Pagsusuri sa Nilalaman at Kahulugan ng Kantang Tuldok ng Bandang Asin DOCX

Title Pagsusuri sa Nilalaman at Kahulugan ng Kantang Tuldok ng Bandang Asin
Author Marc Angelo Parumog
Pages 9
File Size 36.2 KB
File Type DOCX
Total Downloads 113
Total Views 388

Summary

Pagsusuri sa Nilalaman at Kahulugan ng Kantang Tuldok ng Bandang Asin Nina Gamaliela Swing Joanna Prescila Gonzales Spencer Alvarez Jarred Excel Oliveros Luis Vincent Garcia Arren Betuel Borja I. Panimula Matatandaan natin na isa ang musika sa ilang instrumento na ginamit ng ating mga guro sa pagtut...


Description

Pagsusuri sa Nilalaman at Kahulugan ng Kantang Tuldok ng Bandang Asin Nina Gamaliela Swing Joanna Prescila Gonzales Spencer Alvarez Jarred Excel Oliveros Luis Vincent Garcia Arren Betuel Borja I. Panimula Matatandaan natin na isa ang musika sa ilang instrumento na ginamit ng ating mga guro sa pagtuturo noong tayo ay nasa kindergarten pa lamang. Isa ito sa mga naging paraan upang mapukaw ang ating atensyon at maging aktibo sa klase. Isa rin ito sa dahilan kung bakit naging mabilis ang ating pagkatuto at mapaunlad ang ating kaalaman. Ang musika ay ang isang bagay na masasabing mahalaga sa buhay ng mga tao. (Golosinda, N.D.) Hindi lingid sa ating kaalamaan na bahagi na ng pagkatao ng mga Pilipino ang pagkahilig sa mga awitin o musika. Bago pa man dumating ang mga dayuhang mananakop dito sa Pilipas tulad ng mga Kastila, Amerikano at Hapones ay sapul sa ating mga ninuno ang paggamit ng musika. Sa katunayan, pagdating ng mga kastila dito sa ating bansa, naging popular ang mga awitin tulad ng harana at kundiman dahil ito'y ginagamit sa pagpapahayag ng damdamin. Ang kundiman ay inaawit sa oras ng kalungkutan at ang harana naman ay tuwing oras ng kasiyahan. Hanggang sa dumating ang panahon kung saan nagkaroon ng mga barayti sa musika at nagkaroon ng OPM o Original Pilipino Music. Isinilang ang OPM sa panahon ng Batas Militar at nagsimulang umusbong ang iba't ibang genre ng musika tulad ng Pinoy folk na kinabibilangan ng grupong Asin; Ilang dekada...


Similar Free PDFs