Lesson Plan Ap 7 (2020-2021) PDF

Title Lesson Plan Ap 7 (2020-2021)
Course oral communication
Institution Westmead International School
Pages 9
File Size 288.1 KB
File Type PDF
Total Downloads 35
Total Views 161

Summary

This is a Sample Lesson Plan per week....


Description

Republic of the Philippines Department of Education Region IV-A CALABARZON

Taysan High School and Child Development Center Taysan, Batangas Banghay- Aralin sa Araling Panlipunan Baitang 7 Unang Markahan 2020-2021 I.

Layunin 1. Naipaliliwanag ang konsepto ng Asya tungo sa paghahating heograpiko: Silangang Asya, Timog-Silangang Asya, Timog Asya, Timog- Kanlurang Asya at Hilagang Asya; 2. Natutukoy sa mapa ang ugnayan ng tao at kapaligiran sa paghubog ng kabihasnang Asyano; 3. Nakakagawa ng isang tula na magpapahayag ng kagandahan ng katangiang pisikal ng Asya.

II.

Nilalaman A. Paksa: Katangiang Pisikal ng Asya B. Sanggunian: Paglinang sa Kasaysayan 7 pahina 10-14 C. Kagamitang Panturo: Powerpoint Presentation Video Presentation Mapa ng Asya

III.

Pamamaraan Panalangin Pambungad na Pagbati Pagtatala ng mga liban

A. Aktibiti Video Analisis B. Analisis Ano ang Kontinente? Anu-ano ang mga kontinente sa mundo?

Ano ang pinakamalaking kontinente sa mundo?

C. Abstraksyon a. Maglahad nang paghahambing at pagtutulad sa katangiang pisikal ng Hilagang Asya at Kanlurang Asya, ng Timog Asya at Silangang Asya, at ng mainland Southeast Asia at insular Southeast Asia. D. Aplikasyon Pag-aralan ang mapa ng Asya at alamin ang mga bansang kinabibilangan ng bawat rehiyon na nasa Activity Sheet IV.

Pagtataya Pagtataya(Multiple Choice)

V.

Takdang Aralin Photo Essay Gumawa ng photo essay tungkol sa Heograpiya ng Asya

Prepared by:

Maria Thea H. Gualter Teacher

Noted by:

Mrs. Mila V. Panganiban School Principal

Republic of the Philippines Department of Education Region IV-A CALABARZON

Taysan High School and Child Development Center Taysan, Batangas Banghay- Aralin sa Araling Panlipunan Baitang 7 Ikalawang Markahan 2020-2021

I. Layunin 1. Natatalakay ang kahulugan ng kabihasnan at sibilisasyon 2. Natutukoy ang unang kabihasnan sa kanlurang Asya II. Nilalaman Paksa: Katangiang Pisikal ng Asya Sanggunian: Paglinang sa Kasaysayan 7 pahina 86-94 Kagamitang Panturo: Laptop Powerpoint Presentation III. Pamamaraan Panalangin Pambungad na Pagbati Pagtatala ng liban A. Aktibiti Pag-aanalisa ng mga larawan na nasa powerpoint

B. Analisis 1. Ano ang kabihasnan? 2. Anu-ano ang mga Kabihasnang umusbong sa Kanlurang Asya? 3. Kung papipiliin ka ng isang kaharian sa Mesopotamia na nais mong tularan ng Pilipinas sa kasalukuyan, alin ito at bakit? 4. Bakit sa Mesopotamia unang umusbong ang pinakaunang kabihasnan?

C. Abstraksyon a. Ano-anong mga bagay na makapagpapatunay na nagkaroon ng kabihasnan ang sinaunang Asyano? b. Ano-ano ang mga batayang salik sa pagkakaroon ng kabihasnan? c. Naging sapat ba ang kakayahan ng mga sinaunang Asyano upang mapaunlad ang kanilang kabihasnan? Ipaliwanag ang iyong sagot. d. Makatarungan ba ang mga batas na ipinatupa sa Babylonia? e. Masasabi mo bang mahinang pinuno si Ashurbanipal dahil hindi niya gusto ang digmaan? Bakit? D. Aplikasyon Ikaw ay isang arkitekto na inatasan na isang land developer na magdisenyo ng isang kondominyo na base sa Hanging Gardens of Babylon. Ipapakita mo sa kinatawan ng developer ang iyong makabagong disenyo na nakaguhit sa isang oslo paper. IV. Pagtataya Sagutan ang maikling pagsusulit sa Genyo. V. Takdang Aralin Gawin ang K3 bilang dalawa sa pahina 96 ng iyong aklat.

