PANANAW NG MGA (G11-STEM) SA MARIAN COLLEGE UKOL SA KANILANG UNANG TAON SA SENIOR HIGH SY2018-2019.pdf PDF

Title PANANAW NG MGA (G11-STEM) SA MARIAN COLLEGE UKOL SA KANILANG UNANG TAON SA SENIOR HIGH SY2018-2019.pdf
Author kenneth ortega
Pages 28
File Size 241.5 KB
File Type PDF
Total Downloads 68
Total Views 459

Summary

PANANAW NG MGA MAG-AARAL SA MARIAN COLLEGE (G11-STEM) UKOL SA KANILANG UNANG TAON SA SENIOR HIGH PARA SA AKADEMIKONG TAON (2018-2019) Isang Pamanahonang-papel na Iniharap sa Kaguruan ng Departamento ng Filipino sa Senior High School ng Marian College Bilang pagtupad sa isa sa mga pangangailangan ng ...


Description

PANANAW NG MGA MAG-AARAL SA MARIAN COLLEGE (G11-STEM) UKOL SA KANILANG UNANG TAON SA SENIOR HIGH PARA SA AKADEMIKONG TAON (2018-2019)

Isang Pamanahonang-papel na Iniharap sa Kaguruan ng Departamento ng Filipino sa Senior High School ng Marian College

Bilang pagtupad sa isa sa mga pangangailangan ng asignaturang Filipino: Pagbasa at Pagsuri sa Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik

Ipinasa ng Ika-Anim na Pangkat

Ipinasa kay: Jhon Clark Dequeros Guro

Pangalawang Semester Kolehiyo ng Marian (2018-2019)

DAHON NG PAGPAPATIBAY Bilang pagtupad sa isa sa mga pangangailangan ng asignaturang Filipino 11, Pagbasa at Pagsusuri sa Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik, ang pamanahonang papel na ito na pinamagatang Pananaw ng mga Mag-aaral sa Marian College (G11-STEM) ukol sa Kanilang Unang Taon sa Senior High para sa Akademikong Taon (2018-2019) ay inihanda ng pangkat ng mga mananaliksik mula sa baitang 11 seksiyon St. Pedro Calungsod na binubuo nina:

Dagupan, Kenneth Ivan O.

Felicia, Almalene Kaye M.

Durano, Jerry Jr. B.

Perez, Melovem Grace C.

Singit, Ramon Jr. Q.

Tinanggap sa ngalan ng Kagawaran ng Filipino, Marian College bilang isa sa mga pangangailangan sa asignaturang Filipino, Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik. Jhon Clark A. Dequeros Guro Marso 2019

PASASALAMAT AT PAGKILALA Hindi tayo bibigyan ng poong maykapal ng pagsubok na hindi natin makakaya bilang mag-aaral isang bagong pagsubok na naman ang napagtagumpayan at nalagpasan. Sa poong maykapal, maraming salamat po sa pag gabay sa amin at sa pagbibigay ng suporta. Hindi niyo kami pinabayaan sa oras ng aming gawain, nandiyan ka pa rin upang bigyan kami ng lakas at pag-asa at ng wastong kaisipan upang aming matapos ang pamanahong papel na ito. Sa aming mga magulang, maraming salamat po sa walang sawang pagbigay ng suporta upang gawin namin ang aming makakaya para sa aming kinabukasan. Sa pagbigay ng pinansyal upang aming matapos ang pamanahonang papel na ito. Sa mga mag-aaral ng G11-STEM, seksyon ng St. Padre Pio at St. Vianney, kami po ay lubos na nagpapasalamat sa inyo, maraming salamat sa pagbigay ng atensyon at pagbabahagi ng inyong kaalaman upang aming magamit sa pag-aaral na ito. Sa aming munting Dobby na aming moody, masungit ngunit butihing guro na si G.Jhon Clark A. Dequeros, maraming salamat po sa walang sawang suporta sa amin upang mabuo ang pamanahong ito. Kahit na minsan ay masyado kayong maarte sa mga patakaran sa pamanahong papel ngunit batid naming nais niyo lamang kaming hubugin upang mas mapalawak ang aming kaalaman. Marami pong salamat Ginoo.

