GLOBALISASYON SA WIKANG FILIPINO BILANG HAMON SA PAGKATUTO NG MGA MAG-AARAL S PDF

Title GLOBALISASYON SA WIKANG FILIPINO BILANG HAMON SA PAGKATUTO NG MGA MAG-AARAL S
Author Jay Erosh Malapitan
Course Bachelor of Secondary Education
Institution Polytechnic University of the Philippines
Pages 103
File Size 1.6 MB
File Type PDF
Total Downloads 87
Total Views 152

Summary

GLOBALISASYON SA WIKANG FILIPINO BILANG HAMON SA PAGKATUTO NG MGA MAG-AARAL SA KURSONG BATSILYER SA EDUKASYONG PANSEKONDARYA MEDYOR SA FILIPINO
NG POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD
NG PILIPINAS – SANTA ROSA
KAMPUS
...


Description

1

GLOBALISASYON SA WIKANG FILIPINO BILANG HAMON SA PAGKATUTO NG MGA MAG-AARAL SA KURSONG BATSILYER SA EDUKASYONG PANSEKONDARYA MEDYOR SA FILIPINO NG POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS – SANTA ROSA KAMPUS

Isang Sulating Pananaliksik na Iniharap kay

G. Marion C. Laguerta Sabjek Faciliteytor

Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas Kolehiyong Artes at Literatura Kagawaran ng Filipinolohiya Sangay ng Santa Rosa -----------------------------------------------------------------------------------------------------------Bilang BahagingPagtupad Sa Pangangailangan sa Intelektwalisasyon ng Wikang Filipino

-----------------------------------------------------------------------------------------------------------Nina: Angel, Ranjel V. Baybayon, Mark Cannon, Christian P. Laplana, Reniel P. Malapitan, Jay Erosh D.

Oktubre 2019

DAHON NG PAGPAPATIBAY

Ang pananaliksik na ito ay pinamagatang “Globalisasyon ng Wikang Filipino Bilang Hamon sa Pagkatuto ng mga mag-aaral sa kursong Batsilyer sa Edukasyong Pansekondarya Medyor sa Filipino ng Politeknikong Unibersidad ng Piipinas – Santa Rosa Kampus“ na inihanda at iniharap nina Angel, Ranjel; Baybayon, Mark; Cannon, Christian; Laplana, Reniel; Malapitan, Jay Erosh Bilang bahagi ng pangangailangan sa pagtamo ng subjek na Intelektwalisasyon ng Wikang Filipino ay sinuri at itinagubilin na tanggapin at pagtibayin.

MARION C. LAGUERTA, MEM-MaEd Tagapayo

PANEL NG MGA TAGASURI Pinagtibay sa pamamagitan ng Lupong Pasalitang Pagsusuri na may marking _______.

LEO D. DIONEDA, LPT, MaEd Tagapangulo

FRAULO FER D. MARCELO, LPT, MaEd Miyembro

CHARITO A. MONTEMAYOR Direktor, Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas - Santa Rosa Kampus

PASASALAMAT Nagpasalamat ang mga mananaliksik sa pagbibigay ng pagkakataon na makagawa ng ganitong pananaliksik tungkol sa Wikang Filipino at Globalisasyon, ninanais ng mga mananaliksik na gamitin ang pagkakataong ito upang magpasalamat sa mga sumusunod: Sa kanilang minamahal na mga magulang, kapatid na palaging nariyan upang sila ay gabayan, ipagdasal at suportahan habang ginagawa ang pananaliksik na ito; Sa kanilang mga kaibigan na palaging nariyan upang sila ay pakinggan, bigyan ng payo, mga ideya at lakas ng loob na ang pananaliksik na ito ay kanilang mapagtatagumpayan; Sa kanilang guro Intelektwalisasyon ng Wikang Filipino na si G. Marion Laguerta, na nagbigay sa kanila ng pagkakataon upangmakagawa ng ganitong pananaliksik, sa pagbibigay ng suporta at pag-gabay, hindi lamang sa kanilang grupo ngunit pati na rin sa kanilang buong seksyon; Sa kanilang mga kamag-aral na palaging nariyan upang sumuporta sa hirap man o ginhawa; Sa mga mga mag-aaral ng sa Kursong Batsilyer sa Edukasyong Pansekondarya Medyor sa Filipino ng Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas – Santa Rosa Kampus na sumagot sa kanilang serbey.

