Teorya sa Panunuri Pampanitikan PDF

Title Teorya sa Panunuri Pampanitikan
Course Estruktura ng Wikang Filipino
Institution Pamantasan ng Lungsod ng Maynila
Pages 5
File Size 135.3 KB
File Type PDF
Total Downloads 83
Total Views 137

Summary

Teoryang Siko-AnalitikoIto ay mula sa tanyag na pilosopo na si Sigmund Freud. Layuning ilantad ang natatagong kahulugan sa akda o kaya naman ipakita ang tunay na intensyon ng may-akda sa pagsusulat sa pamamagitan ng pagsusuri ng kilos o gawi at pananalitang ginagamit ng tauhan sa akda. Ito ay nakatu...


Description

Teoryang Siko-Analitiko Ito ay mula sa tanyag na pilosopo na si Sigmund Freud. Layuning ilantad ang natatagong kahulugan sa akda o kaya naman ipakita ang tunay na intensyon ng may-akda sa pagsusulat sa pamamagitan ng pagsusuri ng kilos o gawi at pananalitang ginagamit ng tauhan sa akda. Ito ay nakatuon sa kalagayan ng isang tao maaaring sa pag-iisip o sa kanyang pag-uugali. Sa teoryang ito, may malaking impluwensya ang pahayag ni Freud na tanging ang ekonomiya lamang ang motibo ng lipunan. May kinalaman ito sa paniniwalang naghahanap-buhay tayo upang lasapin ang sarap ng buhay at nagkakaroon lamang ng maturidad ang isang tao bunga ng kanyang kamalayan sa kahirapan. Sentral sa idea ni Freud ang pag-alam sa interaksiyon ng malay at di-malay na isipan ng isang tao/karakter. Sa proseso ng analisis na tinawag niyang sikoanalisis, nabibigyang kahulugan ang mga pangyayari at simbolo sa pamamagitan ng paghahagilap ng koneksyon sa nakaraan. Mahalaga ang nakaraan ng tao/karakter dahil ayon nga sa kanya “the child is the father to the man.” Sintoma kung ganoon ng kasalukuyang problema ang mga pangyayari sa nakaraan na kailangang kalimutan (repression) o ilipat sa iba (sublimation).

Paraan ng Pagsusuri: 1. Kahalagahan ng mga karanasan nang pagkabata 2. Ang pagiging inosente o walang muwang, sexual at aggressive drives 3. Ang defense mechanism at kung bakit ang bawat indibidwal ay magkakaibang kumikilos sa bawat sitwasyon Halimbawang akda: Sa Bagong Paraiso ni Efren Reyes Abueg Ang kwento ay tungkol sa magkababata na noon ay malaya pang gawin ang lahat ng bagay ngunit nang lumaki na ay nagkaroon ng limitasyon ang kanilang mga kilos. Ngunit ang ipinagbabawal ng kani-kanilang magulang ay kanilang sinuway at sinunod ang sariling kagustuhan na humantong naman sa malaking pagbabago sa kanilang buhay nang magdalang-tao si Cleofe.Sinisisi nila ang kanilang mga sarili ngunit huli na ang lahat. Layunin ni Abueg na imulat ang mga kabataan sa modernong panahon na dapat sumunod sa utos ng mga magulang at manatiling nasa lilim ng kanilang mga payo habang sila ay mga wala pang muwang sa buhay. (PPT) TEORYANG SIKO ANALITIKO | Julie Ann Berin - Academia.edu

Teoryang Istrukturalismo Ang Istrukturalismo ay nakaugat sa paniniwalang ang kahulugan ay maaari lamang mapalitaw kapag ito ay tiningnan sa mas malawak na istruktura---ang istruktura ng wika. Ang kahulugan ay nakapaloob sa sistema ng wika (ang tinatawag na langue) na nakadepende naman sa aktwal na sinasabi o binigkas (ang parole). Kaya’t kung paghambingin ang Formalismo at Istrukturalismo: habang ang Formalismo ay “lumalapit” sa teksto ang Istrukturalismo naman ay “lumalayo” para higit na makalapit sa konteksto (meanings are relational). Si Ferdinand de Saussure ang lingguista na unang nagbukas ng pananaw na ito. Inimbento niya ang konsepto ng pagigingarbitraryng kahulugan ng salita na walang isang salita na nakakatayo na mayroong kahulugan. Ang kahulugan ay malilikha lamang sarelasyonng salitang ito sa iba pang salita kung saan ito ay napapabilang

