Sinerhiyang Gobyerno-Lipunang Sibil sa DSWD: Isang Pagtatasang Habermasian PDF

Title Sinerhiyang Gobyerno-Lipunang Sibil sa DSWD: Isang Pagtatasang Habermasian
Author Francisco B Bautista
Pages 318
File Size 3.4 MB
File Type PDF
Total Downloads 31
Total Views 174

Summary

SINERHIYANG GOBYERNO—LIPUNANG SIBIL SA DSWD Isang Pagtatasang Habermasian FRANCISCO B. BAUTISTA, JR. Master ng Arte sa Araling Pilipino Kolehiyo ng Arte at Literatura Unibersidad ng Pilipinas Diliman i ABSTRAK BAUTISTA, FRANCISCO JR. BLANCA “Sinerhiyang Gobyerno–Lipunang Sibil sa DSWD: Isang Pagtata...


Description

SINERHIYANG GOBYERNO—LIPUNANG SIBIL SA DSWD Isang Pagtatasang Habermasian

FRANCISCO B. BAUTISTA, JR.

Master ng Arte sa Araling Pilipino

Kolehiyo ng Arte at Literatura Unibersidad ng Pilipinas Diliman

i ABSTRAK

BAUTISTA, FRANCISCO JR. BLANCA “Sinerhiyang Gobyerno–Lipunang Sibil sa DSWD: Isang Pagtatasang Habermasian.” Tesis ng MA. Unibersidad ng Pilipinas Diliman, 2020.

Ang pag-aaral na ito ay isang pagsisiyasat sa deliberatibong gawi sa loob ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) para tumalab sa mga panlipunang aktor at kilusan. Bilang institusyon ng pamahalaan na nagsisilbing instrumentalidad para sa promosyon ng mga mahihirap at marhinalisado, taglay ng nasabing ahensya ang inaasahang rekurso para maitaguyod ang konstitusyonal na komitment ng bansa sa pagpapaunlad at promosyon ng lipunang sibil at katarungang panlipunan. Kung gayon, may taya ang mga mamamayan para mapatingkad ang malikhaing potensya ng bawat miyembro ng pamayanang politikal na mag-ambag sa pagpapatuloy ng demokratikong naratibo. Ang diwa ng isang “lipunang sibil” na nakapaloob sa Konstitusyong 1987 ay mahigpit na nakakabit sa programatikong esensya ng DSWD bilang kasangkapan ng estado.

May apat na eryang tinukoy para sa pagtatasa: (1) regulasyon ng mga organisasyong nakatuon sa pagpapaunlad at kagalingang panlipunan, (2) paglalatag ng mga lehislatibong adyenda, (3) implementasyon ng mga programang pangkaunlaran, at (4) debolusyon ng serbisyong pangkaunlaran sa mga pamahalaang lokal. Napili ang apat na erya sapagkat klaro na ito ang mga mandato kung saan direktang nakikipagugnayan ang DSWD sa iba’t ibang kilusan at samahang di-panggobyerno. Gamit ang lenteng Habermasian at ang balangkas ng Diskursibong Institusyonalismo, sinikap na mabigyang-linaw ang transformasyon ng mga namamayaning diskurso at dinamikong interaksyon ng mga panlipunang aktor sa DSWD sa iba’t ibang antas ng polisiya. Sumasangguni ang pagsusuri ng transformasyon sa mga nangyayaring tensyon habang hinahanapan ng balidad ang mga probisyon ng batas: ang inaasahang kaukulang implementasyon ng mga naturang garantiya.

Dalawang uri ng balidad ang sinisipat. Ang internal na balidad ay may pagsipat sa mga pagsasalin ng mandato ng DSWD para maging polisiyang administratibo, habang ang external na balidad ay ang pagsulit sa implementasyon ng mga polisiya at programa, kung maihahalaw ba pabalik sa diwa ng mandato ng DSWD at konstitusyonal na komitment.

