Ang Pilipinas noong ika-19 dantaon PDF

Title Ang Pilipinas noong ika-19 dantaon
Course The Life And Works Of Rizal
Institution Cavite State University
Pages 13
File Size 1019.2 KB
File Type PDF
Total Downloads 92
Total Views 152

Summary

“ANG PILIPINAS NOONG IKA-19 DANTAON: LIPUNAN, EDUKASYON AT PULITIKA”Ang bansang Espanya ang unang nanakop sa bansang pilipinas nang unang matuklasan ni Magellan noong 1521 ang Pilipinas, at taong 1565 ang pormal na pananakop ng Espanya at natapos noong 1898. Sa pagdating ng mga dayuhang espanyol sa ...


Description

“ANG PILIPINAS NOONG IKA-19 DANTAON: LIPUNAN, EDUKASYON AT PULITIKA”

Ang bansang Espanya ang unang nanakop sa bansang pilipinas nang unang matuklasan ni Magellan noong 1521 ang Pilipinas, at taong 1565 ang pormal na pananakop ng Espanya at natapos noong 1898. Sa pagdating ng mga dayuhang espanyol sa ating bansa ay nagsagawa sila ng iba’t ibang pamamaraan upang mapasailalim ang pilipinas sa kanilang kapangyarihan. Gumamit ng dalawang estratehiya kung saan ito ay ang krus para sa ebanghelisasyon na nag sisimbolo ng kristiyanismo sa pilipinas. At espada para sa kolonisasyon na kung saan, ito ay hindi mapayapang paraan dahil ginagamitan ito ng lakas-militar. Hindi mapagkakaila na maraming pagbabago sa kalagayan ng bansang pilipinas na may kinalaman sa lipunan, edukayon at pulitika noong ika 19 dantaon na tuluyang bumago sa takbo ng kasaysayan ng Pilipinas.

“Kalagayang Panlipunan noong ika 19 na dantaon”

Ang mga espanyol ang may pinakamataas na katayuan sa lipunan. Mayroong dalawang uri ng pangkat ang mga espanyol, ito ay ang peninsulares at creole o insulares.

Peninsulares

Mga espanyol na naninirahan sa Pilipinas ngunit isinilang sa espanya.

Insulares o Creole

Ito ang mga espanyol na isinilang sa bansang Pilipinas.

Samantalang ang mga Pilipino ay nauri sa pangkat ng mga principalia at ilustrados kung saan ito ay tinawag na middle class, inquilino at karaniwang tao. Ang principalia ay mga pangkat ng mga inapo ng datu, maharlika at mayayamang hacendero o may ari ng lupa at mga pinuno ng pamahalaang local. Ito ay ang mga taong may pera ngunit walang pinag-aralan.

Samantalang ang ilustrados naman ay may mga pera at pinag-aralan kaya sila ay tinawag na middle class ng pilipinas. Pinagkalooban ang mga pangkat na ito ng maraming karapatan sa

lipunan at pampolitika kabilang ang karapatang bumoto sa halalan, humawak ng tungkulin sa pamahalaang lokal pati na rin ang malibre sa polo y servicio o sapilitang pagpapagawa.

Ang pangkat naman ng inquilino ay binuo ng mga tagapangasiwa ng lupa ng mga panginoong may lupa. Sa madaling salita, sila ang nagpapaupa o nagbebenta ng mga lupang ibinenta sa kanila ng prayle. Sila rin ang nagsisilbing tagapamahala ng mga lupaing pagmamaayari ng mga prayle at mamamayan. At ang pangkat naman ng karaniwang tao ay kinabibilangan ng mga manggagawa at mga mangbubukid. Limitado lamang ang kanilang karapatan pati na rin ang pribilehiyo, hindi rin sila maaaring mahalal sa katungkulan sa pamahalaan.