Sa mga adviser ng aming mga respondente, marami pong salamat sa pagbigay sa amin ng pahintulot upang maka servey ang inyong mga estudyante. Sa mga editor at awtor ng mga artikulong aming pinanghanguan ng mahahalagang impormasyon upang mabuo ang aming ikalawang kabanata, maraming salamat. Sa kanilang lahat, buong puso po kaming nagpapasalamat ng marami.

-Mga mananaliksik

KABANATA 1 ANG SULIRANIN AT KALIGIRAN NITO INTRODUKSYON “Ang edukasyon ang susi tungo sa magandang kinabukasan at kahit kailan ay hindi mananakaw sayo ng kahit na ninuman.”---Madalas ito ang maririnig ng mga bata sa mga matatanda kapag pinangangaralan sila tungkol sa kanilang edukasyon. Karamihan sa ating lipunan ay labis ang pagpapahalaga dito at sa kadahilanang iyon ay ipinatupad ng Kagawaran ng Edukasyon ang bagong kurikulom na naglalayong pataasin ang kalidad ng ating edukasyon, ito ay ang K-12. Sa ilalim ng Republic Act No. 10533, naisulong ang K-12 na bagong kurikulom na ngayon sa ating bansa na pinirmahan ng ating dating Pangulong Benigno Aquino III. Sa ilalim ng K-12, magsisimula ang bata sa kanyang pag-aaral sa Kindergarten, 6 na taon sa Elementarya, 4 na taon sa Junior High School at 2 taon sa Senior High, ito ang karagdagang taon na ipinatupad. Layunin nito na mas paunlarin at hasain ang mga mag-aaral sa kanilang kakayahan base sa kanilang napiling strand. Bagkus, ito ang hinahanap ng mga employee ng ibang bansa, ibig sabihin mas madaling makakahanap ng trabaho sa hinaharap. Kabilang sa mga paaaralan na nagbukas ng Senior High ay ang Marian College kung saan ay mayroong tatlong strand na maaring tahakin --- ang Science, Technology, Engineering and Mathematics (STEM), Accounting, Business and Management (ABM) at Humanities and Social Sciences (HUMMS). Masasabing

lahat ng strand ay may kanya kanyang obligasyon para hasain ang mag-aaral na pimili nito ngunit madalas marinig na ang STEM na strand ay kinatatakutan ng mga mag-aaral na kunin sapagkat maraming asignaturang Agham(Science) at Matematika (agham na madalas na marinig na mahirap) ngunit parte ito para sa mga may gustong kumuha ng inhinyero, pagdodoktor at mga trabahong may kinalaman sa Science at Mathematics. Bunsod nito, ay nangangailangan ng masusing pananaliksik kung ano ang tunay na saloobin at pananaw ng mga mag-aaral ukol sa kanilang unang taon sa Senior High. Kung sapat ba ang kalidad ng edukasyon ng Marian College at kung may kakulangan ba upang magawan ng paraan ito ng sa gayon ay maituwid at masiguradong makamit ng maayos ang layunin ng K-12 kurikulom na dekalidad na edukasyon para sa mga mag-aaral.

LAYUNIN NG PAG-AARAL Layunin ng pag-aaral na ito na sagutin ang mga sumusunod: 1. Ano ang pananaw ng mga mag-aaral ng Grade 11 STEM sa Marian College ukol sa kanilang unang taon sa Senior High sa aspeto ng mga pasilidad, aklat, at guro? 2. Ano-ano ang ang mga suliranin na kinakailangan aksyonan at bigyan ng pagpapabago upang mapabuti na makakatulong sa kalidad ng edukasyon sa nasabing strand?

3. Ano-ano ang mga ebalwasyon na kakailanaganin at angkop upang matugunan ang naturang suliranin ng mga mag-aaral sa kasapatan ng aklat, pasilidad at gayon din sa paraan ng pagtuturo ng mga guro?

KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL Sa kahalagahang hatid, hangad ng pananaliksik na ito na makatulong at may kaalamang maibahagi sa mga sumusunod: Para sa mga mag-aaral ang pananaliksik na ito ay makakatulong upang ang kanilang saloobin at pananaw ukol sa kanilang unang taon sa Senior High ay maipaabot sa administrasyon ng paaralan upang matugunan at mabigyan ng ebalwasyon. Bagkus, makakatulong ito upang ang sumunod na taon ay mapabuti at matugunan ang hangad na dekalidad na edukasyon. Para sa administrasyon makakatulong ito upang matukoy nila ang kanilang mga aspekto na nangangailangan ng iilang pagbabago o pagpapabuti ng sa gayon ay mas mabigyan ng dekalidad na edukasyon ang mga pumili ng STEM strand. Dagdag pa nito ang paaralan ay magiging mas kaaya-aya sa mga mag-aaral dahil sa dekalidad na edukasyon na binabahagi nito. Para sa Kagawaran ng Edukasyon ang pagbabago ay nagsisimula sa loob ng isang paaralan ay makakatulong upang maka impluwensya sa iba. Sa pamamagitan

ng

panananaliksik

na

ito

ang

mga

mababanggit

na

rekomendasyon ay maaring makakatulong sa kagawaran upang mapalawak at mas mapabuti pa ang hinahangad ng mamayan na dekalidad na pag-aaral.

Maari silang makakuha ng ideya sa pananaliksik na ito na galing mismo sa pananaw ng mga mag-aaral upang kanilang bigyan ng pansin at ebalwasyon.

SAKLAW AT LIMITASYON NG PAG-AARAL Sa pag-aaral na ito, ang mga mananaliksik ay mag popokus lamang sa makakalap na pananaw ng mga mag-aaral sa Marian College na nasa Grade 11-Stem para sa akademikong taon 2018-2019. Ang nabanggit na strand at baitang lamang ang saklaw ng pag-aaral kung saan doon lang kukunin ang impormasyon at mga kalahok. Ang pananaliksik na ito ay magbibigay lamang ng karampatang atensyon sa pananaw ng mga mag-aaral tungkol sa unang taong pagtungtong nila sa Senior High na makakalap sa pamamagitan ng gagawing servey. Ang mga impormasyon na makakalap ay naayon lamang sa mga surbey questionaire na ibinigay ng mga mananaliksik sa kanilang mga intervyuwi.

DEPINISYON NG TERMINOLOHIYA

K-12 Curriculum - programang ipinatupad ng pamahalaan at ng Kagawaran ng Edukasyon. Ito ang karagdagang grade 11 at 12 na naglalayong tulungan ang ating mga kabataan at pantayan ang sistema ng edukasyon, hindi lamang sa buong Asya, kundi sa buong mundo.

Senior High School - karagdagang dalawang taon ng pag-aaral na may kinalaman sa ispisipikong kurso na tatahakin upang magsilbing paghahanda sa kolehiyo o maaaring sa negosyo o trabaho depende sa kinuhang strand.

STEM Strand - acronym ng Science, Technology, Engineering and Mathematics, isang strand sa pang-akademikong track na inihanda ang isang senior high school student na nais kumuha ng kurso sa kolehiyo na nagpupokus maging graduate ng Bachelor of Science.

ST. VIANNEY AT ST. PADRE PIO - Grade 11 seksyon sa Marian College kung saan ang strand ay STEM na ginawang respondente at pinagkuhanan ng impormasyon ng mga mananaliksik.