Sa internal na antas, natagpuang nangyayari ang mga balintuna mula sa mga paggawad ng mga probisyon ng karapatan hanggang sa paglalapat ng administratibong kaayusan para sa aktwal na implementasyon. Ang burukrasya ay nagmistulang sonang krusyal bilang tagapagmasahe ng relasyon sa

ii pagitan ng estado at lipunan. Kumakabit ang estado sa lipunan sa pamamaraang parehong pumapaloob at tumatagos sa mga pormal na aparatong burukratiko. Sa paglalatag ng salalayan sa teknikal na paggabay ng DSWD, ang inaasahang kompromiso sa mga nagtatalong prinsipyo sa saysay ng lipunang sibil ay ang untiunting pag-iimpok ng gobyerno sa mga samahan ng mga panggobyernong pagpapahalaga. Ang transformasyon ng koordinatibong diskursong namamayani sa pagfoformuleyt ng mga kaakibat na proseso sa DSWD ay may kinalaman sa pamomroblema ukol sa (1) paano madedesentralisa ang paggogobyerno ng estadong nasanay sa konsentradong kapangyarihan ng administratibong sentro at (2) paano matitimon ang mga isteykholder o maytaya sa pamamagitan ng pag-asisteng teknikal. Koordinatibo ang diskurso sapagkat nangyari ang paggawad ng mga internal na proseso sa loob ng saradong deliberasyon ng sangay na ehekutibo, labas sa pampublikong pag-usisa.

Sa pagsusuri ng external na balidad sa aktwal na implementasyon ng polisiya, ipinakitang ikinokonsidera ng mga koordinatibong tangka ang mga diskurso hinggil sa ‘pagkapertinente’, ‘aplikabilidad’, at ‘kaangkupan’ ng mga panukatan para makapasok ang lipunang sibil sa lunan ng paggogobyerno o para mabigyan ito ng legal na rekognisyon. Samakatwid, umiinog ang diskurso sa tanong na paano malilimitahan at maililinya ang adyenda ng mga umiiral na kilusan para maging extensyon ng gawain ng gobyerno. Halimbawa, sa arena ng partnersyip sa mga grupong sibiko, preokupado ang gobyernong maximahin ang taya ng lipunang sibil sa pamamagitan ng mga pinahusay na mekanismo nang sa gayon ay maabot ang pinakamalaking ganansya sa mga sineserbisyuhang indibidwal, pamilya, at komunidad ng estado. Ang sinusundang takdang panukatan ng regulasyon ay may pagpapalagay na mainam ang mga ito para maabot ang kaiga-igayang epekto sa mga marhinalisado.

Sa paglalagom, pinapangatwiranan ang pangangailangang madekolonya ang lipunang sibil kung nais nitong labanan ang kolonisasyon ng ekonomiya at kapangyarihang politikal na pangunahing expektasyon mula rito bilang pangatlong pwersang panlipunan. Isa pang malaking hamon ay ang kasalukuyang kaayusang politikal na siyang sagka para tunay na makabuo ng aktibong lipunang sibil mula sa masang nakikinabang sa mga programang pangkaunlaran ng gobyerno. Kahit pa hinahainan ang mga marhinalisado ng pagsasanay sa aktibong pagkamamamayan, lubhang limitado ang kapaligirang institusyonal para lumaro sila sa pagbasag sa patronahe na isang malaking sagka sa inklusibong kaunlaran. Bagaman pangkaraniwang tugon ang teoryang Habermasian sa mga debate ukol sa puwang ng lipunang sibil sa pagbubuo ng konsensus, sa katunayan ay marhinal at parokyal pa rin ang mga samahan at kilusan ng lipunang sibil sa Pilipinas. Kahit pa isinasagawa nito ang iba’t ibang proyektong sosyo-ekonomiko, wala silang kalaban-laban sa harap ng mga pambansa at pandaigdigang estruktura.

iii ABSTRACT IN ENGLISH

BAUTISTA, FRANCISCO JR. BLANCA “Government—Civil Society Synergies in Philippine Social Welfare and Development: A Habermasian Assessment.” MA Thesis. University of the Philippines Diliman, 2020.

