Pagbabago sa Gamit ng Wika sa Online Class ng Baitang 11 STEM ng Paco Catholic School Taong Panuruan PDF

Title Pagbabago sa Gamit ng Wika sa Online Class ng Baitang 11 STEM ng Paco Catholic School Taong Panuruan
Author Anelita Grace Valdez
Pages 23
File Size 1.1 MB
File Type PDF
Total Downloads 37
Total Views 264

Summary

Paco Catholic School 1521 Paz Street Paco, Manila High School Department PAASCU Accredited Level III Pananaliksik: Pagbabago sa Gamit ng Wika sa Online Class ng Baitang 11-STEM ng Paco Catholic School Taong Panuruan 2021-2022 Lider: Valdez, Anelita Grace N. Miyembero: Albano, Mark B. Caladiao, Raphi...


Description

Accelerat ing t he world's research.

Pagbabago sa Gamit ng Wika sa Online Class ng Baitang 11 STEM ng Paco Catholic School Taong Panuruan Anelita Grace Valdez

Related papers

Download a PDF Pack of t he best relat ed papers 

Paco Catholic School 1521 Paz Street Paco, Manila High School Department PAASCU Accredited Level III

Pananaliksik: Pagbabago sa Gamit ng Wika sa Online Class ng Baitang 11-STEM ng Paco Catholic School Taong Panuruan 2021-2022

Lider: Valdez, Anelita Grace N. Miyembero: Albano, Mark B. Caladiao, Raphiel John B. Gamo, Liam Isiah B. Magbuhos, Lance Leo P. Pedregosa, Zedrik L. Talino, Kurt Rozuel A. David, Kyrie Eleison N. Moreno, Reinelyn Aiel G. Rodriguez, Marie Claire R.

Grade 11 – STEM 5 Disyembre 2021 Page | 1

Dahon ng Pasasalamat Ang mga mananaliksik ng pag-aaral na pinamagatang “Pagbabago sa Gamit ng Wika sa Online Class ng Baitang 11-STEM ng Paco Catholic School Taong Panuruan 2021-2022” ay nagbibigay ng pasasalamat sa mga sumusunod: Sa aming kagalang galang na tagapayo sa asignaturang Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino na si Ginang Evangeline Valencia, na tumulong at gumabay sa mga mananaliksik ng paksang ito. Ang pagbabahagi ng kanyang kaalaman tungkol sa pananaliksik ay malaking tulong sa amin upang maging makabuluhan ang pag-aaral na ito. Sa pamilya at kaibigan ng mga mananaliksik na tumulong sa amin upang bigyan kami ng suporta upang matapos ang pananaliksik na ito. Sa mga respondente na naglaan ng oras upang matulungan ang mga mananaliksik na makakalap ng kasagutan o datos sa mga inihanda naming sarbey o mga katanungan para sa pananaliksik. Malaking pasasalamat ang aming handog sa inyo para sa inyong partisipasyon at pagbibigay ng tapat na kasagutan. Sa Panginoon na nagbigay lakas at gumabay sa mga mananaliksik upang matamo ang hinihiling na layunin. Walang sawang pasasalamat ang alay namin sa Iyo dahil sa patuloy na pagbigay ng lakas ng loob sa mga miyembro ng pananaliksik na ito.

Page | 2

Talaan ng Nilalaman Pamagat ng Proyekto ….........................................................................................................p.1 Pasasalamat ….........................................................................................................................p.2 Kabanata I Suliranin at Kaligiran ng Pag-aaral A. Panimula

……………………………………………...p.4

……………………………………………………………..…p.4

B. Batayang Konseptwal

.………………………………………………….p.5

C. Layunin ng Pag-aaral

.…………………………………………………..p.6

D. Kahalagahan ng Pag-aaral …...………………………………………….p.7 E. Saklaw at Limitasyon

..……………………………………….………..p.8

F. Katuturan ng mga Salitang Ginamit .……………………….…………..p.8-9 Kabanata II Kaugnay na Literatura at Pag-aaral …………………………………..……...p.10-17 Kabanata III Metodolohiya ……………………………………………………………………….p.18 A. Disenyo ng Pananaliksik …………………………………………………p.18 B. Populasyon at Lugar ng Pananaliksik

