Yunit IV & V Diskusyon Pagsasaling Wika Teknikal PDF

Title Yunit IV & V Diskusyon Pagsasaling Wika Teknikal
Course Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Filipino
Institution Pamantasan ng Lungsod ng Valenzuela
Pages 7
File Size 61.8 KB
File Type PDF
Total Downloads 136
Total Views 399

Summary

Ilang Simulain sa Pagsasalin sa Filipino Mula sa Ingles Bawat wika ay nakaugat sa kultura ng mga taong likas na gumagamit nito. Batid ng lahat na ang Pilipinas at Amerika ay dalawang bansang lubhang may malaking pagkakaiba sa kultura. Ang wikang Ingles ay kasangkapan ng mga Amerikano sa pagpapahayag...


Description

Ilang Simulain sa P Pagsasalin agsasalin sa Filipino M Mu ula sa Ingles 1. Bawat wika ay nakaugat sa kultura ng mga taong likas na gumagamit nito nito.. Batid ng lahat na ang Pilipinas at Amerika ay dalawang bansang lubhang may malaking pagkakaiba sa kultura. Ang wikang Ingles ay kasangkapan ng mga Amerikano sa pagpapahayag at ang Filipino naman ay sa Pilipinas. Napakahalagang maunawaan ng isang tagasalin na hindi siya dapat maging literal sa pagsasalin; na hindi dapat maging salita-sa-salita ang pagsasalin, lalo na kung kargado ng kultura ang kanyang isinasalin. Sa halip, ang dapat niyang pilitin ay maisalin ang intensyon o ang higit na dapat na maihatid na mensahe ng awtor. 2. Bawat wika ay may kany kanya-kany a-kany a-kanyang ang natatanging kakany kakanyahan ahan Malaki ang pagkakaiba sa kakanyahan ng mga wikang hindi magkakaangkan at malaki naman ang pagkakatulad sa kakanyahan ng mga wikang magkakaangkan. At dahil hindi magkaangkan ang Filipino at Ingles, natural lamang na maging malaki ang pagkakaiba sa kakayahan ng dalawang wikang ito. Bawat wika ay may sariling paraan ng pagbubuo ng mga a salita; pagsusunud-sunod ng mga salita upang mabuo ang parirala o kaya’y pangungusap. Anupa’t sa pagsasaling-wika, dapat malaman ng mga taagsalin ang mga kakanyahan, ang kalakasan at kahinaan ng mga wikang kasangkot sa kanyang isasagawang pagsasalin. Ang isang katangiang nasa isang wika ay hindi dapat ilipat sa pinagsalinang wika. 3. Ang isang salin, upang maituring na mabuting salin, ay dapat na kailangang tanggapin ng pinag- uukulang pangkat na gagamit 4. Bigyan ng pagpapahalaga ang uri ng Filipino na kasalukuyang sinasalita ng bayan 5. Ang mga daglat at akronim, gayundin ang mga pormula, na masasabing establisado o unibersal na ang gamit at hindi na kailangang baguhin pa upang umayon sa baybay ng katumbas sa 6. Kung may pagkakataon na higit sa isa ang matatanggap na panumbaas sa isang salita ng isinasaling teksto, gamitin ang alinman sa mga ito at pagkatapos ay ilagay sa talababa ( footnotes ) ang iba bilang mga 7. Sa pagsasalin ay laging isaisip ang pagtitipid sa mga salita. 8. Nagkakaroon lamang ng tiyak na kahulugan ang isang salita kapag ito’y naging bahagi ng normal na balangkas ng pangungusap sa Ingles ay simuno at panaguri, samantalang sa Filipino, ang itinuturing na karaniwang ayos ng pangungusap sa Filipino ay panaguri at simuno.

