Bisang Pampanitikan PDF

Title Bisang Pampanitikan
Author Acads On Fire
Course Bachelor of Science in Mathematics
Institution Polytechnic University of the Philippines
Pages 2
File Size 32.9 KB
File Type PDF
Total Downloads 296
Total Views 530

Summary

V. Bisang PampanitikanA. Bisa sa IsipAng akda ay naging daan upang mapatunayan at maipakita na kahit saang lugar ay hindi nawawala ang hindi pagkakapantay-pantay o di kaya nama’y paggamit ng dahas upang malamangan ang kapwa. Ang pinagpapaguran ng mga mahihirap at mahihina’y pagkadaling napupunta sa ...


Description

V. Bisang Pampanitikan A. Bisa sa Isip Ang akda ay naging daan upang mapatunayan at maipakita na kahit saang lugar ay hindi nawawala ang hindi pagkakapantay-pantay o di kaya nama’y paggamit ng dahas upang malamangan ang kapwa. Ang pinagpapaguran ng mga mahihirap at mahihina’y pagkadaling napupunta sa mga nakaaangat, hindi sa antas ng pamumuhay kundi sa lakas o kapangyarihan. Bukod sa nagbigay kaalaman ang akda patungkol sa kung anong klaseng pamumuhay mayroon ang isang kagaya ni Adong, ipinakita din nito kung paanong biktima din talaga ng sistemang umiiral sa lipunan ang mga katulad niya. Nagnanais ang ilan sa kanilang makaalis sa kanilang kinalalagyan ngunit mismong ang mga nakapaligid sa kanila ang nagiging hadlang. Ang mga mahihirap ay lalo pang naghihirap dahil sa mga taong nakapaligid sa kaniya at sa lipunang kaniyang ginagalawan.

B. Bisa sa Damdamin Awa kay Adong na nakatanggap ng panghuhusga’t pang-aalipusta mula sa mga taong hindi naman siya lubos na kilala. Nakababagbag-damdamin ang kalagayan niyang nakasaad sa akda. Sa murang edad ay nakaranas siya ng hirap na ni minsa’y hindi naranasan ng ilang nagsipagtanda nang mga mayayaman. Disgusto sa mga taong nanamantala ng kahinaan ng isang tao para sa sariling ikabubuti o sariling kapakanan. Pare-pareho naman silang nahihirapan ngunit sa halip na makipagtulungan ay ginagawa pang tungtungan ang kapwa upang makaangat sa buhay. Gayundin sa mga taong humuhusga sa kapwa base lamang sa kung ano ang pinaniniwalaan sa lipunan at hindi iniisip kung ano ang magiging bunga ng simpleng reaksyon at pakikitungo nila sa ibang tao.

C. Bisa sa Kaasalan Isang pagtatama nga sa ugaling pagsasawalang-bahala at kawalan ng pakialam sa kapwa ang hatid ng kwento. Palibhasa nga’y hindi natin danas ang hirap nila sa buhay ay hindi natin sila lubos na nauunawaan. Isang malinaw na naging kakulangan ng marami sa ating mga sarili ang pagiging kuntento sa pagki-kwenta ng kung ano lamang ang ating nakikita at sa hindi pagsubok na alamin ang tunay na kalagayan ng kapwa bago husgahan at pandirihan.

D. Bisa sa Lipunan Sakaling mabasa ng karamihan sa mga mamamayan ang akda, tiyak na may malaking maitutulong ito upang ang lipunan na ating ginagalawan ay hindi na maging bulag sa sitwasyon ng mga taong kagaya ni Andong na dumaranas ng labis na kahirapan at bingi sa kanilang mga daing at panawagan. Daan ito upang maalaman at maunawaan ng mga mamamayan na hindi lahat ng mga batang kagaya ni Adong ay ginagamit lamang ng kanilang mga magulang at hindi nila kagustuhan ang mapasaganoong kahirap na kalagayan. Sa pamamagitan din ng akdang ito ay magsisimulang maunawaan ng mga mamamayan na malaki ang kanilang mga maitutulong sa pamamagitan lamang ng pagsusumikap na hindi na pahirapin pa ang sitwasyon ng mga taong pinahihirapan ng ng umiiral na sistema at mga suliraning panlipunan....


Similar Free PDFs