…………………………………...p.18

C. Kasangkapan ng Paglikom ng Datos …………………………………….p.19 D. Paraan ng Pangangalap ng Datos ………………………………………....p.19 E. Pagsusuri ng Datos ……………………………………………………….p.20 F. Etikal na Konsiderasyon …………………………………………………p.20 Talasanggunian …………………………………………………………………………..p. 21-23

Page | 3

Kabanata I Suliranin at Kaligiran ng Pag-aaral A. Panimula Ang ating paggamit sa wika ay patuloy na nababago kasabay ng modernisasyon. Sa ating kasalukuyang panahon, mas lantad ang ating pakikipag-usap sa internet o gamit ang ibang online messaging apps tulad ng Messenger, Viber, Telegram, at iba pa. Ang pagsusuri sa tamang paggamit ng wika ay isang pundasyon ng pagkakaintindihan ng mga indibidbwal sa pakikipagkomunikasyon sa isa’t isa. Hindi masasabing mabisa ang pakikipag-ugnayan kung hindi naintindihan ng iyong kausap ang nais ilahad na mensahe. Nais suriin sa pag-aaral na ito ang paraan kung paano nahubog ng modernisasyon sa teknolohiya ang paggamit ng wika ng mga estudyante ng Baitang 11-STEM ng Paco Catholic School ngayong online class. Marahil sa pagbago ng panahon, pati na rin ang paggamit natin sa wika ay nababago na. Maaring natututo tayo gumamit ng mga pinaikling salita, balbal, o slangs na naiimbento sa pag-usad ng panahon. Maaring kasanayan ito ng mga estudyante at magamit sa mga proyekto, sanaysay, at iba pang asignatura na gamit ay tagalog na wika sa pagtuturo. Batay sa aming pag-aaral mayroong anim na gamit ng wika sa lipunan: instrumental, regulatori, interaksyonal, personal, hueristiko, at representatibo. Bawat isa ay may layunin na kailangan ng sensyunal na pagkakaintindi dahil may mga pagkakataong na nagdadala ito ng kalituhan sa tamang paggamit ng wika kung wala tayong sapat na kaalaman sa angkop na depinisyon nito. Ayon

kay

Josefina

Mangahis

et

al.,

(2008),

mahalagang

instrumento

sa

pakikipagkomunikasyon ang wika. Kaya’t marapat lamang na alamin ang mga pagbabago sa gamit ng wika na maaring makapagdala ng rason ng hindi pagkakaintindihan ng bawat isa.

Page | 4

B. Batayang Konseptwal Ang wika ang nagbubuklod at nagsisilbing daan upang magkaunawaan ang mga indibidwal. At sa patuloy na pagbabago ng panahon, makikita ang kaibahan ng paggamit ng wika noon kesa ngayon. Nais suriin ng mga mananalisiksik ang paraan ng pag-aanalisa ng paksa kaya naghanda ang pangkat ng batayang konseptwal para sa magiging input, proseso, at awtput ng pananaliksik. Input Nais ng aming ka grupo sa pananaliksik, na malamang kung meron nga bang pagbabago sa paggamit ng wika sa baitang ikalabing isang baitang ng STEM sa panuruan ng 2021-2022. Nais namin malaman ang kabutihan at masamang dulot nito lalo na’t nasa bagong pamamaraan tayo ng pag-aaral.

Proseso Kaming mga mananaliksik ay mag bibigay ng sarbey at kwestyuner sa mga piling mag-aaral ng STEM sa Paco Catholic School. Sa pamamaraan na ito ay malalaman namen ang hinaing at kamalayan nila sa paggamit ng wika sa kasalukuyan.

