Module 1(FIL14)Module 1(FIL14) ekokritisismo at pagpapahalaga sa kalikasan PDF

Title Module 1(FIL14)Module 1(FIL14) ekokritisismo at pagpapahalaga sa kalikasan
Author نورالدين بكرات
Course Bs accountancy
Institution Mindanao State University
Pages 9
File Size 152.6 KB
File Type PDF
Total Downloads 44
Total Views 158

Summary

Module 1(FIL14) ekokritisismo at pagpapahalaga sa kalikasanModule 1(FIL14) ekokritisismo at pagpapahalaga sa kalikasanModule 1(FIL14) ekokritisismo at pagpapahalaga sa kalikasanModule 1(FIL14) ekokritisismo at pagpapahalaga sa kalikasanModule 1(FIL14) ekokritisismo at pagpapahalaga sa kalikasanModul...


Description

RC-Al Khwarizmi International College Foundation Incorporated LIBERAL ARTS DEPARTMENT National Highway, Basak Malutlut, Marawi City, Philippines S. Y. 2020-2021, 3rd Trimester

FIL 12N – Ekokritisismo at Pagpapahalaga sa Kalikasan Modyul 1 Paksa:

Ang Ekokritisismo

Nakalaang Oras:

Tatlo

Pangkalahatang-Ideya:

Ang bahaging ito ay tumatalakay sa etimolohiya at kaligiran ng ekokritisismo bilang bagong teoryang pampanitikan at ang ugnayan nito sa iba’t ibang larangan.

Mga Layunin:

Pangkalahatan: Maunawaan at maiugnay sa araw-araw na pamumuhay ang mahahalagang konsepto sa modyul na ito. Tiyak: 1. Makapagbigay at makapagpaliwanag ng isang patunay sa pahayag na “Hinuhubog ng kalikasan ang lipunan at kultura ng tao. Sa parehong paraan, hinuhubog ng lipunan at kultura ang kalikasan.” 2. Mailahad ang kontribusyon ng ilang dalubhasa sa usapin at kaligiran ng ekokritisismo. 3. Mapaghambing ang ekokritisismo ng Estados Unidos at green studies ng United Kingdom. 4. Makapagtukoy at makapagtalakay ng dalawang salitang maaaring maiugnay sa ekokritisismo. 5. Maisa-isa ang mga napansing pagkasira ng kalikasan sa isang awit.

Panimulang Pagtataya: Panuto: Basahin at unawain ang mga sumusunod na pahayag sa bawat bilang. Tukuyin at bilugan ang letra ng wastong sagot. (10 puntos) 1. Siya ang nakilalang tagapagtatag ng ekokritisismo sa Estados Unidos kasama ang isang editor sa kanilang koleksyon ng mga sanysay. A. Cheryll Glotfelty B. William Rueckert C. Jonathan Bate 2. Ang teknikal na katumbas ng mga salitang puna, saloobin o persepsyon na pawang bunga ng maagham na pagsusuri ng mga bagay-bagay sa paligid. A. Ekolohiya B. Kritisismo C. Ekokritisismo 3. Sa bansang ito, ang mga ekokritiko ay nagbibigay-tuon sa paglimi sa mga distraksyon o panganib na dala ng tao sa kalikasan. A. Amerika B. Britanya C. Pilipinas 4. Isa sa dalawang salitang Greek na pinagmulan ng ekokritisismo na ngangahulugang kalikasan na siyang pinakamalawak na tahanan. A. Oikos B. Kritos C. Ekolohiya 5. Isa siyang makata na bumuo ng tambalang salitang ecopoetics noon pang 1978. A. Harold Fromm B. Jonathan Bate C. William Rueckert 6. Ito ang repleksiyon ng isang lipunan na karaniwang tumatalakay sa mga nagaganap sa isang komunidad. A. Kultura B. Ekokritisismo C. Panitikan 7. Siya ang tagapagtatag ng green studies na umusbong noong 1990 sa United Kingdom. A. Jonathan Bate B. William Rueckert C. Cheryll Glotfelty

- Ma’am Maja �

8. Siya ang unang nagtambal sa dalawang salitang ekolohiya at kritisismo noong 1996 na nagpapahalaga sa kaugnayan ng panitikan at kalikasan. A. William Rueckert B. Cheryll Glotfelty C. Harold Fromm 9. Ang mga ekokritiko sa bansang ito ay nagbibigay-tuon sa kagandahang dulot ng kalikasan. A. Pilipinas B. Amerika C. Britanya 10. Ito ang tawag sa pag-aaral ng ugnayan o interaksiyon sa pagitan ng mga hayop, halaman at ng kalikasan. A. Ekokritisismo B. Ekolohiya C. Kritisismo Pambungad na Gawain: Magbalik-tanaw sa iyong mga napanood na pelikula. Mula sa isa rito, magbigay ng isang pinakamagandang tanawing nakita mo at ilarawan. (5 puntos) Pamagat ng Pelikula: Pinakamagandang Tanawin: Paglalarawan:

