PILING PELIKULANG PILIPINO: KASANGKAPAN SA PAGLALAHAD NG KASAYSAYAN NG BAYAN PDF

Title PILING PELIKULANG PILIPINO: KASANGKAPAN SA PAGLALAHAD NG KASAYSAYAN NG BAYAN
Author Romel P . MISA
Pages 16
File Size 176.4 KB
File Type PDF
Total Downloads 139
Total Views 944

Summary

PILING PELIKULANG PILIPINO: KASANGKAPAN SA PAGLALAHAD NG KASAYSAYAN NG BAYAN Romel P. Misa Departamento ng Kasaysayan Pamantasang De La Salle, Lungsod ng Maynila ABSTRAK Sa gagawing papel, tatalakayin ang kung bakit ang pelikulang historikal sa paglalahad ng kasaysayan ng Pilipinas. Susuriin ang ila...


Description

PILING PELIKULANG PILIPINO: KASANGKAPAN SA PAGLALAHAD NG KASAYSAYAN NG BAYAN

Romel P. Misa Departamento ng Kasaysayan Pamantasang De La Salle, Lungsod ng Maynila

ABSTRAK Sa gagawing papel, tatalakayin ang kung bakit ang pelikulang historikal sa paglalahad ng kasaysayan ng Pilipinas. Susuriin ang ilang mga pelikulang Pilipino mula 1980 hanggang sa kasalukuyan kung ang mga pelikulang ito ay naglalahad ng kasaysayan ng bayan. Mga Susing Salita: Kasaysayan, Pelikula, Batis, Sining, Film Strip, Dalagang Bukid, Espectaculo Cientifico de Pertierra

PANIMULA Ang pelikulang Pilipino ay masasabing pinakabatang sining na nabuo sa Pilipinas. Nagsimula ang mga Pilipino na gumawa ng mga pelikula mula noong 1919.1 Ang pelikulang Dalagang Bukid ni Jose Nepomuceno noong 1919 ang kauna-unahang pelikulang Pilipino. Sa kabilang banda, habang tumatagal ay hindi nakapako ang tema ng pelikula sa drama. Habang tumatagal ay nagkakaroon ng mga temang nais ipokus ng mga direktor katulad ng paggawa ng mga pelikulang pangkasaysayan at kultura. Mapapansin sa mga naunang mga pelikulang pangkasaysayan at kultura ay may makikitang hindi tumutugma sa mga naging tala sa kasaysayan o tumutugma sa kultural na aspekto. Bukod pa rito, makikita na mas lamang pa ang mga kathang-isip ang mga ginamit na senaryo kaysa sa mga aktwal na pangyayari sa kasaysayan.

“History of Philippine Cinema,” accessed September 30, 2020, http://www.aenet.org/family/filmhistory.htm. 1

1

Ang pelikulang historikal o pangkasaysayan ayon kay Marra P.L. Lanot at Lena S. Pareja ay tumatalakay sa mga totoong pangyayari sa nakaraan o sa buhay ng mga kilalang tao, bayani man o kabilang sa tinatawag na tiwalag sa lipunan na nabuhay sa isang partikular na yugto na kasaysayan.2 Mapapansin na maraming mga pelikulang pangkasaysayan ang humalaw ang tema at paksa sa Rebolusyong 1896 o sa mga pangyayaring naghatid sa Pilipinas sa rebolusyong ito, kabilang na ang mga bayaning sangkot sa nasabing rebolusyon.3 Ang kauna-unahang direktor na humalaw sa balon ng kasaysayan ng 1896 ay si Julian Manansala na kung saan pinalabas ang kanyang pelikulang Patria et Amore (1929), Dimasalang (1930) at iba pa.4 Sa isang banda, makikita na nagkakaroon ng mga pagbabago pagdating sa pagpapalabas ng mga pelikulang pangkasaysayan at pangkultural. Unti-unting nagkakaroon ng linaw ang bawat pelikulang ito sa pamamagitan ng paggamit ng mga batis upang maipakita na nasa katotohanan ang mga pangyayaring pinapakita. Ayon kay Robert A. Rosenstone, “Film shows that academics do not own the past. Film creates a historical world with which the written word cannot compete, at least for popularity. Film is a disturbing symbol of an increasingly postliterate world (in which people can read but will not).”5 Sinasaad na ang pelikula lalo na ang pelikulang kasaysayan ay iba ang naging paglalahad ng kasaysayan kaysa sa mga dokumento o batis. Makikita na ang pelikula ay nagbibigay larawan sa naging itsura, kasuotan, gawi at iba pa sa naging buhay o senaryo sa ispisikong panahong tinatalakay. Maaring may ilang pagkakaiba ngunit ang konsepto ay nakaangkla parin sa kasaysayan at kultura. Ayon sa naging pagtalakay ni

