Ang Konsepto ng Pagpaparaya para sa Panganay na Anak sa Isang Pamilyang Pilipino PDF

Title Ang Konsepto ng Pagpaparaya para sa Panganay na Anak sa Isang Pamilyang Pilipino
Author Khrizelle Carillo
Pages 307
File Size 1.5 MB
File Type PDF
Total Downloads 6
Total Views 451

Summary

Running head: ANG KONSEPTO NG PAGPAPARAYA NG PANGANAY NA ANAK Ang Konsepto ng Pagpaparaya ng Panganay na Anak Isang Pananaliksik na Iniharap sa Programang Sikolohiya ng Unibersidad ng Pilipinas Clarkfield, Pampanga Sa Pambahaging Pagtupad ng mga Kailangan para sa Degree of Bachelor Arts Major in App...


Description

Running head: ANG KONSEPTO NG PAGPAPARAYA NG PANGANAY NA ANAK

Ang Konsepto ng Pagpaparaya ng Panganay na Anak

Isang Pananaliksik na Iniharap sa Programang Sikolohiya ng Unibersidad ng Pilipinas Clarkfield, Pampanga

Sa Pambahaging Pagtupad ng mga Kailangan para sa Degree of Bachelor Arts Major in Applied Psychology

Ni Khrizelle Valenzuela Carillo 2016

ANG KONSEPTO NG PAGPAPARAYA NG PANGANAY NA ANAK

UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES DILIMAN EXTENSION PROGRAM IN PAMPANGA

Approval Sheet

This thesis entitled “Ang Konsepto ng Pagpaparaya ng Panganay na Anak” prepared and submitted by Khrizelle V. Carillo has been approved and accepted as partial fulfilment of the requirements for the degree Bachelor of Arts in Applied Psychology.

Approved by the faculty of the B.A. Applied Psychology program this 4th day of June 2016.

Prof. Rosanne Galvez-Echivarre

Prof. Philip Manuelson Arandia

Prof. Eden Hulipas-Terol

Prof. Cristabel Fagela-Tiangco

Prof. Bryan Q. Engay

ANG KONSEPTO NG PAGPAPARAYA NG PANGANAY NA ANAK

iii

Abstrak Ang pag-aaral na ito ay tungkol sa karanasan ng pagpaparaya para sa panganay na anak. Tinatalakay sa pananaliksik na ito ang depinisyon ng pagpaparaya, mga karaniwang ipinagparaya o ipinagpaparaya ng panganay, ang mga dahilan sa pagpaparaya, pananaw at damdamin tungkol dito, mabubuti at masasamang epekto sa sariling buhay ng panganay na nagpaparaya, mabubuti at masasamang epekto ng pagpaparaya ng panganay sa kanyang kapatid at magulang, at ang pagpaparaya sa labas ng konteksto ng pamilya. Ang pag-aaral na ito ay binubuo ng 22 na kababaihan at apat na kalalakihan na nasa edad 40 hanggang 63. Ang pagaaral ay isinaagawa sa Pampanga at Bulacan. Sa pamamagitan ng Pagpaparaya Scale, ang 44 na panganay na nagsagot ng nasabing iskala ay nasala at mula sa mga ito ay may natukoy na mga high-scorers at low-scorers. Ang sampung low-scorers ay sumailalim sa pakikipanayam habang ang 16 na high-scorers ay isinailalim sa pakikipanayam at pakikipagkwentuhan. Ang mga datos na nakalap ay isinailalim sa Thematic Content Analysis. Ayon sa resulta ng pananaliksik, ang pagpaparaya ay positibong ugali na pangkaraniwan na ipinapakita ng panganay sa pamilya. Ang pagiging mapagparaya ng panganay ay bunga ng ekspektasyon ng mga magulang o kaya ng sariling pag-ako ng obligasyon bilang siya ang panganay sa pamilya. Mas malakas ang impluwensya ng kahirapan kaysa sa laki ng pamilya sa pagiging mapagparaya ng mga panganay kung kaya dahil sa kahirapan ay kahit ang sariling ambisyon ay nagagawang ipagparaya para sa pamilya. Ang ipinagpaparaya ay karaniwan na materyal na bagay tulad ng pera ngunit may aspeto rin ito na pandamdamin at pangkabatiran tulad ng pagpapatawad at pagpapasensya.