This research mainly analyzes the character of deliberative institutions within the Department of Social Welfare and Development (DSWD) in ensuring that social actors and movements remain to have a stake in governance. As the executive-level agency of the Philippines mandated to promote the welfare of the poor and marginalized, it had been bestowed with the resources favorable in pursuing the country’s constitutional commitment for social welfare as well as the promotion of civil society. This recognizes the role of citizens in enhancing their own potential as members of the political community who continue to carry on with the country’s democratic and constitutional narrative. Hence, the idea of a functioning “civil society” contained in the 1987 Philippine Constitution is intrinsic to the programmatic role of the DSWD as an instrumentality of the state.

Four areas were identified in this assessment: (1) the regulation of organized groups and associations that are primarily preoccupied with social welfare and development, (2) the identification of legislative agenda for social welfare and development, (3) the implementation of social welfare and development programs, and (4) the devolution of social services formerly lodged on the DSWD and were transferred to local government units. The four areas were chosen because these constitute the programmatic logic of DSWD in dealing with civil society organizations and movements. The Habermasian perspective was employed alongside the conceptual framework of Discursive Institutionalism to explain the transformation of dominant discourses and the dynamic interaction of social actors that affect and respond to DSWD at different levels of policy development and implementation. In analyzing such transformations, it was found that the attempt to ensure the continued validity of constitutional rhetoric in actual practice is fraught with tensions.

Two types of constitutional validity were assessed. The law is internally valid when legal provisions are faithfully articulated as administrative policy of the DSWD, while on the other hand, it is externally valid only when society continues to observe the spirit of the law at the level of actual policy and program implementation.

iv At the internal level, several contradictions emerge in the formation of administrative structures to implement the bill of rights enshrined in the Constitution. The bureaucracy had become a crucial arena in maneuvering the relationship between state and society. The state attaches to society in a manner that accesses formal bureaucratic structures. In designing a basis for DSWD’s technical assistance, the intended compromise between conflicting appreciations on the role of civil society is attained by investing on civil society groups to permit a unified understanding of what governance is all about. The transformation of dominant coordinative discourse in formulating bureaucratic processes takes into consideration (1) how governance can be decentralized by a state that is traditionally accustomed to a concentrated power at the center and (2) how stakeholders can be steered to act on a certain behavior through government technical assistance. Discourse is predominantly coordinative because internal processes relative to stimulating partnership and engagement were formulated at closed deliberative venues by bureaucrats, with minimal participation of the public.

In analyzing the external validity of actual policy implementation, it was found that coordinative efforts were pursued allowing for discourses that consider the ‘relevance’, ‘applicability’, and ‘suitability’ of the adopted measures on the engagement of civil society groups in governance or the provision of a legal environment allowing for such engagement. Therefore, the discourse revolves around the question of how the state can limit or harmonize the agenda of civic movements so as to make them an extension of the government’s own development thrusts. For instance, in the arena of partnership, the government provides an enabling mechanism that maximizes the stake of civic groups in stimulating the effect of development programs to beneficiary individuals, families, and communities. The regulatory measures are meant to provide an enabling environment that ensures that the desired benefits for the marginalized are being realized.

The section of conclusion articulates the need to decolonize civil society if it is to counteract the continued colonization of both economic and political spheres as the third estate of society. The present political structure is another significant hurdle in creating an active segment of civil society out of the mass of beneficiaries who gain from the state’s development interventions. While the marginalized are capacitated to become active citizens, the institutional environment greatly limits their political participation to challenge the culture of political patronage, which is a serious obstacle to inclusive development. Despite major strides, civil society groups and movements in the Philippines remain marginal and parochial, thereby rendering the Habermasian theory problematic when applied to debates related to the role of civil society in reaching a democratic consensus. These groups remain vulnerable in the face of national and global structures.