Awtput Sa pagtatapos ng aming pangangalap ng datos, malalaman namin kung meron nga bang kamalayan ang mag-aaral ng labing isang baitang ng STEM sa Paco Catholic School. Malalaman din namin ang mabuti at masamang dulot ng pagbabago sa paggamit ng wika. Page | 5

C. Layunin ng Pag-aaral Sa panahon ngayon, patuloy na nagbabago at umuunlad ang ating bansa. Kabilang na sa pagbabagong ito ang paraan ng ating pananalita. Halos araw-araw ay may panibagong salita ang nalilikha, lalo na sa mga tinedyer o millennials. At dahil dito, napagpasiyahan ng Pangkat 1 ng 11- STEM 5 na pag- aralan ito. Sa pamamagitan ng pagsusuring ito, nais ng mga mananaliksik na: 1. Malaman kung ano-ano ang nabago sa pakikitungo ng mga mag-aaral ng STEM 11 ng Paco Catholic School ngayong online class. 2. Matuklasan kung ano ang magaganda at masasamang dulot ng pagbago ng wika. 3. Malaman ang dahilan at pamamaraan ng pagbabago ng wika ng mga mag-aaral.

Paglalahad ng Suliranin Ang pag-aaral tungkol sa “Pagbabago ng Gamit ng Wika sa Online Class ng Baitang 11-STEM ng Paco Catholic School Taong Panuruan 2021-2022” ay naglalayong masagot ang mga sumusunod na katanungan: 1. Ano ang propayl ng mga respondente o magaaral? 1.1 Antas ng edukasyon 1.2 Edad 1.3 Abilidad ng respondente patungkol sa wika 2. Hanggang saan ang kaalaman ng mga mag-aaral tungkol sa wastong paggamit ng wika? 3. Ano ang mga naging epekto ng hindi pag-unawa ng mga estudyante sa wastong paggamit ng wika?

Page | 6

D. Kahalagahan ng Pag-aaral Napili ito bigyan ng pansin upang maipahatid ang mensahe na onti onti nagbabago ang ating wika para sa mga studyante. Ang pagtuturo ay mas naging kompleks kumpara noong face to face classes na para sa iba pagdating sa pagdidiskusyon, ay mas madaling intindihin at unawain. Ito rin ay nakakatulong sa pamantasan sa pagdidiskubre ng kagustuhan ng mga studyante nito pagdating sa pagtuturo ng guro. Ito ay mapapakinabangan ng mga susunod na mananaliksik dahil ito ay pupwede nila gawing gabay sa kanilang pag aaral sa paksang Komunikasyon. Hindi lamang studyante ang may benepisyo sa pag aaral na nito kundi pati ang mga mamamayang Pilipino, dahil maaring magsilbeng paalala ito na onti onti ng nagiging moderno ang ating wikang nakagisnan at kultura ng bansa natin. Bilang lingua franca ng ating bansa, ito ang salitang alam ng lahat saan mang pulo ng Pilipinas kaya nararapat natin itong talakayin lalo na ngayon, ito ay nagiging moderno dahil sa mga kabataan at social media.

E. Saklaw at Limitasyon Paksa Ang paksa ng pananaliksik na ito ay nakatuon sa pagbabago ng pag gamit ng wika ng mag aaral ng Paco Catholic School ng Baitang 11 pangkat STEM ngayong online class, isinagawa itong pananaliksik upang makakalap ng impormasyon sa pagbabago ng pag gamit ng wika at malaman ang kanilang mga karanasan at dahilan sa kanilang pagbabago ng wika.

Page | 7

Nang dahil sa pandemiya ay mas naging patok ngayon ang social media sa mga magaaral ng Paco Catholic School Baitang 11 pangkat STEM at dahil dito ay nagbabago ang gamit sa wika sapagkat may mga salitang naiimbento sa bawat paglipas ng panahon isa sa mga halimbawa nito ay ang millenials.

Nang dahil sa mga naimbentong salita na ito ay hindi na nagagamit ng wasto ang wikang Filipino kung kaya’t ang layunin ng mga mananaliksik sa pag aaral na ito ay malaman ang dahilan o malaman kung may pagbabago ba sa pag gamit ng wika ngayong online class.

Limitasyon Ang pananaliksik na ito ay limitado lamang para sa mga mag aaral ng Baitang labing – isa (11) sa academic strand na Science, Technology, Engineering & Mathematics (STEM). ito ay naganap lamang sa loob ng paaralan ng Paco Catholic School at nag simula ang pananaliksik sa unang semester ng panuruang 2021-2022.

