Epekto ng Online Education sa Integridad at Katapatan PDF

Title Epekto ng Online Education sa Integridad at Katapatan
Author Aliza Castillo
Course Engineering
Institution Colegio de Dagupan
Pages 37
File Size 984.9 KB
File Type PDF
Total Downloads 238
Total Views 341

Summary

Epekto ng Online Education sa Integridad at Katapatanng mga estudyante ng ECE ng Colegio de Dagupan Isang Pananaliksik na Iniharap Kay Gng. Jomar Mangonon sa Filipino sa Iba’t Ibang Disiplina Colegio de Dagupan Inihanda nina Castillo, Aliza Faith Ancheta, Albert John Balolong, Jericho Delos Santos, ...


Description

Epekto ng Online Education sa Integridad at Katapatan ng mga estudyante ng ECE ng Colegio de Dagupan ____________________

Isang Pananaliksik na Iniharap Kay Gng. Jomar Mangonon sa Filipino sa Iba’t Ibang Disiplina Colegio de Dagupan _______________

Inihanda nina Castillo, Aliza Faith Ancheta, Albert John Balolong, Jericho Delos Santos, Junavyl Eucapor, Vincent Evangelista Christine Fernandez, Rhonde Geminiano, Rey Rojan Luzadas, Abby Gaile

Niño, Glenn Mark Visperas, Lovely Amor Ymasa, Cherry Ann

Enero 2022

KABANATA I Panimula Ang pagkakaroon ng mataas at matatag na edukasyon ay isang mahalagang pundasyon na maaaring makapagbago ng ating mga buhay. Edukasyon na di lamang natatanggap sa pakikinig ng mga aral ngunit sa pamamagitan din ng pagsanay sa mga ito sa totoong buhay. Bago pa man ang pandemya, isyu na sa paaralan kung paano mapupuksa ang pandaraya. Ilan sa mga hakbang ng ilang mga paaralan ay ang pagkakaroon ng CCTV camera bilang pangalawang mata ng mga guro. Para naman maiwasan ang test leakage, matiyagang gumagawa ang ilang mga guro ng dalawang magkaibang pagsusulit, isang set A, at isa namang set B. UNESCO ang nagmungkahi na sa panahon ng mga pagsara ng paaralan na dulot ng COVID-19, ang mga paaralan at guro ay gumamit ng alternatibong sistema ng pag-aaral at bukas na mga application na pang-edukasyon upang turuan ang kanilang mga mag-aaral at limitahan ang pagkagambala sa edukasyon. Isa sa tatlong mga estudyante, ayon sa survey ang nagsabing ang kanilang gawaing pampaaralan ay naging mas mabigat sa online learning system kumpara sa face to face learning system. (SEQuRe, 2021). Ayon kay Navales (2021), ang mga estudyante ay napipilitan mandaya dahil sa kinahaharap na karanasan dahil sa pandemya. Ang pag aaral sa ganitong sistema ay nakakahikayat nang pagdaraya dahil ang ganitong disenyo ay madaming depekto. Dahil sa pagbabagong nararanasan ng mga estudyante partikular

na sa mga estudyante sa kursong Bachelor of Science in Electronics and Communication Engineering (BSECE) ng Colegio de Dagupan ay hindi maikakaila na ang karamihan sa kanila ay sinusubok ang kanilang katapatan at integridad sa pag-aaral lalo na sa panahon ngayon kung saan hindi nakikita ng mga guro ng CdD ang ginagawa ng kanilang mga mag-aaral sa likod ng paggawa nila ng kanilang mga pagsusulit at mga takdang-aralin Layunin ng pag-aaral na ito na malaman ang naging epekto ng new normal sa integridad at katapatan ng mga estudyante at kung paano rin maisasaayos ang maling gawain ng mga estudyante (pangongopya) upang mas magkaroon ng pantay at totoong pagbibigay ng mga grado ang mga guro at mapanatili ang integridad na dapat isabuhay ng mga mag-aaral.

