Yunit III Diskusyon Pagsasaling Wika Teknikal PDF

Title Yunit III Diskusyon Pagsasaling Wika Teknikal
Course Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Filipino
Institution Pamantasan ng Lungsod ng Valenzuela
Pages 14
File Size 108.2 KB
File Type PDF
Total Downloads 87
Total Views 678

Summary

Inaasahang Bunga ng Pagkatuto1. 1. Natatalakay ang mga konsepto sa pagsasalin: uri, hakbang at estruktura ng wikang Filipino 2. Nakapagsasagawa ng mga pagsasanay sa pagsasalin at iba’t ibang uri ng teksto at akda.Mga SalitaProsa, Teknikal/ Siyentipiko, TekstoMga Tanong1. 1. Ano-ano ang mga etikal na...


Description

Inaasahang Bunga ng P Pagkatuto agkatuto 1. 1.Natatalakay ang mga konsepto sa pagsasalin: uri, hakbang at estruktura ng wikang Filipino 2.Nakapagsasagawa ng mga pagsasanay sa pagsasalin at iba’t ibang uri ng teksto at akda. Mga Salita Prosa, Teknikal/ Siyentipiko, Teksto Mga T Tanong anong 1. 1.Ano-ano ang mga etikal na pamantayan sa iba’t ibang uri ng pagsasalin? 2.Kailan nagiging angkop ang mga uri ng pagsasalin sa iba’t ibang mga tekstong teknikal? IBA IBA’’T IBANG URI NG PAGS PAGSASALIN ASALIN Ang pagsasaling wika ay tulay sa dalawang magkaibang bansa at kultura, sinusubukan nitong alisin ang pagitan sa dalawang magkaibang kultura. Sa pagpasok ng ika-21 siglo makikitang mabilis na nakasasabay ang bawat bansa sa iba’t ibang kultura, sa ganitong pagkakataon masasabing naging matagumpay ang mga pagsasaling pampanitikan. Sinasabing ang pangunahing gamapanin ng tagasalin ay mailipat ang simulaang wika patungo sa target na wika, na dapat ang tagapagsalin ay nagtataglay ng katangian ng maingat na pagbibigay ng kahulugan sa mga tinatalakay ng tekstong isasalin. Ang pagsasaling pampanitikan ay isang makatotohanang pagpapahayag ng impormasyon. Mahalaga ito dahil sa paniniwala nina Eugene Nida at Taber (1982) na ang mambabasa ang tagatanggap ng salin at nararapat lamang na madama ng mambabasa na hindi siya nalalayo sa kanyang kultura at wika. A. Pa Pagsasalin gsasalin ng Prosa Tinatawag na prosa o tuluyan ang uri ng malikhaing pagsulat na gumagamit ng mga pangungusap na tuluy-tuloy, di tulad ng tula, na gumagamit ng mga taludtod at saknong, o ng dula, na gumagamit naman ng mga diyalogo o usapan. Kabilang sa prosa ang maikling kuwento, nobela, sanaysay, talambuhay, anekdota, alamat, at iba pa. Ang maikling kuwento ay maiksing naratibo (mga 1,000 hanggang 10,000 salita), mas maikli kaysa sa nobela o kaya'y sa novella at nagpapakita ng isang pangunahing tauhang nakaharap sa isang mapagpasyang sandali sa kanyang buhay dahil sa isang