Eulalio R. Guieb III, “Mga Anyo Ng Sineng Filipino: Paghahanay at Paglilinaw Ng Mga Kinagisnan at Tunguhin,” in Sining Ng Sineng Pilipino: Young Critics Circle, ed. Galileo S. Zafra (Quezon City: Sentro ng Wikang Filipino-Diliman, 2009), 64. 3 Guieb, 64. 4 Guieb, 64–65. 5 Robert A. Rosenstone, “The Historical Film as Real History,” Filmhistoria Online 5, no. 1 (1995): 5. 2

2

Hayden White sa naging pag-aaral ni Rosenstone tungkol sa pelikulang pangkasaysayan, “Rosenstone properly insists that some things-he cites landscapes, sounds, strong emotions, certain kinds of conflicts between individuals and groups, collective events and the movements of crowds-can be better represented on film (and, we might add, video) than in any merely verbal account.”6 Bukod pa rito, sinasaad ni Rosenstone na ang mga pelikula ay nagpapakita ng kanikanilang mga katotohanan na kung saan ito ay lumalabas mula sa kanilang biswal at awral na espasyo.7 Kung susuriin natin ang isang pelikulang pangkasaysayan, naglalahad ito ng katotohanang ayon sa naging pangyayaring nakatala sa mga dokumento at batis. Sa isang banda, sinusulong ni Patrick D. Flores sa kanyang artikulo na Plotting the People Out na nailathala sa dyornal na Pelikula noong 1999 na ang teoritikal na balangkas ng panunuri sa mga tinaguriang sineng historikal bilang pagbibigay-distinksyon sa pagkakaiba-iba ng kasaysayang pampelikula (film history), historiograpiyang pampelikula (film historiography), kasaysayang praktika (historical practice), kasaysayan ng pelikula (history of film) at mga pelikulang pangkasaysayan (historical o period films).8 Ang mga klasipikasyong ito ay lunan ng balakid, kontradiksyon at posibilidad. Sa paggamit ng mga klasipikasyong ito ay hindi sasapat na ikulong ng mga manlilikha at manunuri ng pelikulang nakisangkot sa nasyon o pagkabansa at pagkakakilanlang pambansa (national identity) sa hawla ng kabayanihan o sa mahahalagang yugtong pangkasaysayan dahil kailangang ikawing sa mga kategorya at praktikang ito ang iba pang “ahente at estruktura ng kolektibong transpormasyon.”9

Hayden White, “Historiography and Historiophoty,” The American Historical Review 93, no. 5 (December 1988): 1194. 7 White, 155. 8 Guieb, “Mga Anyo Ng Sineng Filipino: Paghahanay at Paglilinaw Ng Mga Kinagisnan at Tunguhin,” 66. 9 Guieb, 66. 6

3

SAKLAW AT LIMITASYON NG PAG-AARAL Sa gagawing papel, ang mananaliksik ay mamimili ng isang pelikulang pangkasaysayan mula noong 1980 hanggang sa kasalukuyan at hahatiin ito sa sumusunod na periodisasyon batay sa binigay na silabus sa klase: 1. Panahong Prekolonyal 2. Kolonisasyong Espanyol 3. Pilipinas sa Panahong ng Okupasyong Amerikano at Hapones 4. Pilipinas sa Panahon ng Ikatlong Republika Hanggang sa Kasalukuyan Susuriin ang mga pelikulang napili sa bawat panahon kung ito ay naglalahad ng kasaysayan ng bayan.