Suliranin at Kaligiran

“Mas masahol parin ang mga pulitikong dinaraya ang taumbayan sa pamamagitan ng pangungurakot sa kaban ng bayan kaysa sa mga estudyante na madiskarte at patuloy na lumalaban” – Rappler.com Nasanay ang lahat sa face to face set up ng pag-aaral o pagpasok sa iskwela. Hindi maiitatanggi na masaya ang ganitong paraan ng pagpasok sapagkat marami tayong nakikilalang iba't ibang tao, nakakasalamuha natin sila ng limang beses sa isang linggo at hindi nagtatagal ay nagiging kaibigan natin halos lahat ng kaklase natin sa paaralan. Ngunit hindi rin natin maitatanggi na mahirap ang mag-aral, mahirap makipagsabayan sa lahat, mahirap gumising ng maaga at higit na mahirap na makita natin ang ating mga magulang

na

naglulugmok

sa

pagtatrabaho

matustusan

lamang

ang

mga

pangangailangan at bayarin natin sa paaralan. Ito ang isa sa maraming dahilan kung kaya't sinisikap ng mga estudyanteng makakuha ng mataas na marka sa patas o sa maling paraan mapasaya lang ang kanilang mga magulang. Sa pagdating ng Covid-19 lahat tayo’y naalarma. Payapang buhay na ating tinatamasa, bigla nalang nabalot ng pagluluksa, lahat ay bigla nalang nag-iba. Marami

ang nawalan ng trabaho at marami ang nagbago sa mundo kabilang na rito ang paraan ng pag-aaral ng bawat estudyante. Kung dati ay face to face set-up, ngayon ay module type at online learning o online set-up. Dahil nga sa set-up ng pag-aaral ngayon, hindi lubos na nababantayan ng bawat guro ang kanilang mga estudyante. Kung nuon ay hirap silang puksain ang pandaraya sa loob ng paaralan, masasabi nating mas mahihirapan silang kontrolin o alisin sa sistema ng bawat estudyante ang mandaya ngayon dahil computer o cellphone screen at wifi lamang ang paraan upang ang bawat estudyante at guro ay maging konektado sa isa't isa. Isa sa mga pinakamahirap na kurso ang BSECE, ngunit marami ang kumukuha nito dahil indemand ito sa ngayon at dahil marami itong job opportunities. Colegio de Dagupan ang isa sa mga iskwelahang magandang pag-aralan kapag ang estudyante ay piniling kumuha ng kursong inhenyero sapagkat malaki ang passing rate nila sa board exam, maganda ang paraan nila ng pagtuturo at higit sa lahat makikita mo bilang magaaral na pursigido ang bawat guro na maturuan ang lahat ng kanilang mga estudyante. Malaki man ang matrikula, masusulit naman ito dahil matututo ka ng sobra. Ngunit hamon sa lahat ng estudyante ng ECE ng Colegio de Dagupan ang mag-aral dahil narin sa maraming dahilan. Una, mataas ang matrikula. Sa pagharap natin sa pandemya, hindi lahat ay may sapat na kita o pera para tustusan ang matrikula sa pag-aaral. Pangalawa, hindi lahat ng estudyante ay may kakayahang makabili ng cellphone, laptop o kahit na ano mang gadgets upang may magamit sila sa tinatawag nating online education. At pangatlo, mahirap ang makakuha ng maski pasang awang marka. Bawat estudyante ay nangangarap na mapasaya ang kanilang mga magulang sa pamamagitan ng pagpapakita sakanila na pursigido tayong makapagtapos sa pag-aaral at mapakita natin na mataas ang nakukuha nating mga marka. Ngunit dahil sa kagustuhan ng bawat estudyante na magkaroon ng mataas na marka, ang iba ay pinipili nalang mandaya.