Karaniwang tao Inquilino

Nagpanukala ang mga prayle na tipunin ang mga katutubong Pilipino sa isang lugar na kung saan ito ay tinawag na Reduccion. Para sa ating mga ninuno, hindi tugma sa kanilang pamumuhay ang inihahaing bagong pamayanan. At dahil sa pagtanggi ng karamihan sa panukalaang sama-samang manirahan, napagpasyahan na lang na ang lugar kung saan malapit sa ilog o dagat ay gawing cabecera. Ito ay panahanang pinaka sentro ng parokya, kung saan ito ay lugar na sama samang naninirahan ang mga tao sa pamamahala ng isang pari. At ang lugar na ito ay tinatawag na pueblo at ang bawat pueblo ay may plaza complex na matatagpuan sa mismong gitna o sentro kung saan ang mga naninirahan ay kailangang sumunod sa mga patakarang kolonyal. Dahil dito, napadali ang pamamahala at mas napabilis nilang napalaganap ang Kristiyanismo.

REDUCCION

Ang sentro ng pamayanan ay napapaligiran ng mga bahay ng mga espanyol. Susunod ang mga bahay ng mga principalia, at sinundan ng tirahan ng mga karaniwang katutubo. Ang hanay ng mga bahay na ito ay papalayo na sa sentro. Ang tawag sa mga lugar na malayo rito ay ginawang sitio at ang lalong malalayong lugar na may maliit na pamayanan ay tinawag na rencheria. Kaya ang mga taong naninirahan malapit sa plaza ay nangangahulugan na malaki ang kanilang kapangyarihang pulitikal at ang bahay ay karaniwang gawa sa mga bato. At ang mga taong naninirahan malayo sa plaza ay nangangahulugang walang kapangyarihang pulitikal.

Nagpatupad ang awtoridad ng Espanyol ng polo y servicio o ang sapilitang paggawa. Ito ay para sa mga kalalakihang Pilipino na magpatayo ng mga gusali, simbahan, paaaralan, ospital, pagpapaayos ng mga kalsada at tulay, paggawa ng mga barko at iba pang gawaing pampubliko. Ipinatupad ng mga Bagong Regulasyon ng Konseho ng Estado noong Pebrero 03, 1885 na itaas ang edad ng mga polista o yung mga sakop ng patakaran ng sapilitang paggawa mula 16 hanggang 18 taong gulang at binawasan ang araw ng paggawa mula 40 hanggang 15 araw na lang. Nakalagay din dito na pati ang mga residenteng espanyol mula edad 18 hanggang 60 ay kailangan gumawa ng gawaing pampubliko. Ngunit ito ay hindi nasunod sapagkat ang mga maykaya o mayayaman ay nakaiwas sa polo y servicio sa pamamagitan ng pagbabayad ng falla o multa.

Sa lipunan ay hindi mawawala ang pamilya na siyang naging isang yunit ng lipunan, sila ay sama samang magsimba tuwing linggo at sama sama rin silang magdasal ng rosaryo at orasyon sa pagsapit ng ika anim ng gabi. Samantalang ang katauhan naman ng kababaihan noon sa lipunan ay nasa loob lamang ng bahay at kinakailangang maging tutok sa mga gawaing bahay. Sinasanay sila na maging mabuting ina at asawa at hindi na nila kinakailangang makaabot sa mataas na edukasyon. Kumbaga ang mga kababaihan ay naihahalintulad kay Maria Clara na isang mahinhin at tahimik kung kumilos. Maliban dito ay natutunan natin ang mga kagawian at ilang kultura ng Espanya tulad ng 'fiesta'. Masasabing ang konsepto ng 'fiesta' ay nakuha natin sa Espanya ngunit ang paraan ng pagdiriwang nito ay sa ating mga Pilipino.

“Kalagayang Pang-Edukasyon noong ika 19 dantaon”

Nang dumating ang mga Espanyol sa bansang Pilipinas ay nagkaroon ng pagbabago sa kalagayan ng edukasyon. Pinagtibay ng pamahalaang Espanya ang Educational Decree of 1863, na nilagdaan ni Reyna Maria Cristina noong ika-20 ng Disyembre, 1863. Ang may-akda ng kasulatang ito ay si Don Jose de la Concha, isang Ministro ng mga Kolonya. Isinaad sa kasulatang ito ang pagtatatag ng pampublikong mababang paaralan sa

bawat bayan, na susustentuhan ng pamahalaan at ang pagbubukas ng isang paaralang normal sa Maynila para sa mga kalalakihan.