Mga Mananaliksik

PAGHAHANDOG Inihahandog ng mga mananaliksik ang pananaliksik na ito sa kanilang mga magulang na walang sawa sa pag-suporta at pagmamahal; Sa kanilang mga kamag-aral na nagpapakadalubhasa sa Wikang Filipino at Edukasyon; Sa mga kapwa mananaliksik na patuloy na ginagamit ang kanilang karunungan para sa bayan; Sa mga guro na walang sawang ipinagpaptuloy ang kanilang propesyon sa ngalan ng kanilang pangako sa bayan at tawag ng tungkulin; At sa daratingpang mga henerasyon, patuoy nawa ninyong mahalin ang Wikang Filipino; at higit sa lahat, sa Panginoong Diyos na dahilan ng lahat ng pagpupunyaging ito.

Mga Mananaliksik

ABSTRAK Ang pananaliksik na ito ay naglayong bumuo ng isang ideya na magkaroon ng isang malalim na pag-aaral upang maunawaan at maipaliwanag ang mga epekto ng globalisasyon o internasyunalisasyon sa pag-unland at pagkatuto ng mga mag-aaral ng Batsilyer sa Edukasyong Pansekondarya Mayor sa Filipino ng Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas - Santa Rosa Kampus sa Wikang Filipino. Ito ay nagbigay kasagutan sa mga sumusunod na mga suliranin: (1) Ano ang Sosyo-Demograpik Profayl na mga Mag-aaral ng Batsileyer sa Edukasyong Pansekondarya Medyor sa Filipino ng Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas – Santa Rosa Kampus? (2) Paano nakakaapekto ang mga salik ng globalisasyon sa mentalidad ng mga mag-aaral ng BSE Filipino ng PUP-SRC? (3) Paano nakakaapekto ang globalisasyon sa pagkatuto ng mga mag-aaral ng BSE Filipino ng PUP-SRC hinggil sa Wikang Filipino? (4) May makabuluhang epekto ba ang sosyo-demograpik profayl ng mga respondente sa mga salik ng globalisasyon? (5) May makabuluhang epekto ba ang sosyo-demograpik profayl ng mga respondente sa pagkatuto ng mga respondent ng balarila at bokabularyo ng Wikang Filipino? Batay sa resultang nakalap ng mananaliksik, ang mga sumusunod na konklusyon ay nahinuha: (1) Napag-alaman ng mga mananaliksik na ang mga respondente ay nasa edad na 19 – 20 taon gulang na ang mayorya ay mga babae na nasa unang taon ng kanilang pag-aaral sa kolehiyo. (2) Lumalabas din na ang mga respondente ay naniniwalan na may kaugnayan ang globalisasyon

hinggil sa kanilang mentalidad at desisyon. Ang ugnayan ng kanilang bansa sa internasyunal at mga karatig bansa nito ay nakakaapekto sa kanilang persepsyon, paniniwala at pamumuhay sa aspekto ng pagkilala at palitan ng mga salik na kultural, politikal at ekonomical na binigyang daan ng bunga nito na naglalayong mapagaan ang buhay ng lahat, ang Teknolohiya. (3) Batay din sa resulta ng mga datos ay napatunayan ng mga mananaliksik na may epekto ngang tuwiran ang globalisasyon at internasyunalisasyon sa pag-unlad at pagkatuto ng mga respondente ng Wikang Filipino kaalinsabay sa kanilang eksposyur sa dayuhang mentalidad at paniniwala dahilan kung bakit sila hirap matutong pagyamanin ang kanilang kaalaman sa sariling wika. (4) Napatunayan din ng mga mananaliksik na ang edad ng mga respondente ay may epektong tuwiran sa kanilang mentalidad sa mga salik ng globalisasyon tulad ng ekonomiya at politika. Marahil ang mga respondente ay may napapanahon at bukas nang isipan hinggil sa mga isyung may kinalaman sa internasyunalisasyon ng politika sa edad na mayoryang edad ng mga respondent, 19-20 taong gulang. Sa kabilang banda, ang edad ng mga respondente ay walang kaugnayan sa salik ng kultura at teknolohiya sa globlisasyon. Lumalabas