9. May mga pagkakataon na ang mga tahasang pahayag sa Ingles ay kailangang gamitan ng eupemismo sa Filipino upang hindi maging pangit sa pandinig. 10. Mahalaga ang diksyunaryo sa pagsasaling-wika ngunit huwag kang paaalipin dito. Mga Hakbang sa P Pagsasalin agsasalin Sa anumang gawaing pagsasalin, mahalagang maunawaan ang mga prosesong pinagdaanan ng isang tapos nang salin. Singhalaga ng produkto ang mga prosesong isinasagawa bago, habang at pagkatapos magsalin. Kaya sa bahaging ito, mahalagang maisa-isa at masuri ang mga hakbang na ito tulad ng mga sumusunod: Tatlo ang karaniwang bahagi sa pagsasalin: 1.Paghahanda sa pagsasalin 2.Aktuwal na pagsasalin 3.Ebalwasyon ng salin Bigyang-pansin natin sa bahaging ito ang mga paghahanda at aktuwal na pagssasalin. Pag Paghahanda hahanda sa Pag Pagsasalin sasalin 1. P Pagpili agpili ng teksto Ano nga ba ang mga batayan sa pagpili ng teksto? Maging personal man o subhetibo ang bahaging ito, mahalagang isaalang-alang ang paalala ni Justin O’Brien (sinipi ni Nida, 1964), “one should never translate anything one does not admire”. a. Dapat gabayan ng kanyang sariling panlasa, isa sa mga hinahangaan kaysa sa tekstong hindi gusto lalo na sa mga tesktong pampanitikan na nadama at pumintig sa pandama ng tagasalin. Mahalagang mabuo ang ugnayan ng awtor at sa kanyang isasaling akda o teskto. b. Bilang isang propesyonal na tagasalin, na madalas ay pinipili ng nagpapagawa ang mga isasalin, may laya pa rin naman siya sa mga tatanggaping gawain sa pagsasalin. Lalo na kung ito ay mahigpit na hindi sinassang-ayunan ng tagassalin batay sa kanyang mga paniniwala. Kung tinanggap naman ay dapat na panatilihing obhetibo pa rin siya sa mga isasaling konsepto at hindi nakaaapekto ang kanyang personal na paniniwala. 2. P Pagbasa agbasa sa teksto Kailangang basahin na muna ng tagasalin ang tekstong SL. May iba ibang paraan sa pagbabasa ng salin. 3. P Pagsusuri agsusuri at interpretasyon ng tekstong isasalin Sa yugtong ito, kailangang tiyakin ng tagasalin ang uri ng teksto upang maiangkop ang estratehiyang maaaring gamitin sa pagsasalin ng tekstong SL. Mahalagang isaalang-

alang ang nilalaman ng teksto sa mabuting pagpapakahulugan dito. Idagdag pa rito ang pagsasaliksik sa paksa upang maging matagumpay ang salin at hindi pansariling pag-unawa lamang sa akda. Kung may kaugnayan naman sa kasaysayan ang pagsasalin, mahalagang maunawaan ang kaligirang pangkasaysayan ng akda o tekstong isasalin. Pagsasaliksik sa awtor at sa tekstong isasalin 4.Pagsasaliksik Sa paniniwala ni Jerry Respeto (2004), mahalaga ang pangangapa sa orihinal sa pamamagitan ng pagkilala sa buhay ng awtor at iba pang mga obra nito. Mabuti ring konsultahin ang awtor kung buhay pa ito sa mass malinaw, na konteksto ng akda. Bagamat sa paniniwala ni Roland Barthes, ang isang akda ay may sariling buhay, hiwalay sa awtor, ang mga mambabasa ang may kapangyarihan sa pagpapakahulugan sa nilalaman ng akda. Kasama rin sa talakayang ito ang tono ng teksto, lawak ng impormasyon ng teksto, paraan ng paglalahad, uri ng lengguwahe ng awtor, at tungkulin ng wikang ginamit sa tekstong SL at TL. Pagtuk Pagtukoy oy sa layon at awd awdyens yens ng pagsasalin 5.Pagtuk Mahalagang talakayin ang layunin sa pagsasalin, pasalin man ng iba o sa akademya. Sa pagsasalin sa akademya, kailangang iangkop ng tagasalin ang teksto sa ispesipikong awdyens sa pamamagitan din ng pag-unawa sa kultura ng wikang pinagsasalinan. Ang pakikipag-usap sa kliyenteng nagpapasalin ay napakalahaga upang matukoy ang mga inaasahang tatanggap at pinag-uukulan ng salin. Pagtuk Pagtukoy oy sa mga teorya sa pagsasalin 6.Pagtuk Ang teorya ang magiging gabay ng tagasalin upang higit na isaisip niyang mapili ang mga panumbas at dapat na isaalang-alang sa pagsasalin.