Halimbawang Akda: Isang Punong Kahoy ni Jose Corazon de Jesus Ang akda ay paglalarawan sa isang taong naghihinagpis para sa kaniyangbuhay at naisin, ito’y paghahambing din sa isang punong kahoy at sa buhayng Tao. Paglalarawan sa mga pasakit na may iiyak na minamahal dahil sa kaniyang pagkawala at tatanod sa kaniyang libingan ay mga alaala na magbabalik at alalahanin ng mga tao napamahal at napamahal din sa kaniyang mga nilikha.Ang estilo ng pagkakasulat ng akda ay binase sa sitwasyon, pangyayari o karanasan ng may-akda sa buhay, at kilala ang may-akda sa taguring “ Makata ng Pag -ibig kaya naman mababakas ang kaniyang pagiging sentimental sa mga salitang kaniyang ginamit. Katulad ng batis ng luha na ang damdaming umiyak dahil sa lungkot sa nakatakdang pagkawala ng persona sa tula. Ang tulang ay gumamit ng mga matatalinhagang salita at tayutay upang maipakita ang sining ng pagbuo ng tula at ang kagandahan nito sa kabila na itoy isang Elehiya at paghihinagpis. Ang Tula ay nasusulat sa tradisyonal na labindalawang pantig ang sukat at nasa ganap na tugma. Teoryang Istrukturalismo - PDFCOFFEE.COM

Teoryang Naturalismo Si Hippolyte Taime ang unang nakaimpluwensyang manunulat ng naturalism sa Pransya. Pinalawak ng naturalismo ang saklaw ng realismo. Ang nais matapat ay di piniling representasyon ng realidad, isang tiyak na hiwa ng buhay na ipinakita nang walang paghuhusga. Binibigyang diin ng naturalismo ang namana at pangpisikal na likas ng tao kaysa mga katangian niyang pangmoral o rasyonal. Naipakikita nito ang mga indibidwal na na produkto ng pinanggalingan ng kalikasan. Mga Teoryng Pampanitikan - [PPT Powerpoint] (cupdf.com) Iniiwan ng teoryang ito ang mga katagang “Huwag mong husgahan ang tao sa panlabas na niyang anyo bagkus alamin muna ang pinagmulan ng katangian niyang ito” sapagkat “kung ano ang ginawa mo sa iyong kapwa, iyon din ang iyong matatanggap.”

Teoryang- Naturalismo - Filipinolohiya - GEED 10103 - PUP - StuDocu

Pananaw na Naturalismo 1) Ang buhay ay tila isang marumi, mabangis at walang awang kagubatan. 2) Ang indibidwal ay produkto ng kanyang kapaligiran at pinanggalingan. 3) Mahina ang hawak ng tauhan sa kanyang buhay. Pesimista siya sa simula pa lamang. 4) Ang akda ay nagbibigay-diin sa namamana at pisikal na katangiang likas sa tao kaysa katangiang moral. 5) Ito’y may simpleng tauhan na may di mapigil na mga damdamin. TEORYANG NATURALISMO – donamaylimbo (wordpress.com)

Halimbawang Akda: Walang Panginoon ni Deogracias A. Rosario Pinag-uusapan pa lamang ng mag-ina nang umagang yaon ang malaki nilang kapalaransapagkat mabuti ang lagay ng tanim nilang palay nang isang utusan sa bahay-pamahalaan angdumating taglay ang utos ng hukumang sila’y pinaaalis sa kanilang lupang kinatatayuan, atsinamsam ni Don Teong na ama ni Anita ang lahat ng lupa nilang sinasaka. Ngunit si Marcos, isang manggagawang hubog sa palihan ng bagong panahon, ay lumaki angpuso sa pagtitiis. Naging maluwag nga ang kanyang dibdib sa pagtanggap sa pang-aapi ng may-ari ng lupa.Datapwat nang tanggapin niya ang utos ng hukuman na pinaaalis sila roon, talagang nagdilimang kanyang isip. Noon pa’y naisip na niyang gawing batas ang kanyang kamay, yamang hindina niya matatamo ang katarungan sa hukuman ng mga tao. Teoryang- Naturalismo - Filipinolohiya - GEED 10103 - PUP - StuDocu