"In the spirit of bayanihan, we cheat instead of heal as one" Integridad at katapatan ang itinataya o nawawala sa bawat estudyanteng pinipiling mandaya o mangopya makakuha lng ng pasado at mataas na marka. Sa paraan ng pagaaral ngayon kung saan ang lahat ay nakabase sa module, gadgets at wifi, mas madali

para sa mga estudyante na mandaya dahil hindi naman sila nakikita ng kanilang mga guro nang harapan. Marahil ay sumasagi sa isipan ng mga estudyanteng nandaraya na mali ang kanilang ginagawa ngunit patuloy sila sa mali nilang gawain dahil nakikita nila ang saya at galak sa mukha nang kanilang mga magulang sa tuwing pinapakitaan nila ito ng mataas na marka sa paaralan. Pinipili nang ibang ipagpalit ang kanilang integridad at katapatan sa kasiyahang mabibigay nila sa kanilang mga magulang. Hindi maikakailang karamihan sa mga estudyante ay nakaranas nang mandaya sa loob ng mahabang panahon ng kanilang pag-aaral, sa madaling salita ay mangopya. Dulot na rin ito marahil ng ilang mga bagay na nagnanakaw ng kanilang panahon na dapat sana ay nakalaan sa pag-aaral. Iba iba man ang paraan ng pandaraya ng bawat estudyante, iisa lamang ang ipinapahiwatig ng mga ito, ang unti unting pagkawala ng integridad at katapatan ng bawat estudyante na dapat sana’y una nilang natututunan sa paaralan. Sinasabing 73% ng mga estudyante na sumasagot ng pagsusulit ay nangongopya. Sinasabi rin na halos lahat ng estudyante ay pinagtutuunan ng pansin o nagpopokus sa makukuha nilang marka kumpara sa kalidad ng edukasyon na mapupulot nila sa pag-aaral. Tumataas ang kaso ng pangongopya dahil sa mahigpit na pangangailangan ng mga estudyante na magkaroon ng matataas na marka. Iba’t iba ang naidudulot na epekto ng pandaraya o pangongopya sa mga estudyante tulad ng pagiging tamad sa pag-aaral, pagkasanay nila sa gawing ito na maaaring madala nila hanggang sa magkaroon na sila ng trabaho, at higit sa lahat, iisipin ng mga estudyante na normal lang na gawin ang bagay na ito. Nais namin bilang mga mananaliksik, na makahanap ng sagot o solusyon kung paano matutuldukan ang patuloy na pagkawala ng integridad at katapatan ng mga estudyanteng kumukuha ng kursong ECE sa Colegio de Dagupan.

Rasyunal Sa kasalukuyang panahon at sitwasyon, maraming mag-aaral ang nakaranas sa kahirapan sa paglalapat at pakikibagay sa bagong sistema sa paaralan. Malaki ang naging

epekto ng pandemya sa lahat ng tao sa mundo lalong lalo na sa mga mag-aaral. Dahil dito, hindi maiwasan ang paghinto ng mga mag-aaral sa kanilang pag-aaral dulot na lamang ng salat ang mga ito sa kagamitan na dapat meron upang makapag-aral. Dahil sa pandemya nahinto ang mga mag-aaral na pumasok sa Paaralan at dahil dito ipinatupad ang tinatawag na “Online Class” o “Modular Learning”. Sa pananaliksik na ito ay susuriin kung ang integridad at katapatan ng mga magaaral ng BSECE sa Colegio De Dagupan ay nagbago o nawala nga ba dulot ng pagbabago ng sistema sa pag-aaral. Ang mga mag-aaral ay naimpluwensiyahan ng kung ano anong pamamaraan sa pag-aaral sa makabagong sistema na tinatawag online class. Ang mga dahilan ay ang iba ay napipilitang mandaya upang lamang sila ay makapag pasa ng hindi nahuhuli sa ibinigay na takdang petsa gayundin ang mga ilan na kokopyahin na lamang sa ibang kaklase ang mga aktibidad o pagsusulit sa kadahilanang sila ay hindi gaanong natuto o hindi gaanong naintindihan ang aralin. Ang pinaka layunin ng pananaliksik na ito ay masukat kung gaano na nga ba naapektuhan ng sistemang online class ang mga mag-aaral sa ng BSECE sa Colegio De Dagupan.