Ang Unang P Pagbasa agbasa Iba-iba man ang layon at hinahanap natin sa pagbabasa, pinakamahalagang makuha natin ang buod ng ating binabasa. Sa paniniwala ni Newmark (1988), may dalawang layon sa pagbabasa: 1. maunawaan ang teksto, at 2. masuri ito sa pananaw ng isang tagasalin, na iba sa pananaw ng iba pang propesyonal na mambabasa ng isang akda o teksto. Ilan sa mga paalala sa pagbabasa: 1.Kung sakaling kinakailangang maisalin kaagad ang isang teksto, mabuti ang pahapyaw na pagbabasa, kahit na hindi na muna mabasa nang buo ang akda. Mahalaga na makuha muna ang pangkalahatang impresyon at pangkalahatang mensahe ng tekstong SL. 2.Kailangan din ang pagtatala ng mga salitang mahihirap na tumbasan.

3.Binubuo niya rin ang mga posibleng paraan at estratehiya na gagamitin sa isasagawang pagsasalin. 4.Magkasabay ding nagsusuri ng estruktura ng wika at ng paraan ng pagpapahayag ang isang tagasalin, higit lalo kung paano ito ipapahayag sa ibang wika. Ayon pa kay Newmark, may tatlong uri ng tungkulin ng wika: 1.Expressive function – ito ang personal na paraan ng awtor ng paggmit ng wika na madalas naa ginagamit sa mga di-pormal na sanaysay, sa seryosong panitikan at mga pahayag sa talumpati at personal na opinyon. 2.Informative function – tumutkoy sa mga impormasyong nakapaloob sa teksto o extralinguistic ng teksto tulad ng balita, siyentipiko/ teknikal na ulat, mga teksbuk, o mga sulating nakapokus sa pagbibigay ng impormasyon. 3.Vocative function – ang pokus naman nito ay ang mambabasa, lahat ng maaaring makaaapekto sa mambabasa lalo na ang emotive sa pag-unawa sa mensahe tulad ng anunsiyo, panitikang popular, patalastas, panuto, at iba pa.

Kagamitan sa Pagsa Pagsasalin salin Isa sa pinakamahalagang kagamitan ng isang tagasalin ay ang diksiyonaryo, mapa-online man bilang bahaging teknikal o karaniwang libro na nahahawakan natin. Maaari pang mapabilis ang pagsasalin sa paggamit ng internet. Ilan sa mga halimbawa nito ay ang mga sumusunod: Diksiyonaryong monolingg monolingguwal uwal – isang wika lamang ang sangkot sa ganitong 1.Diksiyonaryong diksiyonaryo. Hal. Diksyunaryo ng Wikang Filipino Sentinyal Edisyon (1998) Diksiyonaryong bilingg bilingguwal uwal – karaniwang Ingles at Filipino ang wikang 2.Diksiyonaryong ginagamit dito. Hal. English – Tagalog Dictionary ni Leo James English, C.Ss.R Pilipino – English Dictionary ni Vito C. Santos 3.Diksiyonaryong Diksiyonaryong trilinggu trilingguwal wal – kasangkot ang tatlong wika bagamat kalimitang glosaryo lamang sa dalawang wika, walang sapat na kahulgan kundi katumbas lamang Hal. Ingles, Filipino at Cebuano 4.Diksiyonaryong Diksiyonaryong espesy espesyalisado alisado – diksiyonaryo para sa tiyak na larangan

