Marcos: Isa nga bang Bayani? (Posisyong Papel) PDF

Title Marcos: Isa nga bang Bayani? (Posisyong Papel)
Author E. De Guzman
Pages 6
File Size 181.5 KB
File Type PDF
Total Downloads 482
Total Views 546

Summary

NAZARETH SCHOOL OF NATIONAL UNIVERSITY 272 Plaza Sta. Teresita St., Sampaloc, Manila Senior High School Department Humanities and Social Sciences Strand MARCOS: ISA NGA BANG BAYANI? Posisyong Papel nina Earl Dan John C. De Guzman at Cheeco T. Pascua Para sa kasalukuyang henerasyon, matagal nang naka...


Description

NAZARETH SCHOOL OF NATIONAL UNIVERSITY 272 Plaza Sta. Teresita St., Sampaloc, Manila

Senior High School Department Humanities and Social Sciences Strand

MARCOS: ISA NGA BANG BAYANI? Posisyong Papel nina Earl Dan John C. De Guzman at Cheeco T. Pascua Para sa kasalukuyang henerasyon, matagal nang nakalatag sa isang mainit na debate kung si Ferdinand Marcos nga ba ay dapat ituring na isang bayani. Mababatid na ito mula pa lamang sa isyu ng pagpapalibing kay Marcos sa Libingan ng mga Bayani hanggang sa kasalukuyang pagnanais ng kaniyang anak na si Bongbong Marcos na baguhin ang mga libro ng kasaysayang ginagamit sa mga paaralan upang rebisahin at baluktutin ang katotohan. “Move on na!” ang maaaring linya ng mga taong hindi batid ang tunay na kahalagahan ng papel ni Marcos sa madilim na bahagi ng kasaysayan ng bansa. Kung susuriin ang konspeto ng bayani ng mga Pilipino, ito ay naka-ugat mula sa kultura at kasaysayan ng Pilipinas. Ayon sa historyador na si Xiao Chua, mahihinuha na mula sa mga kultural at kanluraning ideya ang batayan ng mga Pilipino ng “Bayani”. Ayon kay Xiao Chua, ang pananaw raw ng mga Pilipino rito ay isang isang taong may pambihirang lakas o talino na kaniyang ginamit upang tumulong sa bayan nang walang hinihinging kapalit. Ang pagpapangalang bayani sa isang tao ay isang mahalagang pagdedesisyon sa kadahilanang ang mga bayani ay ang mga taong dapat hangaan at dapat pamarisan ng mamamayan, lalo na ng kabataan. Nagiging mahalaga ang bawat bahagi ng kasaysayan dahil ang pagiging kritikal at pagkakaroon ng kamalayan ay mga salik upang magkaroon ang mga tao ng mas makatotohanan at makatwirang pagtaya para sa bayan. Kaakibat ng kritikal na paghanga at kritikal na pagtuligsa ay ang kritikal na nasyonalismo na dapat ikintal sa mamamayan. Kaya kung ang kasaysayan ang tatanungin kung dapat bang hangaan o tingalain at kung dapat bang pamarisan ang isang diktador na si Marcos, ang magiging sagot nito ay isang malakas at nakabibinging “Hindi!”, kaakibat ng isang malaking hanay ng mamamayang nakikibaka para sa hustisya sa pagpatay, pagnanakaw, at pagtataksil sa bayan. Naglilipana ang mga alternatibong kasaysayan tungkol sa rehimen ni Marcos at sa kaniyang mga nagawa para sa bansa. Napakaraming mga bidyo sa Youtube at mga paskil sa Facebook na kakikitaan ng mga salitang “Marcos Economy”, “Golden Age of the Philippines” o “Golden Achievements of Pres. Marcos”. Ilan pa sa mga ito ay nagsasabing ang Pilipinas ay naging isang Tiger Economy at pumangalawa sa may pinakamalagong ekonomiya sa Asya kasunod ng Japan. Pinasusubalian ito ng mga datos mula sa Philippine Statistics Authority (PSA), dahil bagamat nagkaroon ng pagtaas sa Gross Domestic Product (GDP) ang ekonomiya ng bansa mula taong 1973 hanggang 1982, nasapawan naman ito ng naranasang Negative GDP Growth o matinding pagbagsak ng ekomiya mula 1983 hanggang 1985 na tinuturing na pinakamalaking pagbagsak ng ekonomiya sa kasaysayan ng bansa. Habang ang mga karatig bansa nito sa kanluraning Asya tulad ng Thailand, Indonesia, South Korea, at Malaysia ay dumodoble o higit pa ang paglago, ang Pilipinas naman ay gumugol pa ng 21 taon o hanggang taong 2003 bago tuluyang manumbalik ang ekonomiya sa dati nitong estado. Dahil dito, tinagurian ang Pilipinas na “Sick Man of Asia” at tuluyang natanggal sa mga halimbawa noon ng “East Asian Miracle”. Ayon pa