suliraning kailangang lutasin. Mayroon ito ng tinawag ni Edgar Allan Poe na single efjfect o natatanging bisa at gumagamit ng tinatawag ni James Joyce na epiphany o punto ng pagliliwanag ang sandali ng pagkaunawa sa buong kahulugan ng naratibo. May mga sangkap ang maikling kuwento: mga tauhan, tagpuan, banghay, pananaw, at tema. Ganito rin ang mga sangkap ng nobela ngunit may pagkakaiba ang dalawa. lilan lamang ang mga tauhan sa maikling kuwento, samantalang mas marami ang mga tauhan sa nobela. Ang panahong saklaw ng mga pangyayari sa nobela ay mas mahaba rin samantalang sa maikling kuwento, maaaring maganap ang mga pangyayari sa loob ng napakaikling panahon lamang. Sa kabilang dako, ang sanaysay, na katumbas ng essay sa lngles (na naman sa salitang Pranses na essaier , na nangangahulugang pagtatangka) ay may iba't ibang uri. May mga sanaysay na naglalahad o nagpapaliwanag, nagsasalaysay, naglalarawan, at nangangatwiran. Mahahati rin ang sanaysay sa dalawa batay sa anyo: pormal at dipormal o personal. Itong huli ay itinuturing na pampanitikan. Ang talambuhay naman, gaya ng sinasabi ng salitang ito, ay tala ng buhay ng isang tao, karaniwang mula sa pagsilang hanggang sa isang tiyak na punto sa kanyang buhay, o maaaring hanggang kamatayan. Samantala, ang anekdota ay isang maikling salaysay ng isang pangyayari sa buhay ng isang tao, na karaniwang sa kanyang buhay, na karaniwang nagpapakita ng isang anggulo ng pagkatao nito. Ang alamat ay kuwento tungkol sa pinagmulan ng isang pook o bagay, halimbawa'y ang "Alamat ng Pinya" na nagpapaliwanag kung bakit maraming tila mata ang prutas na pinya. Ano man ang anyo ng prosang isasalin, kailangang nakilala ng isang tagasalin ang anyong pampanitikan na kinabibilangan nito. Makatutulong ang kaalamang ito sa pagharap sa mga suliranin sa pagsasalin. Ilan sa mga dapat tandaan kung halimbawang magsasalin ng mga ito ay ang mga sumusunod: 





Ano mang anyo ng prosang isasalin ay kailangang kilalanin ng tagasalin ang anyo ng panitikang kinabibilangan nito, kailangang maging natural ang daloy ng mga pangungusap at hindi himig-salin. Mahalaga sa pagsasaling pampanitikan na ang tagasalin ay hindi lamang bilinggwal kundi bi-kultural din. Bi kul t ur al -mayk aal amangatnauunawaanni y aangk ul t ur aatwi k ang dal awangwi k a. Ang pagsasalin ng prosa o tuluyan noong ika-20 siglo ay masasabing bastabasta lamang, sapagkat hindi lahat ng sinasalin ay masasabing klasiko ang dating, sa kasalukuyan, ang anumanng proyekto ng pagsasalin ay dapat nakapaloob sa pangkat na may magpapayo kung ano ang karapat-dapat isalin, kailangang talakayin o pag-aralan muna kung ano anng tekstong isasalin kung ito ba ay may kapakinabangan sa mambabasa.



Bilang isang tagapagsalin dapat ay manatiling bukas ang isip ng tagapagsalin kasama ng kanyang mahusay na pag-aanalisa upang matukoy niya kung ang idyomang tinutukoy niya sa Tunguhing lengwahe o hiram sa simulaing lenguwahe

Mga Sulir Suliranin anin sa Pagsasalin ng Prosa Sa pagsasalin ng prosa, napakahalagang pagtuunan ng pansin ng tagasalin ang natural na daloy ng mga pangungusap. Ibig sa bihin, para itong orihinal na isinulat sa TL na isinaalang-alang ang (a) malalim na kaalaman sa kahulugan sa mga idyoma ng TL, at (b) kahusayan sa estruktura ng TL. 1. Ang idyoma sa natural na daloy May sariling idyoma ang bawat wika kaya mahalagang bukas ang isipan ng tagasalin, gayundin ang kanyang panloob na tainga upang madali niyang matukoy ang idyomang ginagamit niya bilang natural sa TL, o hiniram niyang walang pakundangan sa SL. Ilan sa mga karaniwang pahayag na ito ay maaaring natural na sabihin sa ibang wika, ngunit kapag isinalin nang literal sa wikang Filipino, masasabing hindi idyomatiko sa Filipino, na maaaring hindi nagamit nang mahusay ng tagagamit ng naturang wika. Halimbaw Halimbawa a 1: Baliw raw ak ako o kaya ibig nila akong ipadala sa ospital ng mga baliw. Tinumbasan ng ipadala ang send sa orihinal na Ingles; ngunit hindi ito ang idyomatikong katumbas na karaniwang ang ipinadadala ay isang bagay o minsan ay isang iskolar sa ibang bansa bagamat may iba pang salita na maaaring gamitin bilang panumbas sa salitang send sa Filipino. Kailangang humanap ang tagasalin ng idyomatikong katumbas sa kahulugan ng orihinal na mensahe, maaaring ipasok o dalhin sa ospital. Halimbaw Halimbawa a 2: Isa si siyang yang mahusay na abogado at matagal na siy siyang ang nagsasanay ng batas.

