Gawain 5 Pagsusuri ng Tula - Evangelista PDF

Title Gawain 5 Pagsusuri ng Tula - Evangelista
Author Christine Evangelista
Course Introduction to Psychology
Institution Batangas State University
Pages 7
File Size 215.8 KB
File Type PDF
Total Downloads 430
Total Views 779

Summary

Gawain 5: Pagsusuri ng Tula Gamit ang Sosyolohikal na PagdulogPanuto: Suriin ang tula ni Rogelio L. Ordonez na pinamagatang Di na Ako Makahabi ng Tula sa pamamagitan ng pagsagot sa mga sumusunod na katanungan na may pagsasaalang- alang sa paggamit ng Teoryang Sosyolohikal. Ang pagdulog na ito ay tum...


Description

Gawain 5: Pagsusuri ng Tula Gamit ang Sosyolohikal na Pagdulog Panuto: Suriin ang tula ni Rogelio L. Ordonez na pinamagatang Di na Ako Makahabi ng Tula sa pamamagitan ng pagsagot sa mga sumusunod na katanungan na may pagsasaalangalang sa paggamit ng Teoryang Sosyolohikal. Ang pagdulog na ito ay tumutuloy sa pagsusuri ng relasyon ng tao sa lipunan, sa pulitika, relihiyon, at paghahanapbuhay. 1. Ano ang relasyon sa isat-isa ng mga karakter at ng lipunan? Nakikita ko na ang relasyon ng mga karakter at ng lipunan ay walang katarungan, hindi patas, at walang kasaganahan sa isa’t isa sapagakat sa mga nauunang taludtod pa lang, naiintindihan ko na agad ang may-akda na hindi siya makahabi ng tula sa kadahilanang ang isip niya ay unti-unting nilulunod sa mga negatibong isyu na nagaganap sa lipunan. Ang mga isyung ito ay ang malalaking suliranin na pawang kinakaharap ng bansang Pilipinas. Kaya naman sa relasyon ng lipunan at mga karakter, masasalamin ang pagkakaroon ng tunggalian sa pagitan ng uring kanilang kinabibilangan sa lipunan na kung saan mayroong mahirap at mayaman, may naghahari at naaalipin. Ang uri ng ganitong relasyon ay nagpapakita ng kawalan ng pagkakapantay-pantay marahil nasa itaas lamang ang mayroong karapatan bumoses sa lipunan samantalang ang mga dukha ay mananatiling nasa laylayan — naalipin, hindi pinapahalagahan, at inaalipusta. Sumasalamin ito sa hindi epektibo at isang masamang pamamahala na maaaring maging dahilan ng kaguluhan. 2. Nagpapahayag ba ang akda ng isyung panlipunan tulad ng lahi, kasarian, at uri? Oo. Ang akdang pampanitikan na ito ay nagbibigay pahayag sa isyung panlipunan lalo na sa estado ng buhay ng mamamayan sa lipunan. Ang tulang ito ay pawang sumasalamin sa labis na pagkakaroon ng diskriminasyon o hindi pantay-pantay na pagtingin at pagtrato sa dukha at nakakaangat na mamamayan. Naipahayag din dito ang pagiging uhaw ng mga ordinaryong mamamayan na lalong nasasadlak sa kahirapan upang ipagtanggol at iligtas ang kanilang mga sarili laban sa pang-aalipin ng naghahari-hariang uri sa kanilang lipunang kinabibilangan. Bilang karagdagan, ang tulang ito ay maaaring sumasalamin din sa pagbatikos sa bulok at baluktot na sistema ng pamahalaan upang makamit at maipaglaban ng mga mamamayang madalas naaabuso at naaapakan ang karapatan laban sa mga mamamayang mapagsamantalang may kapangyarihan sa lipunan.

