Classroom Observation Sample Lesson plan in Health 5 PDF

Title Classroom Observation Sample Lesson plan in Health 5
Author Allan Palecpec
Course Education
Institution University of Northern Philippines
Pages 6
File Size 289.1 KB
File Type PDF
Total Downloads 75
Total Views 350

Summary

Banghay Aralin sa HEALTH 5 – Ikaapat na MarkahanKASANAYANG PAGKATUTO:Naipapakita ang mga pangunahing lunas at pamamaraan sa mga karaniwang sugat at iba pa. I. Layunin: a. Naiisa-isa ang mga pangunahing lunas para sa mga nakakagat ng mga hayop at insekto. b. Naipapakita ang wastong paraan upang mabig...


Description

Banghay Aralin sa HEALTH 5 – Ikaapat na Markahan KASANAYANG PAGKATUTO: Naipapakita ang mga pangunahing lunas at pamamaraan sa mga karaniwang sugat at iba pa. I.

Layunin: a. Naiisa-isa ang mga pangunahing lunas para sa mga nakakagat ng mga hayop at insekto. b. Naipapakita ang wastong paraan upang mabigyang lunas ang mga nakagat ng hayop at insekto. c. Naipapaliwanag ang kahalagahan ng kaalaman sa wastong paglulunas sa mga indibidwal na nakaranas ng pagkakagat. H5IS-IV-c-j-36

II.

Nialaman: Paksang Aralin:

Pangunahing Lunas sa mga nakagat ng Hayop at Insekto

Sanggunian:

Edukasyong Pangkatawan at Pangkalusugan p.208-213

Kagamitan:

Powerpoint Presentation, mga larawan, metacard, tarpapel, video clips,out-outs

Integration:

III.

MAPEH Health, ESP, Science

Pamamaraan: A. Panimulang Gawain:

1. Balik – aral: Laro:Pasahan ng Mensahe (Pass the Message) Mensahe: Mag-ingat sa matutulis na bagay. Hakbang sa Paglalaro. 1. Bumuo ng tatlong pangkat. 2. Bubunot ang guro ng mga pangalan ng mag-aaral na bubuo sa bawat pangkat. 3. Ang bawat pangkat ang pipili ng lider na pupunta sa guro upang basahin o pakinggan ang mensahe. 4. Sa hudyat ng guro, ipapasa ng lider ang mensahe sa kasunod niyang kaklase sa pila. 5. Ang panghuling bata sa pila ang pupunta sa pisara upang isulat ang mensaheng ipinasa sa kanya. 6. Ang unang pangkat na makapagbibigay ng tamang mensahe ang siyang

nananalo. 2. Pagganyak: Sino sa inyo ang may mga alagang hayop? Ano ang mga ito? Paano ninyo sila inaalagaan? Paano naman naipapakita ng mga alaga ninyong hayop ang kanilang pagmamahal sa iyo? Magpakita ng mga larawang nagpapakita ng mga nakakagat ng hayop at insekto. Mg Larawan.

1. Ano ang nangyari sa bata?

2. Ano kaya ang nakakagat sa kanya? Mahalaga ba na malinis ang ating kapaligiran? Bakit? Anu-anong uri ng sakit ang maari nating maiwasan kung malinis ang ating paligid? Sa panahon natin ngayon mahalaga ba ang malinis na paligid? Bakit? Anung pandemya ang ating nararanasan na kinakailangan ng kalinisan? Ano ang mga dapat nating gawin upang maiwasan ang ganitong uri ng sakit? Dapat tayong mag-iingat at maging malinis sa ating kapaligiran upang makaiwas tayo sa mga ganitong sitwasyon. Integrasyon: ESP/MAPEH – Kalinisan / Health / Science B. Gawain: 1. Paglalahad: May kaugnayan diyan ang ating pag-aaralan ngayong araw na ito. Paano natin malalapatan ang Pangunahing Lunas sa mga nakagat ng Hayop at Insekto Panooring mabuti ang mga pamamaraan upang malunasan ang kagat ng mga hayop at mga insekto.

First Aid for Insect Bites (https://www.youtube.com/watch?v=brmaBdbMxdA) First Aid for animal Bites (https://www.youtube.com/results?searchquery=first+aid+for+animal+bites) 1.Ano ang ipinapakita sa unang video? Sa ikalawa? 2.Naranasan na ba ninyo ito? Kung oo , ano ang inyong ginawa? Kung hindi naman, alam ba ninyo ang inyong dapat gawin sa ganitong sitwasyon? Isa isang tatalakayin ang mga ito. Pangunang Lunas para sa mga karaniwang Pinsala at Kondisyon  Kagat ng Insekto/Insect bite  Kagat ng Hayop/Animal bite

2. Pangkatang Gawain: 1. Pagpapangkat sa mga bata sa tatlong pangkat. Ang bawat isa ay magkakaroon ng pangkatang – gawain. 2. Ipaalala sa mga bata ang mga pamantayan sa paggawa ng pangkatang gawain. 3. Ipaliwanag ang rubrik na gagamitin sa pagbibigay ng iskor sa pangkatang gawain.