Law practice marahil ang sinasabi sa Ingles. Maraming kahulugan ang salitang practice tulad ng pagsasanay o ensayo na maaaring mangahulugang paghahandang isinasagawa bago ang isang gawain, kompetisyon at iba pa. ngunit sa mga akademikong talakayan, maaaring tumbasan ang practice ng praktika o praktis, halimbawa, praktika sa pagsasalin. Iba rin ang salita kung ang tinutukoy ay mga gawi o kaugalian, tulad ng sexual practices during the older times, mga kagawiang sekswal noong unang panahon. Halimbaw Halimbawa a 3: Bakit ‘di niy niya a ako puwedeng mahalin pab paba alik?

Love back marahil sa Ingles o gantihan ang pagmamahal na ipinapakita o pakitaan ng katumbas na pag-ibig. Maaaring hinati ng tagasalin ang isang pariralang pahayag, love, mahalin at back, pabalik, na nagkamali sa pagpapakahulugan. Halimbaw Halimbawa a 4: Iligtas ang sabaw sabaw..

Save the broth ang nasa resipi ng wikang Ingles. Ngunit hindi iligtas ang kahulugang ipinahahatid ng pangungusap, kundi itabi o huwag itapon.

Samakatuwid, ang isang parirala sa Ingles ay maaaring isang salita lamang ang katumbas sa Filipino. Tandaan na ang kahulugan ang tinutumbasan, hindi ang indibidwal na mga salita.

2. P Pagiging agiging natural n ng g estruktura ng wika Karaniwang pagkakamali ng isang baguhang tagasalin ay ang paggaya ng estruktura ng SL. Kadalasang nagbubunga ito ng mga pangungusap na hindi tunog-natural sa TL. Halimbawa, sa Ingles ay karaniwang nauuna ang paksa (o simuno) sa panaguri. He was delirious with ffever ever ever,, but he clearly recal recalled led the incidents of the afternoon. (Mula sa “A Great Man’s Dream”, ni Paz Latorena) Sa Filipino, may dalawang ayos ng pangungusap katulad sa ibaba: Pang Pangungusap ungusap 1: Ang bata ay tumatakbo tumatakbo.. Pang Pangungusap ungusap 2: T Tumatakbo umatakbo ang bata. Karaniwang ginagamit ang unang pangungusap kung: 

Gustong bigy bigyang-pansin ang-pansin ang paksa

Ako’y Munting Tinig, nais bigyang-pansin ang salitang ako, hindi ang pagiging munting tinig ng persona ng tula. 

Kapag may gustong bigy bigyang-diin ang-diin sa unahan ng pangung pangungusap usap

Madilim pa’y ginising na ako ng sunod-sunod na tahol ni Ruben. 

Kapag may ipinapakilalang ba bagong gong paksa

Ang mga sumusunod ay may saguting kriminal sa malubha at sa di gaanong malulubhang krimen. 

Para ipakita ang kkonstruksiyong onstruksiyong par paralel alel

Ang bantay ko’y tala/ ang tanod ko’y bituin 

Sa pagbubuod ng nau naunang nang pahay pahayag ag

Ito ay parang silakbo ng damdamin sa katatapos na impeachment.

Bigyan din ng pansin ang pariralang na kung saan na paboritong gamitin ng mga di sanay sa masining na pagpapahayag bilang katumbas ng who, when, which sa mga sumusunod na halimbawa: 

They threatened to ki killll the hostages who were mostly women.

Salin: Nagbanta sila na papatayin ang mga bihag, na kung saan ang karamihan dito ay kababaihan. Pag Pagwawasto: wawasto: Nagbanta sila na papatayin ang mga bihag na karamihan ay kababaihan. 

He was born in the province where he lived till he was ten yea years rs old.