NAZARETH SCHOOL OF NATIONAL UNIVERSITY 272 Plaza Sta. Teresita St., Sampaloc, Manila

Senior High School Department Humanities and Social Sciences Strand sa mga loyalista ng pamilya Marcos, napakababa raw ng palitan ng Piso sa Dolyar na PHP 2 = USD 1 na nangangahulugang halos magkapantay ang ekonomiya ng Pilipinas at Estados Unidos. Ngunit ayon sa mga datos ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), hindi kalian man umabot ng 2 Piso ang 1 Dolyar sa loob ng panunungkulan ni Marcos, bagkus ay pumapatak ito ng PHP 3.90 = USD 1 sa unang taon ng kaniyang panunungkulan. Sa kaniyang huling taon bilang pangulo ay umabot ito ng PHP 20.46 = USD 1, nangangahulugang bumaba ang halaga ng Piso nang hanggang 423.46%. Isa pa sa pinagmamalaking bagay ng pamilya Marcos at mga tagasuporta nito upang ituring na bayani si Marcos ay ang mga nakuha nitong medalya para sa kaniyang pagsabak sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Ngunit ayon sa librong The Conjugal Dictatorship of Ferdinand and Imelda Marcos na isinulat ng dating Chairman ng Media Advisory Council ng administrasyong Marcos, ang kaniyang mga nakuhang medalya ay mga peke. Ayon pa sa salaysay ng dating Kalihim ng Department of National Defense (DND) na si Macario Peralta Jr., kaniyang ibinigay lamang ang iilang mga medalya dahil kakailanganin ito ni Marcos para as kampanya upang muling manalo bilang Senador noong 1965 kapalit ang pangakong hindi niya lalabanan si Diosdado Macapagal sa pagka-Pangulo. Itinanggi rin naman ng National Historical Commission of the Philippine (NHCP) na nakatanggap si Marcos ng mga medalyang Distinguished Service Cross, Silver Star, at Order of the Purple Heart mula sa US Department of Defense. Hindi rin makikita sa mga opisyal na website at US Archives na si Marcos ay nakatanggap ng mga naturang medalya. Sa ilalim ng diktadura ni Marcos masasaksihan ang isa sa pinakamalagim na bahagi ng kasaysayan ng bansa matapos ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Ang kaniyang buong rehimen ay ang bahagi ng kasaysayang hindi pinahahalagahan ng gobyerno ang karapatang pantao at sibil, at ang dignidad at buhay ng mamamayan. Ang pagdedeklara ni Marcos ng Martial Law o Batas Militar noong Setyembre 23, 1972 sa pamamagitan ng Proklamasyon Blg. 1081 ay isang hakbang daw upang kontrahin ang paglaganap ng Komunistang rebelyon at pagdami ng bilang ng miyembro ng New People’s Army (NPA), ang armadong sangay ng Communist Party of the Philippines (CPP). Dagdag pa rito ay ang nangyaring ambush noong Setyembre 22, 1972 sa convoy ng dating kalihim ng DND na si Juan Ponce Enrile. Ngunit ayon sa historyador na si Lisandro Claudio, mula sa deklasyon noong 1972 na may 2,000 kasapi ang NPA ay lumobo ito hanggang 24,000 kasapi at naging dahilan upang bansagan si Marcos na “Number 1 Recruiter of the Communit Party”. Noong 1986 naman ay inamin ni Enrile na ang ambush ng kaniyang convoy noong 1972 ay gawa-gawa lamang upang gawing dahilan para sa deklarasyon ng Martial Law. Walang ibang nakikitang dahilan ang Central Intelligence Agency ng US sa pagdedeklara nito ni Marcos maliban sa nais nitong mapahaba pa ang kaniyang panunungkulan dahil sa nalalapit na ang pagtatapos ng kaniyang ikalawa at huling termino. Dahil sa Batas Militar na ito na nagbigay ng ganap na kapangyarihan sa armadong pwersa ng pamahalaan, libo-libong paglabag sa karapatang pantao ang kinahinatnan. Ayon sa Task Force Detainees of the Philippines, 1,217 ang pinatay, 892 ang minasaker, 5,040 ang ikinulong, 352 ang nawawala, at marami pang klase ng paglabag tulad ng panghaharas, panggagahasa, at tortyur. Lubos na mas malaki pa rito ang estima ng Amnesty International na may 70,000 ang ikinulong, 34,000 ang tinortyur, at 3,240 ang pinatay.