MAIKLING KASAYSAYAN NG PELIKULANG PILIPINO Bago pa man naipalabas ang pelikulang Dalagang Bukid, unang nilunsad ang tinatawag na film strip o mga larawang gumagalaw. Ito ay unang nilusand noong Enero 1897 na kung saan unang pinalabas ang pinakaunang film strip sa Pilipinas, ang Espectaculo Cientifico de Pertierra o kilala bilang Espectaculo de Piertierra.10 Ito ay isang programa na nagpapalabas ng mga film strip gamit ang mga kronopotograpo na pinapamahalaan ng isang Kastilang mangangalakal na si Señor Francisco Pertierra sa kanyang salon sa Escolta.11 Makikita rito ang mga iba’t ibang mga paksa na pinapalabas ng mga film strip----mula sa mga sayaw ng Hapon hanggang sa sa mga kuhang larawan ng mga lugar sa Pransya.12 Makaraan ang ilang mga buwan ay dumating sa

Neil Martial R. Santillan, “Sinemang Filipino Sa Agos Ng Kasaysayan,” in Sining Ng Sineng Pilipino: Young Critics Circle, ed. Galileo S. Zafra (Quezon City: Sentro ng Wikang Filipino-Diliman, 2009), 133–34. 11 Santillan, 134. 12 Santillan, 134. 10

4

Pilipinas ang tunay na sinematograpo na dinala ng dalawang Suwisong mangangalakal na sina Leibman at Peritz sa Maynila at noong Agosto 1897 sa panahon ng himagsikan ay ipinakilala ang sinematograpong Lumiere na nagmula sa Lyon, Pransya.13 Sa pagpapakilala ng sinematograpo ay nagkaroon ng pagkamangha ang mga manonood nito sa kadahilanang sa kung ano ang realidad ang maaring ipakita ng sinematograpo sa kanila. Ang sinematograpong Lumiere ay unang inilagay sa Escolta sa tabi ng San Jacinto at ang unang pagpapalabas nito ay nangyari noong Agosto 28, 1897 na may limitadong manonood.14 Sa loob ng unang tatlong linggo, naglabas si Antonio Ramos, isang Kastilang sundalo mula sa Alhama de Aragon ng sampung iba’t ibang pelikulang ipapalabas ngunit sa ikaapat na linggo ay puwersahan niyang babalasahin ang tatlumpung pelikula na may iba-ibang kombinasyon upang makabuo ng bagong programa.1516 Sa pagdating ng mga Amerikano sa bansa noong 1898 ay ginamit nila ang pelikula bilang mekanismo ng kanilang gawaing propaganda tungkol sa Digmaang Pilipino-Amerikano at kulturang Pilipino.17 Ginamit ng mga Amerikano ang mga pelikula upang maipaliwanag at mabigyang katwiran ang kolonisasyon sa Pilipinas na naging tunguhin ng mga pelikulang pinamamahalaan ng Edison Manufacturing Company, American Mutoscope and Biograph Company, at ibang maliliit na kompanya mula 1898 hanggang sa unang dekada ng ikadalawampung dantaon.18 Makikita sa karamihan sa mga pelikula ng Edison at Biograph

13

Santillan, 134. Arsenio “Boots” Bautista, “History of Philippine Cinema,” National Commission for Culture and the Arts (blog), accessed September 29, 2020, https://ncca.gov.ph/about-ncca3/subcommissions/subcommission-on-the-arts-sca/cinema/history-of-philippine-cinema/. 15 Bautista. 16 Si Antonio Ramos ang nagdala ng sinematograpong Lumiere sa bansa na may tatlumpung pelikula at tinulungang ponduhan ng Liebman at Peritz sa naging gastos ni Ramos upang maidala sa bansa ang sinematograpo. 17 Santillan, “Sinemang Filipino Sa Agos Ng Kasaysayan,” 134. 18 Santillan, 134. 14