Salin: Isinilang siya sa probinsiya na kung saan siya nanirahan hanggang sampung taong gulang. Pag Pagwawasto: wawasto: Isinilang siya ssa probinsiya at doon nanirahan hanggang sampung taong gulang. 

She spent a ffo ortune ffo or books which she did not have ti time me to read.

Salin: Napakalaki ng mga ginastos niya sa mga libro na kung saan ay wala naman siyang panahong basahin. Pag Pagwawasto: wawasto: Napakalaki ng mga ginastos niya sa mga libro na wala naman siyang panahong basahin. B. P Pagsasalin agsasalin ng mga Neologismo Ang neologismo ay isang bagong salita, katawagan o parirala na nilikha upang ipahayag ang isang bagong konsepto, ipangalan sa isang bagay, o kaya’y bigyan ng bagong tunog ang isang dati nang katawagan. Dahilan sa P Pagbuo agbuo ng Neologismo 1.Maraming bagong tuklas na mga salita sa siyensiya at teknolohiya na kailangan ng mga pantawag, na maaaring bagong salita o mga dating salitang binigyan ng bagong kahulugan tulad ng salitang mouse sa teknolohiya. 2.Dahil sa mga pagbabago sa kultura, paniniwala at gawi ng mga tao, nangangailangan ng mga bagong katawagan para sa mga bagong konsepto na hindi pa umiiral dati. 3.Dahil sa mabilis na ang komunikasyon, mahalagang makabuo ng mga bagong salita. 4.Dahil sa mabilis na paglaganap ng kaalaman mula sa ibang panig ng mundo, nakakapulot tayo ng mga bagong salita, inaangkin at iniaangkop ang mga ito sa sariling wika.

Dahilan sa P Pagiging agiging Gamitin ng Neologismo 1.Pagtanggap at pagiging popular nito sa mga gumagamit 2.Pagtanggap ng mga iskolar at awtoridad ng wika 3.Paglilista sa isang diksiyonaryo 4.Popularidad Uri ng Neologismo 1.Lumang salita, bagong kahulugan – hataw, silahis, hayup 2.Kombinasyon ng mga dating salita – tapsilog, altanghap, punlay 3.Pagdadaglat o akronim – CD (compact disk), RAM (random-access memory), CCTV (closed-circuit television) 4.Panghihiram at pagpapaikli – bulakbol mula sa black ball, syota mula sa short time, istambay stand by 5.Pagpapalit ng isang bahagi ng salita – banana cue, camote cue, Bruneiyuki 6.Paggamit ng mga panlapi – McDonaldisasyon, Pro-life, Fashionista 7.Paggamit ng mga tatak ng produkto – Frigidaire na tatak ng refrigerator, Kodak na tatak ng kamera, Xerox tatak ng photocopying machine C. Pa Pagsasaling gsasaling Siyentipik Siyentipiko o at T Teknikal eknikal Naniniwala ang maraming iskolar at mga propesyonal sa pagsasalin na may dalawang pangkalahatang uri ng pagsasalin ang pagsasaling pampanitikan at ang pagsasaling siyentipiko/teknikal. Sinasabi rin mga pa awtoridad na teknik at pamamaraan ang dalawang pangkalahatang uring ito. Tinutukoy ng pagsasaling pampanitikan ang proseso ng muling pagsulat sa ibang wika ng malikhaing akda tulad ng tula, dula, maikling kuwento, sanaysay, nobela, at iba pang anyong pampanitikan. Samantala, lahat ng tekstong hindi pampanitikan ay maibibilang sa tekstong teknikal. Kabilang dito, ang mga balita, pormal na sanaysay, feature articles, agham panlipunan, tekstong pambatas, disiplinang akademiko, teknolohiya at iba pang katulad. Karaniwan, siyensiyang pangkalikasan (ang pinag-uusapan kapag ginamit ang terminolohiyang pagsasaling siyentipiko). Sa araling ito, pagtutuunan ng pansin ang pagsasalin sa siyensiya at teknolohiya. Ang ganitong uri ng mga teksto'y naghahatid ng mga suliranin sa pagsasalin na iba kaysa sa mga suliraning nakakaharap sa pagsasaling pampanitikan. Mas eksakto ang lengguwahe ng pagsasaling siyentipiko at teknikal kaysa pagsasaling pampanitikan; kadalasan ding hindi hinihingi sa tagasalin ang matalinghaga at matayutay na mga pangungusap na karaniwan sa lengguwaheng pampanitikan. Sa ngayon, malaganap nang daluyan ng impormasyon sa siyensiya at teknolohiya ang mga tekstong salin? Saan ba natin nakikita ang ganitong mga salin? Sa halos lahat ng bahagi ng ating pang-araw-araw na buhay ay may nakikitabtayong mga salin ng mga