din

na

may

makabuluhang kaugnayan ang kasarian sa mga saik ng globalisasyon hinggil sa aspekto ng politika at teknolohiya. Karamihan sa mga respondente ay mga kababaihan, kaya’t ito ay nangangahulugan na mas apektado ang mga ito sa sa internasyumalisasyon ng nasabing mga salik. Ngunit sa kabilang banda, lunmalabas na ang kasarian ng mga respondente ay walang makabuluhang kaugnayan sa internasyunalisasyon ng teknolohiya at kultura. Sa kabilang

banda, ang Kultura, Teknolohiya at Politika ay walang makabuluhang kaugnayan sa taon ng mga respondent sa kolehiyo, ito ay indikasyon na ang mga respondente ay bagamat apektado ng globalisasyon, ang taon nila sa kolehiyo ay hindi nakakaapekto upang ito ay magkaroon ng kaugnayan sa eksposyur at mentalidad nila sa internasyunalisasyon. Habang ang Ekonomiyang salik naman ay apektado sa kadahilanang maaring ito ay kasulukuyang natatalakay sa eskwela sa una at ikalawang taon ng kanilang pag-aaral sa kursong Batsilyer sa Edukasyong Pansekondarya Medyor sa Filipino ng Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas – Santa Rosa Kampus. (5) Napatunayan din na walang makabuluhang epekto ang edad ng mga respondente sa pagkatuto ng balarila. Habang lumalabas naman na may makabuluhang epekto ang edad ng respondente sa pagkatuto ng bokabularyo. Lumalabas din na may makabuluhang epekto ang kasarian ng mga respondente sa pagkatuto ng balarila at bokabularyo. Napatunayan din na may makabuluhang epekto ang taon sa kolehiyo ng mga respondente sa pagkatuto ng balarila. Habang lumalbas naman na walang makabuluhang epekto ang taon sa kolehiyo ng respondente sa pagkatuto ng bokabularyo.

TALAAN NG NILALAMAN Preliminaris

Pahina

Pamagat …………………………………………………… Dahon ng Pagpapatibay …………………………………………… Pasasalamat ……………………………………………………. Paghahandog ……………………………………………………. Riserts Abstrak ……………………………………………………. Talaan ng Nilalaman ……………………………………………. Talaan ng Talahanayan ……………………………………………. Talaan ng Figyur …………………………………………….

i ii iii iv v vii x xii

KABANATA 1

ANG SULIRANIN AT KALIGIRAN NITO Panimula …………………………….. 1 Kaligiran ng Pananliksik …………………………….. 3 Batayang Teoretikal …………………………….. 5 Batayang Konseptuwal …………………………….. 6 Paradima ng Pag-aaral …………………………….. 6 Paglalahad ng Suliranin …………………………….. 8 Haypotesis …………………………….. 9 Kahalagahan ng Pag-aaral …………………………….. 9 Saklaw at Hangganan ng Pag-aaral …………………….. 11 Katuturan ng Katawagan …………………………….. 11

2

KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG-AARAL Kaugnay na Literatura …………………………….. 13 Kaugnay na Pag-aaral …………………………….. 17 Sintesis …………………………….. 21 Kahalagahan at Kaugnayan ng Pag-aaral sa Kasalukuyang Pag-aaral …………………. 23

3

METODOLOHIYA NG PANANALIKSIK Disenyo ng Pag-aaral …………………………….. 25 Populasyon at PagpilingTagatugon …………………….. 25 Instrumento ng Pananaliksik …………………………….. 26 Prosidyur at Hakbang sa Pangangalap ng Datos ………...27 Istatistikal na Pagsusuri sa Datos …………………………….. 28

