Yunit 1 Module - nanannnanna PDF

Title Yunit 1 Module - nanannnanna
Author Joushua Jay Paez
Course Marketing
Institution Bulacan State University
Pages 12
File Size 377.4 KB
File Type PDF
Total Downloads 8
Total Views 65

Summary

sa FilipinoYUNIT I ANG PAGTATAGUYOD NG WIKANG PAMBANSA SA MATAAS NA ANTAS NG EDUKASYON AT LAGPAS PAMga Posisyong Papel Hinggil sa Filipino at Panitikan sa KolehiyoPanimulaUmani ng samo’t saring reaksyon ang pagbabago sa sistemang pangedukasyon ng bansa lalo’t higit sa usapin ng noong pagtatangka na ...


Description

Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino YUNIT I ANG PAGTATAGUYOD NG WIKANG PAMBANSA SA MATAAS NA ANTAS NG EDUKASYON AT LAGPAS PA

Mga Posisyong Papel Hinggil sa Filipino at Panitikan sa Kolehiyo Panimula Umani ng samo’t saring reaksyon ang pagbabago sa sistemang pangedukasyon ng bansa lalo’t higit sa usapin ng noong pagtatangka na tanggalin ang mga asignatura sa Filipino at Panatikan sa kolehiyo. Iba’t ibang institusyon at mga makawikang organisasyong ang nagpahayag ng kani-kanilang tindig at nagpaabot ng kanilang pagtutol sa mga hakbangin na ito. Ang mga inisiyatibang ito ang nagbunsod sa pagtatatag ng Tagapagtanggol ng Wikang Filipino (Tanggol Wika), isang alyansang binubuo ng mga dalubiwika, guro, mga mag-aaral, at iba pang nagmamahal sa wika upang isulong ang patuloy na pagyabong ng wika. Ilang promenenteng paaralan din ang nagpahayag ng kanilang pagsuporta sa layunin ng grupo sa pamamagitan ng posisyong papel. Ang ilan sa mga posisyong papel na nagpapahayag ng pangangailangan ng pagbabalik ng mga naturang asignatura sa kuriulum ng kolehiyo ay matatalakay sa bahaging ito ng Yunit 1. Layunin: Matapos ng pagtatalakay ng paksang ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang: 1. makilala mga makawikang organisasyon at institusyong nakipaglaban para maibalik ang mga asignaturang Filipino at Panitikan sa kolehiyo; 2. mapapalalim ang pagunawa sa malaking gampanin ng Filipino at Panitikan sa buhay at pag-unlad ng mga mag-aaral; at 3. makapagpahayag ng sariling tindig sa hinggil sa Filipino at Panatikan sa kolehiyo gamit ang modernong midya. Lunsaran Ang sumusunod na lunsaran ay makatutulong sa mas malalim na pagtatalakay ng paksa. •https://www.youtube.com/watch?v=K3O0U7IXdNM •https://www.youtube.com/watch?v=sLJsYViUzQ •https://www.youtube.com/watch?v=Jq82Kvl39o • https://www.youtube.com/watch?v=EYiNkGBB8Q8

