Lesson Plan Sample in Tagalog v. 2 PDF

Title Lesson Plan Sample in Tagalog v. 2
Author Mark Leo Hapitan
Pages 3
File Size 159.5 KB
File Type PDF
Total Downloads 41
Total Views 613

Summary

Republic of the Philippines Bungsuan National High School Dumarao, Capiz LESSON PLAN Oktubre 21, 2015 I. Layunin: 1. Naiisa-isa ang mga Pilosopiya sa Asya. 2. Naibabahagi ang mga ambag ng iba’t-ibang Pilosopiya sa Asya. 3. Nasasabi ang nagpasimuno ng iba’t-ibang Pilosopiya sa Asya. II. Nilalaman Pak...


Description

Republic of the Philippines Bungsuan National High School Dumarao, Capiz LESSON PLAN Oktubre 21, 2015 I.

Layunin: 1. Naiisa-isa ang mga Pilosopiya sa Asya. 2. Naibabahagi ang mga ambag ng iba’t-ibang Pilosopiya sa Asya. 3. Nasasabi ang nagpasimuno ng iba’t-ibang Pilosopiya sa Asya.

II.

Nilalaman Paksa: Mga Pilosopiya sa Asya Sanggunian: Asya: Pagkiakaisa sa Gitna ng Pagkakaisa, Rosemarie C. Blando, et al., Eduresources Publishing, Inc., p. 161-162 Kagamitan: kompyuter, manila paper, pentel pen, cartolina Pagpapahalaga: pagtutulungan at pakikisam

III.

Pamamaraan: A. Panimulang Gawain a. Balik-aral 1. Anu-ano ang mga relihiyon sa Asya?  Hinduismo  Budhismo  Sikhismo  Kristyanismo  Zoroastriyanismo  Islam  Judaismo 2. Sinu-sino ang nagtatag ng mga relihiyong ito?  Budhismo: Sidharta Gautama  Jainismo: Mahaviro o Vardamana  Sikhismo: Guru Nanak  Kristyanismo: Hesu Kristo  Zoroastriyanismo: Zoroaster  Islam: Muhamad  Judaismo: Moses b. Pagganyak Panuto: Kulayan ang larawan at tukuyin ang sinu-sino ang mga ito.

B. Paglinang ng Aralin 1. Hatiin ang klase sa tatlong pangkat at pagkatapos ay magtalaga ng lider. 2. Ang napiling lider ang pipili ng letrang kanyang napupusuan. 3. Panoorin ang bidyu ayon sa letrang nabunot ang sagutin ang mga gabay na tanong 4. Pagkatapos panuorin ang mga bidyu, punan ng angkop na salita ang kahon Concept Mapping. Mga Pilosopiya sa Asya Pilosopiya

Pilosopiya

Pilosopiya

Nagtatag

Nagtatag

Nagtatag

Turo at paniniwala

Turo at paniniwala

Turo at paniniwala

®

a. Analisis Ibahagi sa klase ang mga sagot ayon sa bidyung napanood.

C. Pangwakas na Gawain a. Paglalahat 1. Anu-ano ang mga pilosopiya sa Asya? Ang mga pilosopiya sa Asya ay  Confucianism  Taoism  Legalismo 2. Anu-ano ang mga paniniwala ng bawat pilosopiya sa Asya? Confucianism  Mabuting paraan ng pamumuhay ng isang tao ay magdadala sa kanya ng kapayapaan Taoism  Ang buhay at kamatayan ay magkasama  Lahat ng bagay ay iisa Legalismo  Ang pagsasaka at pagtatanggol sa bayan bilang sundalo ay makapagsasalba ng lipunan b. Paglalapat Bilang isang mag-aaral, alin sa mga pilosopiya sa Asya ang sa tingin nyo ay dapat nating tularan at sundin? Confucianism, dahil ito ay may “pagnanais na makatulong sa iba na maabot nila ang kanilang hangarin” ayon na rin sa mga turo nito.Tinuturo din nito kung paano "maging mabuti at mapagbigay sa nangangailangan", magkaroon ng "simpatya", "pusong makatao" at "makatuwid na kaugalian".

IV.

Pagtataya Panuto: Itiman ang bilog ng tamang sagot. 1. Alin sa mga sumusunod na pilosopiya sa Asya ang naniniwala na ang mabuting paraan ng pamumuhay ang magdala sa kanya sa kapayapaan? a. Confucianism b. Legalism c. Taoism d. Jainism 2. Ano ang tawag sa kasulatan ng mga Taoismo kung saan naglalayong makamit ang ugnayang mistiko? a. Tao Teaching b. Four Books at Five Classics c. Ethical Teaching d. Ten Commandments 3. Alin sa mga pilosopiya sa Asya ang naniniwala na ang lahat ng bagay ay iisa? a. Legalism b. Taoism c. Confuciasm d. Sikhism 4. Sya ay kilalang pilosopo sa Asya na sumulat ng librong Four Books at Five Classics a. Confucius b. Lao Tzu c. Mencius d. Xun Kuang 5. . Alin sa mga ito ang paniniwala ni Confucius? a. Ang mabuting paraan ng pamumuhay ng isang tao ay magdadala ng kapayapaan . b. Naniniwala siya na kapag gumawa ka ng masama ang katumbas ay dapat gumawa ka ng kabutihan. c. Naniniwala siya sa iisang diyos. d. Siya ay naniniwala sa reinkarnasyon.

V.

Kasunduan Iguhit ang pilosopo na iyong nagustuhan at ang kanilang pilosopiya....


Similar Free PDFs