4

PRESENTASYON, ANALISIS AT INTERPRETASYON NG MGA DATOS …………………………….. 30

5

PAGLALAGOM, KONKLUSYON AT REKOMENDASYON Paglalagom Konklusyon Rekomendasyon

………………………………. 58 ………………………………. 64 ………………………………. 66

BIBLIOGRAPIYA

………………………………. 69

Apendices Apendix A (Liham sa Punungguro) Apendix B (Talatanungan)

……………. 70 ……………. 71

Apendix C (Liham ng Balidasyon) ……………. 75 Apendix D (Estatistisyang Sertipkiasyon) ……………. 78 Apendix D (Curriculum Vitae) ……………. 79

10

Talaan ng Talahanayan Talahanayan

Pahina

1

Distribusyon ng Frequency at Porsiyento ng …………………… 30 Edad ng mga Respondente

2

Distribusyon ng Frequency at Porsiyento ng …………………… 30 Kasarian ng mga Respondente

3

Distribusyon ng Frequency at Porsiyento ng …………………… 31 Kasarian ng mga Respondente

4

Epekto ng Kultural na Salik ng Globalisasyon …………………… 32 Kasarian ng mga Respondente sa Mentalidad ng mga Mag-aaral Batsilyer sa Edukasyong Pansekondarya Medyor sa Filipino ng Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas – Santa Rosa Kampus

5

Epekto ng ng Globalisasyon sa Salik ng …………………… 35 Ekonomiya sa Mentalidad ng mga Mag-aaral Sa Batsilyer sa Edukasyong Pansekondarya Medyor sa Filipino ng Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas – Santa Rosa Kampus

6

Epekto ng ng Globalisasyon sa Salik ng Teknolohiya sa Mentalidad ng mga Mag-aaral Batsilyer sa Edukasyong Pansekondarya Medyor sa Filipino ng Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas – Santa Rosa Kampus

7

Epekto ng ng Globalisasyon sa Salik ng …………………… 38 Politika sa Mentalidad ng mga Mag-aaral Batsilyer sa Edukasyong Pansekondarya Medyor sa Filipino ng Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas – Santa Rosa Kampus

8

Buod Epekto ng Epekto ng mga Salik ng …………………… 43 Globalisasyon sa Mentalidad ng mga Mag-aaral sa Batsilyer sa Edukasyong Pansekondarya Medyor sa Filipino ng Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas – Santa Rosa Kampus

…………………… 36

11

9

Epekto ng Epekto Globalisasyon sa Pagkatuto …………… 44 ng Balarila Filipino ng mga Mag-aaral sa Batsilyer sa Edukasyong Pansekondarya Medyor sa Filipino ng Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas – Santa Rosa Kampus

10

Epekto ng Epekto Globalisasyon sa Pagkatuto ng Bokabularyo Filipino ng mga Mag-aaral sa Batsilyer sa Edukasyong Pansekondarya Medyor sa Filipino ng Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas – Santa Rosa Kampus

11

Buod ng Epekto Globalisasyon sa Pagkatuto ng …………… 49 mga Mag-aaral ng Batsilyer sa Edukasyong Pansekondarya Medyor sa Filipinong Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas – Santa Rosa Kampus Higgil sa Wikang Filipino

12

Kaugnayan ng Edad ng mga Respondente sa Mga Salik ng Globalisasyon

…………… 50

13

Kaugnayan ng Kasarian ng mga Respondente sa Mga Salik ng Globalisasyon

…………… 51

14

Kaugnayan ng Taon sa Kolehiyo ng mga Respondente sa Mga Salik ng Globalisasyon

…………… 53

15

Kaugnayan ng Edad sa Pagkatuto ng mga …………… 54 Respondente ng Balarila at Bokabularyong Filipino

16

Kaugnayan ng Kasarian sa Pagkatuto ng …………… 55 mga Respondente ng Balarila at Bokabularyong Filipino

17

Kaugnayan ng Taon sa Kolehiyo sa Pagkatuto …………… 56 ng mga Respondente ng Balarila at Bokabularyong Filipino

