YUNIT II: MAYKROEKONOMIKS DOCX

Title YUNIT II: MAYKROEKONOMIKS
Author Guila Abellera
Pages 4
File Size 29.6 KB
File Type DOCX
Total Views 21

Summary

YUNIT II: MAYKROEKONOMIKS e. Espekulasyon o Inaasahan- kapag inaasahan ng mga mamimili na tataas ang presyo ng mga pangunahing bilihin, ang ilan sa kanila ay mamimili ng higit sa 1. MAYKROEKONOMIKS- hinango sa salitang Griyego na ‘micro’ na nagangahulugang maliit. kanilang pangangailangan upang sama...


Description

YUNIT II: MAYKROEKONOMIKS 1. MAYKROEKONOMIKS- hinango sa salitang Griyego na 'micro' na nagangahulugang maliit. Ito ang sangay ng Ekonomiks na nauukol sa galaw at pag-uugali ng bawat yunit ng ekonomiya: a. mamimili b. manggagawa c. namumuhunan d. may-ari ng lupa e. bahay-kalakal ARALIN: PAGSUSURI NG DEMAND 1. DEMAND- tumutukoy sa dami ng produkto at serbisyo na nais at kayang bilhin ng mamimili sa isang takdang panahon, lugar at presyo. 2. PRESYO- kalimitang nagiging batayan sa pagbili ng isang produkto (demand) at batayan sa pagtatakda ng presyo ng produktong handang ipagbili (suplay). 3. "CETERIS PARIBUS"- salitang Latn na ang ibig sabihin ay "ang iba pang bagay ay hindi nagbabago". *May tuwirang kaugnayan ang presyo ng produkto at paglilingkod sa desisyon ng mamimili na bumili, kung ang ibang salik na nakakaapekto dito ay hindi nagbabago. 4. ISKEDYUL NG DEMAND- talaan na nagpapakita ng dami ng produkto na nais bilhin ng mga mamimili sa iba't-ibang alternatbong presyo. 5. KURBA NG DEMAND- grapikong paglalarawan ng iskedyul ng demand. Ang pagkilos ng demand ay mula itaas, pababa at pakanan o downward sloping. Ito ay nagpapakita ng di- tuwiran o negatbong ugnayan sa pagitan ng presyo at dami ng demand. 6. BATAS NG DEMAND- nagpapaliwanag na kapag mababa ang presyo ng isang produkto o serbisyo, ang dami ng demand ay mataas ngunit kapag mataas ang presyo ng nasabing produkto o serbisyo, mababa ang demand nito kung ang ibang salik na maaaring makapagpabago sa demand ay hindi nagbabago (ceteris paribus). Ito ang ipinaliliwanag ng downward sloping na kurba ng demand. 7. MGA DI-PRESYONG SALIK NA NAKAKAAPEKTO SA DEMAND: a. Kita ng mamimili- may positbong epekto sa demand. Ang mga taong may mataas na kita ay may kakayahang bumili ng mas maraming produkto kumpara sa taong may mababang kita. b. Populasyon- kapag malaki ang populasyon, inaasahang magiging mataas rin ang demand sa lahat ng uri ng produkto at sebisyo. c. Presyo ng mga Kaugnay o Kapalit na Produkto (related or substtute goods)- kapag mataas ang presyo ng isa sa mga magkakaugnay na produkto, asahang bababa ang demand sa kaugnay na produkto nito. Samantala kung maraming kapalit o kahalili ang produkto, asahang sa pagtaas ng presyo nito ay ang pagtaas naman ng demand sa mga kahaliling produkto. d. Panlasa- naaayon sa edad, kasarian, sitwasyon o pangangailangan, kaugalian at iba pa. e. Espekulasyon o Inaasahan- kapag inaasahan ng mga mamimili na tataas ang presyo ng mga pangunahing bilihin, ang ilan sa kanila ay mamimili ng higit sa kanilang pangangailangan upang samantalahin ang mababang presyo. ARALIN: PAGSUSURI NG SUPLAY 1.SUPLAY- bilang ng produkto at paglilingkod na handang ipagbili sa mga magkakaibang presyo sa isang takdang panahon. Ang mga mangangalakal, prodyuser at nagbibili ang kumakatawan sa suplay. 2. ISKEDYUL NG SUPLAY- talaan na nagpapakita ng relasyon ng pagbabago sa presyo at pagbabago sa dami ng suplay. 3. KURBA NG SUPLAY- grapikong paglalarawan ng ugnayan sa pagitan ng presyo at dami ng suplay ng isang produkto o paglilingkod. Ang pagkilos ay paitaas patungong kanan o upward sloping na nagpapahiwatg ng positbo o tuwirang ugnayan ang presyo sa dami ng suplay. 4. BATAS NG SUPLAY- nagpapaliwanag na kapag mataas ang presyo ng isang produkto o paglilingkod, ang suplay ay tataas. Kapag naman mababa ang presyo ng produkto, mababa rin ang suplay. 5. MGA DI-PRESYONG SALIK NA NAKAKAAPEKTO SA SUPLAY: a. Pagdami ng prodyuser- kapag maraming prodyuser, mataas ang suplay. Kapag kaunt naman ang prodyuser, kaunt rin ang suplay. b. Pagbabago sa Presyo ng mga Salik ng Produksyon- ang pagtaas sa presyo ng salik ng produksyon na nangangahulugang pagtaas rin ng kabuuang gastos sa produksyon ay maaring humantong sa pagbaba ng produksyon o suplay sa pamilihan. c. Pagbabago sa Presyo ng Kaugnay na Produkto- ang mataas na presyo ng produkto ang humihikayat sa mga prodyuser na dagdagan ang produksyon dahil mas malaki ang kita rito. d. Espekulasyon sa Pamilihan- ang mga negosyante ay nagtatago ng kanilang produkto at ilalabas lamang kapag mataas na ang presyo nito na nagdudulot ng dagliang kakulangan sa suplay (hoarding). e. Pag-unlad ng Teknolohiya- ang espesiyalisayon at produktbidad sa paggawa ay nakatutulong sa paglaki ng produksyon. ARALIN: ELASTISIDAD NG DEMAND: 1. MGA URI NG ELASTISIDAD NG DEMAND: a. Elastc na Demand- ang bahagdan ng pagbabago sa dami ng demand ay mas malaki sa bahagdan ng ng pagbabago sa presyo. N>1 b. Inelastc na Demand- ang bahgdan ng pagababgo sa dami ng demand ay mas maliit sa bahagdan ng pagbabago sa presyo. N...


Similar Free PDFs