Keywords: pagpaparaya, panganay, pakikipanayam, pakikipagkwentuhan

ANG KONSEPTO NG PAGPAPARAYA NG PANGANAY NA ANAK

iv

Talaan ng Nilalaman ABSTRAK ..................................................................................................................................... iii LISTAHAN NG MGA TALAHANAYAN.................................................................................. vii LISTAHAN NG MGA PIGURA................................................................................................. viii PAGKILALA ................................................................................................................................. ix KABANATA 1- PANIMULA .........................................................................................................1 Panimula ...................................................................................................................................1 Layunin ng Pananaliksik ..........................................................................................................3 Paglalahad ng Suliranin ............................................................................................................4 Kahalagahan ng Pananaliksik ...................................................................................................5 Sakop at Delimitasyon ..............................................................................................................6 KABANATA 2- PAGSUSURI NG KAUGNAY NA PANITIKAN ..............................................7 Mapa ng Konsepto ..................................................................................................................17 KABANATA 3- METODO NG PANANALIKSIK .....................................................................19 Disenyo ng Pananaliksik ........................................................................................................19 Sampling .................................................................................................................................19 Mga Kalahok ..........................................................................................................................20 Instrumento .............................................................................................................................20 Pamamaraan ..........................................................................................................................23 Pagsusuri ng Datos .................................................................................................................24

ANG KONSEPTO NG PAGPAPARAYA NG PANGANAY NA ANAK

v

Ethical Considerations ...........................................................................................................25 KABANATA 4- RESULTA ..........................................................................................................26 Descriptive Statistics ..............................................................................................................26 Pagsusuri ng mga Tema (Content Analyses) ..........................................................................33 Depinisyon ng Pagpaparaya ...............................................................................................34 Mga Ipinagparaya/Ipinagpaparaya.....................................................................................36 Dahilan sa Pagpaparaya .....................................................................................................41 Paraan ng Pagpaparaya ......................................................................................................45 Damdamin Tungkol sa Pagpaparaya .................................................................................50 Pananaw Tungkol sa Pagpaparaya .....................................................................................52 Mabuting Epekto sa Sariling Buhay ..................................................................................55 Masamang Epekto sa Sariling Buhay ................................................................................57 Mabuting Epekto sa Kapatid at Magulang.........................................................................59 Masamang Epekto sa Kapatid at Magulang.......................................................................60 KABANATA 5- DISKUSYON .....................................................................................................63 Depinisyon ng Pagpaparaya .......................................................................................................63 Mga Ipinagparaya/Ipinagpaparaya .............................................................................................66 Dahilan sa Pagpaparaya .............................................................................................................78 Paraan ng Pagpaparaya...............................................................................................................87 Damdamin Tungkol sa Pagpaparaya ..........................................................................................92

ANG KONSEPTO NG PAGPAPARAYA NG PANGANAY NA ANAK

vi

Pananaw Tungkol sa Pagpaparaya .............................................................................................97 Mabuting Epekto sa Sariling Buhay.........................................................................................103 Masamang Epekto sa Sariling Buhay.......................................................................................106 Mabuting Epekto sa Kapatid at Magulang ...............................................................................107 Masamang Epekto sa Kapatid at Magulang .............................................................................109 Pagpaparaya sa Labas ng Konteksto ng Pamilya .....................................................................110 KABANATA 6- KONKLUSYON AT REKOMENDASYON ..................................................114 SANGGUNIAN ...........................................................................................................................118 APENDIKS ..................................................................................................................................121 A. Informed Consent Form ..................................................................................................121 B. Personal na Impormasyon ng Kalahok at ng Kanyang Pamilya .....................................122 C. Pagpaparaya Scale ..........................................................................................................124 D. Iskor sa Pagpaparaya Scale .............................................................................................126 E. Gabay sa Pakikipanayam ................................................................................................128 F. Gabay sa Pakikipagkwentuhan ........................................................................................129 G. Mga Transkrip ng Pakikipanayam at Pakikipagkwentuhan sa mga Kalahok ..................130 H. Impormasyon Tungkol sa Mananaliksik ..........................................................................298