5

katulad ng Rout of the Filipinos na pinalabas (1899), Col. Funston Swimming the Bagbag River (1899), at Aguinaldo’s Navy (1902) ay nagpapakita ng pagkatalo ng mga Pilipino sa mga Amerikano at ang paglalahad ng mga Amerikano ng kanilang mataas na kultura’t teknolohiyang military.19 Malinaw sa mga pelikulang propaganda na nais ipakita ng mga Amerikano ang pagiging mababang uri ng kultura ng mga Pilipino at walang kahandaan sa pamamahala ng mga Pilipino na naging batayan sa kanilang pananakop.20 Sa kabilang banda, nang sinakop ng mga Hapones ang Pilipinas noong 1941 ay nagkaroon ng mga pagbabago sa pagpapalabas ng mga pelikula sa mga lungsod. Katulad ng ginawa ng mga Amerikano, ang pelikula ay ginamit nila bilang propaganda.21 Ginamit ng mga Hapones ang pelikula bilang pagpapakita magandang samahan at pagkakaibigan ng bansang Hapon at Pilipinas. Isa sa halimbawa nito ang pelikulang Dawn of Freedom (Ano Hata wo Utte) na dinerehe ni Abe Yutaka at kasamang direktor na si Gerardo de Leon na ipinalabas noong 1944.2223 Bukod pa rito, upang maisakatuparan ang pagnanais ng mga Hapones na pasipikasyon at paglatag ng mga mithiin ng Greater East Asia Co-Prosperity Sphere, itinatag nila ang Nihon Eiga Haikyu Sha, isang kompanyang na namamahala sa produksiyon at distribusyon ng mga pelikula ng mga Hapones at ibang mga kaugnay na gawain nito.24 Ang kompanyang ito ay tinulungan ng isa mga haligi ng pelikula sa bansang Hapon ang Toho Film Company.25 Mapapansin na ang mga dokumentaryo at pelikula ay hindi ginawa sa loob ng Pilipinas maliban sa isang dokumentaryong pinamagatang Glory of the Orient (Toyo no Gaika), Dawn of Freedom

19

Santillan, 134. Santillan, 134–35. 21 “History of Philippine Cinema.” 22 “History of Philippine Cinema.” 23 Gonzalo A. Campoamor II, “Phases and Faces in the Filipino War Film Images of the Japanese Invader and the Filipino in Contemporary Philippine Cinema,” Philippine Studies 57, no. 1 (2009): 80. 24 Santillan, “Sinemang Filipino Sa Agos Ng Kasaysayan,” 143. 25 Santillan, 143. 20

6

at Tatlong Maria na pinalabas noong 1944.26 Ang mga Pilipino sa isang banda ay hindi nasisiyahan sa mga dokumentaryo at pelikula ng mga Hapones dahil ginamit lamang nila ang mga sinehan bilang mekanismo ng pasipikasyon.27 Ang mga pelikulang Hapon katulad ng Tatlong Maria ay masusukat ang naging kabiguan ng mga Hapones sa kanilang pagsisikap na mailatag ang kanilang propaganda sa mga Pilipino.28 Bago pumasok ang Ikatlong Republika, ang mga pelikula ay nakatuon sa mga paksa tungkol sa paglalahad ng paghihirap at kabayanihan na naranasan ng mga gerilya noong panahon ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig sa Pilipinas. Ang mga pelikulang katulad ng Garrison 13 (1946), Dugo ng Bayan (The Country’s Blood) (1946), at iba pa ang mga halimbawa nito.29 Sa pagpasok ng 1950 hanggang 1970 ay tinataguriang “Ginituang Panahon” ng pelikulang Pilipino. Sa panahong ito unang nagkaroon ng mga gantimpla sa mga natatanging pelikula isa rito ang Maria Clara Awards at ang Filipino Academy of Movie Arts and Sciences (FAMAS) Awards. Sa panahong din ito ipinalabas sa ibang bansa ang pelikulang Genghis Khan (1950) ni Manuel Conde naipalabas sa Venice Film Festival noong 1952 at naipalabas sa Paris, Pransya noong 1954 na sinalin sa wikang Pranses.3031 Iba’t ibang mga paksa at tema ang mga nilatag sa bawat pelikula sa panahong ito katulad ng etnisidad, kahirapan, pamilya at agrikultral na usapin. Bukod pa rito, pinaunahan ng mga studio ang paglulunsad ng Kapistahan ng Pelikulang Asyano, isang taunang pagdiriwang ng mga natatanging pelikulang Pilipino sa labas ng bansa.32 Sa isang banda, ang sistemang studio sa Pilipinas ay unti-unting nagkakaroon ng

26

Santillan, 143. Santillan, 144. 28 Campoamor, “Phases and Faces in the Filipino War Film Images of the Japanese Invader and the Filipino in Contemporary Philippine Cinema,” 80. 29 “History of Philippine Cinema.” 30 Bautista, “History of Philippine Cinema.” 31 “History of Philippine Cinema.” 32 Santillan, “Sinemang Filipino Sa Agos Ng Kasaysayan,” 149. 27