KABANATA II

MGA KAUGNAY NA PAG-AARAL AT LITERATURA

Ang persepsyon o pananaw ay paraan kung paano magbigay kahulugan ukol sa pakiramdam na konektado sa mundo (www.bussnessdictionary.com, 2014). Sa pamamagitan nito nabibigyan ng kahulugan ang mga materyal na bagay o pangyayari. Ang mga persepsyon na ito ay nagiging abstraksyon (Angel, 1906). Ang STEM ay pinagisang salita para sa Science, Technology, Engineering at Mathematics. Ito ay isang strand na nakapaloob sa academic track ng bagong kurikulum pang-edukasyon sa Pilipinas. Ang mga kasanayan na dapat isaalang-alang ng isang mag-aaral ng kursong STEM ay ang pagkakaroon ng kakayahang makapag-analisa, makabuo ng mga proyekto at kakayahang makapag-isip ng mga konklusyon mula sa mga resulta ng isang pananaliksik. Kinakailangan din dito ang kasanayan sa matematika, agham at teknikal. (Concepcion Effraime. 2017) Ang edukasyon ng STEM ay resulta ng ilang kasaysayang pangyayari. Ang pinakatanyag na nauukol dito ay ang mga Morrill Act of 1892. Habang parami ng parami ang mga institusyon na naitayo mas lalong nadagdagan ang training na kaugnay ng STEM Strand (Butz et al.,2004). Ang programang K-12 ay nilagdaan ni dating pangulong Benigno Simeon “Noynoy” Cojuanco Aquino III sa Pilipinas noong taong 2012. “K” na ang ibig sabihin ay kindergarten at 12 na sumisimbolo ng dalawampung taon ng beysik na edukasyon. Anim na taon sa elementarya, apat na taon naman sa junior

high school at dalawang taon sa senior high school. Ito ay naglalayon na baguhin ang sistema ng edukasyon sa Pilipinas sapagkat ayon sa Kagawaran ng Edukasyon ang Pilipinas ay huling bansa sa Asya at tatlo na lamang ang bansang natitira na may makalumang antas ng edukasyon sa buong mundo. Dinagdagan ng 2 taon ang edukasyon upang makasiguro na ang bawat mag-aaral ay kayang makipagsabayan at mahasa ang kaalaman na kanilang magagamit sa pagta-trabaho sa Pilipinas at maging sa ibang bansa. Ang mga estudyante ng Asya ay nagpakita ng kasaysayan ng pinakamataas na antas ng interes sa mga patlang ng STEM (Stem: Ngayong Makabagong Henerasyon. 2017, Hulyo 22). Ang mga guro sa STEM strand ay gumagawa ng sulosyon at nakikipagtulungan sa kanilang mga mag-aaral sa pamamagitan ng paggawa ng mga aktibidad na naglalayong matulungan ang kanilang kritikal na pag-iisip, komunikasyon,

assessment, at mga kasanayan sa pagtatanong. Iyan ay isang kahangahangang paglalarawan sa trabaho; gayunpaman marami ang naglalahad na ang sistema ng pagtuturo sa STEM strand ay magulo, hindi naayon, napuno ng kahilahilakbot na programa at marami pa sa pagitan nito. Hindi iyon nakakapagtaka sapagkat ang STEM na isa sa strand ng K-12 ay bago pa lamang nagsimula (Jolly, Anne. 2012. Real-world Stem problems). Ayon kay dating pangulong Noynoy Aquino, sa K-12 tiwala tayong mabibigyan lakas si Juan dela Cruz upang mapaunlad---hindi lamang ang kanyang sarili at pamilya---kundi maging ang buong bansa. Gaya rin ng sinabi ni Jessica Wilhelm, isang assistant professor ng psychology sa Florida Tech ay nagsabi, “Kung ang

isang tao ay nasanay na maraming pagsubok noong bata pa lamang ay siguradong makakamit ang mas higit pang inaasahang tagumpay.

KABANATA III DISENYO AT PARAAN NG PANANALIKSIK DISENYO AT PARAAN NG PANANALIKSIK Ang naisagawang pananaliksik ay gumamit ng deskriptibong metodolohiya ng pananaliksik.