NAZARETH SCHOOL OF NATIONAL UNIVERSITY 272 Plaza Sta. Teresita St., Sampaloc, Manila

Senior High School Department Humanities and Social Sciences Strand Ayon sa pag-aaral ni Xiao Chua na pinamagatang “TORTYUR: Human Rights Violations During The Marcos Regime”, iilan sa mga halimbawa ng tortyur na ginagawa ng mga sundalo, pulisya o mga miyembro ng Philippine Constabulary (PC) ay ang pangunguryente ng daliri, braso, ulo, o minsan ay ng ari; mahigpit na pananakal; pamamaso; paglulunod sa tubig at; pagtatrato na parang hayop tulad ng paglalagay ng tali sa mga bisig at leeg. Isa sa pinakatanyag na kwento ng marahas na paglabag sa karapatang pantao ay ang kwento ni Liliosa “Lilli” Hilao, isang lider-estudyante at aktibista mula Pamantasan ng Lungsod ng Maynila (PLM) na pinakaunang namatay habang nakakulong sa ilalim ng Batas Militar. Ayon sa Bantayog Foundation at sa salaysay ng kaniyang kapatid, iilang mga lasing na sundalo mula sa Constabulary Anti-Narcotics Unit (CANU) ang naghahanap sa kuya ni Lilli sa kanilang tahanan sa Quezon City, ngunit nang hangarin niya ang mga ito at hiningian ng warrant, siya ay binugbog, iginapos, at dinala sa Camp Crame. Matapos ang iilang araw ay pinapunta ang kanyang nakatatandang kapatid na babae na si Alice sa Camp Crame Station Hospital. Dito ay natagpuan na lamang si Lilli na wala nang buhay, may mga malalaking pasa sa buong katawan, paso ng sigarilyo sa labi, turok sa mga braso, at tinanggalan na rin ng lamang loob upang mapagtakpan ang mga iba pang senyales ng tortyur at posibleng sekswal na pang-aabuso. Maliban sa pambubusabos ng pamahalaan at lantarang pagkitil sa karapatang pantao ng mamamayan, hindi pa rito natatapos ang pang-aabuso at kasakiman ng mga Marcos. Ang pagnanakaw niya sa kaban ng bayan ay umabot ng 10 bilyong dolyar ayon sa Global Corruption Report ng Transparency International noong 2004, dahilan upang siya ay hirangin ng Forbes Magazine bilang isa sa pinakakorap na lider sa kasaysayan ng mundo. Kabilang sa mga nakaw na yaman (ill-gotten wealth) na ito ay ang mga salaping laman ng Swiss Bank account nina Ferdinand at kanyang asawa na si Imelda sa ilalim ng mga pangalang “William Saunders” at “Jane Ryan” ayon sa Presidential Commission on Good Government (PCGG), isang ahensya ng pamahalaan na itinatag upang mabawi ang mga ninakaw ng mga Marcos. Batay rin sa impormasyon ng parehong ahensiya, naglalaman ang nasabing account ni Marcos ng noong 1968 pa lamang ng USD 950,000 kahit na ang sweldo niya lamang bilang presidente ay nasa USD 5,600 lamang. Mula sa mga bank accounts na ito ay pinagpasa-pasahan ang mga lamang yaman ng kanilang iba’t ibang gawa-gawang foundation upang maitago. Kabilang din sa mga yamang ito ang mga magagarbo at nagmamahalang alahas, sapatos, pinintang obra, lupaing pag-aari, at ang mga nakamkam na yaman ng mga cronies o kaibigan ni Marcos tulad ni Eduardo “Danding” Cojuanco Jr. na ginatasan ang mga magsasaka ng bilyon-bilyong salapi sa pamamagitan ng Coco Levy Fund. Matapos ang matagumpay at mapayapang pagpapatalsik sa diktador sa pamamagitan 1986 EDSA People Power, tumungo ang pamilyang Marcos sa Hawaii at tangay-tangay ang daan-daang bagaheng naglalaman ng mga nakaw na yaman, habang ang Pilipinas ay naiwang halos may simot na kaban ng bayan at lugmok sa USD 28 Bilyong utang sa mula sa loob at labas ng bansa. Kurot pa lamang ang lahat ng mga ito ng buong naratibo ng kasaysayan tungkol sa kasakiman, pagnanakaw, pamamaslang, at buong diktadura ng madugong panahon ni Marcos. Nagtagumpay man siya sa hangarin niyang manatili sa Palasyo nang lagpas dalawang dekada, makamkam ang yaman na pinagpaguran ng taumbayan, at pumatay ng libo-libong mamamayan,

NAZARETH SCHOOL OF NATIONAL UNIVERSITY 272 Plaza Sta. Teresita St., Sampaloc, Manila