7

problema na kung saan ay nagkaroon panloob na problema sa pagitan ng mga manggagawa.33 Sinabayan pa ng pag-angat ng pelikulang banyaga sa takilya na kung saan nagkaroon ng malaking epekto sa mga lokal na studio. Mababalikan na nagsimula ang sistemang studio sa Pilipinas bago pa man sakupin ng mga Hapones ang Pilipinas at nangyari ang epektibong implementasyon ng sistemang studio pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig.34 Unang nagsara ang Lebran na sinundan ng Premiere Productions at sa huli ang Sampaguita at LVN ang nagsara.35 Ang mga nabanggit na studio ay tinatawag na “Big Four” sa pinilakang tabing.36 Sa pagdeklara ng Batas Militar noong Septyembre 23, 1972 , sinubukang hawakan ng pamahalaang Marcos ang industriya ng pelikula upang magamit ito bilang mekanismo ng propaganda.37 Sa panahong ito unang lumabas ang mga pelikulang “Bomba” na kung saan ang mga paksa o tema ay patungkol sa seks. Sa isang banda, bukod sa mga pelikulang bomba, naglabasan din ang mga pelikulang tumutuligsa sa pamamahala ng administrasyong Marcos. Sa pagtatapos ng rehimeng Marcos ay nagkaroon ng mga pagbabago sa pelikulang Pilipino. Naitatag ang mga kapistahan ng mga maikling pelikula na pinunduhan ng Unibersidad ng Pilipinas Sentro ng Pelikulang Pilipino at Pelikulang Eksperimental ng Pilipinas.38 Naglabasan ang mga hindi kilalang direktor katulad ni Nick Deocampo, Kidlat Tahimik at Raymond Red na ang kanilang mga gawang pelikula ay napansin o nanalo sa ibang bansa. Lumawak ang naging komersyalismo sa industriya ng pelikula pagkatapos ng People Power Revolution ng 1986 dahil sa paglitaw ng ibang pagkakakitaan ng mga kapitalistang sa paggawa

“History of Philippine Cinema.” Santillan, “Sinemang Filipino Sa Agos Ng Kasaysayan,” 146. 35 “History of Philippine Cinema.” 36 Santillan, “Sinemang Filipino Sa Agos Ng Kasaysayan,” 145. 37 “History of Philippine Cinema.” 38 “History of Philippine Cinema.” 33 34

8

ng pelikula.39 Mabibilang laman ang mga pelikulang masasabing obra katulad ng Gumapang Ka sa Lusak ni Lino Brocka (1990), Pahiram ng isang Umaga ni Ishmael Bernal (1989) at iba pa.40 Naglabasan sa panahong ito ang dalawang kompanyang pantelebisyon, Star Cinema (ABS-CBN) at GMA Films (GMA) sa paggawa ng mga pelikula noong huling dekada 1990.41

PAGSUSURI AT PAGTALAKAY SA MGA PILING PELIKULANG PANGKASAYSAYAN AYON SA PERIODISASYON Sa pagtalakay at pagsusuri sa bawat pelikulang pangkasaysayan ay pipili ang mananaliksik ng ilang eksena at susubukang suriin at kung ito ba ay makikita sa mga batis o dinagdag lang para mapaganda ang pelikula. PANAHONG PREKOLONYAL: LAPU-LAPU (2002) Isa sa pelikulang Lapu-Lapu na pinalabas noong 2002 na pinagbidahan ni Lito Lapid na nasa produksyon ng Calinauan Cineworks at idinerehe ni William G. Mayo. Pinapakita sa pelikulang ito ang naging buhay ni Lapu-Lapu hanggang sa naging labanan nila Ferdinand Magellan sa Mactan. Makikita sa pelikula na may mga ilang eksena ang wala sa mga batis tungkol sa naging buhay ni Lapu-Lapu o ang mga kaugalian ng mga Bisaya noong panahong prekolonyal. Isa rito ang pagpapaanod ng bangkay habang nasusunog sa dagat na pinakita sa pelikula. Kung titignan ang naging tala sa Boxer Codex tungkol sa naging kaugalian nila sa paglilibing ng isang yumao: Kung may isang pinuno ang namatay, ilalagay nila ito sa isang kabaong na gawa sa kahoy sa mataas na sahig at mula araw at gabi ay iilawan ng mga alipin ang lugar kung saan nakalagak ang labi ng isang sulo gawa sa kawayan. Gagawin nila ito sa loob ng dalawang buwang magkakasunod. Papatay sila ng alipin depende kung paano namatay ang kanilang pinuno. Kung ang kanilang pinuno ay namatay sa sakit, ang kanilang alipin ay papatayin sa pamamagitan Santillan, “Sinemang Filipino Sa Agos Ng Kasaysayan,” 155. Santillan, 155. 41 Santillan, 155. 39 40