Paglalahad ng suliranin Ang mga mananaliksik ay may layuning pagaralan ang epekto ng New Normal Education sa integridad at katapatan ng mga mga estudyante ng ECE ng Colegio de Dagupan. Ang isasagawang pananaliksik ay may mga katangiang nais sikapin na bigyan ng kasagutan: 1. Ano ang pakiramdam ng isang estudyante habang ito ay nakaka gawa ng pandaraya sa kanyang pagsusulit? 2. Naipagmamalaki ba ng mga estudyante ang kanilang grado galling sa pangogngopya? 3. Ano-ano ang mga sanhi kung bakit nangongopya ang isang estudyante sa online learning? 4. Aling Sistema ng pag aaral mas nakakapandaya ang isang estudyante? a. Face to Face classes

b. Online Learning 5. Ano ang pamamaraan ng estudyante upang umiwas sa pagsusulit?

Kahalagahan ng pagaaral: Ang pagaaral na ito ay naglalayong maipabatid at maipamulat sa mga mambabasa lalo na ng mga estudyante ng ECE ng Colegio de Dagupan ang mabuti at masamang epekto ng Online Education pagdating sa kanilang integridad at katapatan. Sa pamamagitan rin nito, mababawasan ang bilang ng mga estudyante na patuloy na kinakaharap ang matinding pagsubok ng integridad at katapatan pagdating sa kanilang pagaaral. Ang mga natuklasan ng pag-aaral na ito ay magiging lubhang kapakipakinabang sa mga mag-aaral na mayroong problema pagdating sa integridad at katapatan. Ang pag-aaral na ito ay mahalaga para sa mananaliksik dahil ito ay makakatulong nang sa gayon ay mapalawak at makakuha ng karagdagang kaalaman. Ito rin ay magsisilbing mapagkukunan ng mga mag-aaral na nagsasagawa ng pananaliksik sa paksang may kaugnayan dito. Binibigyang-diin ng pag-aaral na ito ang pangangailangan ng pag-unawa kung paano lagpasan ang Online Education nang naayon sa wastong pamamaraan at walang pandaraya na isinasaalang-alang. Ito ay kapaki-pakinabang sa mga grupo at indibidwal tulad ng sumusunod: Mga mandaraya sa Online Education. Ang pananaliksik na ito ay makakatulong upang sila ay matauhan sa kasamaan at panlalamang na kanilang ginagawa at kanila itong mabago. Mga estudyante. Ang pananaliksik na ito ay makakatulong upang malinawan ang mga estudyante na hindi sagot ang pandaraya upang pumasa sa iyong signatura, bagkos sila ay magpursigi at sanayin ang sarili sa pagkakaroon ng integridad at katapatan. Mga magulang. Ang pananaliksik na ito ay makakatulong upang lubusang maintindihan ng magulang ang sistema ng Online Education at kalaunan ay mapagsabihan ang

kanilang mga anak patungkol sa integridad at katapatan na malaking problema na kinakaharap ng Online Education. Mga guro. Ang pananaliksik na ito ay makakatulong upang mamulat ang mga guro sa mga posibleng gawing pandaraya ng kanilang estudyante nang sa gayon mas mapaigting pa nila ang kanilang ibinibigay na takdang aralin gayundin sa pagsusulit. Paaralan. Ang pananaliksik na ito ay makakatulong upang makagawa ng hakbang ang nasabing paaralan kung paano nila masusugpo o mababawasan ang bilang ng mga estudyante na nandaraya. Mga mananaliksik sa hinaharap. Ang pananaliksik na ito ay makakatulong upang maging isang gabay o gamitin ang natuklasan ng pag-aaral na ito bilang reperensiya sa gagawing pananaliksik patungkol sa integridad at katapatan ng estudyante sa Online Education.

Batayang Konseptwal

Ang modelong nakalarawan ay tumutukoy sa Epekto ng Online Learning sa Integridad at Katapatan ng bawat Estudyante na nag aaral ng

Electronics

Communicationg Engineering (ECE). Nakalahad sa pag-aaral na ito kung nakakatulong ang online learning na mapanatili ang integridad at katapatan ng mga estudyante.