v PASASALAMAT

Ang pananaliksik na ito ay hindi isahang pagsisikap. Una akong nagpapasalamat sa Policy Development and Planning Bureau (PDPB) ng DSWD na nakatulong nang malaki para mailapit ako sa iba’t ibang tanggapan ng ahensya na pinanggalingan ng mga panayam. Lubos din ang aking pasasalamat sa mga naintervyung indibidwal mula Kalahi-CIDSS NPMO, Pantawid Pamilyang Pilipino Program NPMO, Sustainable Livelihood Program NPMO, at Department Legislative Liaison Office – mga opisina sa loob ng Departamento – gayundin kina Sir Joselito Rodriguez ng Enrique Zobel Foundation at Ma’am Pura Sumangil ng Concerned Citizens of Abra for Good Governance, at sa mga party-list na Akbayan, Bayan Muna, at Gabriela. Malaki rin ang naging ambag ni dating Direktor Roy Calfoforo na bukod na pumayag na aking makapanayam ay inirefer sa akin ang mga bibong nanay na sina Jeana Catacio at Juliet Logan ng Samahan ng Nagkakaisang Pamilya ng Pantawid para maisalaysay ang kanilang makulay na karanasan sa pangangampanya para sa CCT Law.

Hindi maisasakatuparan ang layon ko na masulit pa ang mga lunan ng demokrasya sa sinerhiya kung hindi dahil kay Gelbert Ancheta at mga kasamahan niya na pumayag isagawa ko ang focus group interview at non-participant observation sa mga benefisyaryo ng Kalahi-CIDSS sa Barangay Tamac sa Villaviciosa, Abra. Marami akong natutunan mula sa pagbisitang ito na nagpatingkad pa sa aking mga datos. Si Ma’am Decimia Cabang naman ng Provincial Social Welfare and Development Office ng lalawigan ng Abra ay naging mapagbigay sa paglalahad niya ng perspektiba ukol sa relasyon ng pambansa at lokal na gobyerno sa kagalingang panlipunan at pagpapaunlad.

Sa mga boss at kasamahan ko sa Standards Bureau, maraming salamat sa pasensya at pag-unawa habang isinasagawa itong pag-aaral. Bagaman ilang araw din akong lumiban sa trabaho para sa fildwurk, patuloy kayong sumuporta sa aking pangarap. Partikular ang aking pasasalamat kina Ma’am Marites M. Maristela, Ma’am Cynthia V. Ilano, at Ma’am Anna Maria Alexa G. Ledesma. Sa mga naging kaibigan ko at nakasama sa DSWD, kasama kayo sa tagumpay na ito: Marianathe Kay Misa, Jenny Olfindo, Hebe Valerio, Patricia Joven, Lourdes Manahan, Kristina Marie Aguilar, Kristine Calalang, Joel Avellano, Llaniesel Cuntapay, Joana Marie Antonio, Paula Apines, JP Habana, Jhohanna Advincula Acebes. Gayundin sa una kong boss na si Ma’am Angelita Gregorio-Medel na nagbigay ng idea sa akin na ituloy ang tema ng aking pag-aaral para makapag-ambag sa pananaliksik ukol sa DSWD, maraming salamat po!

Hindi rin matatawaran ang intelektwal na ambag ng mga panelist sa depensa ng proposal maging sa final na panel evaluation: Prof. Zosimo Lee, Prof. Melanie M. Leaño, Prof. Ramon Guillermo, Prof.

vi Sharon Briones. Sa aking tagapayo na si Prof. Alwin Aguirre, lubos kong ipinagpapasalamat ang walang sawa ninyong pagbibigay ng mungkahi para mabalanse ang pangangailangang maitawid ang papel sa depensa gayundin ang sustantibong aspekto ng pagsusuri. Nakarating na tayo sa huling bahagi ng paglalakbay na ito.

Kay Leny Molos, mag-aaral ng BA Communication Research mula Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas (PUP), naging madali ang aking pagsusulat dahil sa suporta mo at ng mga kaklase mo sa pageenkowd sa rekording ng mga panayam. Natutuwa akong nabanggit mo sa akin na marami kang natutunan sa mga panayam na magagamit mo rin sa sarili mong karera.