Senior High School Department Humanities and Social Sciences Strand hindi niya pa rin masusupil ang pag-asang nagmumula sa taumbayan na laksa-laksang lumalaban at nakikibaka para sa hustisya. Ang pagiging sinungaling, magnanakaw, at mamamatay-tao ay hindi kalian man naging katangian ng mga bayaning Pilipino tulad nina Rizal, Bonifacio, o Luna. Mahihinuha sa pamumuno ni Marcos na hindi siya nakapasa sa pamantayan ng isang bayani, bagkus ay hinigitan niya pa ang pamantayan ng pagiging isang taksil sa bayan. Kung may dapat mang ituring na bayani sa naratibong ito, sila ay ang mga kabataan, magsasaka, manggagawa at iba pang mamamayan na tahasan at walang maliw na tumindig laban sa mapang-aping rehimen at isinulong ang katotohanan at demokrasya hanggang sa kanilang kamatayan. Hindi dapat nawawala sa kamalayan ng bayan ang malagim na nakaraan dahil umuulit ang kasaysayan para sa mga nakalilimot nito.

#NeverAgain #NeverForget #MarcosNoHero

NAZARETH SCHOOL OF NATIONAL UNIVERSITY 272 Plaza Sta. Teresita St., Sampaloc, Manila

Senior High School Department Humanities and Social Sciences Strand Sanggunian: ABS-CBN Investigative and Research Group. (2018). BY THE NUMBERS: Human Rights violations during Marcos’ rule. ABS-CBN News. https://news.abs-cbn.com/focus/09/21/18/bythe-numbers-human-rights-violations-during-marcos-rule Bantayog Foundation. (2015). HILAO, Liliosa R. https://www.bantayog.org/hilao-liliosa-r/ Bueza, M. (2018). What’s the issue with Marcos’ World War II ‘medals’ again? Rappler. https://www.rappler.com/newsbreak/iq/143592-ferdinand-marcos-world-war-ii-medalsexplained Chua, M. (2012). TORTYUR: Human Rights Violations During The Marcos Regime. https://www.academia.edu/7968581/TORTYUR_Human_Rights_Violations_During_The_Marc os_Regime Claudio, L. (2018). Basagan ng Trip with Leloy Claudio: Heroism in the Philippines. Rappler. https://youtu.be/kFZJzgeVfes Claudio, L. (2017). Basagan ng Trip with Leloy Claudio: Ferdinand Marcos’ great ideas, bad executions. Rappler. https://youtu.be/7hCjwA1IwUQ Claudio, L. (2017). Basagan ng Trip with Leloy Claudio: Was Martial Law needed to defeat the communists?. Rappler. https://youtu.be/LXe-HVsnywl Mijares, P. (1976). The Conjugal Dictatorship of Ferdinand and Imelda Marcos. Union Square Publishing Manila. Pedroso, K. & Medina, M. (2015). Liliosa Hilao: First Martial Law detainee killed. Inquirer. https://newsinfo.inquirer.net/718061/liliosa-hilao-first-martial-law-detainee-killed Presidential Commission on Good Government. (2016). Presidential Commission on Good Government: FAST FACTS. https://m.facebook.com/story.php?story_fbid=1094872073918218&id=121280644610704 Punongbayan, J. & Albis, M. (2016). Were it not for Marcos, Filipinos today would have been richer. Rappler. https://www.rappler.com/thought-leaders/153457-marcos-philippine-economy Punongbayan, J. & Mandrilla, K. (2016). Marcos years marked ‘golden age of PH economy? Look at the data. Rappler. https://www.rappler.com/views/imho/124682-marcos-economygolden-age-philippines Quezon III, M., Arcinas, J., Cardeño, C., & Wong, S. (2015). Declaration of Martial Law. Heroism, Heritage, and Nationhood: Essays and Features from the Official Gazette. Official Gazette.

NAZARETH SCHOOL OF NATIONAL UNIVERSITY 272 Plaza Sta. Teresita St., Sampaloc, Manila

Senior High School Department Humanities and Social Sciences Strand Rappler. (2019). FALSE: Forex at P1.50 to P2 per dollar during Marcos years. https://www.rappler.com/newsbreak/fact-check/240047-forex-philippine-peso-dollar-ratemarcos-years Transparency International. (2004). Global Corruption Report 2004. Pluto Press. https://www.transparency.org/whatwedo/publication/global_corruption_report_2004_political_c orruption Viray, P. (2016). Money trail: The Marcos billions ‫ ׀‬31 years of amnesia. Philippine Star. https://newslab.philstar.com/31-years-of-amnesia/never-convicted

Written: 2020 January 17 Edited: 2020 April 1 Published: 2020 April 1...


Similar Free PDFs