Saklaw at Limatasyo ng Pag-aaral

Ang pananaliksik na ito ay nakauton sa paglalahad ng epekto ng Online Education sa integridad at katapatan ng mga estudyant ng Colegio de Dagupan na kumukuha sa kursong inhenyeriyang elektronika. Ang limitasyon ng pag-aaral nito ito ay limampung estudyante ng ECE sa Colegio de Dagupan, ito ay sapat na upang malaman ang epekto ng Online Education sa kanilang katapatan at integridad. Ang pananaliksik na ito ay maguumpisa Enero 5 2022 hanggang Enero 8 2022

KABANATA II Metodo ng Pananaliksik Ang mga mananaliksik ay nagsagawa ng online survey upang makakuha ng mga datos. Ang datos na ito ay nakatugon sa mga epekto ng online education sa integridad

at

katapatan

ng

mga

estudyante

sa

kursong

Electronics

and

Communication Engineering o ECE sa Colegio de Dagupan. Para sa pananaliksik na ito, ang gagamiting metodolohiya ay deskriptibong pananaliksik. Ito ay dahil kakailanganin ang mga kwalitatibong mga sagot upang makakuha ng mga mas eksaktong resulta sa mga makikibahaging estudyante. Ang mga magiging tugon sa mga sarbey na pinagawa ay mahalaga upang mahanap ang mga tunay na rason kung tunay na naapektuhan ang integridad ng mga mag-aaral pagdating sa Online learning.

Mga Respondente Upang makakuha ng impormasyon ang mga mananaliksik ukol sa paksang "Epekto ng Online Education sa Integridad at Katapatan ng mga estudyante ng ECE ng Colegio de Dagupan", gagamitin ang Purposive Sampling bilang teknik sa pagpili ng mga respondente upang lubos na maunawaan ng mga mananaliksik ang datos na makakalap sa kadahilanang ito ang naaayon na gamitin upang mapadali ang pangangalap ng datos mula sa mga respondente Ang mga respondente sa pag-aaral na ito ay ang mga estudyanteng kumukuha ng kursong Electronics and Communication Engineering o ECE sa paaralan ng Colegio de Dagupan. Ang mga mananaliksik ay malayang pipili ng kabuuang limampung respondente (50) sa iba’t ibang antas ng taon upang kumatawan sa kabuuan ng gagawing pananaliksik.

Instrumento ng Pananaliksik Ang mananaliksik ay gumagamit ng talatunungan o survey questionaire bilang pangunahing instrumento sa pagkalap ng mga datos na magagamit sa pag-aaral. Ang nilalaman ng talatunungan ay tungkol sa kung ano epekto ng online education sa integridad at katapatan ng mga estudyante ng ECE ng Colegio de Dagupan. Ang survey na ito ay magbibigay nang sukat kung gaano na nga ba naapektuhan ng sistemang online class ang mga mag-aaral sa ng BSECE sa Colegio De Dagupan. Narito ang sipi ng survey questionaire upang lubos na mauunawaan ang komposisyon ng mga talatanungan na ginagamit sa pag aaral.

Tritment ng mga Datos Ang mga katanungang isinagawa sa talatanungan ay pinagisipan at sinuri ng mabuti ng mga mananaliksik upang lubos na makuha ang mga kasagutan at estratihikal na opinyon ng mga mag-aaral ukol sa epekto ng online education sa integridad at katapatan ng mga estudyante ng ECE sa Colegio de Dagupan. Mabilis lamang na isinagawa ang sarbey at pagtatally dahil katamtaman lamang ang bilang ng mga estudyante (50). Ang mga datos na nakalap ng mga mananalisik sa mga mag-aaral na kumukuha ng kursong inhenyeriyang elektronika ay pinag-aralan upang makuha ang tama at eksaktong resulta batay sa kanilang persepsyon ukol sa mga naturang katanungan. Ang mga datos na ito ay magsisilbing kasagutan sa mga katanungang inilahad ng mga mananaliksik. Gumamit naman ang mga mananaliksik ng pormula ng porsyento sa ikatlong tanong (Ano ang epekto ng pandaraya ng mga estudyante ng CdD?) upang masuri kung ilang porsyento ang positibo at negatibong epekto ng pandaraya ng mga estudyante.