tekstong Ingles, mula sa mga telenobela at anime hanggang sa mga manwal ng mga kagamitan sa bahay at cellphones. Sa mga transaksyon sa bangko, sa pagtawag sa ibang bansa, sa machine payment, sa PLDT, Bayantel, cable tv at iba pa, makakapili ang sinuman sa alinman sa lngles o Filipino.

Layon ng Pagsasaling Siye Siyentipiko ntipiko at T Teknikal eknikal Komunikasyon ang pangunahing layon ng pagsasaling siyentipiko at teknikal. Kung sa pampanitikang salin, nilalayon ng tagasalin na makalikha ng isang bagong obra maestra batay sa orihinal na akdang nakasulat sa ibang wika, sa pagsasaling siyentipiko at teknikal ay hindi kariktan ng panitikan ang pangunahing layunin. Isinasalin ang ganitong un ng teksto upang magbahagi ng impormasyon sa mas nakararaming mamamayan na hindi lubusang nakauunawa ng SL, na karaniwang Ingles.

Hambingan ng T Tekstong ekstong Siyentipiko at T Tekstong ekstong Pampanitikan Si Ali R. A. Al-Hassnawi, sa kanyang Aspects of Scientinc Translation as a Case Study (2006) ay nagsagawa ng hambingan ng mga tekstong pampanitikan at siyentipiko/ teknikal. MgaTekst ongSi yent i pi ko

MgaTekst ongPampani t i kan

Pagi gi ngmak at wi r an

Kawal anngar gument at i bong pags ul ong

Kat i y ak an

Kawalang-katiyakan

Kat wi r an

Emosyon

Kat ot ohanans apar t i c ul arnar eal i dad

Katotohanan sa ideyal

Hener al i s as y on

Pagpapatunay

Kahul ugangr eper ens y al

Kahulugan batay sa emosyon

Denot as y on

Konotasyon

Lek si k al napagl al api

Gramatikal na paglalapi

Madal angangmgai dy omat i k ong

Madalas ang mga idyomatikong

paha y ag

pahayag

Paggami tngmgadagl at

Limitadong daglat, akronim,

akr oni m,r egi st er

register

Mgak ar ani wangeks pr es y on

Halos lahat ng uri

Paggami tngmgas i y ent i pi k ong

Hindi gumagamit ng mga

t er mi nol ohi y a,es pes y al i sadong

Siyentipikong terminolohiya o

i t em atpor mul a

pormula

Hi ndigumagami tng

Malawak na paggamit ng

mat at al i nghagangpananal i t a

matatalinghagang pananalita

Ang T Tagasalin agasalin ng T Tekstong ekstong Siyentipik Siyentipiko o at T Teknikal eknikal Tulad din ng tahasalin ng iba pang uri ng teksto, ang tagasalin ng tekstong siyentipiko at teknikal ay kailangang may sapat na kahandaan sa pagsasalin. Kailangan niya ng kahusayan sa dalawang wikang sangkot sa pagsasalin, kailangan ding malalim ang kaalaman niya sa paksang isinasalin. Para sa larangan ng medisina, sinagot ni Marla O'Neill, MD, ang tanong na ito sa kanyang Who Make Make s a Better Medical Transl Transl ranslator: ator: The Medically Knowledgeable Linguist or the Linguistically Knowledgeable M Medical edical Professional? A Ph Physician's ysician's (1998). Sinabi niya na dahil kakaunti ang mga doktor na nagsasalin ng Per Perspective spective (1998) paparaming tekstong medikal na kailangang maisalin sa iba't ibang wika, mas