…………… 46

12

Talaan ng Figyur Talahanayan 1

Paradima ng Pag-aaral

Pahina ………………………………

7

13

Kabanata 1 ANG SULIRANIN AT ANG KALIGIRAN NITO Sa kabanatang ito tinalakay ng mga mananaliksik ang kanilang rasyonale at suliranin ng ng pag-aaral upang mabigyang kalinawan ang kanilang hangarin. Dito rin binigyang linaw ang kanilang batayang teoretikal bilang kanilang gabay at pundasyon sa kanilang pananaliksik. Panimula Ang bansang Pilipinas ay patuloy na sumasabay sa agos ng pagbabago hinggil sa napakaraming aspekto katulad ng sa wika. Kapansin-pansin na sa kasalukuyang panahon, sa pag-usbong ng ideya ng Globalisasyon ay tunay na ngang malayo na ang narating nito. Ang Wikang Filipino rin ay humarap na sa iba’t ibang hamon magmula pa ng pasukin ng mga dayuhan ang pamumuhay ng mga

Katutubong

Pilipino

at

maimpluwensyahan

sila

sa

napakaraming

kaparaanan upang ang kanilang mga kinagsinan tulad ng kultura at tradisyon ay mapalitan at magbago. Ayon sa depinisyon ni Croucher (2004), Ang Globalisasyon ay ang kaparaanan kung paano nagiging global o pangbuong mundo ang mga lokal o pambansang gawi. Ito ay nakatuon sa ekonomiya, kalakalan, teknolohiya at pulitika at bilang resulta ay nagkakaroon ng isang unibersal ng wika, ang “ingles”. Sa tulong ng Globalisasyon, gamit ang mga makabagong teknolohiya ay nagagawa ng wika na mas mapaglagom pa ang saklaw nito. Ang “internet” na nagbigay daan sa global na komunikasyon na kahit ang mga magkalayo ay may

14

kakayahan pa rin na magkaroon ng midyum upang mapaglapit at mapadali ang kanilang komunikasyon. Sa paggamit ng “social media” na dulot ng interaksyon sa modernong kaparaanan ay maraming mga salita ang mga nabuo, nahiram at nauso mula sa iba’t ibang mga bansa na nag-bunga ng mga malilikhaing ideya. At sa pamamagitan ng mga biyayang ito ng globalisasyon ay patuloy na nag-iiba ang mukha ng Wikang Filipino. Ang bansang Pilipinas rin sa aspektong ekonomiya at industriya ay hindi rin nakaligtas sa layunin ng globalisasyon na nagdulot ng pagkakaroon ng pagkakaintindihan tuwing makikipagkalakalan at makikipag-ugnayan ang mga ito na dahilan upang mabuo ang ideya ng “lingua franca” o wika na ginagamit ng dalawa o higit pang mga tao na magkaiba ang pangunahing wika (Oxford Dictionary, 2015). Ito ay nagagamit halimbawa sa transaksyon ng kanilang mensahe hinggil sa pakikipagkalakalan na salik din upang mapataas ang ekonomiya ng isang bansa. Kabilang din ang Bilingualismo at Multilingualismo sa bunga ng globalisasyon sapagkat nagkakaroon ng ugnayan ang bawat bansa kaya’t ang mga Pilipino ay nakikiangkop sa sitwasyon upang makasabay sa agos ng ganitong kaisipan. Ayon sa 2001 Rebisyon ng Alpabeto at Patnubay ng Ispeling ng Wikang Filipino na naglalayong magdagdag ng titik/letra C, F, J, N, Q, V, X at Z. Ang mga ito ay nakatulong nang malaki sa pagsasalin upang magkaroon ng sariling bersyon ang ating wika kung ang mga salitang dayuhan ay hihiramin o ibabaybay sa wikang Filipino. Sa katunayan, dahil sa globalisasyon at pagkakaroon ng unibersal na wika ay hindi naging hadlang ang pagkakaiba-iba ng wika upang maiangkop ito at magamit ng nakararami sa pakikipagtalastasan.