Unang Pangkat: I Arte MO Sitwasyon: May alaga kayong ahas at ito’y biglang nakawala sa kulungan. nakalabas ito sa inyong bakuran, kung saan nandoon ang iyong mga kaibigan. Nagulat ang mga ito sa takot di nakaalis sa kanilang kinaroroonan at natuklaw ang isa sa kanila. Paano mo siya lalapatan ng paunang lunas? Ipakita ito. 

Mga kaibigan

 

Magulang Doctor

Ikalawang Pangkat: I Awit MO Bumuo ng awitin na nagpapahayag ng kahalagahan ng kaalaman sa wastong paglulunas sa mga nakaranas ng pagkakagat. Isulat ito sa manila paper at awitin sa klase

Ikatlong Pangkat: I Balita MO Magkakaroon naman ng Balitaan kung paano lalapatan ng pangunang lunas ang nasa sitwasyon. Sitwasyon: May isang pangkat na masayang namimitas ng bulaklak sa bakuran ng biglang may bubuyog na lumapit at isa sa kanila ay nakagat nito. C. Paghahalaw:

1. Paglalahat: Paano natin malulunasan ang kagat ng mga hayop? Insekto? Gaano kahalaga ang pagbibigay ng paunang lunas sa mga nakagat ng mga hayop at insekto? Bilang isang mag-aaral ano ang dapat mong gawin upang magkaroon ng sapat na kaalaman sa pagbibigay ng paunang lunas? IV.

Pagtataya: Gamit ang APPS na QUIZIZZ ay sasagutin ng mga bata ang mga sumusunod na tanong.

Basahin ang sumusunod na tanong at piliin ang titik ng tamang sagot. 1. Paano natin bibigyan ng pangunahing lunas ang nakagat ng aso? A. Linisan nang mabuti ang sugat gamit ang tubig at sabon.

B. Linisan nang mabuti gamit ang gamot na pula. C. Pabayaan na lamang at kusa naman itong gagaling. D. Dalhin sa pinakamalapit na paaralan upang magamot. 2. Ano ang dapat gawin sa natuklaw ng ahas kapag ito ay may sugat?

A. Talian ang sugat para hindi dumugo. B. Hayaan na lamang dumugo at titigil din ito C. Dalhin sa pinakamalapit na himpilan ng pulis. D. Pigain ang sugat o kaya ay sipsipin para mawala ang kamandag hanggat makakaya ng biktima. 3. Namimitas ng mga rosas sa hardin si Ana kasama ang kaniyang kapatid na si Rita. Biglang narinig ni Ana ang hagulhol ni Rita, nakagat pala ng bubuyog ang nakakabata niyang kapatid. Kung ikaw si Ana, paano mo sya lalapatan ng pangunang lunas ang iyong kapatid? A. Tatawag ako ng doktor. B. Dadalhin ko siya sa kanyang mga magulang. C. Tatalian ko ang bahaging nakagat ng insekto. D. Tatanggalin ang karayom sa pamamagitan nang marahang pagkayod sa balat ng kutsilyo, kuko, o matalas na bahagi ng isang bagay. 4. Sa hindi inaasahang pangyayari ay naapakan ni Lesli ang buntot ng kanyang alagang pusa.kaya siya nakagat nito at nagkaroon ng malaking sugat. Ano ang nararapat gawin sa kanya? A. Turukan agad ng anti-rabis kahit di pa nalilinis. B. Hugasan ng tubig at sabon saka dalhin sa doctor upang malapatan ng anti-rabis C. Hayaan lamang ito at kusa din na gagaling ang sugat. D. Wala sa mga nabanggit. 5.Alin sa mga sumusunod ang maaaring gamitin sa paghuhugas sa bahaging nakagat ng insekto? A. alcohol, suka, katas ng lemon o kalamansi B. alcohol, zonrox, gamot na pula C. mantika, alcohol, katas ng bulaklak D. alak, alcohol, shampoo at gatas

V.

Takdang Aralin:

Makipanayam sa mga “Health Workers” sa Sentrong Pangkalusugan ng barangay tungkol sa pagbibigay ng pangunang lunas sa nakagat ng lamok.

Isinumite ni: ALLAN C. PALECPEC Guro I Bancaan Elementary School...


Similar Free PDFs