Kapayapaan National High School ISANG MASUSING PAGSUSURI SA DALAWANG PILING TULA SA MAKABAGONG PANAHON NI CORAZON MAGBALETA Inihanda ng Mag-aaral ng STEM A ng Kapayapaan National High School mag-aaral Sa pangunguna ni PDF

Title Kapayapaan National High School ISANG MASUSING PAGSUSURI SA DALAWANG PILING TULA SA MAKABAGONG PANAHON NI CORAZON MAGBALETA Inihanda ng Mag-aaral ng STEM A ng Kapayapaan National High School mag-aaral Sa pangunguna ni
Author Faye Calinagan
Pages 16
File Size 1.2 MB
File Type PDF
Total Downloads 286
Total Views 589

Summary

Kapayapaan National High School ISANG MASUSING PAGSUSURI SA DALAWANG PILING TULA SA MAKABAGONG PANAHON NI CORAZON MAGBALETA Inihanda ng Mag-aaral ng STEM A ng Kapayapaan National High School Faye P. Calinagan mag-aaral Sa pangunguna ni: Ginoong Leonardo D. Patinio Guro sa Filipino Kapayapaan Nationa...


Description

Accelerat ing t he world's research.

Kapayapaan National High School ISANG MASUSING PAGSUSURI SA DALAWANG PILING TULA SA MAKABAGONG PANAHON NI CORAZO... Faye Calinagan

Related papers

Download a PDF Pack of t he best relat ed papers 

Kapayapaan National High School

ISANG MASUSING PAGSUSURI SA DALAWANG PILING TULA SA MAKABAGONG PANAHON NI CORAZON MAGBALETA

Inihanda ng Mag-aaral ng STEM A ng Kapayapaan National High School

Faye P. Calinagan mag-aaral

Sa pangunguna ni:

Ginoong Leonardo D. Patinio Guro sa Filipino

Kapayapaan National High School

Pasasalamat Ang mananaliksik ng paksang “Isang Masusing Pagsusuri sa Dalawang Piling Tula sa Makabagong Panahon ni Corazon Magbaleta” ay taos pusong ipinapaabot ang kanyang pasasalamat sa mga taong tumulong, nagkontribusyon at nagbigay suporta sa reyalisasyon ng pamanahong papel na ito. Ang tagumpay ng pananaliksik na ito ay utang niya sa mga sumusunod: Ginoong Leonardo D. Patinio, ang nangangasiwa sa pananaliksik, para sa kaniyang walang kapagod-pagod na pagbigay ng suporta, sa pangagasiwa para maisagawa at matapos ng maayos ang pananaliksik na ito, para sa pagbibigay ng mungkahi o payo, pasensya, at kaalaman; Binibining Mildred De Leon, ang punong guro ng pananaliksik na local sa Kapayapaan National High School, para sa kaniyang pagbibigay pahintulot sa mga mananaliksik upang makakalap ng datos; Mga piling guro ng filipino sa baitang 8 ng Kapayapaan National High School, para sa pagsagot at pagbibigay pahintulot sa pagsasagawa ng pananaliksik sa mga studyante; Mga piling estudyante sa baitang 8 ng Kapayapaan National High School, para sa pagsagot ng tapat sa mga tanong na nakalagay sa sarbey at sa pagpayag na maging kalahok sa isinasagawang pananaliksik; Sa kanyang mga magulang, na buong unawang sumuporta at pagtulong sa kaniyang mga pangangailangan; Sa mga kaibigan at mga kamag-aral, na naging inspirasyon at lakas sa pagpapatuloy na isagawa ang pananaliksik; At higit sa lahat, sa Poong Maykapal, para sa mga gabay at lakas na ipinagkaloob niya sa mga mananaliksik;

Kapayapaan National High School

Paghahandog Ang mananaliksik ay lubos na nagpapasalamat sa mga taong naging parte ng pagbuo ng proyektong ito. Kaya ito ay kaniyang inihahandog sa mga taong naging kaniyang inspirasyon sa pagbuo9 o paggawa nito.

Sa kaniyang mga magulang Guro mga kaibigan mga kamag-aaral kaeskwela sa mga susunod na gagamit ng proyektong ito at higit sa lahat sa Poong Maykapal.

