YUnit 2 Teknikal na Pagsasaling Wika ( Filipino ) PDF

Title YUnit 2 Teknikal na Pagsasaling Wika ( Filipino )
Course Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Filipino
Institution Pamantasan ng Lungsod ng Valenzuela
Pages 8
File Size 70 KB
File Type PDF
Total Downloads 42
Total Views 147

Summary

Wala pang isinagawang pagtalakay sa mga simulain at prinsipyo sa pagsasaling-wika ang hindi bumanggit tungkol sa tagapagsaling-wika. Alam mo ba kung ano ang mga katangiang dapat taglayin ng isang tagapagsaling- wika? Basahin mo muna ang inilahad kong paliwanag upang lalong maging malinaw sa iyo....


Description

Wala pang isinagawang pagtalakay sa mga simulain at prinsipyo sa pagsasaling-wika ang hindi bumanggit tungkol sa tagapagsaling-wika. Alam mo ba kung ano ang mga katangiang dapat taglayin ng isang tagapagsaling- wika? Basahin mo muna ang inilahad kong paliwanag upang lalong maging malinaw sa iyo. Inaasahang Bunga ng P Pagkatuto agkatuto 1. 1.Natutukoy ang katangian na dapat taglayin ng tagasalin. 2.Nakabubuo ng sariling panata bilang mga bagong tagasalin. 3.Natatalakay ang kahulugan ng pagsasalin mula sa iba’t ibang layunin ng pagsasalin. 4.Naipaliliwanag ang mga katangian at tungkulin ng isang tagasalin. 5.Naipaliliwanag ang ilang teorya ng pagsasalin. Mga Susing Salita Kaalaman & Konteksto, Tagasalin, Metodo & Pamamaraan at Etikal na gampanin Mahahalagang T Tanong anong 1. 1.Sapat na bang maisalin ang kaalaman lamang? 2.Ano-ano ang mga etikal na pamantayan sa pagsasaling wika at ng isang tagasaling wika? 3.May maituturing bang mabuting lapit sa pagsasalin? Daloy ng T Talakay alakay alakayan: an: A. Mga Katangiang Dapat Taglayin ng Isang Tagasalin B. Mga Nagsasalungatang Paraan ng Pagsasalin C. Tatlong Paraan ng Pagsasalin Ayon kay Roman Jakobson D. Iba't Ibang Metodo sa Pagsasalin Ayon kay Newmark E. Segmentasyon: Bilang Uri ng Pagsasalin para sa mga Baguhang Tagasalin

May naaalal naaalala a ka ba? Sa pamamagitan ng gawaing No Pens Up, sa loob ng 3 minuto, ilista ang mga posibleng katangiang dapat na taglayin ng isang magsasalin ayon sa mga naging karanasan mo mula sa mga nasa ibaba: 1.Panonood ng mga palabas na may subtitle na Ingles/ pakikinig ng mga kanta mula sa ibang wika 2.Mga pampublikong paalalang nakasulat sa katutubo o dayuhang wika 3.Mga dokumentong nakasulat sa dayuhang wika 4.Mga pagkaing may mga paalala na nakasulat sa dayuhang wika