Teoryang Simiotika Ang teoryang ito ay sinasabing nakasentro sa pagpapalalim at pagpapalawak ng ating kabatiran ng agham sa kaalaman ng realidad. Ito ay paggamit ng iba’t ibang tanda o sagisag at nakapokus sa paglilinaw ng ating kaisipan tungkol sa kahulugan ng ating mga senyas. Batay sa teorya ng senyas ni Charles Sanders Peirce mayroong tinatawag na Obheto-senyas at Representamen – interpretant. Ang Obheto-senyas ay yaong okasyon o dahilan ng signipikasyon habang ang Representamen – interpretant naman ay ang interpretant na siyang nag-uugnay na obheto at senyas. Sa perspektiba ni Pierce ang sining o literatura ay sinusuri bilang argumento o

habi ng mga signos na nakalakip sa tunay na kontekstong historikal, di bukod sa praktika at mga bisita nito sa publiko. Ito ay binubuo ng titik, marka o palatandaan ng posibilidad ng mga kalidad. Mga Teoryang Pampanitikan (slideshare.net)

Halimbawang Akda: Ang Sampung Utos Ng Prayle ni Marcelo H. Del Pilar Ang tulang ito ni Marcelo H. Del Pilar ay sumisimbolo sa kalupitan ng mga prayle noong nasa panahon ng pananakop ng kastila ang ating bansang Pilipinas. Ito ay punong puno ng tanda o sagisag ng realidad ng buhay ng mga Pilipino sa ilalim ng mga paring kastila, kung paano nila kayang manipulahin ang ang isip ng mga Pilipino sa paggamit ng relihiyong Katoliko.

Teoryang Klasiko Ang layunin ng panitikan ay maglahad ng mga pangyayaring payak, ukol sa pagkakaiba ng estado sa buhay ng dalawang nag-iibigan, karaniwan ang daloy ng mga pangyayari, matipid at piling-pili sa paggamit ng mga salita at laging nagtatapos nang may kaayusan. Ang ilan sa mga katangiang taglay ng mga akdang klasiko ay ang sumusunod:       

pagkamalinaw pagkamatipid pagkapayak pagkamatimpi pagkaobhetibo pagkakasunod-sunod pagkakaroon ng hangganan

TEORYANG KLASISMO.docx - TEORYANG KLASISMO Naiiba,natatangi ay may sariling pananaw sa daigdig ang klasismo Higit na nakilala ang teorayng itodahil sa | Course Hero

Halimbawang Akda: Florante at Laura ni Francisco Balagtas Isa ito sa mga tinuturing na klasikong panitikan na hanggang ngayon ay patuloy pa rin pinagaaraalan at sinusuri ng mga Pilipinong mag-aaral. Ang Florante at Laura ni Francisco Baltasar (na kilala din bilang Balagtas) ay isang obra-maestra sa panitikang Pilipino. Isa itong mahabang tulang itinuturing na pinakamahalaga sa lahat ng mga korido sa Pilipinas noong ika-19 dantaon, ayon kay Fray Toribio Minguella, isang paring Rekolekto at pilologo.

Teoryang Modernismo

Ito ay modernism o makabagong pananaw na may radikal na pagkakaiba sa mga naisulat nahindi magiging larawan lamang ng realidadang sining kundi ng bisyon ng mundo. Ito ay tumutukoy sa isang paghihimagsik sa tradisyon, relihiyon, kaugalian at paniniwala.Nagsasaad o nagpapadama upang magkaroonng puwang ang pagbabago. Ito ang panitikang nalikha ng mga kabataang manunulat. Ang mga elemento ng modernismo sa katham-buhay ay unang lumabas noong panahon ng Hapon sa mga kuwentong na lathala sa Liwayway. TEORYANG MODERNISMO.docx - TEORYANG MODERNISMO MODERNISMO Ito ay modernism o makabagong pananaw na may radikal na pagkakaiba sa mga naisulat na hindi | Course Hero

Halimbawang Akda: Mga Kuwento ni Lola Basyang ni Severino “Binoy” Reyes mula sa Liwayway Magazine Ito ay sari-saring kwento na kapupulutan ng aral ng mga kabataan patungkol sa kagandahang asa. Naglalayon din itong magbigay aliw sa mga manonood at mambababasa. Nang naglaon ay ginawa itong serye ng palabas sa telebisyon ng GMA tuwing Sabado. Ang Mga Kuwento ni Lola Basyang ni Severino ay nauuri sa teoryang modernismo dahil ang mga elemento nito ay sumasalamin na sa ating kasalukuyang pamumuhay at malikhaing imahinasyon ng kasalukuyan. Ito rin ay dinudulog sa pamamagitan ng makabagong panahon upang umayon sa bagong henerasyon ng mga kabataan. Ito rin ay mapanonood na sa YouTube sa tulong ng Internet at makabagong teknolohiya.

Inihanda ni Milka G. Marquez BSED – FIL 3-1 Kurso: FLP 3113-1...


Similar Free PDFs