Kapayapaan National High School

TALAAN NG NILALAMAN TITULO

PAHINA

Pamagat………..………………………………………….. Pasasalamat……….……………………………………… Paghahandog…..…………………………………………. Kabanata 1. SULIRANIN AT SANDIGAN Panimula……………………………………………………. Paglalahad ng Suliranin…….……………………………… Batayang Teorya……………………………………………. Paradima ng Pag-aaral …………………………………..... Saklaw at Limitasyon ………………………………………. Kahalagahan ng Pag-aaral ……………………….............. Katuturan ng mga Katawagang Ginamit ……………...….. Kabanata 2. MGA KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG-AARAL Mga Kaugnay na Literatura ………………………………….

Kapayapaan National High School

Mga Kaugnay na Pag-aaral………………………….………. Kabanata 3. MGA PAMAMARAAN SA PAG-AARAL Pamamaraan ng Pananaliksik ……………………………. Teknik at Instrumento ……………………………..………. Kabanata 4. PRESENTASYON AT INTERPRETASYON NG MGA DATOS Mga Nakalap na Datos……………………........................ Kabanata 5. LAGOM, KONGKLUSYON AT REKOMENDASYON Lagom ……………………………………………………….. Kongklusyon ……………………………………………..…. Rekomendasyon …………………………………………… MGA KARAGDAGANG DAHON Impormasyon tungkol sa may akda ……………………… Personal na Impormasyon ………………………………...

Kapayapaan National High School

Kabanata 1 ANG SULIRANIN AT ANG SANDIGAN NITO Panimula Ang panitikan ay nagsasabi o nagpapahayag ng mga kaisipan, mga damdamin, mga karanasan, hangarin at diwa ng mga tao. At ito rin ang pinakapayak na paglalarawan lalo na sa pagsulat ng tuwiran o tuluyan at patula. Ang salitang panitikan ay nanggaling sa salitang “pang-titik-an” na kung saan ang unlaping “pang” ay ginagamit sa hulaping “an” at ang salitang “titik” naman ay nangangahulugan literature (literature), na ang literature ay galling sa latin na littera na nangangahulugang titik. Nagsasalaysay din ito sa pamahalaan, lipunan at mga mananampalataya at mga karanasang may kaugnayan/ kaugnayan ng iba’t ibang uri ng damdamin tulad ng pag-ibig, kaligayahan, kalungkutan, pag-asa, pagkapoot, paghihiganti, pagkasuklam, sindak at pangamba. May dalawang uri ng panitikan; ang una ay tuluyan o prosa at ang pangalawa naman ay patula. Ang panitikan o panulatan ay ang pagsulat ng tuwiran o tuluyan at patula na naguugnay sa isang tao. Ang panitikan ay may hugis, may punto debista at nakapagpapahaba ng interes ng mambabasa ang isang sulatin pampanitikan na may matalinghagang pagpapahayag ng isipan at damdamin. Mababasa sa mga tula ang mga kaisipang naglalarawan ng kagandahan, kariktan, at kadakilaan. Ang mga

Kapayapaan National High School

Layunin sa Pag-aaral ng Panitikan ay ang mga sumusunod; Mapalalim ang pang-unawa, kritikal na pananaw, Maipakilala ang nakaraan hanggan sa kasalakuyan, taga-bukas ng mata at pagbuo ng kamalayan. Ang tula ay isang anyo ng panitikan na ginagamitan ng marikit na salita upang ipahayag ang damdamin ng isang tao at kaisipan batay sa sariling karanasan, namasid at napakinggan. Ito ay binubuo ng mga saknong na binubuo ng mga taludtud. Ang kalipunan ng mga taludtod ay tinatawag na taludturan o saknong. Sa dalawang piling tula nanakuha sa aklat na Ibong Adarna, ayon kay Gng. Corazon G. Magbaleta ito ay itinuturing na obra maestra o akdangguro ng korido. Ang akdang ito ay madaling makilala sapagkat binubuo ito ng walong pantig ang bawat taludtod at ang pagkakalimbag ay may hati sa gitna. Ang korido ay lumitaw noong panahon ng kastila at tinatawag na tulang romansa at metrical romance. Batay sa pananaliksik na naisagawa, ang nilalaman nito ay hango sa mga alamat sa Europa. Bagamat pawing kababalaghan at di kapani-paniwala ang nilalaman nito ay kapupulutan naman ng aral

o kabutihang-asal tulad ng lagging pag-aalala sa Diyos,

pagmamahal sa magulang, mabuting pakikipagkapwa, kababaang loob, pagdamay sa nangagailangan at ang pagtatagumapay ng kabutihan laban sa kasamaan.