maaasahan ang mga tagasalin, na hindi doktor, na siyang magsagawa ng pagsasalin ng mga tekstong medikal. Ginamit niya ang terminong "medical professional" sa halip na "physician" o doktor upang tukuyin hindi lamang ang mga manggagamot o doktor kundi pati na rin mga nars, dentista, paramedic at iba pa. Pare-pareho silang kumuha ng mga pangunahing kurso sa biology, chemistry, biochemistry, organic chemistry, anatomy, physiology, pharmacology, at iba pa, kaya pamilyar sila lengguwaheng ginagamit sa medisina. Idinagdag niya na mahalagang nauunawaan ng tagasalin ang "wika ng medisina" dahil ito ay "punung-puno ng jargon at di karaniwang pamamariralla na di karaniwang naririnig o nababasa sa pang-araw-araw na buhay," ang isang halimbawa nito ay: "the patient's complaints of such-and-such." Para bang masyadong mareklamo ang mga pasyenteng kumokonsulta sa mga doktor, Ngunit ang totoo'y ginagamit ang salitang "complaint" para tukuyin ang dinaramdam ng pasyente. Kung isasalin sa Flipino ang nabanggit na salita, hindi angkop na tumbasan ito ng reklamo dahil ito (salitang reklamo) ay karaniwang iniuugnay sa mga bagay na idinudulog sa mga hukuman o kaugnay na konsepto. Mas angkop na tumbasan ang complaint ng dinaramdam nararamdamang sakit ng pasyente. Ngunit upang makatiyak, kailangang sumangguni sa mga doktor, nars, komadrona, at iba pang nasa propesyong medikal upang malaman kung ano ang salitang ginagamit nila kapag nakikipag-usap sa mga pasyente. Bukod sa mga jargon at idiosyncratic phrases, sinabi pa ni O'Neill na sa propesyong medikal, may mga salitang may taglay na karunungan na tanging mga nasa propesyong medikal ang agad makauunawa at posibleng hindi agad maintindihan ng isang doktor o nasa ganoong propesyon. Sinipi ni O'Neill si Douglas Robinson, isang tagasalin at awtor ng mga aklat sa proseso ng pagsasalin, na nakapagsalin na ng ilang teksto. Nang tanungin kung paano siya nakapagbuo ng sarili niyang medical register, sinabi ni Robinson: "Faking it, mostly"-dahil ang isang tagasalin ay nagpapanggap lamang na siya ang neurologist, gastroentorologist o inhinyero na sumulat ng orihinal na teksto. Ang totoo'y pabirong sagot ito ngunit bahagyang katotohanan, dahil talagang inilalagay ng tagasalin ang sarili sa lugar ng isang doktor, inhinyero o siyentista kapag nagsasagawa siya ng pagsasaling teknikal at siyentipiko. Ngunit ang "pagpapanggap" na ito, kung matatawag ngang pagpapanggap, ay nagiging matagumpay lamang kung ibinatay sa nauna nang malaliman at malawakang saliksik na isinagawa ng tagasalin hinggil sa paksang isinasalin. Upang maging matagumpay sa pagsasalin, itinala ni O'Neill ang sumusunod na mga pamamaraan: pananaliksik sa mga aklat at sa Internet, oaggamit ng mga diksiyunaryo, feedback mula sa kliyente o sa nagpagawa ng salin. Mahalaga rin ang karanasan, na magsisillbing gabay sa mga susunod na pagsasalin.

Bilang kongklusyon, sinabi ni O'Neill na kapwa makapagsasagawa ng mahusay na salin ng mga tekstong medikal ang mga linguistically knowledgeable medical professionals gayon din ang mga medically knowledgeable linguists. Ngunit pansinin na kapwa nakakabit ang salitang knowledgeable sa dalawang termino. Nangangahulugan ito ng malalim na kaalaman, kapwa ng tagasaling doktor, at ng tagasaling hindi doktor, sa paksa ng tekstong medikal at sa wikang ginagamit sa pagsasalin. Bagama't medisina ang tiyak na paksa ng tinalakay ni O'Neill, ang ipinahayag niya ay mailalapat din sa iba pang pag...


Similar Free PDFs