F. Katuturan ng mga Salitang Ginamit Upang maging mas madali at ganap ang pagkakaintindi ng mga mambabasa, minarapat naming bigyan ng depinisyon o katuturan ng mga salitang ginamit batay sa kung paano ginamit ang bawat isa sa pamanahong-papel na ito.

Ang online class ay isang yugto ng pag-aaral na isinasagawa sa pamamagitan ng paggamit ng Internet, at ang mag-aaral ay hindi na kailangan pa lumabas ng bahay upang pumunta sa klase at makilala ang guro at mga kamag-aral.

Page | 8

Ang Internet ay isang sistema ng mga network na magkakaugnay sa pamamagitan ng iba't ibang mga protocol na nag-aalok ng isang mahusay na pagkakaiba-iba ng mga serbisyo at mapagkukunan, tulad ng, halimbawa, pag-access sa mga file ng hypertext sa pamamagitan ng web.

Ang E-learning ay isang modelo ng pagtuturo na nagtataguyod ng paggamit ng impormasyon at teknolohiya ng komunikasyon.

Ang virtual learning environment (VLE) ay isang kapaligiran sa pagtuturo at pag-aaral kung saan ang mga kalahok ay maaaring makipag-ugnay, makipag-usap, tingnan at talakayin ang mga presentasyon, at makisali sa mga mapagkukunan ng pag-aaral habang nagtatrabaho sa mga grupo, lahat sa isang online na setting.

Ang Learning Management System (LMS) ay isang malawak na termino na ginagamit para sa malawak na hanay ng mga system na ayusin at magbigay ng access sa mga serbisyo sa online na pag-aaral para sa mga mag-aaral, guro, at administrator.

Ang online messaging apps ay maaaring maihatid sa pamamagitan ng teksto, pasalita, audio, visual o audio-visual (A/V) na komunikasyon sa pamamagitan ng Internet.

Ang social media ay tumutukoy sa sistema ng pakikipag-uganayan sa mga tao na kung saan sila ay lumilikha, nagbabahagi at nakikipagpalitan ng impormasyon at mga ideya sa isang virtual na komunidad at mga network. Page | 9

Kabanata II Kaugnay na Literatura at Pag-aaral

Ayon

kay

Josefina

Mangahis

et

al.,

(2008),

mahalagang

instrumento

sa

pakikipagkomunikasyon ang wika. Nag-uugat ang tungkulin nito sa umiral na sistema ng isang kultura ayon sa pamantayan ng paniniwala, tradisyon, pag-uugali, at kung paano nakikisalamuha ang mga tao sa lipunang kanilang ginagalawan. Batay sa pag aaral nila Michael A.K. Halliday, Roman Jakobson at W.P. Robinson ng pangkalahatang gamit ng wika upang mapag-aralan natin kung papaano napapakilos o napagagalaw ng wika ang lahat ng bagay sa mundo. Kaugnay nito, isinalaysay ni Dr. Aurora Batnag (Kabayan, 2001) na ang Pilipinas ay multilinggwal at multicultural, nabubuklod ang ating mga watak-watak na isla ng iisang mithiin na ipinapahayag hindi lamang sa maraming tinig ng iba’t- ibang rehiyon kundi gayon din sa isahang midyum na Wikang Filipino. Samakatuwid hindi matutumbasan ang papel ng wika sa pagtatangkang baguhin ang kalagayan ng lipunan ng isang bansa. Ayon sa pananaliksik ng mga mag-aaral ng PHINMA-University of Pangasinan, sa “Epekto ng modernisasyon ng wikang Filipino sa pag-aaral ng mga Senior High School sa Unibersidad Ng Pangasinan”, na maraming mga kabataan at mag-aaral ang kasalukuyang gumugugol ng karamihan sa kanilang oras sa mga social networking sites. Natagpuan din ng mga mananaliksik na maraming mga bagong termino ang bumubuo bilang isang resulta ng mga social networking sites, na maaaring humantong sa modernisasyon ng wikang Filipino. Nais din nilang malaman kung nangangahulugan ito na ang wikang Filipino ay patuloy na umunlad. Sa kabilang banda, tinawag nila ang pansin sa katotohanan na ang ilang mga katutubong wika at mga Page | 10