Hal. English-Filipino Legal Dictionary ni Judge Cezar C. Peralejo Tandaan na mabuting magkaroon ng diksiyonaryong monolinggwal sa SL upang malaman ang lahat ng posibleng kahulugan ng isang salita at maiangkop ang salitang napili sa isinasagawang pagsasalin. Bukod sa mga nabanggit na mga kagamitan, higit pa rin ang intuwisyon at karanasan ng isang tagasalin sa mga higit na makatutulong sa kanyang Gawain sa pagsasalin.

Aktuwal na P Pagsasalin agsasalin Masasabing walang iisang pormula sa pagsasalin. Bawat tekstong SL ay nangangailangan ng panibagong teorya at ng panibagong pamamaraan ng pagsasalin sapagkat bawat isa’y natatanging karanasan. Ang unang salin: 1.Sa bahaging ito, nagtatala na ang tagasalin ng mga salitang maaaring mahirap na tumbasan: mga salitang nakabatay ang kahulugan sa tunog (onmatopeia), mga salitang nakapaloob sa kultura ng SL, mga salitang walang katumbas, mga salitang maraming kahuluagan, at iba pa. 2.Layon ng panimulang salin na makabuo pa lamang ng panimulang salin kahit pa hindi ito makinis. Sa bahagi ring ito ay nangangapa pa sa estilo ng orihinal na awtor kaya masasabing isa ito sa pinakamahirap na gawain. 3.Dalawa sa paraan ng pagsasagawa ng panimulang salin 4.pagsasalin nang buo sa teksto, susundan ng rebisyon 5.pagsasalin nang paunti-unti kasabay ang rebisyon sa tuwing matatapos ang isang pahina o bahagi ng teksto 6.Pagdaraan sa pangalawang salin o pagpapakinis sa ilang mga mahihirap na salita at pagkapa lalo sa estilo ng awtor 7.Paghahanda ng tapatang salin o paghahanda ng dalawang magkatapat na kolum, nasa kaliwa ang orihinal at sa kanan naman ang salin upang kaagad na makita ang mga pagkukulan sa bersiyon ng tagasalin. 8.Paliwanag sa aktuwal na pagsasalin o nagtataglay ng tatlong bahagi ang gawaing ito: una, orihinal na Ingles; pangalawa, salin sa Filipino; at pangatlo, paliwanag sa mga pagapasyang isinagawa ng tagasalin sa pagpili ng mga panumbas. 9.Pagkatapos na magsalin, makabubuting itabi na muna. Maaaring dumaan muna ang isip ng tagasalin sa incubation period o pagpapahinog pa ng mga kaisipan mula sa isinagawang pagsasalin. Pagkatapos nito, panibagong pananaw kapag nabasa na muli ang isinaling akda o teksto sa paghahanda ng pinal na rebisyon. 10. Ang pinal na rebisyon ng salin ay nangangahulugang dapat na itong ilabas bagamat patuloy pa rin ang rebisyon sa mga maaaring makitang pagkukulang ng salin.

Napakahalaga ng ebalwasyon ng salin sapagkat tinitiyak nito na kung nailapat nang sapat ang mensahe sa tunguhang lengguwahe. Ilan sa mga layunin ng pagtataya ng salin ayon kay Newmark (1996): 1.Mapabuti ang mga pamantayan sa pagsasalin. 2.Maglaan ng may layong aralin para sa mga tagasalin. 3.Magbigay ng linaw sa mga konsepto sa pagsasalin na partikular sa isa ng paksa o panahon. 4.Makatulong sa interpretasyon ng mga naisalin na ng naunang manunulat at nagsalin. 5.Masuri ang pagkakaibang kritikal sa semantika at gramatika ng simulaan at tunguhang lengguwahe.