ANG KONSEPTO NG PAGPAPARAYA NG PANGANAY NA ANAK

vii

Listahan ng mga Talahanayan Talahanayan 1. Batayan ng Iskor sa Pagpaparaya Scale ..............................................................23 Talahanayan 2. DemograpikongImpormasyon ng mga Kalahok Ayon sa Pangkat ng Edad .......27 Talahanayan 3. Demograpikong Impormasyon ng mga Kalahok Ayon sa Civil Status, Relihiyon, Trabaho at Educational Attainment ..............................................................................................28 Talahanayan 4. Trabaho ng mga High-scorers at Trabaho ng Kanilang mga Magulang Noon ...29 Talahanayan 5. Trabaho ng mga Low-scorers at Trabaho ng Kanilang mga Magulang Noon ....30 Talahanayan 6. Demograpikong Impormasyon Tungkol sa Bilang ng mga Kapatid ...................31 Talahanayan 7. Bilang ng mga High-scorers at Low-scorers Ayon sa Kasarian ..........................32 Talahanayan 8. Depinisyon ng Pagpaparaya ................................................................................34 Talahanayan 9. Mga pinagparaya/ipinagpaparaya ........................................................................36 Talahanayan 10. Dahilan sa pagpaparaya .....................................................................................41 Talahanayan 11. Paraan ng Pagpaparaya ......................................................................................45 Talahanayan 12. Damdamin tungkol sa pagpaparaya ...................................................................50 Talahanayan 13. Pananaw tungkol sa pagpaparaya ......................................................................52 Talahanayan 14. Mabuting epekto sa sariling buhay ....................................................................55 Talahanayan 15. Masamang epekto sa sariling buhay ..................................................................57 Talahanayan 16. Mabuting epekto sa kapatid at magulang ..........................................................59 Talahanayan 17. Masamang epekto sa kapatid at magulang ........................................................60

ANG KONSEPTO NG PAGPAPARAYA NG PANGANAY NA ANAK

viii

Listahan ng mga Pigura Pigura 1. Mapa ng Konsepto .........................................................................................................18 Pigura 2. Histogram na nagpapakita ng distribusyon ng edad ng mga kalahok ...........................27 Pigura 3. Distribusyon ng mga iskor ng 44 panganay na nagsagot ng Pagpaparaya Scale ...........32 Pigura 4. Distribusyon ng mga iskor ng tinaguriang high-scorers at low-scorers. .......................33

ANG KONSEPTO NG PAGPAPARAYA NG PANGANAY NA ANAK

ix

Pagkilala Isang taos-pusong pasasalamat at pagpupugay sa mga sumusunod na tumulong upang makumpleto ang pananaliksik na ito:

Sa 44 na panganay na naglaan ng kanilang oras para sa pagsagot sa Pagpaparaya Scale at pakikipanayam;

Sa 16 na high-scorers na pumayag na makipagkwentuhan sa akin tungkol sa kanilang personal na buhay kahit na ako ay hamak na estranghero lamang;

Sa aking tiya, si Tita Cristy, sa pagsama sa akin upang gugulin an gaming baryo upang makahanap ng mga panganay kahit kami ay nasa ilalim ng tirik na tirik na araw;

Sa aking mga propesor, Prof. Cristabel Tiangco, Prof. Rosanne Echivarre, Prof. Eden Terol, at Prof. Philip Arandia para sa makabuluhan na mga payo para sa ikagaganda ng pananaliksik na ito;

Sa aking tagapayo, Prof. Bryan Engay, sa pagiging pasensyoso sa aking pangungulit at sa pagbabahagi ng kanyang kaalaman sa Sikolohiyang Pilipino upang mapaunlad ang pag-aaral na ito; at

Sa aking mga magulang, mga kapatid, at mga malalapit na kaibigan na

sumuporta sa akin

sa kasagsagan ng pananaliksik hanggang sa pagtatapos nito.