5.Paggamit sa Google translate o iba pang translation apps

Pag Pag-usapan -usapan Natin! A. MGA KA KAT TANGIANG DAP DAPA AT T TAGLA AGLA AGLAYIN YIN NG ISANG T TAGASALIN AGASALIN Mula sa mga karanasang ito, ano kaya ang mga nabuo mong mga posibleng katangiang dapat na taglayin ng isang tagapagsalin-wika? Ngayon, matutuklasan natin ang mga nararapat na taglayin ng isang tagapagsaling-wika. Narito ang mga katangiang dapat taglayin ng isang tagapagsaling-wika. Sapat na kaalaman sa dalawang wikang kasangk kasangkot ot sa pagsasalin: Kailangang 1.Sapat maging malawak at sapat ang kaalaman ng tagapagsalin sa dalawang wikang kasangkot sa pagsasaling-wika. Hangga’t maaari, ang wikang pagsasalinan ay dapat na siyang unang wika ng tagapagsalin. Dapat nating tandaan na sa kahit anong bagay, ang kakarampot na kaalaman ay magiging mapanganib. 2.Sapat Sapat na kaalaman sa paksang isasalin: Nagiging mahusay at maayos ang pagsasalin kung ang tagapagsalin ay may malawak na kaalaman sa paksang tinatalakay. Kailangang interesado rito ang tagasalin. Makatutulong din ang malaki kung makikipag-ugnayan ang tagapagsalin sa awtor. Sapat na kaalaman sa kultura ng dal dalawang awang bansang kaugnay sa 3.Sapat pagsasalin: Bawat wika ay nakaugnay sa kultura ng mga taong likas na gumagamit nito. Ang Filipino ay wikang gamit natin sa pagpapahayag ng ating kultura at saloobin; Ang Ingles naman ay wikang gamit ng mga Amerikano sa pagpapahayag ng kanilang kultura at saloobin. Ang dalawang bansang ito ay lubhang malaki ang pagkakaiba sa kanikanilang kultura. Mahihinuhang ang lahat ng wika ay may sariling bisa at kakayahan bilang kasangkapan sa pagpapahayag ng sariling kulturang kinabibilangan nito. Kaya’t marapat lamang na, upang maging makabuluhan at mabisa ang pagsasalin ay magkaroon ng malawak at sapat na kaalaman ang tagapagsalin sa kultura ng dalawa ng bansang kasangkot sa pagsasaling-wika. Hindi natatapos sa mga inaasahang katangiang taglay ng isang tagasaling-wika ang pagsasalin, mahalagang maunawaan mo rin ang iyong mga tungkulin sa pagsasalin. Kaya naman, ang babasahing ito ang magdadala sa iyo upang makitang ang gawaing pagsasalin ay nangangailangan ng higit na responsibilidad at ingat.

B. MGA NAGSAS NAGSASALUNGA ALUNGA ALUNGAT TANG PARA PARAAN AN NG PAGSA PAGSASALIN SALIN

Napakaraming iba’t ibang simulain sa pagsasaling-wika na kalimitan ay nagsasalungatan. Mahalagang mabatid natin ang mga ito upang maging mabisa ang ating pagsasalin. Upang higit na maging malinaw sa iyo ay basahin at pag-aralan mo na rin muna ang mga paliwanag na aking ilalahad. 1. Salita laban sa diw diwa a May ibang pangkat ng tagapagsalin ang naniniwalang hindi lamang dapat sa pagtutumbas ng mga salita ng isinasaling teksto nakabuhos ang atensiyon ng tagapagsalin kundi sa ideya o mensahe ng kanyang isinasalin. Hindi maitatatwa na may mga salita sa wikang isinasalin na hindi natutumbasan ng isa ring singkahulugang salita sa wikang pinagsasalinan. May mga pagkakataon na ang isang kaisipan o ideya sa isang wika ay hindi maipahayag nang maayos sa ibang wika dahil sa magkalayong kultura ng mga taong gumagamit sa dalawang wikang kasangkot sa pagsasalin. Isa pa, ang literal na salin ay hindi nagiging mabisa, lalo na kung ang kasangkot na dalawang wika ay hindi magkaangkan.

2. Himig-orihinal laban sa Himig-salin Kapag literal ang salin, humigit-kumulang, ito’y himig- salin na rin. At kapag naman idyomatiko ang salin, humigit-kumulang, ito’y himig-orihinal. Nagiging himig-salin ang isang salin sapagkat karamihan ng mga salita ay halatang-halata katumbas ng mga nasa orihinal na teksto; gayundin, sapagkat literal ang salin, may mga balangkas ng mga parirala at pangungusap sa orihinal na makikitang nalipat sa wikang pinagsalinan. Kapag naman idyomatiko ang salin, nagiging himig- orihinal na rin ito sapagkat hindi na halos napapansin ng mambabasa na ang kanyang binabasa ay una palang isinulat sa iba pang wika. Higit na nakararami marahil ang mga tagapagsalin na naniniwala na ang isang salin ay dapat maging natural at himig orihinal. 3. Estilo ng Awtor laban sa Estilo ng T Tagapagsalin agapagsalin Bawat awtor, lalo na sa mga malikhaing panitikan, ay may sariling estilo. Bagamat may mga manunulat na at sa biglang tingin ay waring magkatulad sa estilo, sa katotohanan ay may pagkakaiba ang mga ito kahit paano. Maaaring nagkakaiba sa uri ng mga pangungusap na ginamit. May mga awtor na mahilig sa mabulaklak at kilometrong mga pahayag na dahil sa kahabaan ay madalas na nalilito ang mga mambabasa sa pinagsama-samang iba’t ibang kaisipan sa pangungusap. May mga awtor naman na ang kabaligtaran nito ang hilig: maikli at payak na pangungusap ang ginagamit. 4. P Panahon anahon ng Awtor laba laban n sa Panahon ng Tagasalin Nagkakaroon lamang ng problema sa panahon ng mga akdang klasiko na ang isinasalin. Ito ay kapag nahihirapan ang isang tagapagsalin na pilitin ang sariling mapaloob sa katauhan ng kanyang awtor, na isa ring napakahirap na gawain ang bagtasin ang panahong namamagitan sa panahon ng awtor at sa panahon ng tagapagsalin. Isang