KABANATA III

Ang pananaliksik ay nangangailangan ng tamang pag iisip at epektibong pagpaplano sa mga paraan at teknik na gagamitin sa pangangalap at pagsusuri ng mga datos na makokolekta sa pagsusurbey. Sa kabanatang ito nakapaloob at matatagpuan ang pamamaraan ng pag-aaral, disenyo ng pag-aaral, kapaligiran ng pag-aaral, respondente at populasyon, instrumento sa pagkalap ng mga datos, at ang paglalapat ng estadistika.

Pamamaraan Ng Pag-Aaral Ang mga mananaliksik ay gumamit ng deskriptibong paraan ng pag-aaral. Ang nasabing pamamaraan ay gumagamit ng surbey kwestyuneyr o mga katanungan na siyang pagkukuhanan ng mga mananaliksik ng ibat-ibang datos upang kanilang magamit sa pagbuo ng nasabing pananaliksik. Ang pamamaraang ito ang napili ng mga mananaliksik sapagkat ito ay naglalarawan ng mga kasalukuyang kaganapan batay sa magiging impresyon o kasagutan ng mga respondente. Layunin din ng pamamaraang ito na masagot ang mga katanungang, ano, sino, saan, kailan at paano, ng paksang napiling pag-aralan at masolusyunan. Sa pag-aaral na ito, sisikaping alamin ng mga mananaliksik kung ano nga ba ang epekto ng online education sa integridad at katapatan ng mga estudyante ng ECE ng Colegio de Dagupan.

Disenyo Ng Pag-Aaral Ang pag-aaral na gagawin ay nakapaloob sa kuwalitatibong pananaliksik dahil layunin nito na magbigay ng konkretong depinisyon at magpaliwanag tungkol sa mga maaaring maging epekto ng online education sa integridad at katapatan ng mga estudyante ng ECE ng Colegio de Dagupan. Ang isasagawang pananaliksik ay gagamit ng deskriptibong metodolohiya ng pananaliksik. Napili ng mananaliksik ang “Purposive Sampling” na gagamit ng Online Sarbey para makakalap ng datos. Ito ang naayon na gamitin upang mas mapadali ang pangangalap ng datos mula sa mga responde. Limitado lamang ang bilang ng mga responde na sasagot sa gagawing online sarbey upang lalong lubos na maunawaan ng mga mananaliksik ang datos na makakalap.

Ang disenyong paglalarawan o deskriptibo ay ang nakita ng mananaliksik na magiging mabisa sa pag-aaral na ito upang mas makakalap ng impormasyon na magiging epektibo sa pananaliksik.

Kapaligiran Ng Pag-Aaral Ang pananaliksik na ito ay isinagawa sa Mataas na Paaralan ng Colegio De Dagupan sa Lungsod ng Dagupan. Ang target sa pananaliksik na ito ay nakalimita lamang sa limampung (50) mag-aaral mula sa kursong Electronics and Communications Engineering. Ang kapaligiran ng pananaliksik na ito ay ligtas, maginhawa at mas mabilis sa mga sakop ng pag-aaral sapagkat ito ay gagawin sa pamamagitan ng Online survey dahil nga tayo ay nakapaloob sa new normal na tinatawag na ”Online learning”. Ang uri ng kapaligiran na ito sa pag-aaral ay virtual. Ang gagamitin sa pag-aaral na ito ay ang digital na kapaligiran kung saan naganap ang mga proseso ng pag-aaral. Maaari itong sa pamamagitan ng mga computer, tablet o mobile, kung saan itinuro ang mga virtual na klase.

RESPONDENTE AT POPULASYON Ang mga mananaliksik ay malayang pipili ng limampung (50) regular na estudyante na kumukuha ng kursong Electronics and Communication Engineering o ECE ang kakatawan sa kabuuang datos ng gagawing pananaliksik. Tatlong antas ng taon lamang ang napili mula sa paaralan ng Colegio de Dagupan ang pagmumulan ng mga repondente. Ang napiling antas ng taon ng mga mananaliksik ay ang mga nasa ikala...


Similar Free PDFs