9

ng paglunod o paglilibing sa kanila ng buhay. Ang pagpatay sa mga alipin ay ginagawa upang sa kabilang buhay ay pinagsisilibihan nila ang kanilang pinuno. Ang mga pagkain ay nakalagay sa tabi ng kabaong ng kanilang pinuno kasama ang ilang mga paso at platong pambahay o kaya naman ang mga pagkain ay sinasabit sa tabi ng tahanan upang ang namatay na pinuno ay makakain. Ang namatay na pinuno kasama ang mga buhay na alipin ay ililibing sa isang bangka na tinatawag nilang barangay na naglalaman ng maraming pagkain, damit at mga alahas kung saan sinasabi na pagsisilbihan nila ang kanilang yumaong pinuno habang naglalakbay sa dagat.42 Kung titignan ang naging pag-aaral ni William Henry Scott sa naging kaugalian ng mga Bisaya tungkol sa paglilibing ng mga yumao sinasaad niya na Ang mahirap na Bisaya ay inililibing na nakabalot sa dahon ng saging sa isang simpleng kabaong o sa isang kawayan ngunit ang karaniwang kabaong ng Bisaya ay gawa sa matigas na kahoy katulad ng ipil na sasapat upang tumagal at hindi masira ang laman ng kabaong.43 Mayroong lokal pagkakaiba-iba ang mga libingan ng mga Bisaya. Ang mga libingan ay matatagpuan sa labas ng kanilang nayon kung saan kadalasang hinuhukay sa tabi ng pampang ng umaagos ilog o tabingdagat na kung saan ay nakabilad ito sa natural na erosyon kaya naman may natagpuang libingan mga humigit sa isang kilometrong haba sa tabi ng aplaya ng Mandawi sa Cebu.44 Kadalasan sa kweba ang ginagamit nila bilang libingan o kaya naman ay isang maliit na isla katulad ng Homonhon kaya napansin nila Magellan na walang nakatira sa isla dahil tinatawag ito ng mga Bisaya bilang isang pinagmumultuhang isla.45 Ang mga shaman at miyembro ng lahi ng datu ay hindi inililibing salibingang nasa labas ng nayon. Inililibing sila sa ilalim ng kanilang kabahayan pero sa kaso ng babaylan ang kanilang kabaong ay lantad sa mga sanga ng puno ng balete kung saan sila ay maglalatag ng kasunduan sa mga espiritu.46 Kung susuriin ang naging pagdating ni Magellan sa Mactan sa pelikula at sa mga naging tala ni Antonio Pigafetta at sa iba pang batis Makikita sa pelikula na si dumating sila Magellan sa Mactan madaling araw. Kung titignan ang naging tala ni Pigafetta, “At midnight, sixty men of us

42

Isaac Donoso, ed., Boxer Codex: A Modern Spanish Transcription and English Translation of 16th-Century Exploration Accounts of East and Southeast Asia and the Pacific, trans. Ma. Luisa Garcia Garcia and Carlos Quirino (Quezon City: Vibal Foundation, 2018), 55. 43 William Henry Scott, Barangay: Sixteenth-Century Philippine Culture and Society (Quezon City: Ateneo de Manila University Press, 1994), 89. 44 Scott, 90. 45 Scott, 90. 46 Scott, 90.

10

set out armed with corselets and helmets, together with the Christian king, the prince, some of the chief men, and twenty or thirty balanguais. We reached Matan three hours before dawn.”47 Sa isang banda, ayon kay Jose Arcilla, S.J.,” About three o’clock the next morning, Magellan, with sixty fighters, reached Mactan.”48 Sa pangkalahatang pagsusuri, masasabing marami eksena sa pelikula na hindi makikita sa mga bat...


Similar Free PDFs