3. Paano nahuhubog ng pwersang panlipunan ang relasyon sa isa‘t-isa ng mga grupo o mga uri ng tao sa akda? Sino ang may kapangyarihan, at sino ang wala? Bakit? Ang akdang ito ay mayroong pwersang panlipunan na humuhubog sa relasyon ng mga grupo o uri ng mga tao sa tula sa pamamagitan ng pagnanais na palakasin ang pantaypantay na kamalayan at karapatan para sa lahat ng mamamayan sa lipunan. Masasabing kung ang lahat ay nakatatanggap ng pagkakapantay-pantay, wala na sanang naalipin, nagugutom, at naaalipusta. Ang mga taong may kapangyarihan ay ang mga mamamayang nakaaangat sa buhay o may karangyaan, at lalong-lalo na kung nasa pwesto ng pamahalaan. Maraming pagkakataon na sinasamantala ng mayaman na ito ang kanilang karangyaan sapagkat nakatatak sa kanilang isipan na mas angat sila at karapat-dapat nang tingalain kaya inaabuso nila ang kanilang kapangyarihan upang mang-alipusta ng ibang tao. Samantalang ang mga walang kapangyarihan naman ay ang mahihirap sa lipunan, ordinaryo, at kadalasan ay mga manggagawa’t magsasaka na hindi napapahalagahan ang paghihirap. Sila ang mga nasa laylayang pinagkakaitan ng boses upang ipahayag ang kanilang karapatan, hindi nakakakuha ng sapat na sweldo, at sila ang mga mamamayang hindi pinapahalagahan kahit napakalaking ambag nila sa araw-araw na daloy ng pamumuhay ng mga tao sa ating bansa, dahil kung walang magsasaka ay wala tayong kakainin. Masasabi na ang samu't saring uri ng pamumuhay na mayroon ang isang tao ay tila likas at kasaysayan na ng ating lipunan. Hindi maipagkakaila na may nakakaangat lalo papunta sa itaas at may nananatiling nasa baba ngunit napakalaki ng baitang sa pagitan ng dalawang estadong ito dahil madalas ang mga nasa itaas ang nang-aabuso at ang mga naalipin sa baba ay walang magawa. Sa ganitong sitwasyon ay maaari talagang magbunga ng isang napakalaking suliranin sa isang lipunan. 4. Paano nasasalamin sa akda ang pinakananasang abutin ng isang Pilipino? Ang pinakananasang abutin ng isang Pilipino ay nasasalamin sa pamamagitan ng mga salitang nakapaloob sa mismong tula na nagpapahayag ng mga hinaing ng mga manggagawa at magsasaka, maging ang kanilang luha’t pawis mula sa paghihirap na handa nilang ialay upang mabuhay ang mga mamamayan sa lipunang kanilang kinabibilangan. Ang tanging gusto lamang nila iparating ay ang mapakinggan sila, mabigyan ng halaga, at makilala bilang mga bayaning nagsusuplay ng bigas sa buong bansa. At sa lipunang ito, sinuman sa ordinaryong mamamayan ay nais ang pagkakapantay-pantay kung