Pagsusuri: Sa iyong pagbabalik-tanaw, mapagtatanto mo kung gaano kaganda ang mga tanawin na mayroon tayo dito sa mundo. Sadyang ito ay hindi binibigyang-pansin ng ilan sa atin, lalo na kapag ang pinapanood na pelikula ay pinagbibidahan ng mga iniidolong artista. Kung minsan, nakapokus lang tayo sa kaguwapuhan halimbawa ni Park Seo Joon at hindi sa kagandahan ng lugar na kinaroroonan niya sa isang pelikula. Nararapat lamang na pansinin din natin ang kapaligiran o kalikasan na ipinapakita rito dahil maaaring sa pamamagitan nito ay mapahalagahan natin ang ating sariling kapaligiran at kalikasan. Ito ang nilalayon ng ekokritisismo at iyan ang tatalakayin sa modyul na ito. Abstraksyon: Aralin 1: Etimolohiya, Kahulugan at Kaligiran ng Ekokritisismo Ekokritisismo - Nanggaling sa dalawang salitang ekolohiya at kritisismo.  Ekolohiya – Tawag sa pag-aaral ng ugnayan o interaksiyon sa pagitan ng mga hayop, halaman at ng kalikasan.  Kritisismo – Teknikal na katumbas ng mga salitang puna, saloobin o persepsyon na pawang bunga ng maagham na pagsusuri ng mga bagay-bagay sa paligid. - Isang interdisiplinaryong larangan ng makaagham na pagsulat ng panitikan. Propesor Cheryll Burgess Glotfelty – Siya ang unang nagtambal sa dalawang salitang ekolohiya at kritisismo noong 1996 na nagpapahalaga sa kaugnayan ng panitikan at kalikasan. Tinutukoy niya ang maraming mga sanaysay na tumatawag ng pansin sa sangkatauhan hinggil sa kahalagahan ng pangangalaga sa kalikasan. Samahan para sa pagsusulong ng pag-aaral sa panitikan at kalikasan - Pinamunuan ni Glotfelty ang pagtatag nito. - Karamihan sa mga manunulat ng mga sanaysay-ekolohikal ay kababaihan. - Sinusuri nila kung paanong mapalalawak ng panitikan ang paksa hinggil sa pag-iingat, pangangalaga at pagbibigay-babala ng kalikasan sa tao upang mapanatili ang kaayusan ng mapayapang buhay sa daigdig.

- Ma’am Maja �

-

Sa taong 1996, kasama si Harold Fromm, inilathala nila ang kauna-unahang “Kalasikong Antolohiya ng mga Piyesang Pampanitikan” na may kaugnayan sa ekolohiya. Mula rito ay sumibol ang teorya ng ekokritisismo. Ekokritisismo - Bagong teorya ng panitikan, kultura at kalikasan. - Tinututukan sa teoryang ito ang pandaigdig na krisis sa kalikasan sa pamamagitan ng panitikan na detalyeng naglalantad ng mga di kanais-nais na kaganapan sa kultura at pisikal na kapaligiran dahil sa walang humpay na pagpapalalo ng tao sa luntiang kalikasan. Ecopoetics - Tambalang salita noon pang 1978 na binuo ni William Rueckert, isang makata. - Pinakinang sa larangang ito ang walang katulad na paraluman ng tula gamit ang mga elemento ng kalikasan. - Itinaas ang hindi maitakwil na bisa ng panitikan. Ang maging tagapagsiyasat sa mga bagay na nahihinggil sa inang kalikasan. - Katotohanang lantad ang isinisiwalat ng panitikan hinggil sa wari’y pinababayaan nang kalikasan. Kalikasan – Ang lahat ng lupa, anyong tubig, ang walang hanggang kalawakan sa himpapawid kasali na ang mga nabubuhay, pinakamaliit man sa bawat sulok ng kalikasan. Malaki ang kaugnayan nito sa lipunan at kultura ng tao upang makamit natin ang timbang na ekolohiya. “Hinuhubog ng kalikasan ang lipunan at kultura ng tao. Sa parehong paraan, hinuhubog ng lipunan at kultura ang kalikasan.” -

Kung sisirain ng tao ang kalikasan, kasama siya sa kasiraang iyon, kung aalagaan niya ang kalikasan, ginhawa naman mula sa kalikasan ang kanyang mararanasan.