Sa kasulatang ito ay ipinapakita ang kapangyarihan ng Simbahan sa pag-aaral dahil ang simbahan mismo ang namumuno sa edukasyon ng Pilipinas. Nasasaad dito na “ang mga kura paroko ang magsisilbing mga tagapamuno sa mga nasabing paaralan at sila ang magtuturo ng mga doktrinang Kristiyano”. Mapapansin din na ang edukasyon ay isang pribilehiyo, dahil “matapos ng labinlimang taon mula ng pagkakatatag ng paaralan sa bawat pamayanan, walang katutubong hindi marunong magsalita, magbasa, o magsulat ng wikang Kastila ang magiging bahagi ng principalia, maliban na lamang kung ito ay kanilang namana”.

Maraming paaralan ang itinatag ng iba’t ibang misyonero sa ating bansa. Unang naitatag ang mga paaralang parokyal at ang mga paring misyonero ang naging mga unang guro dito. Itinuturo dito ang relihiyong Kristiyanismo, mga wikang Espanyol, pagsulat, pagbasa, aritmetika, musika, sining at paggawa. Ipinapasaulo ang mga aralin at maging ang mga dasal sa mga mag-aaral upang gawing masunurin at takot sa Diyos ang mga Pilipino.

May tatlong antas ng edukasyon kung saan ito ay ang primarya, sekundarya at unibersidad. Binigyang diin sa edukasyong primarya ang pagtuturo ng Doktrina Kristiyana at mga pagsasanay sa pagbasa ng alpabetikong Espanyol at wikang Filipino. Nagtatag din ng mataas na paaralan o sekondarya upang madagdagan ang kaalaman ng mga magaaral. Ang relihiyon at wikang Latin ang itinuro sa halip na wikang Espanyol. Ang mga kasanayang itinuro ay ang banal na Kasulatan, Etika, Doktrina Kristiyana, Heograpiya, mga Balarilang Kastila at Latin, Matematika, Pilosopiya, Lohika, Retorika at Panulaan. Ang Unibersidad naman ang pinakamataas na edukasyon na itinaguyod ng mga Heswita at Dominikano. May mga paaralang itinayo para sa mga lalaki at babae. Noong 1817 Escuela Pia na pinamahalaan ng mga Heswita na kung saan ito ay paaralan kalalakihan. At di kalauna’y naging Ateneo de Manila noong 1859. Dito pambansang bayani na si Dr. Jose Rizal sa tulong ni Manuel Xerez Burgos na Padre Jose Burgos.

naitatag ang para sa mga nag-aral ang pamangkin ni

Naitatag din noong 1892 ang Kumbento ng Asuncion at Colegio ng Concordia noong 1896 para sa mga kababaihan. Sa mga kolehiyong ito itinuturo ang kagandahangasal, pagpipinta, at sining-pantahanan tulad ng pananahi, pagbuburda, paggawa at pagaayos ng mga bulaklak pati na rin ang Doktrina Kristiyana at iba pa. Layunin ng paaralan na hubugin ang mga kababaihan na maging mabuting maybahay. Ang mga paaralang ito ay pinangasiwaan ng mga madre. Ang mga kababaihan ay binibigyan lamang ng edukasyong bokasyonal na may layunin upang sila ay mabigyang kaalaman sa pagkilos sa loob ng tahanan at isang pamilya. Ang mga kababaihan ay hindi tinatanggap sa mga paaralang nakatataas dahil sa paniniwalang nasa bahay lamang ang mga kababaihan. Hindi sila makapag-aral ng mga propesyong gaya ng abogasya dahil tinuturuan lamang sila na maging mabutingg asawa at ina sa hinaharap. Marami rin ang pumasok sa kumbento para maging madre.

Ang mga nakapagtapos sa kolehiyo ay maaaring makapagpatuloy ng pag-aaral sa mga pamantasang itinatag ng mga prayleng Espanyol. Ang mga kursong ipinagkaloob ng mga pamantasang ito ay ang medisina at abogasya. At hindi nagtagal ay idinagdag ang mga kursong arkitektura, pagpipinta at eskultura.