Nilalaman Pahina 1 ng 12

Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino Bahagi na ng kasaysayan ng Pilipinas ang pagbabgong bihis ng sistema ng edukasyon ng Pilipinas. Ito ay naka-angkla sa ideya ng international standards, labor mobility, at ASEAN integration. Batid ng mga nagpanukala ng nasabing pagbabago ang kahingian na sumabay sa tinatawag na interantional standards dahil ang Pilipinas ay kabilang sa iilan na lamang na mga bansa na may sampung taon lamang na basic education at ang karagdagang dalawang taon ay mabubukas ng pinto sa mas maraming opurtunidad para sa mga mag-aaral. Ang ideya ng labor mobility ay alinsunod sa pagtatangkang mas mapabilis ang pagkakaroon ng trabaho ng mga magaaral na magtatapos sa ilalim ng ngayon ay umiiral na na sistema ng edukasyong K to 12. Dahilan nito ay mas magiging handa ang mga mag-aaral na harapin ang pagiging kabahagi ng lakas paggawa ng bansa. Ang mga magtatapos ng grade 12 ay maaring pumili sa pagitan ng pagtrabaho o pagpapatuloy sa kolehiyo mataposang labindalawang taon sa basic education. Ang ASEAN integration naman ay kabahagi upang maging tugma ang kalakaran ng mga kasaping bansa ng organisasyon. Ito ay para sa lalong matibay na ugnayan at pagtutulungan sa pagitan ng mga miyembro. Bagaman maraming positibong implikasyon ang K to 12, mayroon din itong mga naging hamon. Tulad na lamang ng tangkang pagaalis sa mga asignaturang may kaugnayan sa Panitikan at Filipino. Taong 2011 pa lamang nang magsimula ang usap-usapan ukol dito. Dahil sa ilan nga sa pokus nito ay mas mapadulas ang pagkakaroon ng trabaho dito at higit sa ibang bansa at ang pagsunod sa yapak ng mga mauunlad na bansa, nabigyang diin ang pagpapaunlad ng kasanayan sa pag gamit ng wikang Ingles sa K to 12. Ito ay tumataliwas sa mga nauna nang mga hakbangin para sa pagpapayabong ng wikang pambansa, ang Filipino. Mula rito ay umusbong na ang mga damdaming handang ipahayag ang kanilang pagtutol ang pasasawalang bahala sa Filipino. Ang Alyansa ng mga Tagapagtanggol ng Wikang Filipino o Tanggol Wika ang alyansang nangunguna sa pakikibaka laban sa pagpaslang ng Commission on Higher Education (CHED) sa Filipino, Panitikan at Philippine Government and Constitution subjects sa kolehiyo at kapatid na organisasyon ng Alyansa ng Mga Tagapagtanggol ng Kasaysayan (Tanggol Kasaysayan) na grupong nagtataguyod naman ng pagkakaroon ng required at bukod na asignaturang Philippine History/Kasaysayan ng Pilipinas sa hayskul. Nabuo ang Tanggol Wika sa isang konsultatibong forum noong Hunyo 21, 2014 sa De La Salle University-Manila (DLSU). Halos 500 delegado mula sa 40 paaralan, kolehiyo, unibersidad, organisasyong pangwika at pangkultura ang lumahok sa nasabing konsultatibong forum. Kasama sa mga tagapagsalita sa forum na iyon si Dr. Bienvenido Lumbera, Pambansang Alagad ng Sining. Ang forum na iyon ay kulminasyon ng mga nauna pang kolektibong inisyatiba mula pa noong 2012. Noong 2015, pinangunahan ng Tanggol Wika ang pagsasampa ng kaso laban sa anti-Filipinong CHED Memorandum Order (CMO) No. 20, Series of 2013, sa Korte Suprema. Agad na naglabas ng Temporary Restraining Order (TRO) ang Korte Suprema para ipahinto ang pagpaslang sa Filipino at Panitikan sa kolehiyo, bunsod ng kasong isinampa ng Tanggol Wika. Bagamat tuluyang binawi ng Korte Suprema ang TRO noong 2019, tuloy ang pakikipaglaban ng Tanggol Wika sa iba pang arena. Marami-rami pang kolehiyo at unibersidad ang mayroon pa ring Filipino at Panitikan, at nakahain na sa Kongreso ang House Bill 223 upang muling ibalik ang Filipino at Panitikan bilang mga mandatoring asignatura sa kolehiyo. (https://tanggolwika.org/) bansa na may sampung taon lamang na basic education at ang karagdagang dalawang taon ay mabubukas ng pinto sa mas maraming opurtunidad para sa mga mag-aaral. Ang ideya ng Pahina 2 ng 12

Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino labor mobility ay alinsunod sa pagtatangkang mas mapabilis ang pagkakaroon ng trabaho ng mga mag- aaral na magtatapos sa ilalim ng ngayon ay umiiral na na sistema ng edukasyong K to 12. Dahilan nito ay mas magiging handa ang mga mag-aaral na harapin ang pagiging kabahagi ng lakas paggawa ng bansa. Ang mga magtatapos ng grade 12 ay maaring pumili sa pagitan ng pagtrabaho o pagpapatuloy sa kolehiyo mataposang labindalawang taon sa basic education. Ang ASEAN integration naman ay kabahagi upang maging tugma ang kalakaran ng mga kasaping bansa ng organisasyon. Ito ay para sa lalong matibay na ugnayan at pagtutulungan sa pagitan ng mga miyembro. Bagaman maraming positibong implikasyon ang K to 12, mayroon din itong mga naging hamon. Tulad na lamang ng tangkang pagaalis sa mga asignaturang may kaugnayan sa Panitikan at Filipino. Taong 2011 pa lamang nang magsimula ang usap-usapan ukol dito. Dahil sa ilan nga sa pokus nito ay mas mapadulas ang pagkakaroon ng trabaho dito at higit sa ibang bansa at ang pagsunod sa yapak ng mga mauunlad na bansa, nabigyang diin ang pagpapaunlad ng kasanayan sa pag gamit ng wikang Ingles sa K to 12. Ito ay tumataliwas sa mga nauna nang mga hakbangin para sa pagpapayabong ng wikang pambansa, ang Filipino. Mula rito ay umusbong na ang mga damdaming handang ipahayag ang kanilang pagtutol ang pasasawalang bahala sa Filipino. Ang Alyansa ng mga Tagapagtanggol ng Wikang Filipino o Tanggol Wika ang alyansang nangunguna sa pakikibaka laban sa pagpaslang ng Commission on Higher Education (CHED) sa Filipino, Panitikan at Philippine Government and Constitution subjects sa kolehiyo at kapatid na organisasyon ng Alyansa ng Mga Tagapagtanggol ng Kasaysayan (Tanggol Kasaysayan) na grupong nagtataguyod naman ng pagkakaroon ng required at bukod na asignaturang Philippine History/Kasaysayan ng Pilipinas sa hayskul. Nabuo ang Tanggol Wika sa isang konsultatibong forum noong Hunyo 21, 2014 sa De La Salle University-Manila (DLSU). Halos 500 delegado mula sa 40 paaralan, kolehiyo, unibersidad, organisasyong pangwika at pangkultura ang lumahok sa nasabing konsultatibong forum. Kasama sa mga tagapagsalita sa forum na iyon si Dr. Bienvenido Lumbera, Pambansang Alagad ng Sining. Ang forum na iyon ay kulminasyon ng mga nauna pang kolektibong inisyatiba mula pa noong 2012. Noong 2015, pinangunahan ng Tanggol Wika ang pagsasampa ng kaso laban sa anti-Filipinong CHED Memorandum Order (CMO) No. 20, Series of 2013, sa Korte Suprema. Agad na naglabas ng Temporary Restraining Order (TRO) ang Korte Suprema para ipahinto ang pagpaslang sa Filipino at Panitikan sa kolehiyo, bunsod ng kasong isinampa ng Tanggol Wika. Bagamat tuluyang binawi ng Korte Suprema ang TRO noong 2019, tuloy ang pakikipaglaban ng Tanggol Wika sa iba pang arena. Marami-rami pang kolehiyo at unibersidad ang mayroon pa ring Filipino at Panitikan, at nakahain na sa Kongreso ang House Bill 223 upang muling ibalik ang Filipino at Panitikan bilang mga mandatoring asignatura sa kolehiyo. (https://tanggolwika.org/) Maraming tulad ng Tanggol Wika ang nagpahayag ng ng kani-kanilang saloobin sa pamamagitan ng posisyong papel. Ang posisyong papel ay isang pasulat na gawaing akademiko kung saan inilalahad ang paninidigan sa isang napapanahong isyu na tumutukoy sa iba’t ibang larangan tulad ng edukasyon, politika, batas, at iba. Kadalasang idinadaan sa pagsulat ng posisyong papel ang paggaganyak, at pagpapaunawa ng punto ng sumulat tungkol isang paksa. Karaniwang ginagamit ito ng mga organisasyon at institusyon upang ipabatid sa publiko ang kanilang paniniwala at rekomendasyon bilang isang pangkat.