Napili

ng

“Descriptive-Qualitative

mga

Survey

mananaliksik

Reseach

ang

Design”,

na

pag

gamit

ng

gumagamit

ng

talatanungan (survey questionnaire) para makakalap ng mga datos. Naniniwala ang mga mananaliksik na sa pamamagitan ng metodolohiyang ito mapapabilis ang pangangalap ng mga datos mula sa dalawang seksyong pagkukunan ng impormasyon. Nakalimita lamang ang mga tagasagot sa mga talatanungan sapagkat nakapokos ang pag-aaral sa nasabing strand at ang kanilang pananaw lamang ang magbibigay epekto sa pag-aaral na ito, ngunit ang uri ng disenyong ginamit ay hindi nakadepende sa dami ng sumagot sa mga talatanungan. Kung lubos itong nauunawaan ng mga mananaliksik na nababagay ito sa pag-aaral kung saan maaari ring makakuha ng rekomendasyon mula sa mga respondente. Pinananiwalaan ng mga mananaliksik na ang disenyong ito ay magiging mabisa sa pag-aaral na ito upang mas makakalap ng impormasyon na magiging epektibo sa pananaliksik.

Instrumento ng Pananaliksik Ang mananaliksik ay gumamit ng talatanungan o survey questionnaire bilang pangunahing instrumento sa pagkalap ng mga impormasyon at datos na magagamit sa pag-aaral. Nagsagawa rin ng maikling oryentasyon ang mga mananaliksik sa mga respondente bago nila sagutin ang mga nakalaang tanong upang lubos silang makaunawa at malinawan bago pinamahagi ang mga talatanunggan. Ang mga mananaliksik mismo ang pumunta sa mga respondente upang masigurado at walang nangyayaring pandadaya sa oras ng pangangalap ng impormasyon. Ang pag-aaral ay nagsimula Disyembre hanggang Pebrero sa taong kasalukuyan.

Tritment ng mga Datos Ang mga datos na makakalap ng mga mananaliksik mula sa mga respondente na tumugon sa talatanungan ay ipagsasama. Ang mga datos na nakalap ay magsisilbing kasagutan sa mga katanungang inilahad ng pag-aaral. Ang mga datos na nakalap ay ikukumpara at bigyan atensyon ng mga mananaliksik kung ano ano ang mga pananaw ng mga respondente sa nasabing pag-aaral.

Gagamit ng Descriptive Statistical Analysis ang mga mananaliksik upang ipresenta ang mga datos kung saan gagamit ng mga talaan upang suriin ang mga nakalap na datos. Ito ang napili ng mga mananaliksik dahil mas madaling maintindihan ang mga datos sapagkat naka buod ang mga ito sa iba’t ibang uri ng talaan gaya ng talahanayan, tsarts at graphs at magkakaroon rin ng pagtalakay sa mga resulta ng mga datos.

KABANATA IV PRESENTASYON AT INTERPRETASYON NG MGA DATOS

Kasarian

Seksyon

44%

50%

50%

56%

St. Vianney:30

Babae: 27

St. Pio: 24

Lalaki: 27

15% 48% 37%

Old: 26

Transferee: 20

Unspecified: 8

Figure 1: Populasyon ng mga Mag-aaral Makikita sa itaas na graph ang populasyon ng mga G11 na mag-aaral sa Marian College na kumuha ng STEM na strand. Ang mga datos ay mula sa dalawang seksyon ng nasabing strand. Nasa tatlumpong (30) respondente ang nakuha ng mga mananaliksik mula sa St. Vianney at dalawampu’t apat (24) naman sa St. Padre Pio. Sa kabuoan ng populasyon pareho ang bilang ng babae at lalaking respondente. Sa ikatlong kulom ng graph makikita ang 26 na dati na ditong nag-aaral at mga mag-aaral na bago lamang sa paaralan na may 20 sa mga nakuhang respondente,

samantala 8 naman ang hindi sumagot o unspecified sa hindi malamang dahilan. Kabuoang resulta tungkol sa kung sapat ba ang mga kagamitan na kinakailangan sa strand

Overall Result Marami bang aktibidad ang nagaganap kaugnay sa inyong strand (STEM)? Maayos ba ang representasyon ng mga guro sa kanilang mga paksa?

Maayos ba ang mga pasilidad sa inyong silid-aralan?

