Kartilya ng Katipunan PDF

Title Kartilya ng Katipunan
Course Mga Babasahin Hinggil Sa Kasaysayan
Institution Cavite State University
Pages 1
File Size 46.7 KB
File Type PDF
Total Downloads 300
Total Views 669

Summary

Kartilya ng KatipunanBase sa aking pagkakaunawa sa mga aral ng Katipunan na nakasaad sa kanilang kartilya, aking masasabi na ang mga aral na ito ay sumasalamin sa kanilang kalagayan sa panahon na iyon. Aking ilalahad ang aking naunawaan sa mga aral na tumatak sa aking isipan. Una, ipinapakita ng una...


Description

Kartilya ng Katipunan Base sa aking pagkakaunawa sa mga aral ng Katipunan na nakasaad sa kanilang kartilya, aking masasabi na ang mga aral na ito ay sumasalamin sa kanilang kalagayan sa panahon na iyon. Aking ilalahad ang aking naunawaan sa mga aral na tumatak sa aking isipan. Una, ipinapakita ng unang aral na ang bawat Pilipino sa panahong iyon ay may layunin at kakahayan na ipaglaban ang kanilang mga karapatan laban sa mga mapang-abusong mga mananakop. Ang layunin at kakayahan na ito ay nasasayang lamang kung ang mga Pilipino ay tatahimik na lamang at hindi magsisimulang tumayo at harapin ang kanilang mga kaaway. Sunod, ipinapakita ng pangalawa, ikatlo, at ikalimang aral na ang pakikibaka ng Katipunan ay hindi nag-uugat sa pansariling kagustuhan kung hindi para sa ikabubuti at ikalalaya ng lahat. Dagdag pa rito, walang materyal na kapalit ang kanilang ginagawa bagkus ay maaari pang magdulot ng kapahamakan at pagkasawi. Sunod, sinasalamin ng ika-labing-isang aral na ang mga kababaihan sa panahon ng Katipunan ay parte rin ng pakikibaka laban sa mga mananakop katulad na lamang ni Gregoria de Jesus na siyang nanguna sa mga Katipunera. Panghuli, ipinapakita ng ika-labingtatlong aral na kahit ang tingin sa atin ng mga dayuhang mananakop ay mas mababang uri ng mga tao, nakikita naman sa ating mga gawa na tayo ay mas nakaaangat sa kanila bilang isang tao sapagkat tayo ay hindi nang-aapi ng iba at naninindigan tayo sa ating dignidad, karangalan, at prinsipyo. Sa huli, ang kabuuang ideya na nais ipabatid ng mga aral ng Katipunan ay ang pagiging isang Pilipino na hindi makasarili at may pagmamahal sa kaniyang sariling bayan kung saan handa niyang ipaglaban ang kapwa niya Pilipino na inaapi at pinahihirapan ng mga mapang-abusong mananakop....


Similar Free PDFs