saan walang diskriminasyon, pananamantala, pang-aalipin, at pang-aabuso sa mga nasa laylayang tulad nila. 5. Ano ang sinasabi ng akda sa ekonomiya at sosyal na kapangyarihan? Sino ang mayroon nito at sino ang wala? Meron bang kumikiling sa paniniwala ni Karl Marx? Ang sinasabi ng akdang ito sa ekonomiya at sosyal na kapangyarihan ay ang tungkol sa iba’t ibang tunggalian na laganap sa loob ng ating lipunan kung saan ay may dalawang estado sa buhay ng mamamayan: ang mahihirap at mayayaman. Ang mga taong nakaaangat sa buhay o mayayaman ang mayroong kapangyarihan pagdating sa ekonomiya sapagkat mataas na buwis ang kanilang binabayadan para sa ating bansa. May kapangyarihan din ang mayayaman sa iba pang aspeto ng lipunan katulad sa ospital kung saan mas inuuna sila o binibigyang prayoridad sapagkat kilala sila bilang mayaman o nadadala nila sa pera para maging mas madali ang proseso. Sa kabilang banda, ang mahihirap naman na nasa laylayan ang walang kapangyarihan dito. Isa sa halimbawa ang mangaggawa’t magsasaka na nabanggit sa tula. Una, ang mga manggagawa dito sa Pilipinas na hindi madalas pumapasok sa kwalipikasyon ng mga kompanya dahil napakataas masyado ng pamantayan ng mga kompanya. Kaya naman ang nagiging resulta ay mas pinipili nila na magtrabaho sa ibang bansa. Ikalawa naman ay ang magsasakang hindi nabibigyan ng pagkakataong taasan ang presyo ng kanilang palay kahit sila ang nagpapakain sa buong bansa, umaalam sa pinakamabisang pagpapatubo ng mga pananim, umaaral ng klima at kalikasan upang makisama ang ani. Ang dalawang ito ang tanging prodyuser ng bansa kaya kung may aalis at hindi napapahalagaan dahil sa pambabalewala ng lipunan, maaari talagang maging dahilan ng pagbagsak sa ekonomiya ng bansa. Sa paniniwala naman ni Karl Marx, masasabi kong marami ang kumikiling sa kanya dahil ang reyalidad sa ating lipunan ay mayroong dalawang uri ng estado sa buhay ng bawat mamamayan kung saan ang mahihirap at mayayaman. Ayon pa kay Karl Marx, ang ideya daw ng kalayaan ay ang katapusan ng tunggalian at suliranin. Bilang isang namumuhay sa Pilipinas, isa na ako sa kumikiling sa kaisipan niyang ito sapagkat sa pagitan ng dalawang uri ay mayayaman lamang ang tanging may kalayaan samantalang ang mga mahihirap ay hindi pa nakalalaya mula sa pananamantala at pang-aapi ng mga mayayaman. At lahat ng ito’y ay napagtuunan ng pansin sa akda na kung saan katulad din ng paniniwala ni Karl Marx.

6. Nagsasaad ba ang akda ng isyu sa pang-abuso sa ekonomiya? Ano ang ginagampanan ng pera? Oo. Ang akda ay nagsasaad ng isyu tungkol sa pang-aabuso sa ating ekonomiya katulad ng pang-aalipin at diskriminasyon na natatanggap ng mga dukha mula sa makapangyarihan, maging ang hindi pagpapahalaga sa kanilang karapatan sapagkat sila ay nasa laylayan lamang ng lipunan. Napakalaki ng ginagampanan ng pera sa ekonomiya ng ating bansa simula pa man noon. Sinasabing pera ang nagpapagalaw sa ating lipunan kung saan ginagawang basehan ito upang matamasa ang pagkakaroon ng kapangyarihan. Ito din ang dahilan kung bakit mayroong dalawang uri ng estado sa buhay ng mamamayan, dahilan ng pagtawag sa “makapangyarihan” at “mayaman” kapag maraming pera ang isang indibidwal. Ang pera ng mayayaman kung saan nagdadala sa kanila sa itaas ng ating lipunan. Samantalang kapag wala kang pera, mananatili ka sa laylayan at walang karapatan sa lipunan. Dahil din sa pera, madaming nasisilaw na mamamayan na kadalasang nagreresulta kung bakit sila nakagagawa ng masasamang aksyon. 7. Paano natutukoy ng kalagayang panlipunan ang direksiyon ng buhay ng mga karakter? Ang direksyon ng buhay ng mga karakter ay natukoy ng kalagayang lipunan sa pamamagitan mismo ng may-akda na si Rogelio L. Ordonez. Sa kabila ng kalituhan sa akda dahil sa dami nitong malalalaim na salita, matagumpay akong natukoy kung ano ang nais niyang ipahiwatig sa kanyang akda. Ginamit ni Ordonez ang mga buhay ng karakter sa tula upang ilahad ang mga karanasang nangyayari sa reyalidad na kinakaharap ng maraming mamamayang Pilipino. At sa bawat taludtod, ito ang sumasalamin sa ating lipunang na kung saan naging batayan ni Ordonez upang tukuyin ang kalagayan ng mamamayan at pamahalaan sa ating bansang Pilipinas. 8. Hinahamon ba o binibigyang kasiguraduhan ng akda ang kaayusang panlipunan na inilalarawan nito? Sa aking palagay, binibigyang kasiguraduhan ng akdang ito ang ang kaayusang panlipunan dahil sa simula ng tula ay inilarawan ang mga isyung nangyayari sa reyalidad na siyang kiankaharap ng ating lipunan. Ang mga isyuing ito ay laganap pa din sa kasulukuyang panahon kaya sasabi kong hanggang ngayon ay napakalaking suliranin pa din ito na kinakarapah ng mammayan sa ating bansa. Ang pagpapahayag ng mga ganitong uri ng isyu sa pammamagitan ng pagsulat ng isang akda ay sumasalamin sa kahalaghan ng pagkakaroon ng kamalayan ng mga tao upang mabigyang opansin at solusyon ang mga uri

