Final DLP AP1 Q2 (Alba) - Detailed Lesson Plan for GRADE 2 Aralin panlipunan PDF

Title Final DLP AP1 Q2 (Alba) - Detailed Lesson Plan for GRADE 2 Aralin panlipunan
Author LINN BENZONE DEL MUNDO
Course Child and Adolescent Development
Institution STI College
Pages 6
File Size 216.2 KB
File Type PDF
Total Downloads 246
Total Views 474

Summary

Download Final DLP AP1 Q2 (Alba) - Detailed Lesson Plan for GRADE 2 Aralin panlipunan PDF


Description

MASUSING BANGHAY ARALIN SA FILIPINO I Unang Kwarter – Ikaapat na Linggo I.

MGA LAYUNIN Sa pagtatapos ng aralin, inaasahan na ang mga mag – aaral ay:  Natukoy ang mga kasapi ng pamilya;  Napahalagahan ang konsepto ng pamilya batay sa bumubuo nito; at  Nailalarawan ang bawat kasapi ng sariling pamilya sa pamamagitan ng likhang sining.

II.

PAKSANG – ARALIN A. Paksa B. Sanggunian

: :

Konsepto at mga miyembro ng pamilya. AP1 Q2 Module Week 3 https://www.youtube.com/watch?v=ksoxj7eHYTI&t=1769s

C. Kagamitan

:

D. Pagpapahalaga

:

Powerpoint Presentation, Youtube Videos, String/Yarn, Speakers, Smart T.V Pagiging mapanuri

III. PAMAMARAAN A. Panimulang Gawain 1.

GAWAING GURO Pambungad na Panalangin

Magandang Umaga mga bata!

GAWAING MAG – AARAL

Magandang Umaga din po, Teacher!

Tayo ay magsitayo para sa ating Ako po, Teacher! panalangin. Sino ang nais mamuno sa ating panalangin. Ama sa Langit, bigyan kami ngayong araw upang matupad ang Sige Ana! aming mga tungkulin bilang responsable at mabait na mag-aaral Bigyan kami ng gabay at pangangalaga sa pagtupad ng aming mga gawain. Bigyan mo kami ng tulong sa mga desisyon na aming ginagawa. Nanalangin kami sa iyo na pagpalain ang aming mga guro para sa matiyagang paghahatid sa amin arawaraw na mga aralin. Pagpalain ang aming mga magulang sa patuloy na pagsuporta sa amin. Maraming salamat, Lord sa lahat ng mga biyayang ibinibigay mo sa aming lahat. Ikaw ang aming suporta at lakas. Amen Maaari na kayong maupo. 2.

Pagtukoy ng liban sa klase

Tingnan naman ngayon mga bata kung sino ang katabi Ninyo na wala ngayon. Magaling! Walang liban sa araw na ito.

B. Pagganyak GAWAING GURO GAWAING MAG – AARAL - Ngayon mga bata ay may ipapakita (Gamit ang video, sasabayan ng mga akong ‘video’ sa inyo. Sasabayan natin bata ang sayaw) ang video sa pamamagitan ng pag – sayaw. https://www.youtube.com/watch?v=5OMfkUr0ic - Nabanggit nyo ba ang mga miyembro -Opo! ng inyong pamilya?

C. Talakayan GAWAING GURO GAWAING MAG – AARAL Pamilya  Sa pamamagitan ng Powerpoint presentation, ilalahad ng guro ang Tula ni Julyhet Roque isang tula upang sabay sabay na basahin ng mga bata: Kay sarap pagmasdan ng masayang pamilya, Si ama’t si ina’y responsable sa tuwina Ang Diyos ang sandigan sa tuwituwina. Mga anak pinalaki nang may takot sa Diyos, Tinuruang gumawa, magpawis at mapagod Pagkat puhunan daw iyon sa paglaking lubos. Edukasyon ng anak ay itinaguyod Kahit na mangapal ang palad sa pagod Basta sa pamilya ay may maitustos.

-Mga bata nagustuhan nyo ba ang tula?

Di nag aaway sa harap ng supling, Kapakanan lagi ng anak na hirang ang nasa at pansin At pagmamahalan ang laging inaangkin.

-Magaling mga bata, ngayon naman ay -Opo teacher. talakayin natin kung ano ang isang pamilya at kung sino sino ang mga miyembro nito.  Sa pamamagitan ng Powerpoint presentation, ilalahad ng guro ang leksyon.

 Tanungan kaalaman:

o

Pagpapalawak

ng

-Ano ang ibigsabihin ng salitang “pamilya”? -Paano mo maipapakita ang pagmamahal -Ang pamilya po ay binubuo nina mo sa iyong pamilya? Tatay, Nanay, Ate, Kuya, at ako ang bunso. -Bakit mahalaga ang pamilya? -Sa pag aalaga at pagpapasaya po sa - Ngayon naman mga bata, sinu-sino ang kanila. bumubuo sa isang pamilya? -Sila po ang nagpalaki sakin, at nagbigay aruga at pagmamahal. -Magaling mga bata! Ngayon naman, nais -Si Tatay, Nanay, Ate, Kuya, at si nyo bang manuod ng isang bidyu? Bunso. -Sige, pero bago tayo manuod mag finger play muna tayo,handa na ba kayo mga -Opo teacher. bata? -Opo teacher, handang handa na po kami. *Finger play* Ang sumbrelo ni Lolo, ilalagay sa ulo. Ang salamin ni Lola, ilalagay sa mata, Ang kamay ng mga bata, ilalagay sa hita, At tahimik na manunuod ng bidyu.  Sa pamamagitan ng “smart T.V” ipanuod sa mga bata ang video tungkol sa konsepto ng isang pamilya. https://www.youtube.com/watch? v=jPPE2ai-5FE  Tanungan kaalaman:

o

Pagpapalawak

ng

-Tungkol po sa konsepto ng isang -Mga bata, tungkol saan ang bidyu na pamilya, inyong pinanuod? -Two-Parent Family po. Ang pamilya - Anu-ano ang mga binanggit na uri ng na may nanay at tataya at mga anak. -Single Parent Family po. Ang pamilya pamilya? na binubuo ng isang tatay o nanay lamang at anak o mga anak. -Ang Extended Family po sir. Binubuo po sila ng lolo, lola, maaaring mga tiyuhi at tiyahin, pinsan at sina nanay, tatay, ate, kuya at bunso.