magandang halimbawa nito ay ang pagsasalin ng Bibliya na mahuhusay kundi pinakamahusay na mga tagapagsalin ng nagsisipagsalin.

5. Maaaring Baguhin laban sa Hindi Maaaring Baguhin Hindi dapat bawasan, dagdagan o palitan ng tagasalin ang anumang ideya sa kanyang isinasalin sapagkat ang gayon ay hindi magiging makatarungan sa awtor. Ang tungkulin ng isang tagapagsalin ay isalin o ilipat lamang sa ibang wika ang likhang-isip ng iba kaya’t nararapat lamang na paka-ingatan niyang hindi mapasukan ng anumang pagbabago ang akda.

6. T Tula-saula-saula-sa-T Tula laban sa T Tula-sa-Prosa ula-sa-Prosa Isang manunulat ang nagsabi na ang isang prosa o tuluyan ay dapat na maisalin sa paraang tuluyan din, at ang tula ay kailangang sa paraang patula rin. Si Matthew Arnold na diumano ang naniniwala na kung isasalin sa paraang tuluyan ang isang tula, ang salin ay kailangang magtaglay pa rin ng mga katangian ng isang tula. Anupa’t waring nagkakaiba sa paniniwala ang karamihan ng mga tagapagsaling-wika. May mga nagsasabi na ang pagsasalin ng isang tulang may sukat ay napakahina lamang bagamat hindi mawawala ang sukat; na ang tuluyang salin ng isang tula ang pinakamahina sa lahat ng paraan. Sila’y naniniwala na upang maging makatarungan sa makatang awtor, ang kanyang tula ay kailangang isalin ng isang makata rin, at sa paraang patula rin.

C. T TA ATLONG P PARAAN ARAAN NG P PAGSASALIN AGSASALIN A AYON YON KA KAY Y ROMAN JAKOBSON (On Linguistic Aspects of Translation, 1959)

What is generally understood as translation involves the rendering of a source language (SL) text into the target language (TL) so as to ensure that (1) the surface meaning of the two will be approximately similar and (2) the structures of the SL will be preserved as closely as possible but not so closely that the TL structures will be seriously distorted. (Ang pangkalahatang nauunawaan bilang pagsasalin ay kinapapalooban ng paglilipat ng teksto sa isang simulaang lengguwahe (SL) sa isang tunguhang lengguwahe (TL) upang matiyak na (1) magkapareho, humigit-kumulang, ang litaw na kahulugan ng dalawa at (2) hangga’t maaari, mapananatiling kahawig ang mga estruktura ng SL bagaman hindi gayon kahawig na lubhang makasisira sa mga estruktura ng TL). Ito rin ang interlingual translation (interlingguwal na salin) o ang ikalawang uri ng pagsasalin na tinutukoy ni Roman Jakobson sa kaniyang kanonigong sanaysay na On Linguistic Aspects of Translation ranslation (Hinggil sa mga Aspektong Lingguwistiko ng Pagsasalin, 1959). Sa sanaysay ring ito, ang unang uri ng pagsasalin na kinilala niya ay