Pahina 3 ng 12

Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino Agosto 2014 nang nagpayag ang Departamento ng Filipino ng De La Salle University ng kanilang saloobin sa pamamagitan ng kanilang posisyong papel na may pamagat na “Pagtatanggol sa wikang Filipino, tungkulin ng bawat Lasalyano.” Nakapaloob sa posisyong papel na ito na “ang pagkakaroon ng asignaturang Filipino ay nakapag aambag sa pagiging mabisa ng community engagement ng ating pamantasan sapagkat ang wikang Filipino ang wika ng mga ordinaryong mamamayan sa mga komunidad na ating pinaglilingkuran. Ang pagpapalakas sa ugnayan ng ating pamantasan at ng mga ordinaryong mamayan ay alinsunod sa bokasyon ni San Juan Bautista De La Salle na nagsikhay sa paggamit ng wika ng mga ordinaryong mamamayan sa edukasyon. Dapat bigyang diin ang Filipinisasyon ng mga pananaliksik ng ibat ibang departamento at kolehiyo sa pamantasan ay makatutulong din ng malaki sa pagtitiyak na ang ating mga pananaliksik ay higit na magiging kapaki pakinabang sa ating mga kababayan. Sa pamamagitan ng assignaturang Filipino sa DLSU, inaasahang may sapat na katatasan sa wikang pambansa ang sinumang gradweyt ng pamantasang ito sa pakikipagtalastasan sa ibat ibang pangangailangan o kontekstong pang komunikasyon png akademiko man o pang kultura, tulad ng nililinang sa ibang pamantasan.” Ang adbokasiyang itoy pagsasalba sa kolektibong identidad, sa salamin ng ating kultura, sa daluyan ng diskurong pambansa, at pagtataguyod ng nasyonalistang edukasyon na huhubog ng mga estudyanteng magiging mga kapaki pakinabang na mamamayaan ng ating bansa.” Mababatid sa posisyong papel na ang responsibilidad ng paaralan na hubugin ang pagkakakilanlan ng bawat indibidwal. Isa sa mga inaasahan ay ang mapanatili ang ugnayan ng paaralan at ng komunidad lalo at higit yaong mga nabibilang sa lalylayan. Higit kanino man ay sila ang mas nangangailangang marinig at mabigyang atensyon. Sa pamamagitan ng wikang Filipino ay magiging mabisa ang pagpapahayag ng mga saloobin at pangangailangan ng mga mamamayan. Ito ang nagbibigay boses sa mg ordinaryong tao at kung mawawala ito ay tuluyan nang hindi malilinang ang ugat na sanay magdudugtong sa malayong agwat ng karaniwan at mga edukadong tao. Mas magiging malabo na na maging pantay ang mga mamayan mula sa iba’t ibang estado sa buhay at manantiling pinid ang mga labi kung dayuhang wika ang kailangan upang makapagpahayag ng saloobin at pangangailangan. Ang posisyong papel naman na may pamagat na “Ang Paninindigan ng Kagawaran ng Filipino ng Panantasang Ateneo de Manila sa Suliraning Pangwikang Umuuugat sa CHED Memorandum Order No. 20Series of 2013” ay mula sa panulat ng mga guro ng Ateneo De Manila University. Nakapaloob dito na “hindi lamang midyum ng pagtuturo ang Filipino isa itong displina. Lumilikha ito ng sariling larangan ng karunungan na nagtatampok sa pagka Filipino sa anumang usapin sa loob at labas ng akademya. Dapat patuloy itong ituro sa antas ng tersiyaryo at gradwado bilang integral na bahagi ng anumang edukasyong propesyonal... ang banta na alisin ang Filipino sa akademikong konteksto ay magdudulot ng ibayong pagsasalaylayan o marhinalisasyon ng mga wika at kulturang panrehiyon. Kakabit ng pagaaral ng Filipino bilang disiplina ang pagtatanghal at paglingap ng mga wika at kultura ng bayan. Hindi dapat mawala ang wikang panrehiyon sa diskurso. At lalong hindi dapat pagsabungin ang mga wika. Sa halip, dapat maging mapagmatyag laban sa mga tao at institusyong ginagamit ang kasalukuyang isyung pangwika upang itanggi ang sarili at kanilang mga interes.”

