigura blg.1.Balangkas ng Pag-aaral Ipinapakita ng Pigura 1 ang konseptuwal na balangkas ng pag-aaral. Inilalarawan nito Ang Dahilan sa Pagliban sa Klase ng mga Ika-11 na Baitang na Mag-aaral ng Maimpis Integrated School. Kasama dito ang dulot ng pagpapatupad nito sa paaralan at mga kaugnay na baryabol at ang mga prosesong ginamit upang malaman ang pinakamadalas na dahilan sa pagliban sa klase. Sa Bunga ipinapaliwanag ang dahilan sapagliban sa klase ng mga ika11 baitang na mag-aaral ng Maimpis Integrated School. Paglalahad ng mga Suliranin Ang pag-aaral na ito ay may layunin na ipakilala ang suliranin. Layunin din nito ang ilahad ang mga dahilan ng pagliban sa klase ng mga ika-11 baitang ng mag-aaral ng Maimpis Integrated School. Layunin din na sagutin ang sumusunod na tiyak na katanungan. 1. Ano ang kadalasang dahilan ng mga mag-aaral sa pagliban sa klase batay sa: 1.1 Lokasyon;

5 ANG DAHILAN SAPAGLIBAN SA KLASE NG MGA IKA-11 NA BAITANG NG MAG-AARAL NG MAIMPIS INTEGRATED SCHOOL

MAIMPIS INTEGRATED SCHOOL 1.2 Kalusugan; 1.3 Ugali; 1.4 Silid-aralan; at 1.5 Bahay? Kahalagahan ng Pag-aaral Mag-aaral. Upang makatulong na malaman ang mga pangunahing dahilan sa pagliban sa klase at kung paano ito maiiwasan. Ito ay makakatulong na magbigay ng alternatibong paraan upang maiwasan ang mga dahilan ng pagliban sa klase. Mga Guro. Upang mas mabigyan ng konsiderasyon ang mga mag-aaral sa mga dahilan kung bakit lumiliban sa klase. Upang mas lalong matutukan ang mga mag-aaral na madalas lumiliban sa klase. Mga Magulang. Makakatulong ito sa mga magulang upang mas lalong gabayan ang kanilang mga anak. Para mas lalong palakasain ang loob ng kanilang mga anak na pumasok sa klase, wag ng lumiban at mag-aral ng mabuti. Sa mga Susunod pang Mananaliksik. Upang makakuha sila ng karagdagang impormasyon na maaari nilang magamit sa kanilang pananaliksik. Saklaw at Limitasyon Ang saklaw ng pag-aaral na ito ay nakatuon sa mga ika-11 baitang. Ang mga tagatugon ay dalawampu’t apat (24) mag-aaral sa Maimpis Integrated School taong panutuan 2018-2019.

6 ANG DAHILAN SAPAGLIBAN SA KLASE NG MGA IKA-11 NA BAITANG NG MAG-AARAL NG MAIMPIS INTEGRATED SCHOOL

MAIMPIS INTEGRATED SCHOOL Metodo ng Pananaliksik Uri ng pananaliksik Ang ginagamit na uri ng pananaliksik sa pag-aaral na ito ay palarawang metodo. Gumagamit din ito ng talagatanungan. Mga Tagatugon Ang mga ika-11 baitang na mag-aaral ng Maimpis Integrated School ay mayroong kabuuang bilang na limampu (50) na mag-aaral sa taong panuruan 2018-2019. Ang bilang ng mga tagatugon ay nalaman sa pamamagitan ng Slovin’s formula, isang pamamaraan upang makuha ang sample na populasyon. Ang pamamaraan na ito ay ginamitan ng punto labing lima (0.15) na margin of error at walumpu’t limang porsyento (85%) na level of confidence kung saan nakakuha ng dalawampu’t apat (24) bilang ng mga tagatugon. Gumamit ang mga mananaliksik ng random sampling sa pagpili ng dalawampu’t apat (24) tagatugon sa pamamagitan ng fishbowl technique. Intrumento ng Pananaliksik Ang mga mananaliksik ay gumamit ng sarbey na talatanungan sa pagkalap ng mga datos na gagamitin sa pag-aaral na ito. Ang sarbey na talatanungan ay nag lalaman ng limang (5) katanungan patungkol sa pagliban sa klase ng baitang 11 ng Maimpis Integrated School.

7 ANG DAHILAN SAPAGLIBAN SA KLASE NG MGA IKA-11 NA BAITANG NG MAG-AARAL NG MAIMPIS INTEGRATED SCHOOL

MAIMPIS INTEGRATED SCHOOL Ang talatanungang ito ay nagmula sa pag-aaral ni Punzalan, J. (Nobyembre, 2015) Action Research On Student and Pupil Absenteeism in School the Problem of Student Absenteeism. Pamamaraan ng Pagkuha ng Datos at Konsiderasyong Etikal Ipinasagot ng mga mananaliksik ang sarbey na talatanungan sa dalawampu’t apat (24) na mag-aaral ng ika-11 sa Maimpis Integrated School. Ang pagkuha ng sarbey na talatanungan ay isinagawa matapos masagutan ng mga mag-aaral. Pag-aanalisa ng mga Datos Inanalisa ang mga datos sa pamamagitan ng frequency counts and percentage upang iinterpret ang mga nakalap na datos.