Prepared by:

Maria Thea H. Gualter Teacher

Noted by:

Mrs. Mila V. Panganiban School Principal

Republic of the Philippines Department of Education Region IV-A CALABARZON

Taysan High School and Child Development Center Taysan, Batangas Banghay- Aralin sa Araling Panlipunan Baitang 7 Ikatlong Markahan 2020-2021 I. Layunin 1. Natutukoy at nasusuri ang mga pangyayaring naganap sa Timog at Kanlurang Asya mula ika-16 hanggang ika-21 siglo. 2. Natutukoy ang mga kolonyalismo sa Timog Asya II. Nilalaman A. Paksa: Tagpuan sa Timog at Kanlurang Asya B. Sanggunian: Paglinang sa Kasaysayan 7 pahina 170-177 C. Kagamitang Panturo: Laptop Aklat Powerpoint Presentation III. Pamamaraan Panalangin Pambungad na Pagbati Pagtatala ng liban A. Aktibiti Guess who game? B. Analisis 1. Ano ang kolonyalismo? 2. Ano- ano ang mga dahilan na nagbunsod sa mga Kanluranin na lalong maghangad ng kolonya sa Timog at Kanlurang Asya? 3. Bakit Portugal ang nanguna sa paglalakbay sa karagatan? 4. Nagkaroon ba ng pakinabang ang India sa pagdating ng mga Kanluranin? Ipaliwanag.

C. Abstraksyon a. Makatwiran ba ang naging dahilan ng mga Europeo sa kanilang paglalakbay sa ibang lupain? Ipaliwanag. b. Maayos ba ang naging pakikitungo at pamamalakad ng mga Briton sa India? Ipaliwanag. D. Aplikasyon Ikaw ay empleyado ng India sa London. Bilang bahagi ng paggunita ng IndiaBritain Friendship Day, naatasan ka na gumawa ng timeline ng pagdating at pamamahala ng mga Briton sa India kasama na rin ang mga pagbabagong naganap sa panahong ito. Magiging bahagi ang iyong timeline ng isang exhibit na gaganapin sa embahada. Tiyakin ang kawastuhan ng nilalaman ng timeline, at gawing maayos at malikhain ang presentasyon nito. IV. Pagtataya Sagutan ang K1 sa pahina 177-178 ng iyong aklat. V. Takdang Aralin Sagutan ang takdang aralin na makikita sa Genyo.

Prepared by:

Maria Thea H. Gualter Teacher

Noted by:

Mrs. Mila V. Panganiban School Principal

Republic of the Philippines Department of Education Region IV-A CALABARZON

Taysan High School and Child Development Center Taysan, Batangas Banghay- Aralin sa Araling Panlipunan Baitang 7 Ikaapat na Markahan 2020-2021 I. Layunin 1. Nabibigyang halaga ang papel ng Nasyonalismo sa pagbuo ng mga bansa sa Timog at Kanlurang Asya 2. Nasusuri ang mga salik at pangyayaring nagbigay-daan sa pag-usbong at pag-unlad ng nasyonalismo.

II. Nilalaman D. Paksa: Pagsibol ng Nasyonalismo sa Timog at Kanlurang Asya Mga Kilusang Nasyonalista sa Timog Asya E. Sanggunian: Paglinang sa Kasaysayan 7 pahina 188-195 F. Kagamitang Panturo: Laptop Powerpoint Presentation III. Pamamaraan Panalangin Pambungad na Pagbati Pagtatala ng liban A. Aktibiti Picture! Picture! B. Analisis 1. Sino si Surendranath Banerjee? 2. Ano ang Indian National Congress? Ano ang layunin nito? 3. Sino si Mohandas Gandhi? 4. Ipaliwanag ang gampanin ng edukasyon sa pagtatatag ng mga kilusang nasyonalista sa India.

C. Abstraksyon a. Pag-uulat sa pamamagitan ng pagbibidyo. b. Ipaliwanag ang kahulugan ng nasyonalismo. c. Ano-ano ang dahilan ng pagpapakita ng nasyonalismo ng mga bansa sa Timog at Kanlurang Asya? d. Alin sa mga naging tugon ng mga bansa sa Timog at Kanlurang Asya ang naging mabisa sa pagpapakita ng nasyonalismo at pagkakamit ng kalayaan? Ipaliwanag. D. Aplikasyon Gawain 6: Reaksyon Mo , Kailangan Ko! Sabihin ang iyong reaksyon ukol sa pahayag sa ibaba. “Mas malakas ang puwersa ng walang karahasang lumalaban, malaya sa poot at walang armas na kailangan”

IV. Pagtataya Pagsusulit (Essay) V. Takdang Aralin Sagutan ang K1 sa pahina 196 ng inyong aklat. Prepared by:

Maria Thea H. Gualter Teacher

Noted by:

Mila V. Panganiban School Principal...


Similar Free PDFs