Isinulat ni Rizal sa La Instruccion na mas kinakailangan ang isang taong masipag at nagmamahal sa kanyang kapwa kaysa isang palagiang nagdarasal nang hindi naiintindihan ang kaniyang sinasabi. Mas mainam na palitan ang mga librong tungkol sa mga moral at ang ibigay sa isang bata ay ang mga libro tungkol sa kasaysayan at heograpiya ng Pilipinas at mga kasulatan tungkol sa pagsasaka, na nakasulat sa wikang kanyang naiintindihan, dahil karamihan ng mga Pilipino ay nabubuhay sa pagsasaka. Kahit na ang payak na pamamaraang ito ay sapat na upang ipaalam ang kahalagahan ng edukasyon at ng pagunlad. Naghangad si Rizal ng isang “Colegio Moderno” para sa mga kabataang kalalakihan at gumawa ng mga paksang ituturo: matematika, kasaysayan, wikang dayuhan kasama na ang Intsik, sining pagkanta, pagguhit at pagsayaw, at palakasan katulad ng gimnastiks, eskrima, paglangoy, at pangangabayo. Naglalayon siyang ang ituturo sa paaralang ito ay ang mga moral, pag-aaral sa mga relihiyon, natural law, civil law, deportment, at kalinisan ng pangangatawan. Ayon kay Rizal, “dapat ang paaralan ay nagbibigay ng mga pagpipilian, na kung saan ang mga mag-aaral ay ang maghahanap ng kaniyang sariling daan para sa magandang kinabukasan”.

“Kalagayang Pampulitika noong ika 19 dantaon”

PAMAMAHALA NG ESPANYA SA PILIPINAS

Hari ng Espanya

Royal Audiencia

Consejo de Indias

Gobernador Heneral

Arsobispo

Corregidor

Alcalde Mayor

Alcalde

(Corregimiento)

(Alcaldia)

(Ayuntamiento)

Gobernadorcillo

Obispo

Kura Paroko

Cabeza de Barangay

Nang sakupin ng Espanya ang Pilipinas, tayo ay napasailalim ng Consejo de Indias. Isa itong konseho na gumagawa ng mga patakaran o batas para sa mga bansang sakop ng Espanya. Katulong ng Hari ng Espanya sa pamamalakad ng kolonya. Consejo de Indias

Nagtayo ang mga Espanyol ng Pamahalaang Sental o Sentralisado kapalit ng mga nagsasariling barangay o sultanato, ito ay ang nagbuklod sa hiwa-hiwalay na mga barangay ng ating mga ninuno noon. Ang kapangyarihan ng pamahalaang sentralisado ay nagmumula sa pamahalaang pambansa. Magkasanib ang simbahang katoliko at pamahalaang sentralisado sa pamamahala sa bansang Pilipinas.

Ang Audiencia Real o Royal Audiencia ang nagsisilbing kataas-taasang hukuman noong panahon ng mga Espanyol. Tagapayo ng gobernador heneral at naghahanda ng mga ulat at gastos ng pamahalaan. Binubuo ito ng 4 na Oidor na nagsisilbing alcaldes de crimen ng Gobernador Heneral. Ito ay isang piskal, isang alguacil mayor at isang tenyente de gran chalciller. Audienca Real

Upang higit na mapadali ang pamamahala sa bansa, hinati sa maliliit na yunit ang pamahalaang pambansa. Ito ay tinawag na “Pamahalaang Lokal”, na kung dati ito ay nakabatay sa sistemang encomienda. Pero dahil sa mga naganap na pang-aabuso, pinalitan ito ng pamahalaang panlalawigan. Ang pamahalaang panlalawigan ay nahati sa tatlo, ito ay ang alcaldia na pinamumunuan ng alcalde mayor, kung saan ito ay lugar na itinuturing na mapayapa ng mga Espanyol at kumikilala sa pamahalaang Kastila. Tungkulin ng alcalde mayor na maningil ng buwis, panatilihin ang kapayapaan at pagpapahintulot ng kalakalan.

Alcalde Mayor

Pangalawa ang corregimiento na pinamumunuan ng isang Corregidor o pinunong militar, kung saan ito ay lugar na may kaguluhan. Ito ay mga lalawigan na hindi pa tuluyang nasasakop ng Espanyol. Tungkulin din nilang maningil ng buwis, panatilihin Corregidor pagpapahintulot ng kalakalan at pagsupil sa mga ang kapayapaan, naghihimagsik.