8 ANG DAHILAN SAPAGLIBAN SA KLASE NG MGA IKA-11 NA BAITANG NG MAG-AARAL NG MAIMPIS INTEGRATED SCHOOL

MAIMPIS INTEGRATED SCHOOL Resulta at Diskusyon Talahanayan 1 Lokasyon Bilang ng tumugon

Percentage

Araw-araw

5

20.83

Madalas

2

8.33

Minsan

6

25

Hindi kailanman

11

45.84

Kabuuan

24

100

Ipinapakita sa talahanayang ito ang bilang ng mag-aaral na ginagamit ang lokasyon bilang dahilan sa pagliban sa klase. Makikita na apatnapu’t-lima punto walumpu’t apat (45.84) ang porsyento ng mag-aaral ang hindi kailanman luiban sa klase dahil sa lokasyon, dalawampu’t lima (25) naman na porsyento ng mag aaral ang minsan lumiban sa klase dahil sa lokasyon, at walo punto tatlumpu’t tatlo (8.33) naman na porsyentp ng mag-aaral ang madalas lumiliban sa klase dahil sa lokasyon.

9 ANG DAHILAN SAPAGLIBAN SA KLASE NG MGA IKA-11 NA BAITANG NG MAG-AARAL NG MAIMPIS INTEGRATED SCHOOL

MAIMPIS INTEGRATED SCHOOL Talahanayan 2 Kalusugan

Bilang ng tumugon

Percentage

Araw-araw

2

9.17

Madalas

2

9.17

Minsan

14

58.33

6

23.33

Hindi kailanman Kabuuan

24

100

Ipinapakita sa talahanayang ito ang bilang ng mag-aaral na ginagamit ang kalusugan bilang dahilan sa pagliban sa klase, makikita na limampu’t walo punto tatlumpu’t tatlo (58.33) ang porsyento ng mag-aaral ang minsan lumiliban sa klase dahil sa kalusugan, dalawampu’t tatlo punto tatlumpu’t tatlo (23.33) naman na porsyento ng mag-aaral ang hindi kailanman lumiliban sa klase dahil sa kalusugan, siyam punto labing pito (9.17) naman na porsyento ng mag-aaral ang madalas na lumiliban sa klase dahil sa kalusugan at siyam punto labing pito (9.17) naman na porsyento ng mag –aaral ang araw-araw lumiliban sa klase dahil sa kalusugan.

10 ANG DAHILAN SAPAGLIBAN SA KLASE NG MGA IKA-11 NA BAITANG NG MAG-AARAL NG MAIMPIS INTEGRATED SCHOOL

MAIMPIS INTEGRATED SCHOOL Talahanayan 3 Ugali Bilang ng tumugon

Percentage

Araw-araw

1

4.17

Madalas

3

12.5

Minsan

9

37.5

11

45.83

Hindi kailanman Kabuuan

24

100

Ipinapakita sa talahanayang ito ang bilang ng mag-aaral na ginagamit ang ugali bilang dahilan sa pagliban sa klase, makikita na apatnapu’t lima punto walumpu’t tatlo (45.83) ang porsyento ng mag-aaral ang hindi kalianman lumiban sa klase dahil sa ugali, tatlumpu’t pito punto lima (37.5) naman na porsyento ng mag-aaral ang minsan lumiliban sa klase dahil sa ugali, labing dalawa punto lima (12.5) naman na porsyento ng mag-aaral ang madalas lumiliban sa klase dahil sa ugali, at apat punto labing pito (4.17) naman na porsyento ng mag-aaral ang araw-araw lumiliban sa klase dahil sa ugali.

11 ANG DAHILAN SAPAGLIBAN SA KLASE NG MGA IKA-11 NA BAITANG NG MAG-AARAL NG MAIMPIS INTEGRATED SCHOOL

MAIMPIS INTEGRATED SCHOOL Talahanayan 4 Silid-aralan Bilang ng tumugon

Percentage

Araw-araw

1

4.17

Madalas

4

16.67

Minsan

6

25

Hindi kailanman

13

54.16

Kabuuan

24

100

Ipinapakita sa talahanayang ito ang bilang ng mag-aaral na ginagamit ang silidaralan bilang dahilan sa pagliban sa klase. Makikita na limampu’t apat punto labing anim (54.16) ang porsyento ng mag-aaral ang hindi kalianman lumiban sa klase dahil sa silidaralan, dalawampu’t lima (25) naman na porsyento ng mag-aaral ang minsan lumiliban sa klase dahil sa silid-aralan, labing anim punto animnapu’t pito (16.67) naman na porsyento ng mag-aaral ang madalas lumiliban sa klase dahil sa silid-aralan, at apat punto labing pito (4.17) naman na porsyento ng mag-aaral ang araw-araw lumiliban sa klase dahil sa silidaralan.

12 ANG DAHILAN SAPAGLIBAN SA KLASE NG MGA IKA-11 NA BAITANG NG MAG-AARAL NG MAIMPIS INTEGRATED SCHOOL

MAIMPIS INTEGRATED SCHOOL Talahanayan 5 Problema sa Bahay

Bilang ng tumugon

Percentage

Araw-araw

2

8.33

Madalas

2

8.33

Minsan

5

20.83

Hindi kailanman

15

62.51

Kabuuan

24

100

Ipinapakita sa talahanayang ito ang bilang ng mga mag-aaral na ginagamit ang problema sa bahay bilang dahilan sa pagliban sa klase. Makikita na animnapu’t dalawa punto limampu’t isa (62.51) ang porsyento ng mag-aaral ang hindi kalian man lumiban sa klase dahil sa problema sa bahay, dalawampu punto walaumpu’t tatlo (20.83) naman na porsyento ng mag-aaral ang minsan lumiliban sa klase dahil sa problema sa bahay, walo punto tatlumpu’t tatlo (8.33) naman na porsyento ng mag-aaral ang madalas lumiliban sa klase dahil sa problema sa bahay, at walo punto tatlumpu’t tatlo (8.33) naman na porsyento ng mag-aaral ang minsan lumiliban sa klase dahil sa problema sa bahay.

13 ANG DAHILAN SAPAGLIBAN SA K...


Similar Free PDFs