Kapayapaan National High School

Batayang Teorya Ang pag-aaral na ito ay iniuugnay sa mga teorya upang mapagpatibay ang mga resulta at upang mas maging batayan ng mananaliksik sa pagbuo ng buong papel pananaliksik. Ang teoryang pampanitikan ay ang sistematikong pagaaral ng panitikan at ang mga paraan sa pag-aaral ng panitikan. Mayroong iba't ibang teorya para sa pag-aaral na ito. Katotohanan kaysa kagandahan ang mababakas sa teoryang ito. Kahit sino, ano mang bagay at lipunan ay dapat makatotohanan ang paglalarawan o paglalahad. Nagpapahayag din ito ng pagtanggap sa katotohanan o realidad. Tulad sa akda, totoong ang tao ay nasisilaw sa ginhawang maibibigayng kayamanan. Natanggap ng isang tauhan ang nangyari subalit tinakasan ng isang tauhan ang katotohanan at siya ay nawala sa sarili. Ang sobrang paghahangad ng materyal na bagay ay totoong makasisira rin sa tao. Sa makabagong panahon ang pagsalin ng panitikan ay hindi lamang matatagpuan sa pahayagan, magazine, aklat at iba pa. Karagdagan, hindi lang din sa anyo ng pelikula o pantelebisyon. Makikita din ang panitikan sa pamamagitan ng teknolohiya o internet. Sa pamamagitan ng teknolohiya na papanatili o binubuhay nito ang panitikan. Sa pagkalipas ng araw patuloy na dumarami ang mga manunulat na Pilipino gamit ang iba‟t ibang anyo at uri ng

Kapayapaan National High School

panitikan. Ngunit ang panitikan ay hindi masasabing buo kung ang inaasahan lang ay ang pagdami at pag-usbong ng mga manunulat, kinakailangan rin nito ang pagpapahalaga at pagmamalasakit ng mga mambabasa (readers) na katuwang sa pagtaguyod ng panitikan.

Kapayapaan National High School

Paradima ng pag-aaral Makikita sa sumusunod na figyur ang paradima ng pag-aaral na kinapapalooban ng mga paksang tatalakayin tulad ng epekto ng pagsusuri ng dalawang piling tula sa mga ma-aaral ng araling Filipino sa Baitang 8 ng Kapayapaan National High School.

Batayan

Proseso

Kinalabasan

1. Pananaw na matatagpuan sa Tula.

-Pag-aanalisa sa

-Pagbuo ng isang

mga datos,

mungkahing

2. Pangunahing kaisipang matatagpuan sa Tula.

pangangalap ng

Gawain upang lalo

mga datos

pang mapaunlad

tungkol sa epekto

ang mga tula

ng pagsusuri ng

bilang panitikan.

3. Epekto ng pangunahing dalawang piling tula sa mga mag-aaral ng araling Filipino. 4. Kahalagahang moral at sosyal na matatagpuan sa tula.

dalawang piling tula ni Corazon G. Magbaleta.

FIDBAK

Kapayapaan National High School

Sa ilustrasyong ito ipinakikita ang paradima ng pag-aaral na nahihingil sa pagsusuri ng dalawang piling tula ni Gng. Corazon G. Magbaleta. Sa unang bloke ng paradima, ay naglalahad ng batayan na kung saan ito ay tumutukoy sa mga pananaw na matatagpuan sa dalawang piling tula ni Corazon G. Magbaleta, ang sangunihang kaisipan na natagpuan sa tulang sinuri, mga epekto ng pagsusuri ng dalawang piling tula sa mga magaaral ng araling Filipino, ang kahalagahang moral at sosyal na natagpuan sa tulang sinusuri. Ang pangalawa namang bloke ng paradima, ay nagsasaad ng proseso na tumutukoy sa pag-aanalisa, pangangalap ng mga datos, at sa epekto ng Pag-aanalisa sa mga datos, pangangalap ng mga datos tungkol sa epekto ng pagsusuri ng dalawang piling tula ni Corazon G. Magbaleta. Samantalang sa panghuling bloke ng paradima, ay ang kinalabasan na kung saan dito nakapaloob ang pagbuo ng isang mungkahing gawain upang lalo pang mapaunlad ang mga tula bilang panitikan.