Maraming, maraming salamat. Ang lahat ng ito ay hindi magbubunga kung hindi dahil sa inyo.

ANG KONSEPTO NG PAGPAPARAYA NG PANGANAY NA ANAK

1

Kabanata 1: Panimula Ang Konsepto ng Pagpaparaya para sa Panganay na Anak sa Isang Pamilyang Pilipino Ang pagpaparaya ay katangian, kaugalian, o aksyon na maaaring makita sa pang-arawaraw. Kahit sa maliliit na paraan lamang tulad ng pagpaparaya sa pagkain, pagpaparaya sa tumatawid na tao sa kalsada, pagpaparaya sa pila, pagpaparaya sa maluwag na upuan sa dyip hanggang sa malakihang pagpaparaya tulad ng pagpaparaya sa pag-aaral para sa mga kapatid, pagpaparaya para sa pagtatrabaho upang masustentuhan ang pangangailangan ng pamilya, at pagpaparaya sa pagmamahal sa kaibigan. Tunay na maituturing na ang pagpaparaya ay isang konsepto at ugaling kadalasan ay positibo datapwa’t iba-iba man ang motibo at dahilan sa pagsasagawa nito. Ang ibig sabihin ng pagpaparaya ay pagsasakripisyo ng pansariling kagustuhan (Rungduin & Rungduin, 2013). Sa wikang Ingles naman, ang direktang pagsasalin ng salitang pagpaparaya ay tolerance (Pinoy Dictionary, 2010). Ayon sa Oxford English Dictionary (2010), ang tolerance ay: The ability or willingness to tolerate the existence of opinions or behaviour that one dislikes or disagrees with. Ang salitang tolerance ay hindi sapat na pagsasalin sa salitang pagpaparaya sapagkat hindi nito na lubusang nailalarawan ang salitang pagpaparaya. Ayon rin sa resulta ng pag-aaral na ito, ang tolerance ay isa lamang sa mga aspeto at pamamaraan ng pagpaparaya. Ang pagpaparaya ay nahahawig sa terminong prosocial behavior na ang ibig sabihin ay ugali na kung saan mas iniisip ang kabutihan ng ibang tao kaysa sa sarili (De Leon, 2012). Dahil sa pagkakapareho ng depinisyon ng dalawa, maituturing na ang pagpaparaya ay isang prosocial behavior. Isa sa mga kinikilalang katangian ng lipunang Pilipino ay ang pagkakaroon ng strong family ties o mahigpit na pagkakabuklod-buklod ng pamilya (Chico, 2012). At mas mahigpit ang

