Sulong Wikang Filipino Edukasyong Pilipino Para Kanino ni Dr. Neri - Reaksiyong Papel PDF

Title Sulong Wikang Filipino Edukasyong Pilipino Para Kanino ni Dr. Neri - Reaksiyong Papel
Course Kontekstwalisadong Komunikasyon Sa Filipino
Institution Cavite State University
Pages 1
File Size 66.5 KB
File Type PDF
Total Downloads 59
Total Views 272

Summary

Download Sulong Wikang Filipino Edukasyong Pilipino Para Kanino ni Dr. Neri - Reaksiyong Papel PDF


Description

REAKSIYONG PAPEL SULONG WIKANG FILIPINO: EDUKASYONGPILIPINO, PARA KANINO? NI DR. NERI Ang dokumentaryo na nag ngangalang SULONG WIKANG FILIPINO: EDUKASYONGPILIPINO, PARA KANINO? ni Dr. Neri, tungkol ito sa pag tanggal ng CHED o Komisyon sa Lalong Mataas na Edukasyon sa asignaturang Filipino sa antas tersiyarya at sa pag basura sa K12 basic education. Sinabi rito ni Ramon Guillermo isang Ph.D. ng Philippine Studies ng Departamento ng Filipino at Panitikan ng Pilipinas ng UP na, ang basic education ng Pilipinas na umaabot lamang ng sampung taon ay hindi pasok sa international standards sagabal daw ito sa paghahanap ng trabaho ng mga Pilipino sa ibang bansa. Kaya’t ginawang hanggang labindalawang taon ang basic education ng Pilipinas. Ayon naman kay Patricia Licuanan dating chairperson ng Komisyon sa Lalong Mataas na Edukasyon o CHED, hindi naman daw binura ang Filipino sa General Education Curriculum o GEC ng kolehiyo. Sapagkat, ang Filipino raw ay nasa baitang 11 at 12 ng basic education at ang buong 36 units ng general education ay pwedeng ituro sa Ingles o Filipino. Ilan lang ang mga ito ang itinalakay sa dokumentaryo. Ukol sa paksa sa K12 basic education, para sa akin bilang isa sa mga nag tapos ng K12 basic education, sang-ayon ako sa pag dagdag ng dalawa pang taon sa sampung taon nating basic education noon. Sapagkat, naniniwala ako na mas mapapadali ang pag-access sa trabaho kung nakapag aral ka ng dalawa pang taon. Ang K12 din ay nag bibigay ng oportunidad na makapag trabaho kahit hindi nakapag tapos ng kolehiyo. Maraming nag sasabi na ang pag dadagdag ng dalawa pang taon sa pag-aaral ay dagdag gastusin lang. Para sa akin, maraming mga instutusiyon ang nag bibigay ng libreng pampa-aral o yung mga schoalrships at sa ngayon, may bagong batas na ipinatupad ni president Rodrigo Duterte at yun ang libreng pag papa-aral sa mga estyudante ng mga state universities at colleges. Ang layunin ng batas na ito ay mabigyan ng access ang mga estyudante na kapos sa pera para makapag-aral. Ukol naman sa sinabi ni Antonio Tinio, representative ng ACT Party List na, ang Pilipinas ay nag bibigay ng mga serbisyo para sa pangangailangan ng mga dayuhan na bansa. Para sa akin, sumasang-ayon ako diyan na ang Pilipinas ang nag bibigay ng mga serbisyo sa ibang bansa imbes na dapat mag bigay tayo ng serbisyo para sa ikauunlad ng ating bansa. At ang curriculum ng edukasyon natin ay ibinabagay sa mga pangangailangan ng ibang bansa imbes na sa sariling atin. Ang resulta, mas mabilis na lumalago ang ekonomiya ng ibang bansa kaysa sa atin....


Similar Free PDFs