Kapayapaan National High School

Paglalahad ng Suliranin (SOP) Pangunahing layunin ng pag-aaral na ito na masuri at mapagmalas ang mga saligang panloob na nakapaloob at matatagpuan sa piling tula na isinulat ng makatang manunulat na si Jose Corazon de Jesus. Pagsusumikapang mabigyan ng kasagutan ang mga sumusunod na katanungan: 1. Anu-ano ang mga pananaw na matatagpuan sa tulang sinusuri:   

Damdamin Katotohanan Guni-guni

2. Anu-ano ang pangunahing kaisipan ang matatagpuan sa tulang sinusuri? 3. Anu-ano ang naging epekto ng pagsusuri ng dalawang piling tula sa mga mag-aaral ng araling Filipino? 4. Ano ang kahalagahang moral at sosyal ang matatagpuan sa tulang sinusuri? 5. Ano ang implikasyon ng dalawang piling tulang sinusuri

Kapayapaan National High School

Kahalagahan ng Pananaliksik Pangunahing

interes

ng

mananaliksik

na

mapayaman,

mapaunlad, at mapalusog ang araling Filipino. Naniniwala ang mananaliksik na ang pag-aaral na ito ay makapagdudulot ng kapakinabangan sa iba’t ibang sector ng lipunan particular ang mga sumusunod: Sa mga Mag-aaral. Makatutulong ang pananaliksik na ito para sa pagpapalawak ng kaalaman tungo sa panitikan at kapupulutan ng aral para sa bawat mag-aaral at mapagyabong ang kanilang mga kaalaman ukol sa panitikan at sa iba pang mga akdang pampanitikan. Sa mga Guro. Maaring gamitin o maging gabay ang pananaliksik na ito sa kanilang talakayin upang maging epektibo ang pagtatalakay para sa mga estudyanteng kanilang tinuturuan. Sa Paaralan. Ang pananaliksik na ito ay maaaring maging ambag sa paaralan at maging inspirasyon ng mga mag-aaral. Maaari rin itong pagkuwaan ng mga impormasyon tungkol sa panitikan. Sa mga susunod na Mananaliksik. Ang pag-aaral na ito ay makakatulong sa kanila upang maging batayan sa kanilang magiging pagaaral sa gagawing pananaliksik.

Kapayapaan National High School

Saklaw at Limitasyon ng Pag-aaral Ang pag-aaral na ito ay sumasaklaw sa mga mag-aaral at piling guro ng asignaturang Filipino ng Kapayapaan National High School Lungsod ng Calamba. Ang mga piniling 20 na mag-aaral mula sa ika-walong baitang pangkat Rose sa mataas na paaralan ng Kapayapaan National High School, ang naging respondente ng pag-aaral. Aabutin sa di kumulang limampung pahina ang aabutin ng pananaliksik na ito. At nais din malaman ng mananaliksik kung gaano kalawak ang kaalaman ng mga mag-aaral sa larangan ng panitikan.

Kapayapaan National High School

Katuturan ng mga Katawagang Ginamit Ang mga susmusunod na katawagang ginamit ay binibigyang paliwanag upang higit na maunawaan ang pag-aaral na ito at upang lalong mapabilis ang pagkaunawa ng mga mambabasa sa mga terminolohiyong ginamit. Filipino- asignaturang kasama sa binibigyang pagsusuri Panitikan- nagsasabi o nagpapahayag ng mga kaisipan, mga damdamin, mga karanasan,hangarin at diwa ng mga tao. Paradima- Naglalarawan ng magkakaibang mga konsepto o gawi ng kaisipan ng anumang disiplinang pang-agham o iba pang diwang pang-estimolohiya. Ang paradima ay may literal na kahulugang “ mga modelo, tularan o huwarang pangkaisipan”. Saknong- tinatawag ding taludturan. Ito ay isang yunit na nasa loob ng isang mas malaking tula. Teoryang pampanitikan- isang sistematikong pagaaral ng panitikan at ang mga paraan sa pag-aaral ng panitikan. Tula- isang anyo ng panitikan na ginagamitan ng marikit na salita upang ipahayag ang damdamin ng isang tao at kaisipan batay sa sariling karanasan, namasid at napakinggan....


Similar Free PDFs