Repleksyon dos - Reflection PDF

Title Repleksyon dos - Reflection
Author Jane Angelou Laborera
Course tourism
Institution Lyceum of the Philippines University
Pages 2
File Size 39.3 KB
File Type PDF
Total Downloads 81
Total Views 181

Summary

Ang pantikan ay mahalaga sa ating mga buhay dahil ito ang naglalarawan sa mga karanasan, kultura, at tradisyon ng mga sinaunang Pilipino. Maaari nating pag-aralan ang mga pangyayari sa ating kasaysayan at magamit ang mga aral sa kasalukuyang buhay natin. Dahil sa panitikan, ang mga tao ay nabibigyan...


Description

Ang pantikan ay mahalaga sa ating mga buhay dahil ito ang naglalarawan sa mga karanasan, kultura, at tradisyon ng mga sinaunang Pilipino. Maaari nating pag-aralan ang mga pangyayari sa ating kasaysayan at magamit ang mga aral sa kasalukuyang buhay natin. Dahil sa panitikan, ang mga tao ay nabibigyan ng tulay sa nakaraan na maaari ring isalamin sa kasalukuyang panahon. Kaya, mas maiintindihan natin ang ating kultura at tradisyon at mas mabibigyan ito nang halaga. Subalit gaano pa ngA ba napapahalagahan ng social media ang literatura sa panahon ng katutubo? Tila’y hindi kapani-paniwala ang mabilis na paglaganap ng ating teknolohiya kung saan naiimpluwensyahan rin ng social media ang mga kabataan sa kasalukuyang henerasyon. Dahil sa panahon natin ngayon, hindi na gaanong napapahalagahan ang literatura sa panahon ng katutubo dahil sa panibagong aspekto ng teknolohiya at internet. Ngunit makikita naman natin sa kasalukuyan na sumasabay ang panitikan sa modernisasiyon ng mundo. Ang modernisasiyon na ito ang nagluwal sa mga makabagong pamamaraan at anyo ng pagtula, pagkukuwento at iba pang anyo ng panitikan. Malaki ang tulong ng panibagong teknolohiya sa panahon ngayon, mas naging malapit o accessible ang mga akda, tula at sulatin ng mga manunulat sa maraming mambabasa. Katulad na lamang ng mga kuwento na makikita natin sa wattpad na kalaunan inilimbag bilang mga aklat. Sa Pinterest naman na ginawang litrato ang isang akda o tula. Nariyan ang mga social networking site na nagsisilbing plataporma ng mga manunulat. Dahil sa tulong ng teknolohiya napapadali natin lahat ng ating asignatura o proyekto. Napapadali natin ang lahat sa tulong ng teknolohiya at internet. Ngunit ang tanong, Sapat nga ba ang lahat na ito? Hindi tayo nakatitiyak kung may kalidad na pampanitikan ang mga akdang binabasa natin sa internet lalo na sa social media halimbawa na dito ay Pinterest na kung saan doon namin kinuha ang aming litrato para sa proyektong ito. Hindi lahat ng ating mababasa o makikita sa social media ay katotohanan sapagkat taliwas na ang mga impormasyong mali mali o walang katutohanan. Tayo ay naaliw sa pagbabasa ng ganitong mga akda, ng mga hugot at mga bidyong may musika, ngunit mulat nga ba tayo sa makulay at

malawak na kasaysayan ng panitikang Filipino? Internet ang dahilan kung bakit nawawalan tayo ng interes lalo na ang mga kabataan ngayon sa ganitong panitikan dahil mas nahuhumaling tayong mambabasa ngayon sa mga banyagang akda at ibang anyo ng panitikan. Kaakit akit nga ba ang panibang teknolohiya? Dahil dito hindi na natin napapahalagahan ang literatura sa panahon ng katutubo. Tayo ay nawili na sa makulay na internet. At hindi natin namalayan na mas may katutohanan ang literatura noong panahon ng katutubo. Ating tandaan na ang panitikan sa panahon ng katutubo ay dapat patuloy paring pinayayabong ginagamit at pinauunlad ng mamamayan. Ang wikang Filipino at panitikan ay mga sandata sa pagtataguyod ng katotohanan at katuwiran, lalo na sa panahon ng kasinungalingan, kawalan ng katarungan, at krisis panlipunan. Higit sa lahat, ang panitikan ay mahalaga sa ating buhay dahil ito ay sumasalamin sa ating mga emosyon na kadalasan hindi nating maaaring malabas o ipalabas. Kaya naman, bilang miyembro ng lipunan, tayo ay dapat nag-iisa sa pagpapahalaga ng panitikan....


Similar Free PDFs