Bago ko makalimutan, maraming salamat din kay Fr. Serg Kabamalan, CJM, lokal na superyor ng mga paring Eudist sa Pilipinas, sa pagpayag na manatili ako sa Holy Family Retreat House sa Taytay, Rizal para isagawa ang huling bahagi ng pagsulat ng mga kabanata. Kay Ate Bing Manalo rin na umasikaso sa akin para komportable akong makapagsulat nang walang istorbo habang humahanga sa magandang tanawin ng kanilang fasilidad. Sana ay makabalik ako sa mga susunod pang proyekto. Pati sa kaibigan kong si Jasmin Pagdanganan, salamat sa pag-anyaya sa akin na manatili sa inyong tahanan para meron akong moral support habang ginagawa ang panghuling rebisyon.

Panghuli, sa inang bayan, ang rason kaya ko naisipang maging lingkod-bayan. Ang pampublikong edukasyong natanggap ko mula sa pinakamababang baitang hanggang paaralang gradwado ay sapat na para ialay ko ang kaunting panahon para gumawa ng saliksik na may direktang ambag sa iyong pag-iral.

vii

TALAAN NG NILALAMAN Abstrak ......................................................................................................................................................... i Pasasalamat ................................................................................................................................................. v Talaan ng nilalaman ................................................................................................................................. vii Talaan ng akronim..................................................................................................................................... xi 1. Pambungad .............................................................................................................................................. 1 1.1. Demokrasya at katarungang panlipunan sa komplexidad ............................................................... 1 1.2. Mga tensyon sa modernidad ............................................................................................................ 3 1.2.1. Faktisidad at balidad: kontradiksyon sa demokratikong mundo .............................................. 4 1.2.2. Larong pangwika at diskurso sa paglulutas ng tensyon ........................................................... 5 1.3. DSWD, lipunang sibil, at instrumentalismo ................................................................................... 7 1.4. Lipunang sibil bilang ikatlong sektor sa demokratikong sistema ................................................... 8 1.5. Sinerhiyang gobyerno—lipunang sibil: instrumentasyon at puwang ng emansipasyon .............. 11 1.6. Tunguhin ng pag-aaral .................................................................................................................. 14 1.7. Halaga ng pag-aaral ...................................................................................................................... 17 1.8. Metodolohiya ................................................................................................................................ 22 1.8.1. Balangkas konseptwal ............................................................................................................ 25 1.8.1. Konsiderasyong etikal ............................................................................................................ 33 2. Sandigang teoretikal ............................................................................................................................. 36 2.1. Mga hinagap ukol sa katarungan ................................................................................................... 36 2.2. Mainam na demokrasya ayon kay Habermas ............................................................................... 38 2.3. Tensyon sa faktisidad at balidad ................................................................................................... 41 2.4. Ang lohika ng deliberatibong demokrasya ................................................................................... 45 2.4.1. Deliberasyon at katarungang panlipunan ............................................................................... 52 2.4. Modernismo ng pampublikong administrasyon at lipunang sibil ................................................. 56 2.6. Lipunang sibil: lunan ng pagtatalaban .......................................................................................... 59 3. Revyu ng kaugnay na literatura ......................................................................................................... 63 3.1. Lipunang sibil at aktibong pagkamamamayan ............................................................................. 63 3.2. Panlipunang pangangapital sa kontexto ng pagpapaunlad ........................................................... 68 3.3. Tiwala, pagnenetwork, at inklusibismo ........................................................................................ 72 3.4. Panlipunang kaunlaran at demokratisasyon sa mga umuunlad na bansa ...................................... 77

viii 3.5. Dagok ng neoliberalismo sa komunikatibong lagusan .................................................................. 81 3.6. Sinerhiyang gobyerno—lipunang sibil sa Pilipinas: Tungo sa repormang panlipunan? .............. 84 3.8. Mga hamon sa proseso ng pakikipagpalitan ................................................................................. 93 4. Internal na balidad: Mga normatibong salal...


Similar Free PDFs