Aralin 1.1: Mga Batayang Kaalaman sa Ekokritisismo -

-

Ang tao (lipunan at kultura nito) at ang kalikasan ay maihahalintulad sa iisang katawan, na kung ang bahagi nito ay masasaktan, apektado ang lahat ng bahagi ng nasabing katawan. Ang katotohanang magkakaugnay ang tao at kalikasan ay mapapansin sa mga panitikang umiiral, pasalita man, pasulat o di kaya ay elektroniko.  Panitikan – Repleksyon ng lipunan at kulturang umiiral. Kapag nabigong matuto ang lipunan mula sa panitikang nagtatanghal sa halaga ng kalikasan, magdudulot ito ng kapahamakan sa tao at kalikasan mismo.

Ekokritisismo - Isang dulog sa pagbasa na nakaangkla sa pagpapalagay na may ugnayan ang panitikan at ang pisikal na kapaligiran. Sa pagsusuri, magiging sentro ang kalikasang nasa mundo sa halip na sa tao lamang. - Tinatawag ding Green Studies na kapwa ngangahulugang isang kritikal na dulog sa pagbasa ng panitikan.  Ang ekokritisismo ay nagsimula sa Estados Unidos noong huling taon ng 1980 at sa United Kingdom naman noong 1990 umusbong ang Green Studies.  Ang nakilalang tagapagtatag nito sa Estados Unidos ay si Cheryll Glotfelty kasama ang isang editor na si Harold Fromm sa kanilang koleksyon ng mga sanysay na may pamagat na “The Ecocritisism Reader: Landmarks in Literary Ecology”.  Samantala, ang tagapagtatag naman sa United Kingdom ay si Jonathan Bate na may-akda ng “Romantic Ecology: Wordsworth and Environmental Tradition” at “The Song of the Earth”. Para sa mga ekokritiko, ang kalikasan ay umiiral bilang isang likha na may sariling buhay. May epekto sa mga tao ang kalikasan at sa ganoong kaparaanan ay naapektuhan din ng mga tao (Barry, 1996). Aralin 1.2: Bagong Teoryang Pampanitikan Ekokritisismo

- Ma’am Maja �

-

-

-

Pinaikling anyo ng Ecological Literary Critisism na nagtatanghal sa kalikasan hindi lamang bilang teksto kundi isang indibiduwal na may sariling entidad at may malaking papel bilang protagonista ng akda. Mula sa mga salitang Greek na oikos at kritos ayon kina Glotfelty at Fromm.  Oikos – Nature o kalikasan na siyang pinakamalawak na tahanan.  Kritos – Arbiter of taste o tagapaghatol sa kalidad at integridad o karangalan ng akda na nagtataguyod sa kanilang diseminasyon. Hindi nahihinto sa pag-aanalisa lamang bagkus, isa itong pagtataguyod sa pangangalaga ng kapaligiran sa pamamagitan ng eko-literasi gamit ang glosaryo ng mga konseptong matutuklasan hinggil sa ugnayan ng panitikan at kalikasan mula sa mga akda.

Nangungunang ekokritiko ng Estados Unidos 1. Henry David Thoreau – Tunay na nagpapahalaga sa kalikasan bago pa man maitatag ang teoryang ekokritisismo. Sinabi niyang kapag ang tao ay nabigong matuto mula sa kanyang kalikasan, siya ay hindi lubos na nabubuhay. 2. John Muir – Namumukod-tangi ang kanyang akdang My First Summer in the Sierra na nagsasalaysay sa kanyang unang pagpunta sa Bundok ng Sierra Nevada at sa California bilang pastol. Hayagan niyang inilahad ang pagkadismaya sa nangyari sa kalikasan bunga ng paninirang dala ng tao rito. 3. Ralph Waldo Emerson (1803-1882) – May akllat na pinamagatang Nature. 4. Margarette Fuller (1810-1850) – May akdang Summer on the Lakes, During 1843. Nangungunang mga aktibong tagapagtaguyod ng ekokritisismo sa Britanya 1. Jonathan Bate 2. Laurence Coup ng Manchester Metropolitan University 3. Richard Kerridge ng Bath Spa University 4. Greg Garrard ng Bath Spa University 5. Terry Gifford ng University of Leeds Ang umiiral na dalawang pangkat ng mga ekokritiko, mula Amerika at Britanya, ay nagkakaugnay sa kanilang dulog at layunin bagama’t nagkakaiba sa kanilang binibigyang tuon.  Amerika – Ginamit ang terminong ecocritisism na nagbibigay-tuon sa kagandahang dulot ng kalikasan.  Britanya – Ginamit ang green studies na nagbibigay-tuon sa paglimi sa mga distraksyon o panganib na dala ng tao sa kalikasan. Fenn – Sinabing ang pinakatunguhin ng ekokritisismo ay ang preserbasyon ng kalikasan para sa kaligtasan ng sangkatauhan. Batayan ng dulog-ekokritisismo ang pag-unawa sa ugnayan ng kalikasan at panitikan ayon sa iba’t ibang bahagi ng kapaligiran. Bahagi ng Kapaligiran ayon kay Barry (1996)  Kaparangan gaya ng disyerto, karagatan, at di natitirahang kontinente  Nakakamanghang tanawin na kinabibilangan ng kagubatan, lawa, bundok, bangin, at talon  Kanayunan na kinapapalooban ng burol, bukid, kakahuyan, atb.  Lokal na tanawin na naglalarawan sa parke, hardin, daan, at iba pang tanawing likha ng tao Ayon kay Thomas K. Dean, ang ekokritisismo sa interdisiplinaryong pagdulog sa panitikan ay pag-aaral ng kultura at produkto ng kultura (gaya ng gawang sining, mga akda, mga siyentipikong teorya, atb.) na may koneksyon sa ugnayan ng tao sa kalikasan. Dagdag pa niya, ito ay tugon sa mga pangangailangan, suliranin o krisis na pangkapaligiran. Ilan sa mga tanong na dapat isaalang-alang sa pagbasa ng mga akdang pampanitikan ayon kay Glotfelty (1994) 1. Paano isinasagisag ang kalikasan sa akdang ito? 2. Ano ang papel ng pisikal na tagpuan sa banghay ng akda? 3. Ang mga pagpapahalaga bang ipinahayag sa akda ay naaayon sa pagpapahalaga sa kalikasan? 4. Sa paanong paraan, nakaapekto ang karunungan sa relasyon ng tao at kalikasan?