ANG KONSEPTO NG PAGPAPARAYA NG PANGANAY NA ANAK

2

pagkakabuklod-buklod na ito kung malaki ang isang pamilya (Alesina & Giuliano, 2007). Dahil sa strong family ties, halimbawa na lamang sa aspeto ng kita, ang kita ng isang miyembro sa pamilya ay hindi lamang para matustusan ang sariling pangangailangan kundi, para matustusan ang pangangailangan ng buong pamilya (Stoodley, 1957). Hindi maituturing na bago sa lipunang Pilipino ang salitang breadwinner. Ang pagiging breadwinner ng pamilya ay isa sa maraming paraan kung saan maipapakita ang pagpaparaya sapagkat dito, hindi lamang ang paghihirap sa trabaho ang ipinagpaparaya kundi maging ang perang pinagkakitaan sa pagtatrabaho. Ayon sa mga pag-aaral (Sacristan, n.d.; Stoodley, 1957) at pati na rin sa obserbasyon ng mananaliksik, ang karaniwang breadwinner sa pamilya kung hindi ang mga magulang, ay ang panganay na anak. Hindi natatapos ang pagiging breadwinner ng pamilya kahit ang kanyang mga kapatid ay may kakayahan ng magtrabaho para sa sarili. Dahil sa bigat ng responsibilidad at obligasyon sa pamilya na kaakibat ng pagiging panganay, sa mga panganay pinaniniwalaang pinaka-akmang pag-aralang ang konsepto ng pagpaparaya sa pamilyang Pilipino. Katunayan, sinasabing mas mataas ang ekspektasyon ng mga magulang sa mga panganay na anak lalong-lalo na tungkol sa pagbabahagi sa mga kapatid (de Guzman, Do, & Kok, 2014). Ang mga panganay ang siyang karaniwang pinaniniwalaan ng mga magulang na mag-aahon sa kanilang pamilya sa kahirapan. Sinasabing sila rin ang karaniwang inaasahan ng mga magulang na magtataguyod sa pamilya, kabilang na ang pagpapaaral sa kanyang mga kapatid (Stoodley, 1957). Alinsunod sa mga nabanggit na responsibilidad at obligasyon ng mga panganay na nasusulat sa mga literatura na nagpapakita ng pagpaparaya partikular na ng mga panganay gayundin ang kanilang responsibilidad sa pamilya, ang pananaliksik na ito ay isinagawa upang masuri sa mas malalim na lebel ang konsepto ng pagpaparaya sa konteksto ng pagiging panganay

ANG KONSEPTO NG PAGPAPARAYA NG PANGANAY NA ANAK

3

sa isang pamilya. Ang mga kalahok sa pag-aaral ay mga panganay na nasa edad 40 pataas na may isa o higit pang bilang nga mga kapatid. Ito ang sakop ng edad na napili ng mananaliksik ukol sa kanyang mga kalahok dahil ang pananaliksik ay may retrospektib at pangkasalukuyang pananaw. Makikita rin sa resulta na maraming karanasan na naibahagi ang mga kalahok tungkol sa kanilang pamumuhay bilang bata, sa kanilang pamumuhay kasama ang kanilang pamilya, mga karanasan noon at ngayon bilang isang panganay, at mga karanasan kung saan siya ay nagparaya o nagpaparaya para sa magulang o/at kapatid. Ang mga impormasyon at detalye tungkol sa mga ito ay maibabahagi lamang ng isang taong sinubok na ng panahon at marami nang napagdaanan. Kaunti pa lamang ang pag-aaral sa konsepto ng pagpaparaya sa kulturang Pilipino at lalong-lalo na sa konteksto ng konseptong ito sa mga panganay. Ang pag-aaral na ito ay makadaragdag sa kaalaman at pag-aaral sa Sikolohiyang Pilipino. Malaki ang gampanin ng pamilya bilang pundasyon ng lipunan at bilang maimpluwensyang bahagi ng paghubog sa isang indibidwal. Ang pag-aaral na ito ay makapag-aambag din ng kaalaman tungkol sa dinamika ng pamilyang Pilipino at sa kulturang nakapaloob dito. Layunin ng Pananaliksik Ang pangunahing layunin ng pananaliksik na ito ay mapag-aralan ang konsepto ng pagpaparaya sa konteksto ng pagiging panganay na anak sa pamilya at matukoy ang mga karaniwang karanasan ng isang panganay at ng kanyang pamilya. Bukod dito, ang mga sumusunod ay ang mga karagdagang layunin ng pananaliksik na ito: 

malaman kung ano ang depinisyon o kahulugan ng pagpaparaya para sa mga panganay na anak;

ANG KONSEPTO NG PAGPAPARAYA NG PANGANAY NA ANAK 

4

malaman ang mga bagay na karaniwang ipinagparaya o ipinagpaparaya ng mga panganay;





malaman ang mga dahilan ng pagpaparaya ng panganay; matuklasan ang mga paraan ng pagpaparaya na naranasan at ginawa ng mga panganay para sa kanilang kapatid...


Similar Free PDFs