Pahina 4 ng 12

Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino Bilang mga Pilipino tungkulin nating pagyabungin ang bawat butil ng ating pagkakakilanlan. Kaakibat ito ng ating pagiging malaya at ng lahat ng sakripisyo ng ating mga ninuno. Kaya naman ang tahasang pagtatanggal sa asignaturang Filipino at Panitikan sa kurikulum ay isang paraan ng pagkitil sa ating identidad at pagsasawalang bahala ng lahat ng buhay na binuwis para makamit ito. Malinaw sa posisyong papel ng Ateneo de Manila ang pangangailangang mapagtibay ang Filipino bilang isang disiplina nang sa gayon ay mapataas din ang kalagayan ng mga pangrehiyong wika. Ang pagyakap sa ibang wika habang pinababayaan at iniisang tabi ang sariling wika ay nagtutulak sa atin palayo sa sariling bayan at nagpipiring sa atin sa mga totoong intensyon ng nagpapalawig nito. Isa rin sa mga pamantasang nagpahayag ng tinig ukol sa isyung pagtatanggal ng Filipino at Panitikan ang Unibersidsad ng Pilipinas, Diliman Departamento ng Filipino at Panitikan sa ilalim ng Kolehiyo ng Arte at Literatura. Anila ang Filipino ay wika na “susi ng kaalamang bayan”. Buo rin ang kanilang paninindigang “nasa wika ang pagtatanyag ng kaalamang lokal – mga kaalamang patuloy na hinubog at humuhubog sa bayan. Sariling wika rin ang pinakamabisang daluyan para mapalaganap ang dunong bayan at kaalamang pinanday sa akademya. Layunin dapat ng edukasyon ang humubog ng mga magaaral na tutuklas ng dunong bayan at napakikinabangan ng bayan. Gawain ng mga guro sa Filipino sa antas tersarya ang sanayin ang mga mag aaral na gamitin ang wikang Filipino upang gawing kapaki pakinabang ang napili nilang disiplina sa oang araw araw na buhay ng mga mamamayan. Ganito ang karanasan ng mga magaaral sa UP Manila sa pagbibigay nila ng serbisyong pangkalusugan sa mamamayan. Kailangan nilang matutong magpaliwanag at makipagtalastasan sa wikang Filipino upang mapakinabangan ng mamamayan ang kanilang kaalaman.” Ang pinakamainam na porma na pagkatuto ay ang pagpapatuto din sa iba. Ang pagbibigay serbisyo sa kapwa gamit ang kaalamang natutunan ay higit pa sa salaping maaring matanggap ng isang propesyunal. Kaya gaano man kahusay ang magiging produkto ng bagong kurikulum kung hindi naman ito magagamit sa pagtulong sa kapwa ay hindi din makapagbibigay ng pagunlad. Binibigyang diin sa posisyong papel ng UP Diliman na dapat kaagapay ng intelektwalisasyon ay ang pag gamit nito sa makataong paraan. Hindi dapat natatapos ang paglago sa pagkakamit ng degri kundi sa pagbabalik nito sa iba sa pamamagitan ng serbisyo at ang mainam na serbisyo ay nagsisimula sa pagkakaunawaan. Wala nang hihigit pa sa unawaang dulot ng parehas na wika. Taong 2014 naman noong inilathala ang “Paninindigan ng Kagawaran ng Filipinolohiya ng Politeknikong Universidad ng Pilipinas (PUP), Samahan ng mga Dalubguro at Filipino (SADAFIL), Samahan ng mga Batang Edukador ng Wikang Filipino at mga Sining ng Plipinas, PUP Ugnayan ng Talino at Kagalingan”. Dito ay ipinahayag ng Polytechnic University of the Philippines, Manila na ang “umiiral sa realidad sa Pilipinas na ang Filipino ay wikang panlahat. Nandyan ito, umiiral at ginagamit sa araw araw na pakikipag talastasan ng mga Filipino. Mga Pilipino ang kusang tumanggap nito bilang wikang pambansa at naging katangi tangi ang tatag nito dahil ito ang identidad ng lipunang Pilipino. Mahalaga ang pagpapaunlad nito sa bawat Pilipino kaya kung ihihiwalay sa mga mag aaral ng kolehiyo sa Pilipinas ang patuloy na pag aaral ng wikang Filipino, tinanggal narin natin ang identidad natin bilang Pilipino. Dahil kung ano ang wika mo yun ang identidad mo.” Pahina 5 ng 12

Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino

Kalakip ng pagka Pilipino ang wikang Filipino at ang paglinang nito ay paglinang din ng sariling identidad. Ito ay nagbibigay diin sa lalong pangangailangan ng mga mamayan lalo’t higit ng mga mag-aaral na linangin ang kani-kanilang identidad. Malinanw ang pahayag sa posisyong papel na ang pagtatanggal ng pag-aaral ng Filipino sa kolehiyo ay pagtatanggal din ng pagkakakilanlan ng mga Pilipino. Ang pag-aaral ng wika at panitikan sa kolehiyo ay higit na mainam na panahon para mas mapalalim ang pagmamahal sa sariling identidad at mapataas ang antas kasabay ang paglinang din ng kani-kaniyang propesyon at larangan. Upang kasabay ng mga lumalagong Pilipino ay ang pagyabong din ng wikang Filipino. Ayon naman sa Philippine Normal University ang “isang moog na sandigan ang wikang Filipino upang isalin ang hindi magmamaliw na karunugan na pakikinabanagan ng mga mamamayan para sa pambansang kapakanan. Ang paaralan bilang institusyong panlipunan ay mahalagan domeyn na humuhubog sa kaalaman at kasayan ng bawat mamamayan ng bansa. Kaakibat sa proseso ng pagtuturo at pagkatuto ang wikang Filipino upang lubos na maunawaan at mailapat sa paaralan ng buhay ang mga araling hindi lamang natatapos sa apat na sulok ng silid aralan.” Ang paaralan ang nagiging kanugnog ng tahanan kung saan lalong pinapanday ang pagkatao ng bawat indibidwal. Ito ang siyang nagbibigay katuturan sa mga karaniwang karanasan at nagpapaliwanag ng mga bagay sa mas malalim na perspektibo. Binigyang pansin sa posisyong papel ang malaking gampanin ng paaralan sa pagbuo ng tulay na magdudgutong sa kung ano man ang mga napagaralan sa silid ay syang magamit at madala sa paglabas dito. Ito ang nagpapaigting ng pagnanais na malinang sa paaralan ang sariling wika at panitikan at nang sa gayon ay masiguradong bahagi ng paglago ng mga mag-aaral ang midyum na batid ng bawat Pilipino. Ito ay magbibigay daan din sa kapakinapakinabang na talastasan at talaban ng ideya. Samakatuwid, ang bawat posisyong papel na nailathala sa paksang ito ay naging malaking bahaging sa pagkakaroon sa kasalukuyan ng mga asignaturang umiinog sa Filipino at Panitikan. Ang hakbang at inisyatiba na isinaalang-alang ng mga organisyon at pamantasan ay nagbigay ng magandang bunga sa kalagayang pang-edukasyon ng susunod na henerasyon. Patuloy na magiging mapanghamon ang pagyakap sa globalisasyon at nawa kaalisabay nito ay mas humigpit ang pagyakap sa sariling pagkakakilanlan at identidad. Sa kabila ng pagbabago sa napakaraming aspekto ay manatili sana ang pagmamahal sa Filipino at Panatikan. Inaasahang dadami ang mga propesyonal na magmamahal at magpapaunlad sa sariling wika matapos ang pagtatalakay sa mga posisyong papel na ito upang maibalik ang Filipino at Panitikan sa kolehiyo.

Mga Gawain

Pahina 6 ng 12

Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino Gawain 1 Ang bawat mag-aaral ay aatasang ipahayag ang kani-kanilang mga tindig hingil sa pagkakaroon ng asignaturang Filipino sa kolehiyo tulad ng kasalukuyang kurso, ang Fili 101 Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino, sa pamamagitan ng isang Facebook (FB) post. Ang naturang FB post ay tatalakay sa saloobin ng mag-aaral sa kung paanong ang asignatura ay nakatutulong sa kanyang paglago bilang isang mag-aaral at isang indibiwal. Inaasahang ang mag- aaral ay gagamit ng akademikong tinig sa kanyang pagpapahayag na hindi lalampas sa 300 salita, at sumusunod sa tamang baybay, at balarila. Kasama ng FB post ay isang larawan na may kaugnayan sa kanilang tindig. Maaring ito ay isang bagay o pangyayaring sumisimbolo sa knilang nais ipabatid. Ang awtput ng mga mag-aaral ay ilalagay sa ginawang Facebook Private Group ng guro para sa klase. Para sa mga mag-aaral na walang internet connection o gumagamit ng free- data, maaaring i-type sa cellphone at isumite sa guro gamit ang te...


Similar Free PDFs