At ang huli ay Ayuntamiento o lungsod, ito ay binubuo ng mga malalaking pueblo kung saan naka sentro ang pulitika, kultura at kalakalan. Ang namumuno dito ay alcalde at regidores o konsehal, tungkulin din nilang maningil ng buwis, mapanatili ang kapayapaan at mapahintulot ang kalakalan. Ayuntamiento

Alcalde/Regidores

Ang bawat lalawigan ay binubuo ng mga pueblo o bayang pinamumunuan ng isang gobernadorcillo na dapat ay nasa 25 taong gulang pataas at naging tenyente-mayor o cabeza de barangay. Sila ay may maliit na sahod pero iwas sa pagbabayad ng buwis. Ang mga gobernadorcillo ay tungkuling mangolekta ng buwis, magpatupad ng batas at mapanatili ang kapayapaan. Tungkulin din ng gobernadorcillo na alagaan ang casa tribunal. Isa sa halimbawa ng gobernadorcillo ay si Emilio Aguinaldo.

Samantalang ang barangay naman o bario ang pinakamaliit na yunit ng pamahalaan. Ito ay nagmula sa hinati-hating pueblo. Ang isang barangay ay pinamumunuan ng isang cabeza de barangay. Tungkulin na maningil ng buwis, sila ay walang sahod ngunit may pribilehiyong mapabilang sa principalia.

Ang pinaka mataas na opisyal na hinirang ng Hari ng Espanya

Tagahirang at nag-aalis ng mga opisyal ng kolonya

Gobernador Heneral

Pinuno ng Royal Audiencia

Pinuno ng hukbong sandatahan

Nagpapatupad ng mga batas mula sa hari ng Espanya at viceroy ng Mexico

Vice-real Patron

Ang Residencia ang nagsisiyasat sa papaalis na gobernador heneral at iba pang opisyal ng pamahalaan. Layunin nilang ipagtanggol ang mga Pilipino laban sa mga pangaabuso ng mga opisyal ng pamahalaan. Ang Visitador naman ang lihim na kinatawan na ipinadala ng hari ng Espanya. Sila ay nagsisiyasat ng mga gawain ng mga opisyal ng kolonya at may kapangyarihang tanggalin, suspendehin o pagmultahin ang mga nagkakasalang opisyal.

Residencia

Visitador

Ang Arsobispo ng Maynila ang tagapamahala ng kolonya kung walang gobernador heneral. Sila ang nagtatalaga ng mga obispo at kura paroka, sila rin ang namamahala sa mga halalang local, edukasyon at koleksyon ng buwis. Ang mga Obispo naman ay hindi napapailalim sa pamahalaang lokal, sila ang namumuno sa mga diocese at nagtatalaga ng mga kura paroko. At ang kura paroko naman ang namumuno sa mga parokya, namamahala sa mga gawaing ispiritual sa mga nasasakupan at sila rin ang may hawak ng mga tala ng binyag, kamatayan at titulo ng lupa.

Ang kawalan ng katatagang pulitikang Espanyol mula noong paghahari ni Haring Fernando VII taong 1808 hanggang 1833, ang naging tanda ng simula ng kaguluhang politikal sa Espanya. Mula 1834 hanggang 1862, nagpatibay ng apat na konstitusyon ang Espanya. Sila ay naghalal ng 28 parlamento at nagluklok ng hindi kukulanging 529 ministrong may portfolio na sinundan pa ng mga pag-aaway ng mga partido, rebolusyon at iba pang pagbabagong political. Nagkaroon ito ng malaking epekto sa mga kalakalan sa Pilipinas tulad ng pagbabago sa patakaran sa pamamahala ng mga kolonya at sa madalas na pagpapalit ng mga opisyal. Isa sa halimbawa nito ay mula 1835 hanggang 1897, ang Pilipinas ay pinamunuan ng 50 gobernador-heneral na ang bawat isa ay nanungkulan lamang ng humigit kumulang na isang taon at tatlong buwan. Minsan mula disyembre 1853 hanggang nobyembre 1854 ay nagkaroon ng apat na gobernador heneral sa loob lamang ng wala pang isang taon. Madalas ang pagpapalit sa mga opisyal na kahit hindi pa nakakapagsimula ang isang gobernador-heneral sa kanyang administrasyon ay napapalitan agad na kahit magaling at mahusay ang isang punong ehekutibo, wala itong magagawa para sa kanyang panunungkulan.