Dalawang Par Paraan aan sa Ebalwasyon ng Sa Salin lin 1. P Pagsubok agsubok ng salin – isa sa mga paraan upang malaman kung ang isang salin ay nagtataglay ng mga katangian ng isang mahusay na salin. a. Pa Pansariling nsariling pagsubok – isinasagawa ito nang paunti-unti habang nagsasalin pa. Pabalik-balik man ang gawaing ito, ang mahalag’y naiaangkop niya ang mga dapat gawin sa kanyang salin. b. P Pagsubok agsubok sa kko onsistensi – mahalaga ang hindi pabago-bagong gamit sa pagtutumbas ng mga katawagan kasama ang tiyak na paraan ng pagtutumbas ng mga pangalan. c. P Pagsubok agsubok sa pag-unawa – masasabing mahusay ang pagssasalin kung nauunawaan ito ng iyong target na mambabasa. Maaaring isagawa ang malakas na pagbasa upang malaman ang mga salitang malabo, maligoy, hindi gamitin, o masyadong mataas ang lengguwaheng ginamit para sa target na mambabasa. Maaari ring magsagawa ng pagtatanong ukol sa nilalaman ng iyong salin, pasalita man o pasulat, upang makita ang kalinawan ng iyong salin. d. Baliksalin/ back tr translation anslation – mula sa salita, isinasagawa ang pagsasaling ito pabalik sa SL upang matiyak ang kawastuhan ng salin. Karaniwang ginagamit ito sa pagsasaling-teknikal at siyentipiko lalo na sa mga manwal o gabay para maisagawa ang isang bagay. Ikinukumpara ang unang salin sa baliksalin upang matiyak ang bahaging naiiba ang diwa sa orihinal na teksto. Mabisa itong nailalapat sa pagsasaling teknikal bagamat may limitasyon sa tekstong pampanitikan. Tinitiyak lamang kasi sa prosesong ito ang mensahe ng orihinal, posibleng hindi na ang mga talinghaga kung tekstong pampanitikan ito. e. Pa Pagkonsulta gkonsulta sa eksperto – mahalaga ang ibang mga matang titingin sa iyong salin, isang eksperto sa wika at ang isa ay sa paksa. Maaari silang hingan ng komentaryo sa salin, sa kabuuan nito o sa bahaging may duda lamang. At upang higit na mapadali ang

agwaing ito sa ekspertong kakausapin, ihanda na ng tagasalin ang magkatabing pahina ng SL at TL.

2.Kritisismong Kritisismong pagsasalin – sinusuri ang pamamaraan o o teoryang nakapaloob sa pagsasalin ng isang akda at ang tiyak na aplikasyon ng mga ito sa nagawang salin. Binibigyang-pansin nito ang lahat ng elemento sa pagsasalin: layunin, uri ng teksto, estratehiya, prinsipyo, limitasyon at mambabasa.

YUNI TI I I Wor ksyapngbawatl ar ang Kolehiyo ng CEIT ENG’G. – Pagsasalin ng Nat’l. Building and Electrical Code IT – Pagsasaling-awit/ video at paggamit ng subtitling o surtitling sa mga videos Accounting – Pagsasalin ng ilan mga resibo

Kolehiyo ng CEAS EDUC – Pagsasalin ayon sa kanilang espesyalisasyon Psychology and SW – Pagsasalin ng ilang mga makatutulong na impormasyon sa Mental health o mga talang may kaugnayan sa pagdebelop ng sarili o pagpapahalaga sa sarili at ng komunidad

Kolehiyo ng CBAP BA- Pagsasalin ng iba’t ibang business proposal template Accounting – Pagsasalin ng ilan mga PA - Pagsasalin ng mga pinakamahahalagang mga batas ukol sa kamalayan ng taongbayan

Aktwal na Ebalwasy balwasyon on ng mga naisalin sa klase...


Similar Free PDFs