intralingual alingual translation (intr (intralingguwal alingguwal na salin) o ang pagpapalit ng salita sa iisang ang intr wika at ang ikatlo naman ay ang intersemiotic translation (intersem (intersemyotikong yotikong salin) na isang paglilipat mula sa pasalitâng sagisag tungo sa mga di-pasalitâng sagisag (Jakobson 127). Kapag ginamit natin, halimbawa, ang salitang “maalinsangan” upang ilarawan ang kondisyong may kinalaman sa temperatura ngayong tag-araw at may isang estudyante na napangangá sapagkat hindi bahagi ng kaniyang bokabularyo ang salitang ito, hahanap tayo ng paraan upang makapagpaunawa. Sa madali’t salita, magsasalin tayo. Intralingguwal na salin ang ating gagawin kung sasabihin nating ang “maalinsangan” ay katumbas ng “mainit.” Kung nagkátaóng medyo Inglesero pala ang ating kausap, mapipilitan tayong sabihin na ang “maalinsangan” ay katumbas ng “warm.” O, kung nangangastila pala siya, ang sasabihin natin ay “calor.” Sa ganitong paraan, nagsagawa na tayo ng interlingguwal na pagsasalin. Kung mangyayaring hindi pa rin maintindihan ng ating kausap ang “maalinsangan” sa kabila ng intralingguwal at interlingguwal na pagsasaling ginawa natin, mapipilitan tayong gumamit ng intersemyotikong pagsasalin. Maaaring imuwestra natin sa kaniya ang kahulugan ng “maalinsangan” sa pamamagitan ng matinding pagpapaypay at pagmulagat na parang hihimatayin o nagdedeliryo na tayo o kayâ naman ay tuluyan na tayong maglililis o maghuhubad ng damit upang ipakita ang katindihan ng init. Pag hindi pa rin niya tayo naintindihan, marahil sadyang may kakulangan siya sa pangunawa at hayaan na lamang natin siyang mabilad at malusaw sa araw (Coroza).

D. MGA METODO SA PAGSA PAGSASALIN SALIN A AYON YON KA KAY Y NEWMARK 1. Salita-sa-salita Word-for-word translation ang tawag dito sa Ingles at katumbas ito ng sinabi ni Savory (1968) na: A translation must give the words of the original. Ginagamit ito para ipakita ang kahulugan ng mga salita at estruktura ng mga wikang tinatalakay. Halimbawa: John gave me an apple. Juan nagbigay sa akin mansanans. Si Juan ay nagbigay sa akin ng mansanas. 2. Litera Literall Sa metodong ito, ang estruktura ng SL ang sinusunod at hindi ang natural at mas madulas na daloy ng TL, at kadalasan ding ang pangunahing katuturan (primary sense) ng salita ang ibinibigay na panumbas, hindi ang salitang may pinakamalapit na kahulugan sa orihinal.

Halimbawa: My father is a fox farmer. That is, he raised silver foxes, in pens; and in the fall and early winter, when their fur was prime, he killed them and skinned them. (Mula sa maikling kuwentong “Boys and Girls” ni Alice Munro) Ang tatay ko ay isang magsasaka ng lobo. Iyon, siya ay nagpapalaki ng mga lobong pilak; at sa taglagas at maagang taglamig, kung ang kanilang balahibo ay pinakamataas, siya ay pinapatay sila at binabalatan sila. 3. Adaptasyon Ito ang itinuturing na pinakamalayang anyo ng salin dahil may pagkakataon na malayo na ito sa orihinal. Kadalasang ginagamit ito sa salin ng awit, tula at dula na halos tono na lamang o pangkalahatang mensahe ang nailipat sa salin. Halimbawa: Que sera sera! Whatever will be, will beThe future’s not ours to see Que sera sera! Ay sirang-sira! Ano ang mangyayari, di makikita ang bukas ay sirang sira! 4. Malay Malaya a Ayon kina Almario, et. al., ito ay “malaya at walang kontrol. At parang hindi na isang salin.” Ipinahihintulot nito ang pagdadagdag o pagbabawas ng mga salita na mas makakapagpalutang ng kahulugan ng orihinal. Halimbawa:

For the last twenty years since he is burrowed into this one-room apartment near Baclaran Church, Francisco Buda often strolled to the seawall and down the stone breakwater which stretched from a sandy bar into the murky and oil- tinted bay. - (Mula sa The Drowning ni F. Sionil Jose) Mayroon nang dalawampung taon siyang tumira sa isang apartment na malapit sa simbahan ng Baclaran. Si Francisco Buda ay mahilig maglibang sa breakwater na mabuhangin at malangis. 5. Matapat Sinisikap ibigay ang eksaktong kahuluan ng orihinal habang sinusundan naman ang estrukturang gramatikal ng SL. Kung paano inihanay ang mga salita sa SL, gayon din ang ginagawang paghahanay ng mga salita sa TL. Dahil dito, nagkakaroon ng problema sa madulas na daloy ng salin. Halimbawa: When Miss Emily Grierson died, our whole town went to her funeral: the men through a sort of respectful affection for a fallen monument, the women mostly out of curiosity to

