Ang Ponolohiya o Palatunugan DOCX

Title Ang Ponolohiya o Palatunugan
Pages 3
File Size 17.3 KB
File Type DOCX
Total Downloads 45
Total Views 188

Summary

Ang Ponolohiya o Palatunugan Ang ponolohiya o palatunugan ay pag-aaral sa mga ponema (tunog), paghinto(juncture), pagtaas-pagbaba ng tinig(pitch), diin(stress) at pagpapahaba ng tunog (prolonging/lengthening). Sa Filipino, may mga tunog (ponema) na malayang nagpapalitan. Sa pagkakataon na ang ponema...


Description

Ang Ponolohiya o Palatunugan Ang ponolohiya o palatunugan ay pag-aaral sa mga ponema (tunog), paghinto(juncture), pagtaas-pagbaba ng tinig(pitch), diin(stress) at pagpapahaba ng tunog (prolonging/lengthening). Sa Filipino, may mga tunog (ponema) na malayang nagpapalitan. Sa pagkakataon na ang ponema ay malayang nagpapalit, ang baybay ng salita ay nag iiba ngunit hindi ang kanilang mga kahulugan. Ponema ang tawag sa pinakamaliit na yunit ng tunog. Dalawang uri ng ponema May dalawang uri ng ponema: ang segmental at suprasegmental. 1. Ponemang segmental Ang ponemang segmental ay binubuo ng ponemang katinig at patinig. a) Labing-lima ang orihinal na kasama sa palabaybayan ngunit isinama ang impit na tunog o glottal stop (?) sapagkat ito ay itinuturing na isang ponemang katinig dahil napagbabago nito ang kahulugan ng isang salita. Ang dating bigkas nito ay malumi o maragsa. b) /p, b, m, w, d, t, l, s, n, r, y, k, g, ng, h, ?/ ang bumubuo sa ponemang katinig Halimbawa: ba: tah - housedress tub: boh - pipe ba: ta? - child tub: bo? - profit c) Ang ponemang patinig ay lima : a, e, i, o, u. d) May mga salitang nagkakapalit ang ponemang /u/ at /o/, gayundin ang /i/ at /e/ ngunit hindi nagbabago ang kahulugan ng salita. Halimbawa: babae - babai kalapati - kalapate lalaki - lalake noon - nuon e) Mayroon din namang mga salitang itinuturing na hiwalay na ponema ang /u/, /o/, /i/, at /e/ dahil nagbibigay ito ng magkaibang kahulugan at hindi maaaring pagpalitin. Halimbawa: uso - modern mesa - table oso - bear misa – mass 1...


Similar Free PDFs