- Ma’am Maja �

5. Ano ang kaugnayan ng agham ng ekolohiya sa pag-aaral ng panitikan? 6. Ano ang posibleng bunga sa pagitan ng pag-aaral ng panitikan at usaping pangkapaligiran kaugnay sa ibang disiplina tulad ng kasaysayan, pilosopiya, sikolohiya, sining, at etika? Sa pagtalakay sa anomang akdang pampanitikan, isaalang-alang rin ang pinagsama-samang prinsipyo ng Teoryang Narratology nina Aristotle. - Narratology – Isang teoryang panliteratura na nagsusuri sa estruktura ng salaysay batay sa panahon na ito ay umiral. Pinag-aralan rito kung ano ang nagkakatulad sa mga kuwento at kung paano naman nagkakaiba ang mga ito sa isa’t isa. - Sinang-ayunan ito ni Barry (2009), na nagsabing, ang naratotohiya ay pag-aaral sa istruktura ng kuwento, at pag-aaral kung paano nakalikha ng kahulugan ang diskuro at kung ano-anong mga pamantayan at pamamaraan sa pagsasalaysay ng kuwento ng akda. - Mahalaga ang distinksyon ng kuwento at banghay para sa naratolohiya. Nasa banghay ng mga akda sa aklat na ito ang kalikasan. - Pinakamahalagang elemento ng isang akda para kay Aristotle, partikular ang maikling kuwento Tauhan at ang Aksyon – Ang tauhan ay makikilala batay sa kanyang mga kilos at diyalogo. Tatlong Elemento ng Banghay  Hamartia – Nagsisiwalat ng kasalanan ng tauhan.  Anargorisis – Realisasyon o pagtuklas ng sarili sa kasalanan.  Peripeteia – Pagbabalintuna ng tauhan kumbaga, guhit ng tadhana. Sa pagsusuri ng panitikan, ang kultura ay hindi maaaring isantabi sapagkat ito ang kabuuan ng pag-iisip at kilos na isasakatuparan ng kahit sinong indibiduwal. Teoryang Kultural – Layunin ng panitikan ay ipakilala ang kultura ng may-akda sa mga hindi nakakaalam. Ibinabahagi ng may-akda ang mga kaugalian, paniniwala, at tradisyong minana para sa mga susunod na salinlahi. Ang sabi ni A.L. Kroeber (1953), upang higit na maunawaan ang konsepto ng kultura kailangang pagugnayin ang likas na agham at likas nap ag-unlad ng kalikasan. Sentral sa paniniwala sa Sapir-Whorf Haypotesis na ang sinasalitang wika ng tao ay nagdedetermina kung paano niya tinitingnan ang daigdig (world view) na kanyang ginagalawan, nangangahulugan ito na ang mga konseptong labas sa kanyang daigdig ay magiging banyaga sa kanya. Aplikasyon: Pagsasanay 1 A. Magbigay ng isang patunay sa pahayag na “Hinuhubog ng kalikasan ang lipunan at kultura ng tao. Sa parehong paraan, hinuhubog ng lipunan at kultura ang kalikasan.” Ipaliwanag nang maikli at sapat. (5 puntos)

B. Ilahad ang kontribusyon ng sumusunod na dalubhasa sa usapin at kaligiran ng ekokritisismo. (10 puntos) 1. Cheryll Glotfelty...


Similar Free PDFs