see the inside of her house, which no one save an old manservant – a combined gardener and cook – had seen in the last yen years. Nang mamatay si Bb. Grierson, ang buong bayan ay pumunta sa kanyang libing: ang mga kalalakihan, upang magpakita ng isang uri ng magalang na pagmamahal sa isang nabuwal na monumento, ang kababaihan, dahil sa pag-uusyoso upang makita ang loob ng kanyang bahay, na walang ibangnakakita kundi isang matandang utusang lalaki – na hardinero- kusinero – sa nakalipas na di kukulangin sa sampung taon. 6. Idyo Idyomatiko matiko Ang mensahe ng orihinal ay isinasalin sa paraang magiging madulas at natural ang daloy ng TL. Ginagamit dito ang idyoma ng TL at sadyang nagiging iba ang porma ng pahayag ngunit ipinapahayag ang mensahe sa paraang kawili- wiling basahin. Halimbawa: The boy had running nose. Tumutulo ang sipon ng bata (hindi tumatakbo).

E. SEGMENT SEGMENTASYON: ASYON: UI NG PAGSAS PAGSASALIN ALIN PARA S SA A MGA BAGUHANG T TAGASALIN AGASALIN Ang pamamaraang ito ay isang gawaing pambaguhan at mabuting gamitin ng guro sa pagtuturo ng panimulang kurso sa pagsasaling-wika. Maaaring sa unang tingin ito ay madali lamang sapagkat paghahati-hatiin lamang ang mga segment o makahulugang yunit ng pangungusap, isasalin ang mga ito at pagkatapos ay pagsasama-samahin at isasaayos upang makabuo ng isang idyomatikong salin. Bagamat mabusisi rin ito. Ngunit kung sakaling nakasanayan na ng isang tagasalin ang gawaing ito, madali na sa kanya ang pagpansin sa mga mahahalagang yunit ng kaisipan ng pangungusap na hindi dapat mawala sa salin. At higit sa lahat, dapat ay masanay rin ang tagasalin sa pagbuo ng higit na natural na ayos ng mga pangungusap sa pamamagitan ng pagbabago-bago ng lugar ng mga salita o segment ng pangungusap. Ilan sa mga hakbang nito ay ang mga sumusunod: 1.P Paghahati ng pangungusap sa mg mga a segment o sa tinataw tinatawag ag na tran translational slational units, masasabing ang mga ito ay thought unit din. Kung ang segment ay may kahabaan, maaari itong hatiin sa dalawa o higit pang segment upang matiyak na walang makakaligtaang diwa ang nagssasalin. Pagsasalin ng mga nabuong segment 2.P Maaaring ang ilang segment na naisalin ay hilaw pa, kaya’t pansamantala lamang ang itinumbas na mga salita at parirala sa bahaging ito. Layunin lamang sa bahaging ito na

makuha ang lahat ng mahahalagang segment ng diwang taglay ng pangungusap. Maaari rin kasing wala pang diwa kapag pinagdugtong-dugtong na ang mga naisaling segment bagamat ito ay magiging batayan sa pagbabagong isasagawa sa susunod na hakbang. Pagsasaayos ng mga sali saling ng segment 3.P Malinaw na kailangang higit na maging gramatikal, natural at hindi himig-salin ang mga isinaling segment kaya’t mahalagang maisaayos ang pagkakasunod-sunod ng mga ito. Maaaring sa bahaging ito ay magkaroon ng pagbabawas, pagdaragdag o kaya’y pagpapalit upang higit na maiangkop sa balangkas at kakayahan ng wikang Filipino. Ilan sa mga karaniwang gamiting teknik sa bahaging ito ay ang paglilipat (transposition), pagbabawas (deletion), pagdaragdag (addition) at pagpapalit (replacement). Pagsasama-sama ng mga nabuong mga pang pangungusap ungusap 4.P Ilan sa mga mahahalagang bagay na dapat pagtuunan ng pansin sa bahaging ito ay ang mga sumusunod: 1.Pagsusuri ukol sa pagkakaugnay-ugnay ng mga pangungusap (coherence) gamit ang mga cohesive devices upang higit na mas maging natural ang pangungusap. 2.Pagkakaltas sa mga salitang paulit-ulit na ginamit sa pangungusap 3.Pagsusuri sa mga pangungusap na maaaring pag-isahin 4.Pagsusuri sa mga pangungusap na maaaring hatiin sa dalawa upang higit na maging malinaw ang diwa. Tiyakin lamang na sa pagsasagawa ng ikatlo at ikaapat na hakbang ay hindi mauuwi sa pakikialam sa estilo ng awtor....


Similar Free PDFs