15

Maraming bunga rin ang globalisasyon pagdating sa mga aspektong pagusbong ng bagong wika at gamit ng balarila nito sa makabagong paraan kaya’t hindi maiwasan ang pagkakaroon ng kaguluhan at kamangmangan sa paggamit nito. Kaya’t ang mga mananaliksik ay nakabuo ng isang konsepto na magkaroon ng isang malalim na pag-aaral upang maunawaan at maipaliwanag ang mga epekto ng globalisasyon o internasyunalisasyon sa pag-unland at pagkatuto ng mga mag-aaral ng Batsilyer sa Edukasyong Pansekondarya Mayor sa Filipino ng Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas - Santa Rosa Kampus sa Wikang Filipino. Kaligirang Pangkasaysayan Bahagi ng pananalakay ng Globalisasyon ayon kay Lumbera (2003) ay ang panghihimasok ng World Trade Organization sa edukasyon. Ang reporma ng kurikulum na sinimulan sa pang-akademyang taong ito ng Departamento ng Edukasyon

ay

malinaw

globalisasyon. Tumutugon

na ang

tinabas

upang

Basic

isunod Education

sa

padrong Curriculum

sa pangangailangan ng mga lipunang maunlad ang mga industriya at teknolohiya para sa mga taong marunong bumasa ng instruksiyon at sumunod dito upang ang assembly line ay maayos na mapakilos. Dahil isinaayos ng ating gobyerno ang sistema ng edukasyon upang makapagpalitaw ng mga kabataang marunong ng simpleng Ingles, ng simpleng pagkukwenta, at ng simpleng siyensiya, halos itinalaga na nito ang darating na mga henerasyon ng kabataang Filipino sa pagiging manggagawang ang lakas at talino ay pagsasamantalahan ng mga dayuhang empresa dito sa PIlipinas at maging sa labas ng bansa.

16

Nakatinda na ngayon ang sambayanang Filipino sa eksploytasyon ng kapitalismong global. Ang teritoryo natin ay binubuksan ng ating gobyerno sa mga empresang multinasyonal, at ang mga kabataan ay ipinapain sa kulturang nagpapalabo sa mga tradisyong kanilang kinagisnan. Ang kulturang ito na itinuturing na global ay humihimok sa mga itong hubarin ng kabataan ang kanilang identidad bilang mamamayan ng kanilang tinubuang lupa. Sa maikling salita, ibinalik na tayo ng kapitalismong global sa yugto ng kolonyal na pagkasakop. Ayon sa pag-aaral na isinagawa ng Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas na pinamagatang “Bisig” noong 2015. Ang pagtutol ng ilan sa pagpapanatili ng Filipino sa kolehiyo ay isang manipestasyon ng kamalayang hinubog ng kolonyal na kasaysayan. Ang pananakop ng mga dayuhang kolonyalista noon hanggang sa kasalukuyang internasyunalisayon ay talagang bumuo na ng isang mentalidad patungkol sa kung paano tinitignan ng mga Pilipino ang ating sarili bilang nakakababa at pumapailalim. Kaya’t nakabuo ng ideya ang mga mananaiksik na pag-aaralan at magkaroon ng isang mas malalim na pag-unawa hingil sa napapanahong kinakaharap ng mga mag-aaral ng Batsilyer sa Edukasyong Pansekondarya Medyor sa Filipino ng Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas hinggil sa mga hamon ng salik globalisasyon sa pagkatuto at kanilang pag-aaral sa Wikang Filipino.

17

Batayang Teoretikal Ang pananaliksik na ito ay nakatuon sa Acculturation Model ni John Schumann noong 1978. Ipinaliwanag sa teyoryang ito ang kaparaanan ng pagkatuto ng isang indibidwal ng banyagang wika batay sa pakikiayon nito sa kaniyang bagong kapaligiran o lipunang kinabibilangan. Ang pagtatamo ng ikalawang wika ay direktang nakasentro sa acculturation process o ang sosyal, sikolohikal at kultural na pakikibagay ng isang tao sa bagong lipunang kaniyang nakakasalamuha. Ito ay nagaganap sa kadahilanang nakikisama at iniaangkop ng isang indibidwal ang kaniyang sariling paniniwala sa banyagang komunidad na kaniyang nakikilala na naguudyok upang ito ay tangkilikin, gayahin at gamitin. Ayon kay Schumann, ang teyoryang ito ay may dalawang (2) salik, ang So...


Similar Free PDFs