Pagsusuri sa Mga Artikulong May KInalaman sa Pagbabasa at Pag Unawa DOCX

Title Pagsusuri sa Mga Artikulong May KInalaman sa Pagbabasa at Pag Unawa
Author Paul Santos
Pages 3
File Size 19.3 KB
File Type DOCX
Total Views 126

Summary

Sa particular na abstrak na ito napapaloob ang isang pagsusuri ni Patricia May Jurilla sa nobela ni Edgardo Reyes na pinamagatang “Sa Iyong Paanan”. Ayon sa pagsusuri ang nasabing nobela ay maaring maging sikolohikal at realistiko na nagpapakita ng mga reyalidad ng buhay. Nagsisilbi ding isang prism...


Description

Sa particular na abstrak na ito napapaloob ang isang pagsusuri ni Patricia May Jurilla sa nobela ni Edgardo Reyes na pinamagatang "Sa Iyong Paanan". Ayon sa pagsusuri ang nasabing nobela ay maaring maging sikolohikal at realistiko na nagpapakita ng mga reyalidad ng buhay. Nagsisilbi ding isang prisma ang nasabing nobela bilang daan upang mas lalo pang maintindihan ang ilan pang mga nobela ni Reyes tulad ng Sa Mga Kuko ng Liwanag at mga akda sa Agos sa Disyerto. Sa pagtatapos ng papel, napagtanto na ang mga tema na taglay ng Sa Iyong Paanan ay umiiral din sa iba pang mga akda: ang pag-unlad ng indibdwal at ang masalimuot na relasyon sa siyudad. Samantala, sa isa namang abstrak na pinamagatang "Pagbabasa at Pagbabasang-Muli sa Pantayong Pananaw", sinuri naman ni Myfel Joseph Paluga ang isang artikulo bilang isang exploratoryong paraan ng pagbabasa (at pagbabasang-muli bilang sistematikong pagtatanong) ng isang klasikong teksto ng Pantayong Pananaw (PP) upang, sa minimalistang pagtingin sa isang diskurso, mapalitaw ang ilang susing bokabolaryo at ang batayang balangkas nito. Lumalabas sa pag-aaral na na balangkas ay tinataya na isang durableng aspeto ng PP sa istilo, lapit, at mga tema nito. Sa artikulo namang pinamagatang "Ang Lumalagong Suliranin sa Pagbabasa" sinusuri namang ang lumalalang kondisyon ng mga nilalang na may suliranin sa pagbabasa. Sa isang pag- aaral na ginawa sa US na isa sa limang adulto mamayan o tintayang 27,000,000 Amerikano ang hindi marunong magbsa bagamat ang mga ito ay nakatuntong sa paaralan. Tinatawag silang functional illiterate. Sa katunayan, pitumpu at limang bahagdan ng mga walang trabaho sa Estados Unidos ay dahil kulang sa kinakailangang kasanayan sa pagbabasa at komunikasyon....


Similar Free PDFs