Sapat ba ang mga kagamitan na kinakailangan sa strand? 0 Oo

5

Medyo

10

15

20

25

30

35

40

45

50

Hindi

Figure 2: Kasapatan ng Pasilidad

Ang graph na nasa itaas ay ang kabuoang resulta tungkol sa kung sapat ba ang mga kagamitan na kinakailangan sa strand, ang isyu sa kaayusan ng mga pasilidad sa silid aralan, presentasyon ng mga guro sa kanilang mga paksa at mga aktibidad na nangyayari kaugnay ng nasabing strand. Sa isyu ng mga aktibidad na nagaganap sa paaralan na kaugnay sa strand (34) tatlumpu’t apat ang nagsabing medyo, labing lima (15) ang nagsabing maraming aktibidad ang nangyayari, at nasa tatlo (3) lamang ang nagsabi ng

hindi. Ang populasyon ng respondente ay nasa limampu’t apat. Dalawang (2) respondente ang piniling hindi sumagot. Sa parte kung saan tinatanong kung maayos ba ang representasyon ng mga guro sa kanilang paksa dalawamput tatlo (23) ang nagsabing oo, dalawamput siyam naman ang nagsabing medyo at dalawa(2) lamang ang nagsibi ng hindi. Kaugnay ng mga pasilidad sa silid aralan nasa tatlumpu’t isa (31) ang nagsabing medyo, dalawampu’t isa (21) ang nagsabing maayos ang mga pasilidad sa kanilang silid aralan at dalawa (2) lamang din ang nagsabi ng hindi. Sa kasapatan ng mga kagamitan na kinakailangan sa strand apatnapu’t apat (44) ang nagsabi ng medyo, anim (6) naman ang nagsabi ng hindi sapat ang mga kagamitan at tatlo (3) lamang ang nagsabi na sapat ang kagamitan na kinakailangan sa strand. Datos ng mga mag-aaral ukol sa paggamit ng aklat sa silid aklatan

Gumagamit ng mga pasilidad sa oras ng performance task

Gumagamit ng TV ang guro kapag nagtuturo

Gumagamit ng aklat sa silid-aklatan sa oras ng pangangalap ng info? Palagi

Madalas 0

Minsan Hindi 5 10 15

20

25

30

35

Figure 3 Ang talahanayan sa kabilang pahina ay ang datos ng mga mag-aaral ukol sa paggamit ng aklat sa silid aklatan, ang paggamit ng TV ng mga guro kapag

nagtuturo at paggamit na pasilidad ng mga mag-aaral sa oras performance task. Sa paggamit ng mga pasilidad tulad ng computer lab at AVR sa oras ng

performance task , isa (1) lamang ang nagsabi ng hindi, at gayun din sa palagi, dalawampu’t tatlo (23) ang nagsabing madalas, at dalawampu’t siyam (29) naman ang nagsabi na minsan. Sa paggamit ng TV ng guro sa oras ng kanyang pagtuturo, nasa dalawampu’t siyam (26) ang nagsabi ng madalas, dalawampu’t dalawa (22) ang nagsabi ng palagi, anim (6) ang nagsabi ng minsan at dalawa’t kalahati (2.5) naman ang nagsabi ng hindi. Sa paggamit ng aklat sa silid-aklatan sa oras ng pangangalap ng impormasyon tatlumpu’t dalawa (32) ang nagsabi ng minsan, labing apat (14) ang nagsabi ng madalas, pito (7) ang nagsabi ng hindi, at isa (1) lang ang nagsabi ng palagi. Asignaturang nadadalian ang mga G11 STEM Students

0

2

4

6

8

10

Gen. Math

CLE

EdTech

English for Academic Purposes

Oral Communication

Computer

Personal Development

Pananaliksik

Practical Research

UCSP

Statistics

Gen. Chemistry I

Gen. Biology I

Pre-Calculus

Reading and Writing

Figure 4

12

Ang talahananayan sa kabilang pahina ay nagpapakita kung anong asignaturang nadadalian at nahihirapan ang mga mag-aaral ukol sa kanilang unang taon sa Senior High. Makikita na ang asignaturang Personal Development ang pinakamadali para sa mga STEM students na nakakuha ng pinakamataas na puntos na 10.96, CLE (10.43), Oral Commu...


Similar Free PDFs