kinagisnang termino ay tila naglalaho. Kasabay ng paggawa ng makabago at pagpapakilala ng bagong teknolohiya, ang wikang Filipino ay patuloy na nagbabago. Kasama sa mga halimbawa ang paggamit ng iba't ibang mga diskarte upang mabawasan ang pagbigkas at pagbaybay ng wikang Filipino, pati na rin ang paggamit ng mga akronim o titik na sumisimbolo ng isang salita o tumayo bilang kapalit ng isang salita upang gawing mas simple upang maunawaan. Napaglaguman ng mga mananaliksik na tunay at ganap ang modernisasyon ng wikang Filipino, sa paraan na ito ang magpapa-unlad at magpapalaganap ng wika. Ang mga social network sites ay nakakatulong, ngunit ito rin daw ang isang salik na nakakapagpalimot gamitin at alalahanin ang mga katutubong wika. Ang wikang Ingles din ay dumaragdag sa modernisasyon ng wika. Makikita sa mga social networking sites na ang pagpapayahag ng saloobin at opinyon ay nasa wikang Ingles, ngunit sa datos na nakalap ng mga mananaliksik, madalas pa rin gamitin ang wikang Filipino. Ang istilong jejemon at conyo naman ay hindi gaano nakakatulong sa kadahilanan na hindi nagkakaunawaan ang magka-usap, at hindi rin ito nakakatulong sa pag-unlad ng mga wikang pinaghalo (Ingles at Filipino) dahil sa hindi ito maganda pakinggan. Nais malaman at paalalahanan ng mga mananaliksik na bilang isang mag-aaral o estudyante sa Senior High School na maging responsable sa paggamit ng wikang Filipino sa pagaaral, pakikisalamuha, at paglalabas ng saloobin o opinyon sa social media at maging sa reyalidad na tunay at ganap na nangyayari ang modernisasyon ng wikang Filipino. Ayon kay Ana Marie Zaldivar sa kanyang essay na “Ang Gramatikang Filipino”, Ang gawain ng isang guro sa Filipino ay hindi madali dahil kinakailangan ang kaalaman na malalim sa teoryang pang gramatika na kanyang ilalapat sa mga inihanda nyang diskusyon. Kaya para sa mga naghahanagad maging guro ng Filipino balang araw at sa mga nagtuturo na, malaking ambag ang kaalaman sa teoryang wika at gramatika. Page | 11

Kinakailangan natin intindihin na kritikal ang wikang Filipino. Kung ito ay susuriin natin ng mabuti, masasabi natin na ang Wikang Filipino ay ang wikang pang komunikasyon ng buong bansa. Isinasaad pa na buhay ang wikang ito, na ibig sabihin ay dinamiko ang wika natin. Ito ay nabubuhay sa pag hiram ng ibang salita sa wikang dayuhan at wikang katutubo na may natatanging katangian. Ang gramatika ay bahagi ng diskuro ayon kay Ross Alonzo ng Unibersidad ng Pilipinas. Ito ang pinaka importanteng sangkap sa pagsasalita, pakikinig, pagbabasa, pagsulat, at panonood. Mas huhusay ang pagtuturo kung alam ng guro paano natututunan at gamitin ang wika. Gramatika ang batayan ng wika at sa balangkas na ito mabubuo ng mga mag aaral ang kanilang ginagawa at makikita ang kanilang pag unlad. Nararapat na alamin ng isang guro ang iba’t ibang teorya sa wika at gramatika dahil ang kabatiran ng mga teoryang ito ang ay hindi sapat kung hindi maituturo ng tama. Kahit anong ganda ng aralin na tinuturo, kung ghindi ito napupusuan ng estudyante ay baliwala din ang pagod ng guro. Ayon kay Maria Fe Gannaban Hicana, Nararapat lang na taglay na isang guro ang malalim na kaalaman sa mga teoryang panggramatika at pangwika na iaangkop sa mga paksang kanyang ituturo ang teoryang panggramatika at pangwika upang maging saligan o salalayan sa pagtuturo ng wikang filipino sa larang ng gramatika at wika. Kailangan natin mas maintidihan ang wikang filipino. Ang mga teoryang referens na gramatika, pedagohikal na gramatika, at gramatika bilang produkto. Kasanayan ay inilahad hingil sa mga teoryang panggramatika.