ng negatibong suliranin na nangyayari sa lipunan. Ang paraan ng pagsulat din na ito ay nakapgbibigay ng inspirasyon at lakas upang malabaan ang mga hamong natatamas ng isnag lipunan. 9. Mapapansin ba na ang pakikibaka ng karakter ay simbolo ng mas malaking grupong pakikibaka? Oo. Masasabi kong kapansin-pansin ang pakikibaka ng karakter ay sumisimbolo sa mas malaking grupo ng pakikibaka marahil sa mga linyang

“luha’t pawis ng manggagawa’t magsasaka, di marinig hinagpis ng mga sawimpalad” at “ng sambayanang masa kung mga daliri’y ikinadena’t dinurog ng dusa?”, ay lubos na nagpalinaw na ang may akdang si Rogelio O. Ordonez ay hindi lamang pinagtutuunan ng pansin ang saloobin ng iisang indibidwal lamang o maaaring hindi lamang sa mga manggagawa’t magsasaka kundi maging ang lahat ng mamamayang nasusubsob sa kahirapan at hindi napapakinggan. Masasabi ko din na ang dahilan ng pagdurusa sa kamay ng may-akda ay ang hindi napaparinggan at nababalewalang paghihirap ng mga manggagawa’t magsasaka sa lipunan. Sa tulang ito ay kapansin-pansin ang hindi pagiging makasarili ng karakter dahil ang akdang pampanitikan na ito ay nagpapatungkol sa “pagkakaisa” bilang solusyon upang ang mahihirap ay mapakinggan, matugunan ang kanilang hinaing, pang-aalipin at kagutuman ay matuldukan, at makalaya sa madilim na kulungan ng kahirapan. 10. Meron ba sa mga karakter na kumakatawan sa uri ng gobyerno tulad ng diktatorya, komunismo, at sosyalista? Masasabi kong ang kinakatawan ng karakter sa uri ng gobyerno ay pagiging Komunismo at Diktatorya. Una ay ang Komunismo sa bahagi kung saan binigyang pansin ang hindi pagkakaroon ng makatarungang sistema at ang pagkakaroon ng hindi pagkakapantay-pantay na karapatan na pagtrato sa mga manggagawa at magsasaka, labis nitong pinaparating ang totoong pangyayari at nararanasan ng mga manggagawa at magsasaka sa lipunang kanilang kinabibilangan. Ito ay marahil sa ating lipunan, sila ay inaabuso ng mga kapitalista na tila ba ang katulad nilang nasasadlak sa kahirapan ay walang kalayaan sa kulungan ng kadukhaan at patuloy silang tinatanggalan ng boses. At

ang ikalawa naman ay ang Diktatorya, sapagkat ang paghihirap at hinagpis ng mga manggagawa at magsasaka na siyang sawimpalad ay hindi napapakinggan at pawang kontrolado sila ng namumunong nasa itaas na makapangyariha’t hindi pwede pakialaman dahil oras na hindi masunod ang batas nila ay mayroong parusang binibigay. Ang mga manggagawa’t magsasaka ay tila isa sa mga nasa sambayanang masa na walang laya maisigaw ang kanilang hinaing, damdamin, at opinyon....


Similar Free PDFs