-Tama! Napakahuhusay ninyo mga bata. -Tandaan mga bata, na mahalaga ang inyong pamilya alagaan nyo sila at mahalin.

D. Pangkatang Gawain Ibibigay ng guro ang kahon na naglalaman ng mga gawain ng bawat grupo. (5 minuto) Unang Grupo Ikalawang Grupo SURIIN MO! TUKUYIN MO! Panuto: Tukuyin ang mga larawan ng Panuto: Alamin kung ang isinasaad sa mga pamilya kung ang mga ito ba ay nag mga pangungusap ang tumutukoy sa papakita ng mga halimbawa ng “Two “Two Parent Family”, “Single Parent Parent Family”, “Single Parent Family” o Family” o “Extended Family”. “Extended Family”. 1. Si Rhea na buhat na kaniyang tatay. 2. Ito sina Anna at Marie kasama ang Example Uri ng Pamilya kanilang nanay at tatay. 3. Si Jonas at si Fe buhat ang kanilang anak na si Kisses. 4. Si Tyson at Joan kasama ang kanilang nanay at tatay, pati na rin ang kanilang lolo’t lola. 5. Si Sheryll at ang kanyang nag iisang anak na babae na si Chloe.

Pag-uulat ng bawat pangkat (5 minuto)

E. Paglalahat GAWAING GURO GAWAING MAG – AARAL Mga bata, ano ang ating pinag – aralan Ang atin pong pinag – aralan ay tungkol sa kahulugan at konsepto ng salitang sa araw na ito? “pamilya”. Atin din pong tinukoy at inalam ang mga miyembro ng isang pamilya at ibat ibang uri nito. -Ang pamilya po ay isang maliit na yunit ng ating lipunan.

-Ano ang isang pamilya? -Sinu-sino pamilya?

ang

bumubuo

ng

isang - Si Tatay, Nanay, Ate, Kuya, at si Bunso.

-Two-Parent Family po. Ang pamilya na - Anu-Anong uri ng pamilya ang tinalakay may nanay at tataya at mga anak. -Single-Parent Family po. Ang pamilya natin? na binubuo ng isang tatay o nanay lamang at anak o mga anak. -Ang Extended Family po sir. Binubuo po sila ng lolo, lola, maaaring mga tiyuhi at tiyahin, pinsan at sina nanay, tatay, ate, kuya at bunso. -Opo teacher. -Magagaling mga bata, naunawaan ninyo ng mabuti ang leksyon natin ngayong araw na ito. F. Paglalapat Gawain A: Panuto: Isulat ang T kung tama at M kung mali. ___1. Ang pamilya ay palaging binubuo ng ama, ina at mga anak. ___2. Sina lolo at lola ay bahagi rin ng pamilya. ___3. Matalik kong kaibigan si Lovely. Siya ay kasapi ng aming pamilya. ___4. Ang pamilya ay palaging binubuo ng maraming kasapi. ___5. Hindi matatawag na pamilya ang anak at ama o ina lamang ang kasama. Gawain B: Panuto: Piliin ang tamang sagot mula sa kahon at isulat ito sa patlang. Tatay

Nanay

Ate

Kuya

Bunso

______________1. Siya ang tumatayong ilaw ng tahanan. ______________2. Siya ang nagbibigay ng kasiyahan sa tahanan. ______________3. Siya ang haligi ng tahanan. ______________4. Siya ang katulong ni nanay sa pag aasikaso ng bahay, ______________5. Siya ang tumutulong kay tatay sa pag kumpuni ng mga kagamitan sa bahay,

G. PAGTATAYA  Panuto: Bilugan ang akmang kasagutan na tumutukoy sa uri ng pamilya na tinutukoy sa pangungusap. 1. Si Rhea na buhat na kaniyang tatay. A. Two-Parent Family B. Single-Parent Family

C. Extended Family

2. Ito sina Anna at Marie kasama ang kanilang nanay at tatay. A. Two-Parent Family B. Single-Parent Family

C. Extended Family

3. Si Jonas at si Fe buhat ang kanilang anak na si Kisses. A. Two-Parent Family B. Single-Parent Family

C. Extended Family

4. Si Tyson at Joan kasama ang kanilang nanay at tatay, pati na rin ang kanilang lolo’t lola. A. Two-Parent Family B. Single-Parent Family

C. Extended Family

5. Si Sheryll at ang kanyang nag iisang anak na babae na si Chloe. A. Two-Parent Family B. Single-Parent Family

C. Extended Family

H. TAKDANG – ARALIN Panuto: Gumuhit ng isang larawan na nag papakita ng konsepto ng isang pamilya. Kulayan it at tukuyin kung anong klase ng pamilya ito.

Inihanda ni: EMILIA T. ALBA BECED III...


Similar Free PDFs