Karamihan sa mga opisyal ng kolonya kung saan ito ay ang mga gobernador heneral, huwes, ehekutibong panlalawigan at iba pa ay mga tiwaling opisyal, malulupit, makasarili at talagang walang karapatang manungkulan. Isa si Heneral Rafael de Izquierdo namuno noong 1871 hanggang 1873 ay isang hambog at walang pusong gobernador-heneral. Kinamumuhian ng mga Pilipino dahil sa pagbitay nito sa mga inosenteng paring sina Mariano Gomez, Jose Burgos at Jacinto Zamora o mas kilala bilang Gomburza ang tatlong paring martir.

Isa rin si Heneral Camilo de Polavieja sa mahusay na military ngunit walang pusong gobernador, siya ay kinamumuhian ng mga Pilipino dahil sa pagpapabitay kay Dr. Jose Rizal na namuno noong 1896 hanggang 1897.

Sa pananakop ni Napoleon, binigyan ng Espanya ang mga ito ng representasyon sa Cortes. Kaya nagkaroon at nakatikim ang Pilipinas ng kauna-unahang representasyon sa Cortes mula 1810 hanggang 1813. Ito ay naging makabuhulan dahil nakapagdulot ito ng kabutihan para sa kapakanan ng kolonya. Ngunit ito ay nabuwag noong 1837, hanggang sa mag wakas ang pananakop ng Espanyol ay hindi na naibalik pa ang representasyon ng Pilipinas sa Cortes. Kaya nailunsad nina Jose Rizal, M.H. del Pilar, Graciano Loprez Jaina at iba pang makabayang Pilipino ang Kilusang Propaganda na siyang naghawan ng daan patungo sa Rebolusyong Pilipino ng 1896.

Batas Sa pagpapatupad ng batas ay hindi natupad ang pagkakapantaypantay dito. Hindi makahingi ng katarungan ang mga Pilipino dahil ang batas na ipinatupad ng mga Espanyol ay para lamang sa mga puting Espanyol. Yaman, prestihiyong Panlipunan at kulay ng balat ay mga kailangang salik sa pagpapanalo ng kaso sa hukuman, na kahit may mabigat na ebidensya, ang Espanyol ay nakakasiguro ng panalo dahil sa taglay nilang kaputian at kayamanan. 

Leyes de Indias o mga batas ng Indies ay ipinagtibay ng Kristiyanong monarkiya ng Espanya para pangalagaan ang mga karapatan at maitaguyod ang kapakanan ng mga katutubo sa mga kolonya ng Espanya. Ang mabubuting batas na ito ay bihirang maipatupad ng mga opisyal ng mga kolonya, lalo na sa Pilipinas.



Naipatupad din sa Pilipinas ang Kodigo Penal ng Espanya na nagpapataw ng mas mabigat na kaparusahan sa mga katutubong Pilipino o mestizo at magaang parusa naman para sa mga mapuputing Espanyol.

Dahil sa pilosopiyang political ng Espanya hinggil sa unyon ng simbahan at estados, sumibol ang natatanging anyo ng Espanyol na pamahalaan sa Pilipinas na kung tawagin ay frailocracia o pamahalaan ng mga prayle. Naipakita dito na napasakamay ng mga prayle ang kapangyarihang political, impluwensya at kayamanan. Ang mga

prayle ang namamahala sa Pilipinas at nakatago sila sa ngalan ng pamahalaang sibil. Napakalaki ng kanilang impluwensya sa political kaya ang kanilang mga rekomendasyon ay sinusunod ng gobernador-heneral at mga opisyal ng lalawigan. Maipadadakip at maipakukulong nila ang isang makabayang Pilipino o maituturing nilang pilibustero na dapat itapon sa malalayong lugar o kaya ay bitayin na tulad ng isang kaaway ng Diyos at Espanya. Ang frailocracia ay may dalawang mukha. Ang di magandang mukha nito ay inilarawan ni Rizal at kanyang mga kapan...


Similar Free PDFs