Page | 12

Ang desisyong ng guro hinggil sa pamamaraaang pipiliin sa pagtuturo ay ginagabayan ng kaniyang paniniwala tungkol sa wika at gramatika at pagkatuto ng wika at gramatika maraming teortabo pananaw ang isinusulong kaugnaybjg pagtuturo ng wika at gramatika Ayon sa pananaliksik na pinamagatang; Millenial Slang: Mga Pagbabago sa Sistema at Pag-unlad ng/sa Gramatikang Filipino Introduksyon Sa mabilis na pagtakbo ng panahon, kasabay nito ang pag-unlad ng pamumuhay ng tayo, na kaugnay ng lumalaking konsepto ng pagbabago ng wika, at sa paglipas ng panahon nakabuo ang mga makabagong kabataan o kilala sa tawag na millennials ng kanilang paraan ng komunikasyon na mas nagpaunlad ng gramatikang Filipino. Nang dahil dito ay tuluyang umunlad at umangat ang ating bansa patungo sa magandang kinabukasan. Ayon kay Hill at Gleason (2000), ang wika ay patuloy na nagbabago dahil ito’y dinamiko, gayunman, ay maaaring tanggihan ang pagbabago at tuluyang magbago sa mga susunod pang henerasyong darating. Ang isang stagnant na wika ay maaaring ammatay kung tuluyan na itong hindi gamitin. Ngayon ay gumagamit na ng makabagong ortograpiya ang mga Pilipino- na may pinag-anib na mga bagong konseptong panggramatika na nagagamit sa pang-araw-araw. At ayon naman kay Gette, ang mga salitang balbal ay ang hindi karaniwang ginagamit sa grupo ng mga mananalastas. Ang bawat tao ay nabibilang sa iba’t ibang uri ng lipunan, kaya’t may kani-kaniyang arbitraryo ang mga ito. Ayon kay Cafford (1965), sa lahat ng antas ng wika, kung ano ang nakasanayang balbal ngayon, ang malalaos na bukas dahil ang balbal ang pinakadinamiko sa lahat. Maaari rin kasing ang pag-usad ng mga salitang balbal sa kasalukuyan ay mapalitan o madagdagan sa kinabukasan. At ayon sa kanilang serbey, madalas nga talagang gumamit ng mga slang ang mga millennial sa pakikipag- talastasan. Ang “charot”, “kyah”, at “lodi” ay ang pangkaraniwang ginagamit ng mga ito. “Charot” na nangangahulugang nagbibiro lamang, “Kyah” na ginagamit Page | 13

kapag tumatawag sa lalaking mas matanda pa sa kanila, at “Lodi” na binaliktad na salitang “idol” ay ginagamit kapag nakikipag-usap sa taong hindi gaanong kakilala o kapag hinahangaan niya ito. Hindi lamang sa berbal na pakikipag-usap ginagamit ang mga ito, kundi sa pakikipag “text” din. Sa texting naman ay ginagamit rin ang mga salita gaya ng “sml” o “skl”. “Sml” na nangangahulugang “share mo lang” na ginagamit kapag ipinapakita ng isang tao na wala siyang pakialam sa sinabi ng kanyang kausap. At “Skl” na nangangahulugang “Share ko lang” na maaaring gamitin kapag nais ipaalam sa kausap na gusto lamang nito na maibahagi ang kanyang opinyon o karanasan. Sa kanilang pananaliksik na ito, ay nalinawagan ang aking isip ukol sa kung paano nga ba tuluyang umuunlad at nagbabago ang wika. At ating masasabi na habang patagal nanag patagal, ay parami nang parami ang naidadagdag na salita sa wikang Filipino. At tuluyang nagagamit sa berbal at di-berbal na pamamar...


Similar Free PDFs